webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · Geral
Classificações insuficientes
213 Chs

Hayaan Mo S'yang Matuto

Kanina.

Nasa itaas si Nadine at kausap si Issay ng marinig ang pagwawala ng kapatid.

Lalabas na sana sya pero pinigilan sya ni Issay.

"Huwag kang makialam! Maupo ka dyan at manahimik!

Hayaan mo syang matuto!"

Tumahimik nga si Nadine.

Naintindihan nya ang ibig sabihin ni Issay, pero hindi magawang manahimik ang kalooban nya lalo't naririnig nyang binabastos ng kapatid nya si Mam Tess. Papaano nya ngayon haharapin si Mam Tess pagkatapos nito?

Nang mawala na ang boses ni Nicole, saka lang lumabas si Nadine at agad na nilapitan si Tess na namumula pa sa galit.

"Ms. Tess, Sorry po sa inasal ng kapatid ko."

Buong pakumbaba humingi ng tawad si Nadine sa ginawa ng kapatid.

Pero dahil sa hindi pa humuhupa ang galit ni Ms. Tess, tiningnan sya nito ng matalim.

Nakita ito ni Issay na sumunod kay Nadine. Hindi nya ito nagawang pigilan ng biglang tumayo at tumakbo palabas.

'Haaay, itong batang 'to hindi marunong tumayming!'

Lumapit sa kanila si Issay.

"Nadine, tandaan mo ito, hindi ikaw ang kapatid mo. Hindi rin ikaw ang responsable sa mga ginagawa nya. Malaki na sya, kaya dapat na nyang maintindihan at matutunan na may kahihinatnan ang bawat kinikilos nya!"

Paliwanag ni Issay sa kanya.

Humupa na ang galit na nararamdaman ni Tess kanina lalo na ng marinig nya ang sinabi ni Issay.

"Tama si Ms. Isabel, Nadine!

Pasensya ka na, hindi naman ako galit sa'yo, hindi ko lang mapigilan ang emosyon ko. Hindi kita pwedeng sisihin sa maling asal ng kapatid mo."

Sabi ni Ms. Tess sa kanya sabay ngiti nito sa mangiyak ngiyak na si Nadine.

"Salamat po! Maraming maraming salamat po! Naintindihan ko po kayo. Pangako, hindi po ako makikialam sa mga desisyon nyo sa kapatid ko!"

At tumalikod na ito sa kanila.

"Mam Tess, Salamat! Mabait at masipag na bata yang si Nadine, pero kailangan nyang matutunan na maging matapang! Pwede bang ikaw na ang bahala dun sa kapatid nya."

Sabay kindat ni Issay bago ito umalis.

*****

Pagdating sa HR.

"Mr. Dizon, pinadala po sya ni Mam Tess dito!"

Sabi ng security sa head ng HR na si Mr. Dizon.

Tiningnan ni Mr. Dizon si Nicole.

"Ah, sya ba?"

Anito na may pagka dismaya.

"Sige, iwan mo na sya at ako ng bahala. Naitawag na sya sa akin ni Ms. Tess."

Sabi ni Mr Dizon sabay ngiti nito sa kausap.

At tumalikod na ang security at iniwan sila.

"Ms. Nicole, right? Gusto mo daw mag OJT dito? Narito ang mga requirements. Kumpletuhin mo at pagkatapos mong makumpleto, saka ka bumalik sa akin."

"Ha? Ano naman ang mga ito?"

Iritableng tanong ni Nicole

"Hindi ka ba nakikinig Ms. Nicole? Sabi ko listahan ito ng requirements. Kumpletuhin mo tapos ay ipasa mo sa akin matapos mong makumpleto."

Muling paliwanag ni Mr. Dizon.

"Anong requirements? For your information, pinayagan na ako ni Edmund kahapon pa!

Si Edmund!

Siguro naman kilala mo kung sino sya?!"

Mataray na sabi ni Nicole

Pero tiningnan lang sya ni Mr. Dizon, ang Head ng HR.

Napataas ang kilay ni Nicole ng makitang walang reaksyon ang kausap.

"Hindi mo ba kilalala si Edmund? Sya lang naman ang may ari ng kompanyang ito! At pumayag na si Edmund na mag OJT ako dito! Kahit itanong mo pa sa kanya!"

Buong pagmamalaking sabi ni Nicole.

Nang hindi pa rin ito nagsalita, napikon na si Nicole.

"Hindi mo ba ako naririnig?"

Singhal ni Nicole kay Mr. Dizon.

"Nasabi ko na sa'yo ang dapat mong gawin, Ms. Nicole. Makakaalis ka na."

Sabi ni Mr. Dizon sa kanya na lalong ikinapikon ni Nicole.

'Bakit ba ganito kung tratuhin nila ako? Marahil ay hindi nila alam na ako ang future first lady ng kompanyang ito!'

"Hmp"

Tiningnan nya ng matalim si Mr. Dizon.

"Ms. Nicole, alam ko na ang nangyari sa taas."

Sabi ni Mr. Dizon.

