webnovel

chapter 22

samantala isang abalang umaga ang gumulat kay jean dahil biglang dumating ang kanyang asawang si bert sa bahay na kanyang kinakasamang sa si guyong. nagulat silang lahat dahil nagiskandalo ito doon na pinagmulan ng gulo. " pwede ba albert umalis kana... matagal na tayong hiwalay" ani ni jean.. "kahit na ano pang sabihin mo asawa parin kita" wika ni albert. " asawa nalang kita sa papel pero sa isip at puso ko... patay kana " wika ni jean. " aba... matapang ka na ngayon ha... bakit may ipinagmamalaki ka na ba ha... sino... yang asawa mong!! mula doon ay napa hinto sa pagsasalita si albert ng narinig nya ang isang boses. " ako... pwede ba kuya albert tumigil kana" wika ni fella bago nagulat ang lahat nang sya ay naroroon. "fella bat ka bumalik" wika ni jane. " kuya sabi ko umalis kana" wika ni fella bago lapitan si albert. " kinukunsinte mo pa talaga yang malandi mong ate" wika ni albert bago sya sampalin ni fella. " wala kang karapatan na magsalita ng ganyan sa ate" wika ni fella. "anong wala.....asawa ko sya at kasal kami" wika ni albert. "asawa!!! naririnig mo ba ang sinasabi mo.. ilang taon mo syang niluluko at sinasaktan.. ganon ba dapat ang ginagawa sa asawa..ang tagal na panahon na nagdudusa sya..ang tagal na panahon na hinihintay nya na magbago ka dahil ayaw nyang masira ang inyong pamilya. ang tagal na panahon nyang nagtiis...habang ikaw napapakasasa ka sa ibang babae..ganon ba ang dapat ginagawa sa asawa. ito ang tatandaan mo.. wag na wag kanang babalik dito.. dahil sa oras na malaman ko na na bumalik ka pa dito hindi ako mag dadalawang isip na sabihin sa pamilya ko ang lahat ng kahayupang ginawa mo sa ate" galit na wika ni fella bago umalis si albert.

sa sala kung saan nakaupo si jane at fella ay marahang pumasok si guyong. "nakakaisturbo ba ko" tanong ni guyong . " hindi naman. sagot ni fella bago umupo si guyong" amm.. fella... gusto ko sanang humingi ng pasensya sa mg mga nangyayari..gusto ko rin na mag pasalamat sayo dahil sa ginawa mo kanina..fella... malinis ang intesyon ko sa ate mo mahal na mahal ko sya.. at wala ako pakiaalam sa sasabihin ng ibang tao" wika ni guyong. " alam ko...at naiintindihan ko...oo mali....mali ang relasyon na meron kayo.. pero diba...mas mali na habang buhay na magdusa ang ate sa piling ni kuya bert.. mahal na mahal ko ang ate ko... at na niniwala ako.. na mahal mo rin sya katulad ng pagmamahal ng ate ko sayo. wag kayong mag alala may kakilala akong abugado... magpapatulong tayo para mapawalang bisa na ang kasal nyo" wika ni fella bago sya pasalamatan ni guyong. " fella diba sabi sa isang araw ka pa uuwe" tanong ni jane. " oo" sagot ni fella. " nako sakto... pyesta pa naman dito bukas.. maki pyesta tayo sa bayan" masayang wika ni jean. "oo tama para maranasan mo rin kung gaano kasaya ang pyesta dito" wika ni guyong.