webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · Geral
Classificações insuficientes
213 Chs

Kabiguan

Lunes sa LuiBel Company.

Issay: "Mukhang nag eenjoy si Kuya Garry sa pagharap sa media!"

Belen: "May plano kasi yang tumakbong mayor kaya ganyan!"

Issay: "Pag tumakbo syang mayor, sino na ang papalit sa pwesto nya sa pagka CEO?"

Tumahimik si Belen.

Kaya nagtagal si Uncle Rem sa Maynila ay upang kumbinsihin si Belen na humalili sa pagka CEO ng pinsan.

Naintindihan ni Issay ang pananahimik ni Belen.

Malaking problema ito paginiwan sya ni Belen pero wala syang magagawa kung ito ang desisyon nya.

Kaya hinawakan nya ang kamay ni Belen.

Issay: "Naintindihan ko!"

Belen: "Hindi ako pumayag!"

"Malaking responsibilidad yon at wala akong enerhiya na hawakan ang ganung kalaking korporasyon!"

"Kaya wag kang matuwa hindi pa ako aalis sa tabi mo nuh!"

Hindi na mapigil ni Issay ang tuwang nararamdaman tumayo ito at inakap si Belen.

Issay: "Salamat!"

Belen: "Wag kang magpasalamat, ginawa ko yun para sa akin hindi sayo!"

"Sabi ko kay uncle hindi na ko bata kaya ibigay na nya sa mas batang henerasyon! Kaya ayun si Edmund ang tinututukan nya!"

Issay: "Ibig sabihin hindi darating si Bibiboy sa meeting natin ngayon? Sayang may pasalubong pa naman ako sa kanya!"

Nang biglang pumasok si Edmund sa pinto.

Edmund: "Andito ako! ... 'San na ang pasalubong ko?"

Sabay taas ng kamay ka Issay.

"Hahaha!"

Issay: "Oonga pala salamat sa inyong lahat at naging okey ang opening ng foundation!"

Ang LuiBel foundation ay isa sa mga bagong proyekto na babangitin nila sa darating na anibersaryo ng kompanya.

Nagsimula ang ideya ng foundation ng hindi na alam ni Issay ang gagawin sa sampung milyon na kabayaraan sa lupain ng tiyuhin nya. Kailangan na nya iyong tanggapin para matapos na ang matagal na usapin tungkol dito, kaya nabuo ang LuiBel foundation at ang unang beneficiary nito ay ang skuwelahan pinatatayo ni Issay sa San Roque.

Hindi nila ito masyadong pinamalita at konti lang ang kanilang inimbita kaya wala halos nakakaalam.

Ginawa nila ito para hindi makagawa ng ingay para hindi makarating kay Roland.

Edmund: "Mukhang natupad na natin lahat ng kahilingan ni Papa!"

Masaya nitong sabi.

Belen: "Ikaw Issay, napatawad mo na ba si Kuya Luis?"

Issay: "Matagal ko na syang napatawad, nuon pa! Nung sinabi kong sa mga pulis na wala syang kasalanan sa pagkamatay ni Nanang!"

Nung nabangga ang ina ni Issay, umamin si Luis na sya ang nakabangga pero dahil sa salaysay ni Issay na tanggap nyang aksidente ang nangyari at hindi sya naniniwalang si Luis ang dahilan, nakalaya ito.

Pinatotohanan din kasi ito ni Anthon na nakakitang hindi si Luis ang driver.

Pero hanggang ngayon ipinagtataka pa rin ni Issay bakit nya inamin ito, marahil ay hindi nya mapatawad ang sarili.

Edmund: "Nag away kayo ni Papa bakit?"

Belen: "Gusto ko din malaman. Matagal ko ng gustong itanong sa'yo pero diko alam pano sisimulan!"

Dahil sa itsura ng dalawa, wala ng nagawa si Issay.

Issay: "Nagsimula ito dahil kay Miguel."

"Si Miguel ang unang nobyo ko at hindi pabor si Kuya Luis sa relasyon namin! Pero wala syang nagawa kundi tanggapin.

Ayaw naman nyang sabihin sa akin ang dahilan kung bakit!

Isa lang ang laging bilin sa akin ni Kuya Luis, wag akong maging seryoso sa relasyon namin ni Miguel para hindi ako masaktan!"