"Alam mo naman pala bakit pinagagawa mo pa sa 'kin yan? Tsch!"

Inis na sagot nito

"Kasi Miss, yan ang utos ng nasa taas at kasama yan sa rules and regulations ng kompanya. Walang palakasan system dito, kailangan mong ibigay ang hinihingi sa'yo kung gusto mo talagang Mag OJT dito!"

Paliwanag ni Mr. Dizon

"At sino naman yung tinutukoy mong nagutos sa taas?"

Tanong ni Nicole

"Eh, di yung nasa taas! Sino ba ang nasa taas?"

Sagot ni Mr. Dizon.

Napaisip si Nicole.

'Imposibleng si Edmund yun! Hindi magagawa sa akin ni Edmund yun! Love ako nun!' Malamang yung bwisit na sekretarya nyang yun! hmp!'

"Hindi totoo yan! Hindi ako naniniwala sa'yo! Tumawag ka! Tawagin mo si Edmund! Dali!"

Utos ni Nicole sa kausap.

Napatanga si Mr. Dizon sa inaasal ni Nicole.

'Ano ba ang ipinakain nito kay Edmund at pinayagan na dito mag OJT ang batang ito? Walang manners! Gusto nya na ba akong makalbo ng maaga?'

"Miss, abala akong tao! Nasabi ko na sa'yo ang dapat mong gawin! Ngayon, nasa sa iyo na yan kung gagawin mo o hindi! Basta wag kang babalik dito na hindi kumpleto yan! Sige, makakaalis kana!"

Sabay tawag sa security at hindi na inintindi ang sinasabi pa ni Nicole.

Nagpoprotesta si Nicole habang ibinababa sya ng security sa lobby at pagdating sa baba, saka lang nya naalalang tawagan ang kapatid para humingi ng tulong.

Pero hindi nya makontak si Nadine dahil patay ang cellphone nito. Abala kasi ito sa meeting kasama ni Issay.

"Security, kailangan kong makausap ang kapatid ko! Si Nadine! Ihatid mo ko don!"

Pautos na sabi ni Nicole

"Miss, makinig ka! Lumabas ka na ng maayos kung ayaw mong kaladkarin kita palabas!"

Seryoso syang tumingin ng matalim kay Nicole para malaman nitong hindi sya nagbibiro.

Nicole: "hmp!"

Natakot si Nicole na baka gawin nga ito sa kanya kaya mas minabuti nyang umuwi na lang. Ayaw nyang lumabas na katawatawa, madami pa naman tao.

Pagdating ng condo nagiiyak itong nagsumbong sa mga magulang. Pero sinobrahan nya ang kwento at sinabi pang hindi sya tinulungan ng ate nya at basta na lang sya pinabayaan.

Awang awa naman ang mga magulang nya sa sinapit ni Nicole.

*****

Gabi na ng binuksan ni Nadine ang cellphone. Alam nyang magsusumbong ang kapatid kaya sinadya nya itong patayin.

"Marahil ay nakapagsumbong na si Nicole kila Mama at Papa!"

Nagaalala nitong sabi.

Narinig ito ni Issay.

"Ineng, kailangan mong harapin ang mga magulang mo. Ipaliwanag mo sa kanila kung bakit pinagagawa sa kapatid mo ang mga bagay na yun at kung bakit kailangan mismo ang kapatid mo ang magasikso nito.

Huwag kang matakot magsalita sa mga magulang mo, hindi kabastusan iyon. Hindi lang din kasi nila naiintindihan kung minsan ang mga nangyayari dahil hindi mo ipinaliliwanag ng maayos."

Payo ni Issay

Nakaramdam ng lakas ng loob si Nadine sa sinabi ni Issay.

Tinawagan niya ang kanyang Papa at nagalit ito dahil sa hindi nya pagsagot sa mga tawag.

Nadine: "Sorry Papa, nasa close door meeting po kami at nakapatay po ang phone ko. Madami po kasi kaming ni rarush ngayon kaya hindi ako nakasagot agad. Kakatapos lang po namin.

Paliwanag ni Nadine.

Ito ang unang beses na nangatwiran sya sa ama at malakas ang loob nya dahil katabi nya si Issay.

Napagusapan nila ang sumbong ni Nicole sa ama.

Nadine: "Papa, company policy po iyon. Kahit naman po sa company nyo ganun din may mga rules and regulations na dapat sundin. Simple lang naman po ang requirements ng OJT at sa school lang naman po iyon kinukuha."

Pagkatapos... napansin ni Nadine na tumahimik ang ama. Hindi nya alam kung bakit at natatakot syang magtanong. Kaya minabuti nyang magpaalam na lang.

Nadine: "Sige po Papa, ibaba ko na po ang phone, kailangan ko na pong umuwi."

At hindi na nito inantay na sumagot ang ama, ibinaba na nito ang phone.

Ang dahilan kaya natahimik ang ama ni Nadine ay dahil napansin nitong parang may nag iba sa anak nyang ito na hindi nya mawari.