PARE-PAREHONG nakatingala ang tatlong binata sa malaki at matayog na building sa kanilang harapan. Malalim na ang gabi at wala nang makikitang tao sa paligid ng University of Santo Tomas na matatagpuan sa Espana, Manila. Walang kupas ang kagandahan nito sa kabila ng daang-daang taong lumipas simula nang itinayo ito ng mga Kastila noong 17th century.
Dito sila dinala ni Krusifino, ang kanang kamay ng pumanaw na ama ni Eros.
"Sumunod kayo sa akin," naunang naglakad ang matandang warlock. Puro puti na ang buhok nito ngunit maganda pa rin ang tindig.
"Sigurado ka bang mapagkakatiwalaan natin yan?" bulong ni Night kay Eros habang nakasunod sila kay Krusifino.
"Don't worry, I've known him since I was a little kid. Loyal siya kay Papa at alam kong nasa panig natin siya dahil tutol siya sa ginawang pakikipagsanib ni Jacko kay Lucas. In fact, that's the reason kaya siya umalis ng Gibbon Mansion," mahabang paliwanag ni Eros.
Dinala sila nito sa tapat ng 'Arch of the centuries' matayog ito at gawa sa bato. Sa tuktok nito nakaupo ang estatwa ng isang lalaking prayle at sa magkabilang gilid nito nakaupo naman ang dalawang babae na magkaharap sa magkabilang direksyon. Sa ibaba ng babae sa kaliwa may parisukat na kahot at nakaukit sa loob nito ang isang isang lalaki na nakaluhod habang hawak ito ng dalawang anghel. Sa ibaba naman ng babae sa kanan nakaukit si Jesus sa krus at isang lalaki na nakamasid sa harapan nito.
May pakurbang butas sa gitna ng bato na maaring madaanan na tila nagsisilbing pintuan. Napaliligiran ang buong arch ng mga puno at mabeberdeng halaman dahil matatagpuan ito sa gitna ng park sa labas ng unibersidad ng Sto. Tomas, habang may nakatirik na dalawang flag pole sa magkabilang gilid nito.
Pumosisyon si Krusifino sa gitna ng Arch, "Two decades ago, palihim na nilipat namin ng Papa mo kasama ang mga kapatid niya ang labi ni Louisse Gibbon dahil natuklasan ng mga kalaban na nasa ilalim ng Haystack Tower ang puntod niya," kwento nito nang hindi sila nililingon at nanatili ang mga mata sa arch.
Ilang sandali pa at nagsimula nang mag-chant ng isang spell si Krusifino sabay pinagdikit ang dalawang palad sa tapat ng dibdib.
"Aperire portam, aperire portam, ostende mihi viam," nagliwanag ng puti ang mga mata nito at ilang sandali pa nang magsimulang lumitaw kung saan ang mga 'vines' at mabilis na gumapang sa kabuuan ng Arch of the centuries.
Namangha ang tatlong binata sa nakikita. Ang park na kinatatayuan nila ay mabilis na nabalutan ng makakapal na fog. Nawala sila sa dating kinaroroonan at tila napunta sa ibang dimensyon. Mas nakakatakot na version ng Arch of centuries ngayon ang nasa harapan nila dahil balot na balot ito ng mga vines, lalo na't bumaba ng husto ang temperatura sa paligid. Sa likuran ng Arch mas makapal ang fog na nag-aantay at halos wala na silang makita na kahit ano.
Pumihit paharap sa kanila si Krusifino, "Isang Gibbon lamang ang maaring makatawid sa Arch of the centuries."
Nagkatinginan ang tatlong binata.
"Be careful," mariing habilin ni Night.
Hinawakan naman ni Elijah sa balikat si Eros at saka tumungo. Humugot nang malalim na hangin sa Eros sa dibdib bago hinakbang ang mga paa upang dumaan sa gitna ng Arch of the centuries.
"Can't wait to see you pops," ito ang huli niyang bulong bago tumawid.
***
KUMAKAIN ng mansanas si Lexine habang nakahiga sa kama at nanunuod ng Frozen sa TV. Hinihimas-himas niya ang tiyan habang sumasabay sa kanta ni Elsa. Kahit ngayon malapit na siyang manganak ay hindi pa rin siya nagsasawa panuorin ang paborito niyang disney movies.
Napatingin siya sa orasan, pasado alas dose na ng madalin araw pero hindi pa rin bumabalik sila Night. Nag-aalala na siya kaya sinubukan niya itong tawagan pero kasamaan palad ay cannot be reach ang cellphone nito.
Isang malakas na ihip ng hangin ang nagpatalon sa kanya sa gulat. Paglingon niya sa kaliwang korner ng kwarto nakatayo ang isang lalaki na nakasuot ng puting balabal.
Napatili siya at mabilis na kinuha ang tinatagong white feather sa ilalim ng unan saka pinalabas ang kanyang diyamanteng espada at tinutok dito.
"Sino ka!"
"Huwag kang mabahala Nephilim, ako ito, si Abitto," binaba nito ang suot na balabal.
