webnovel

PROLOGUE

"Bwiset naman kase yung lalaki'ng 'yon e!"reklamo ko habang nagwawalis ng sandamakmak na tuyong dahon sa napakalaking field ng school.

"Tanga kasalanan mo naman e,sana kase hindi mo nalang pinatulan!"sermon ng kaibagan ko na prenteng nakaupo sa bench

"Psh! Sino ba kasi'ng matino ang mamimitik bigla?!"singhal ko.

"Ewan ko sa'yo!Type ka siguro"gatong ng isa ko pang kaibigan.

"Mga epal kayo! Umuwi na nga kayo!"inis na sabi ko at padabog na dinakot ang mga dahon na nawalis ko.

Kung hindi kasi namitik ang isang 'yon nakauwi na sana ako ngayon bwiset!argh!

"Iintayin ka namin,dumudilim na delikado umuwi mag-isa babae ka pa naman"sagot ni Louise,kaibigan ko.

"Ay bakit sis?hindi ka din babae?"inis talagang sabi ko.

"Kasama naman namin sina Aki at Chase"tumingin pa s'ya sa direksyon ng pinsan ko at ng tropa n'yang si Chase.Kaya napatingin din ako sa kanila.Napairap ako nang kinindatan ako ni Chase.

"Kaya ko umuwi na kayo"sabi ko at itinulak na sila palayo.

"Are you sure Reese?"alinlangang sabi ni Chase.

"Yes I'am,sige na uwi na babye!" Pagtaboy ko sa kanila habang kumakaway.

"Mag-iingat ka ha?tawagan mo ko pag nakauwi ka na!!"pahabol ni Alondra kaya naman tumango nalang ako.

Wala silang magawa kundi iwan akong naglilinis sa malawak na field na ito.

Mabilis ko'ng tinapos ang paglilinis dahil nga dumidilim na din.

Tinabi ko na ang mga panlinis na ginamit ko.Nang kukunin ko na ang bag ko ay may biglang humila sa'kin napapikit ako nang tumama ako sa isang matigas na bagay.

Unti-unti akong dumilat tsaka ako nagulat nang makita kung saan ako tumama.Sa dibdib ni--Shit!! Lalayo na dapat ako nang mas lalo n'ya pa akong higitin papalapit sa kanya.Nakita ko pa 'yung pasa sa gilid ng labi n'ya na gawa ko.

"A-ano ba!!Nang bubwiset ka na naman!"sigaw ko.

"Sorry" nagulat ako sa sunod n'yang ginawa.

He kissed me.Then he run away.

Putahamnidaaa!! Iniwan n'ya akong tulala sa gitna ng field.

"Yung first kiss ko,wala na" mangiyak-ngiyak na sabi ko.

"Tinakbuhan pa ko,sorry sorry pa manghahalik lang pala." nanlulumo pa'rin talaga ako sa ginawa n'ya tangina s'ya.

"AAAAAAHHHHHHH"tili ko nang marealize na...

Ako,si Purple Sevyreese Monteverde, ay nabiktima ng KISS AND RUN!!!!

***