Belen: "Siguro dahil sa hindi magtatagal dito sa pilipinas si Kuya Miguel! Sa abroad na kasi sya mag aaral, sya kasi ang papalit sa lolo nya sa pamumuno ng negosyo nila!"

Tumango lang si Issay. Hindi na mahalaga sa kanya ang mga iyon.

"Tapos?"

Issay: "Nabuntis ako ni Miguel. Takot na takot ako nun kaya nilapitan ko si Kuya Luis!

Nagalit sya ng sinabi ko at sinabi nya sa akin na dapat itong malaman ng Nanang ko! Lalo akong natakot! Ayaw kong magalit ang Nanang sa akin kaya nagmakaawa ako kay Kuya Luis na wag na wag sasabihin sa Nanang!"

"Tinanong nya ako kung ano ang plano ko, at sinabi kong kailangan namin magusap ni Miguel!"

"Naisip ko na kung pananagutan ako ni Miguel tyak na hindi magagalit si Nanang sa akin pero lalong nagalit si Kuya Luis at sinabi nitong impossible iyon!"

"Sabi ni Kuya Luis sya na raw ang bahala kaya wag na daw akong magalala!"

Hindi ko alam na ang plano pala nya ay kausapin ang Nanang ko!"

"Yun ang unang beses na binigo ko ang Nanang ko. Kitang kita ko ito sa mga mata nya. Umiiyak sya sa harapan ko at hindi makapagsalita!"

"Hindi ko makayang makita si nanang ng ganon kaya umalis ako! Nagpunta ako sa bahay nyo para tanungin si Kuya Luis bat nya nagawa iyon!"

Galit na galit ako sa kanya noon!"

"Pero ang hindi ko akalain na sa susunod kong makita ang Nanang ko, nasa morgue na sya!"

Hindi sila makapagsalita sa iknuwento ni Issay.

Naintindihan na nila! Ito marahil ang dahilan kaya ginawa ni Luis ang lahat para magtagumpay ang LuiBel Company. Hindi nya mapatawad ang sarili nya!

Kung hindi sinabi ni Luis sa ina ni Issay ang sitwasyon nya, hindi aalis si Issay hindi magaalala ang nanay nya at hindi ito lulusob sa lakas ng ulan para hanapin ang anak! Kinokonsensya sya!

Hindi pa rin sila nagsasalita at nakatingin lang kay Issay.

"ehem!"

Issay: "Tungkol nga pala kay Roland, anong plano ni Kuya Garry?"

Pagbabago sa usapan ni Issay.

Pinilit nilang bumalik sa realidad. Marami pa silang gustong itanong pero malamang sa ibang araw na lang.

Belen: "Kahit kailan hindi ko naisip masasama sa pagme meetingan natin si Kuya Roland!"

"Hahaha!"

Issay: "Pero kailangan natin tulungan si Kuya Garry diba?"

At nangiti ito.

Belen: "Mukhang may binabalak ka na naman dyan!"

Edmund: "Dinalaw ko si Tito Roland nung isang araw!"

Belen: "Bakit?"

Edmund: "Gusto kong malaman kung bakit sya galit kay Papa!"

Belen: "Ano sagot nya sayo?"

Edmund: "Hindi raw sya galit kay Papa, kinasusuklaman nya raw ito!"

Issay: "Naka pagpiyansa na ba sya?"

Belen: "Hindi pa!"

Bakit kaya?

*****

Sa presinto.

Roland: "Bakit ngayon ka lang? Palabasin mo ko dito?"

Conrad: "Nagpatawag ng meeting ang board at may gusto silang ipaalam sayo!"

Sabay abot ng sulat.

Roland: "Anong Ibig sabihin nito? Ako ang may ari ng kompanya kaya anong karapatan nyong tanggalin ako?"

Conrad: "Para ito sa kompanya. Nasa iyo pa rin naman ang 50% na share pero oras na para umalis ka na sa pwesto para hindi maapektuhan ang kompanya!"

"Wag kang magalala inaasikaso na ng abogado natin ang piyansa mo kaya malamang bukas makalabas ka na!"

Sabay tayo nito.

Roland: "Teka hindi mo pa sinasabi sa akin kung sino ang walanghiyang pumalit sa pwesto ko?"

Nangiti si Conrad.

"Ako!"