webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · Geral
Classificações insuficientes
213 Chs

Pagbabago

"Hindi ako aalis dito dahil hindi pa ako tapos!"

Ito ang sagot ni Edmund sa manager ng pilitin syang paalisin.

Nababasa nya ang gusto nitong mangyari. Kailangan nyang unahin ang reputasyon ng restaurant bago ang mga nagkasala dahil kasiraan ito pag kumalat.

Hindi sya papayag na maiwan si Nicole sa mga walang pusong taong ito!

Sa ngayon hindi pa nila alam na magkakilala sila Edmund at Nicole. Marahil akala ng mga nanduon ay naawa lang sya kaya pinagtatanggol nya si Nicole.

At maaring hindi rin pinaalam ni Nicole sa kanila ang totoong pagkatao nito.

Sumeryoso ang manager. Kailangan nyang mapaalis agad ang taong ito sa restaurant.

Manager: "Sa pagkakaintindi ko hindi mo naman nakain ang binigay sa'yo hindi ba? Kaya masasabing wala pang pananagutan ang restaurant sa'yo!"

Edmund: "Maaring sa akin wala pero sa ibang tao na ginawan nyo nun meron!"

Napipikon na ang manager.

Manager: "Wala pa ring ebidensya magpapatunay dito kaya mas mabuting umalis ka na lang at ako ng bahala dito!"

Sabay senyas sa waiter na palabasin na si Edmund.

Edmund: "Hindi! Hindi ako aalis dito hanggat hindi sya kasama!"

Waiter: "Pwede ba tama na yan at sumama ka na lang!"

Pero hindi pa rin tumayo si Edmund at prinotektahan lang si Nicole.

Nang tumawag ng guwardya ang manager saka lang ito tumayo para labanan sila at maprotektahan si Nicole.

Manager: "Ano ba? Yan lang hindi nyo pa mapalabas! Kaladkarin nyo na dali!"

Naiirita sabi nya sa mga tauhan.

Sabay sabay silang umatake kay Edmund at hinihila siya palabas habang hinawakan naman ng manager si Nicole ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang mga armadong kalalakihan.

Nagulat ang lahat maliban kay Edmund.

"Bitiwan nyo sya!"

Wala silang nagawa kundi bitiwan si Edmund.

"Okey ka lang Sir?"

Edmund: "Okey lang Major, salamat!"

Kinuha nya si Nicole na takot na takot dahil ayaw syang bitiwan ng manager.

Hindi inaasahan ni Edmund na papupuntahin mismo ng Lolo nya ang inaanak nya pero natuwa ito mukhang alam ng Lolo nya ang sitwasyon na pinasukan nya.

Sinabi ni Edmund kay Major lahat ng nangyari.

Major: "Wag kang magalala Sir ako ng bahala dito! Sisiguraduhin kong mananagot ang mga taong ito!"

Nicole: "Major, meron po akong video sa ginawa ng cook!"

Ito ang gustong sabihin ni Nicole kanina sa manager pero hindi nya sinabi dahil naputol ng magsalita agad ang manager.

Wala syang ebidensya na ginawa ng cook sa pagkain ni Edmund pero may ebidensya sya na ginawa nya yun sa iba.

Major: "Wag kayong magalala sisiguraduhin kong hindi na makakapagbukas ang restaurant na ito at titiyakin kong hindi na makakapagluto ulit ang cook na iyon!"

Edmund: "Salamat Major!"

At kinuha nya ang kamay ni Nicole at umalis na sa lugar na iyon.

Nanlumo naman ang manager sa nadinig.

Dahil sa hindi pa nakain si Edmund, isinama sya ni Nicole sa malapit na fast food chain.

Edmund: "Anong nangyari sa'yo at bat ka nagtatrabaho duon?"

Nicole: "Mahabang istorya, pero kung paiiksiin ko, naglayas ako dahil ayaw kong mag stay sa Zurgau at hinahanap ko si Ate! May balita ka ba sa kanya?"

Edmund: "Sabi ni Ate Isabel, nagaaral sya sa ibang bansa!"

Natuwa si Nicole sa nadinig. matagal na syang nanabik sa ate nya at ito ang unang beses na may nadinig syang balita tungkol dito. Naalala nya ang ama.

