webnovel

Silver Wall Technique

Editor: LiberReverieGroup

Sinuring muli ni Zhao Feng ang mga techniques doon at natuklasan niyang karamihan sa mga ito ay mga offensive skills. Dalawa lamang ang body strengthening techniques doon, kasama na ang Silver Wall Technique.

"Ang mga offensive at speed skills ay mahirap matutunan," palihim na inisip ni Zhao Feng.

Sa loob ng dimensyon ng kanyang kaliwang mata, mayroon siyang Mysterious Wind Palm at apat pang hindi kumpleto na Holy Martial Arts: Flowing Wind Stance, Tornado Stance, Partial Wind Stance, at Burning Wind Stance.

Itong apat na Holy Martial Arts ay nagtatagal na nga si Zhao Feng para matutunan, kung kaya agad niyang kinuha ang jade slip na kumakatawan sa Silver Wall Technique nang isaisip ang lahat.

"Pinipili mo ang Silve Wall Technique?"

Bahagyang nagulat si Third Guard. Lahat ng dinala niya rito ay kumuha ng offensive skills gaya ng Bloody God Palm at Heavenly Demonic Claw.

Kung natutunan nga nila ang mga skill na ito, kaya na nilang talunin ang halos lahat ng cultivators ng sa parehong antas, pero may mga tao rin namang hindi ito kayang matutunan.

"Oo." Desidido na talaga si Zhao Feng, Pinili niya ang skill na yun pagkatapos pag-isipang mabuti.

"Madali lamang matuto ng Holy body strengthening technique, pero ang hirap nito ay higit na mas mataas kaysa sa iba pang mga skills." Bahagyang nakangiti ang Guanjun Corpsman. Humanga siya sa desisyon ni Zhao Feng sapagkat ang katawan ay ang pundasyon ng cultivation. Kaya lamang na maisanay ng isang tao ang ibang skills kung kakayanin rin ito ng katawan nila.

Matapos makumpirma ang skill, iniabot ng Third Guard ang isang sulat-kamay na libro kay Zhao Feng. Pagkabukas nito, nakita ni Zhao Feng na ang nilalaman ay parehas sa Metal Wall Technique, pero higit itong mas masidhi at malalim.

"Kahit sulat-kamay lamang ang librong ito, dapat mo pa ring ibalik ito sa loob ng pitong araw. Hindi mo dapat ibigay sa iba ang technique na ito o kung hindi, ang mismong Guanjun Palace ang mag-aalis sa iyo ng cultivation mo," babala ng Guanjun Corpsman.

"Nauunawaan ko! Pero hindi ko naman kailangang dalhin ang librong ito," banayad na wika ni Zhao Feng.

Nang sabihin niya ito, nakatitig siya sa libro at saka mabilisang inilipat ang mga pahina.

Shua!

Sa isang bigla, lahat ng nilalaman ng libro ay nalagay na sa isip ni Zhao Feng. Sampung hininga lamang at ibinalik na ni Zhao Feng ang libro sa Third Guard.

"Ikaw…," gulat na gulat ang Third Guard.

"Kabisado ko na ito," nakangiting sabi ni Zhao Feng.

Anong klaseng halimaw siya….?

Hindi maipaliwanag na gulat ang makikita sa mga mata ni Third Guard. Nakakita naman na siya ng mga henyong kayang kabisaduhin ang kanilang mga nakikita, pero ito pa lang ang unang pagkakataon na makakita siya ng isang tao na kinakabisado ang buong libro.

Bukod pa roon, ang libro ay naglalaman ng mga komplikadong larawan at parirala, isang pagkakaiba lamang at maaaring magresulta sa pagkasira. Kahit ang mga henyong kayang kabisaduhin ang kanilang mga nakikita sa isang tingin lamang ay paulit-ulit na binabasa ito.

"Sigurado ka bang nakabisado mo na lahat? Hehe, pusta kong interesao dito ang ang aming bunsong si Bei…" Tinitignan pa rin ng Guanjun Corpsman si Zhao Feng habang papalayo na ito at saka tumawa nang saglit.

Nagtitiwala siyang nakabisado ito ni Zhao Feng sapagkat walang sino man ang makatitiis sa dalang temptasyon ng Holy martial art…

Matapos umalis ng Treasury Hall, bumalik na si Zhao Feng sa Sky Guards Battalion. Nang papalapit na siya sa kanyang silid, nag-aabang si Zhao Yufei at Huang Qi sa kanyang pinto na tila umaasa sa magandang balita.

