webnovel

chapter 11

marahil ay nagtataka kayo kung ano nga ba ang totoo nangyari kung ano nga ba ang totong kwento. sino nga ba talaga si juancho at sino nga ba sya sa buhay ni fella. ito.... para mas maintindigan nyo. ibalik natin ang oras, ibalik natin ang nangyari. ibalik natin ang mga sandaling magkasama si alex at fella habang papunta pa lamang sila sa la union.

mula nga pangasinan ay dali daling tinungo nila alex at fella ang la union na hindi na man syang plano nila.. ngunit gayon pa man ay pinagbigyan nalang ni alex ang kaibigan. halos mag aapat na oras ang lumipas mula dagupan ay narating nga nila ang san juan launion nang ikaapat ng hapon. " madam sessy.. gumising kana dyan..nandito na po tayo sa launion....hiyang hiya naman ako sayo tinulugan mo lang ako"wika ni alex. " ang bilis naman natin" wika ni fella matapos magising. "so ano na anong gagawin natin dito" asar na taong ni alex. " ang kulit mo naman eh.. diba nga sabi ko sayo pupuntahan natin dito ang boyfriend ko"wika ni fella "

boyfriend hoy sessy are you crazy.. ipapaalala ko lang ha..wala kang boyfriend ok" sagot ni alex. kaya agad na silang bumaba.. at tumuloy sa isang hotel. matapos iyon at agad silang naglakad lakad . " alam mo sessy di ko alam kung pagsisisihan ko na sumama ako sayo dito ha" wika ni alex bago dumating ang isang lalaki. " hi mam baka gusto nyo pong mag surfing mura lang po" wika ng isang lalaki. " ay sorry kuya salamat nalang po" sagot ni fella bago sya kalabitin ni alex. " fella.. tignan mo ung lalaking yun oh.. napapansin ko kanina pa sya tingin ng tingin sayo..ayon oh" wika ni alex bago ituro ang lalalki. nang tignan ni fella ang lalaking tinutukoy ni alex ay nahiya ang lalaki at tumingin sa iba. matangkad,may sunog na balat maganda ang hubog ng pangangatawan at gwapo. bagay na pumasok sa isip ni fella ng makita nya ang lalaki iyon. maya maya napansin ni fella na parang kahit saan sila mag punta ni alex ay sinusundan sila ng lalaking iyon na laging nakatingin sa kanya. kinagabihan sa isang kainan matapos nilang kumain ay napansin nanaman ni fella na naroon nanaman ang lalaking kanina pa sumisunod sa kanila. kaya agad na nagtago si fella. "sinusundan mo ba kami" wika ni fella na lumabas mula sa kanyang pinagtataguan na kinagulat ng lalaki. " ha... hindi ha.. nag tratrabaho kase ako dito.. baka nagkakataon lang" tangi ng lalaki. e ung mga patingin tingin mo sa kaibigan ko nagkataon di ba yun" wika ni alex. " ha... ako tinitignan ko sya.. hindi ha" tangi ulit ng lalaki. " ang ganon eh ano to!" wika ni alex sabay nilabas ang cellphone na may mga picture ng lalaki habangg nakatingin kay fella. "ayan.. nagkataon din ba yan" wika ni alex. " teka .. teka lang ha..una sa lahat di ko alam yan..tyaka burahin mo na nga yan.. sige na sige.. titigilan ko na kayo" wika ng lalaki. " siguraduhin mo lang dahil kung hindi ipapapulis ka namin" wika ni alex bagong umalis ang lalaki.

sa isang maliit na cottage ay mag isang nagmumuni muni si fella. habang umiinum ng beer. "delikado yang ginawa mo mag isa kang umiinum." wika ng isang lalaki na labas mula sa likuran ni fella. " ikaw nanaman"wika ni fella nang makita ang lalaki. "relax wag kang mag alala di kita lalapitan dito lang ako sa malayo.. bakit ba kase nag iisa ka nasa ba ung kasama mo" tanong ng lalaki