Nakahinga nang maluwag si Lexine nang makilala ito. Unti-unti niyang binaba ang hawak na armas, "Abitto? Ano'ng ginagawa mo dito sa mundo ng mga tao?"
Nanatili siya sa kanyang pwesto sa gilid ng kama habang hindi rin gumalaw si Abitto sa kinatatayuan nito. Hindi bumubuka ang bibig nito pero malinaw niyang naririnig ang malamig at mababa nitong boses.
"Nais kitang balaan Nephilim."
Napigil ang kanyang paghinga at biglang kumabog ang kanyang dibdib, "Balaan? S-saan?"
"Lumitaw ang pangalan ng iyong anak sa aklat ng buhay ngunit isang pulang tinta ang lumabas."
Nagsalubong nang husto ang dalawang kilay niya, "Pulang tinta? Ano'ng ibig sabihin nun?"
"Sa pangalawang pagkakataon, ikaw at ang Tagasundo, muli niyo na naman sinira ang balanse ng mundo."
Tumayo ang lahat ng balahibo niya sa katawan at nanlamig ang pakiramdam. Ang unang beses na tinutukoy ni Abitto na pag-sira nila ni Night sa balanse ng mundo ay noong binali nito ang isang mahigpit na patakaran at binigyan siya ng pangalawang buhay kahit na oras na dapat niyang mamatay noong thirteen years old siya.
Ngunit ano naman ang sinira nila sa pagkakataong ito?
"What do you mean? A-ano naman ang binali namin patakaran ni Night ngayon—" natigilan siya at napasinghap nang may ideyang pumasok sa kanyang isipan. Agad niyang hinagkan ang malaking tiyan gamit ang dalawang braso.
"Don't tell me that…" nanlalaki ang mata niya at namumuo ang mga luha habang napapailing.
"Oo, Nephilim, nagbunga ang pag-iibigan niyo ng Tagasundo, ngunit kailanman ay 'di maaring magka-anak ang isang anghel at isang demonyo. Ang batang nasa sinapupunan mo ay bunga ng malaking kasalanan."
Mabilis ang pag-iling niya kasabay nang pagpatak ng nag-uunahang luha sa kanyang pisngi. Umatras siya sa takot at mas lalong hinagkan ang tiyan.
"No, hindi totoo 'yan, hindi isang kasalanan ang anak ko! Hindi totoo yan!" malakas niyang sigaw na nasundan nang paghikbi.
Alam ni Lexine na langit at impyerno ang tumututol sa pagmamahalan nila ni Night pero hindi siya makapapayag na sabihing bunga ng isang kasalanan ang kanilang anak. Nabuo ang batang ito dahil sa pag-ibig nila ni Night sa isa't isa at kahit kailan hindi magiging kasalanan ang bunga ng pagmamahalan ng dalawang nilalang kahit pa gaano kalaki ang pagkakaiba nila. Kahit pa nagmula sila sa magkabilang dulo ng mundo.
Isang biyaya ng Panginoon ang anak nila at hindi ito masama!
"Hindi! Hindi ako papayag na kunin niyo sa akin ang anak ko!" tinutok niya ang espada kay Abitto.
"Huminahon ka Nephilim, nandito ako upang bigyan ka ng babala. Hindi ako ang kukuha sa iyong anak kundi ang mga Elders. Parating na sila dito kaya kailangan mo nang tumakas."
Mas lalo siyang nagilalas sa narinig.
"A-ano? Elders?" muling sumagi sa isipan niya ang mukha ni Kreios. Ang taksil na Elder na pumanig kay Lucas at nagtangkang dukutin siya noong nasa mundo pa siya ng mga kaluluwa. Ito ang humahabol sa kanya bago siya tumalon sa mata ng Samsara.
At nakasisigurado siyang may masama na naman itong balak at maaaring may kinalaman na naman si Lucas sa lahat ng ito.
Biglang natulala si Abitto sa kawalan sabay nagliwanag ang puting mga mata nito. Lalong natakot si Lexine.
"Nandito na sila. Tumakbo ka na!"
Agad naramdaman ni Lexine ang malakas na presensya hindi lang ng isa kundi ng higit pa.
"Ika'y magmadali na Nephilim! Bilis!"
Ang pagsigaw ni Abitto ang gumising sa kanya mula sa pagkatulala at nagmadali na siyang lumabas ng kwarto saka kumaripas nang takbo, habang bitbit niya ang espada sa kaliwang kamay at nakasuporta naman ang isa niyang palad sa tiyan.
Biglang dumagundong ang malakas na kulog kasabay ng nakakasilaw na kidlat nang mapadaan siya sa magkakasunod na bintana sa mahabang hallway ng mansion. Nagkadagdag ang mga iyon samabilis na kabog ng kanyang dibdib.
Hello cupcakes! Here’s another sakit sa bangs updates for you guys! Hehehe. Sunud-sunud na roller coaster na ito, ihanda ang mga seatbelt! :)
Enjoooooy! Kahit masakit sa bangs!
Pa-vote na rin po ng powerstones! :)