Nicole: "Alam na kaya ni Papa ang tungkol dito?"

Edmund: "Malamang nasabi na rin ni Ate Isabel!"

Edmund: "Nagiba ka!"

Kanina pa gustong sabihin ni Edmund ito kay Nicole.

Wala na ang pagiging spoiled brat nito at malaki talaga ang pinagbago.

Edmund: "Hindi ko alam kung ano ang pinagdaanan mo nitong mga nakaraan buwan pero natutuwa ako sa malaking pinagbago mo!"

Nicole: "Salamat!"

Nahihiya nitong sabi.

Edmund: "Tiyak matutuwa ang ate mo pagnalaman yan!"

Nicole: "Edmund... may gusto ka ba sa ate ko?"

Tumango si Edmund at saka ngumiti.

Edmund: "Hindi naman kasi mahirap mahalin ang ate mo, tanga nga lang ako at hindi ko agad pinansin ito!"

Ngumiti si Nicole dahil totoong madaling mahalin ang ate nya, likas kasi ang kabutihan nito. Pero may kirot sa puso syang naramdaman ng marinig ito.

Malaki man ang pinagbago nya pero hindi ang pag ibig nya sa lalaking ito.

Nicole: "Yung tungkol sa nangyari nuon..... Gusto ko sanang humingi ng sorry sa lahat ng ginawa ko!"

Buong pakumbaba nitong sabi.

Edmund: "Tapos na iyon, ang mahalaga ay may natutunan tayo sa nangyaring iyon!"

*****

Hindi muna umuwi si Nicole pagkatapos nilang maghiwalay ni Edmund.

Nagbakasakali itong magkahanap ng trabaho pero wala syang nakita. Naisipan nyang umuwi na lang dahil pagod na sya at gutom pa. Kaya ng magawi sa isang prutasan, naisipan nitong bumili ng saging.

Nicole: "Magkano po dito sa saging Ale?"

"Trenta ang kilo Ineng,

sige pumili ka na dyan Ineng!"

Sagot ng ale.

Napansin ni Nicole na hirap na hirap ang ale na maghahakot ng paninda. Pabalik balik ito at pagkatapos ay isa isa pa nyang sinasalansan ang mga ito.

Napansin ito ng ale at nginitian sya.

"Magisa lang kasi ako kaya inayos ko na ito para pagbukas ko ng umaga nakaayos na!"

"Nakakataranta kasi pag sa umaga ko pa aayusin maraming namimili, hindi ako magkanda ugaga!"

Sabay abot ng saging.

Nicole: "E, bakit po hindi kayo kumuha ng makakatulong?"

"Ay naku, dati akong meron pero ayun umalis at nag tanan!"

Biglang may naisip si Nicole.

Nicole: "Ale, kung gusto nyo po pwede akong mag apply sa inyo!"

"Anong ibig mong sabihin Ineng, magaaply kang tindera? Seryoso ka ba?"

Tiningnan nito si Nicole mula ulo hanggang paa.

'Mukha naman syang maayos wala naman masama kung susubukan ko!'

"O, sige susubukan muna kita kung kaya mo. Alas singko y media ako nagbubukas, kaya mo bang makarating dito ng ganung oras?"

Nalungkot si Nicole at umiling ito.

Nicole: "Malayo po kasi ang inupahan ko, mga tatlumpung minuto ang byahe hanggang dito!"

"Ang layo pala ng tinitirhan mo! Bakit hindi ka maghanap ng mas malapit na mauupuhan?"

Nicole: "Wala po akong makita na mas mura e!"

"Teka matulungan kita dyan! Bumalik ka dito bukas para makapag umpisa ka na at saka sasamahan kita duon sa kakilala ko!"

Nagalinlangan si Nicole.

"Kahit na alas sais y media ka na makarating dito, okey lang!"

Nicole: "Salamat po!"

Tuwang tuwang sabi nito.

"Ano nga palang pangalan mo Ineng?"

Nicole: "Ako po si Nicole, kayo po anong itatawag ko po sa inyo?"

"Tawagin mo na lang akong Madam Zhen!"