"Kuya Feng, anong nakuha mo sa Treasury Hall?" Kumurap si Zhao Yufei sa kanya, halatang gusto niyang malaman. Alam ng lahat na si Zhao Feng ang nakakuha ng pinakamaraming battle points sa misyon kung kaya may espesyal siyang pabuya.

"Sikreto." Ngumiti nang misteryoso si Zhao Feng at saka bumalik sa kanyang kahoy na silid, ayaw niyang malaman ng lahat na mayroon siyang Holy martial art.

*************

Sa loob ng ikasampung kahoy na silid..

Magkasalubong ang paa ni Zhao Feng habang nakaupo at inaalala ang laman ng Silver Wall Technique. Upang matutunan ito, kinukumpara niya muna ito sa Metal Wall Technique.

"Totoo nga, ang Metal Wall Technique ay isang simpleng bersyon lamang ng Silver Wall Technique…"

Ligalig ang makikita sa mga mata ni Zhao Feng. Lalong mahirap, lalong makabubuti sa kanya sapagkat matututo siya ng mga bagong skills na mahirap matutunan. Pero dahil nahubog niya na ang Metal Wall Technique, mayroon na siyang matibay na pundasyon kung kaya hindi na ganoon pa kahirap sanayin sa kanya ang Holy martial art na ito.

Ang Silver Wall Technique ay nahahati sa labing-isang lebel.

Ang unang tatlong lebel ay katulad lamang ng Metal Wall Technique, kung saan ang balat ang sentro at dapat na palakasin. Ang ikaapat hanggang ikaanim na mga lebel ay nakapokus sa pagpapalakas ng buto, na siyang nagpapataas ng opensa sa gumagamit. Ang ikapito hanggang ikasiyam naman ay nakapokus sa pagpapalakas ng mga lamang-loob at potensyal ng isang tao. Pwede ring makabuo ng barikada mula sa Inner Strength na kayang sumalag ng libo libong mga palaso.

Ang ikasampung lebel: kabuuang pagbabago ng mga buto at dugo, na siyang makakapagpaabot sa isang tao sa Holy Martial Path!

Nang mabasa ang mga iyon, hindi na alam ni Zhao Feng kung paano ipapahayag ang sarili. Ang ikasampung lebel pa lamang ay nagpapahintulot na sa isang tao na marating ang Holy Martial Path.

Ikalabing-isang lebel: Body of Perfection, hindi na kailanman matatalo o masisira ang makakaaabot nito.

Tumigil sa paghinga si Zhao Feng nang mabasa ito, at ikinumpara ito sa ikapitong antas ng Metal Wall Technique.

"Mukhang ang Metal Wall Technique na nagmula sa matandang iisa ang braso ay may problema dahil kulang pa ito ng halos tatlong lebel, at isa lamang itong high ranked martial art kung kaya hindi ito makatutulong upang maabot ang Holy Martial Path," pagsusuri ni Zhao Feng.

Nagdududa nga siya na ang matandang tinutukoy niya ay mayroong Silver Wall Technique, pero dahil takot siyang punahin ito, hindi na rin siya nagtanong at nagsalita. Pero dahil mga tanong ito na walang sagot, hindi na siya nag-abala pang alamin ito.

Gayundin, nagsimula nang sanayin ni Zhao Feng ang Silver Wall Technique. Tatlong oras lamang ang inukol ni Zhao Feng upang matapos ang unang tatlong lebel, at hindi niya masabi kung gaano siya kasaya na nagawa niya ito.

Katulad rin ito ng unang tatlong lebel ng Metal Wall Technique, pero mas malalim lang.

Mula sa ikaapat na lebel pataas, napaghahalataan na talaga ang pagkakaiba ng dalawa. Ang ikaapat hanggang ikaanim na lebel ng Silver Wall Technique ay katumbas na rin ng ikaapat hanggang ikaanim na antas ng Martial Path, hindi gaya ng Metal Wall Technique, sa Silver Wall Technique ang pagtaas ng lebel ay pahirap nang pahirap at lalong lumalaki ang distansya mula sa nakaraang lebel.

*************

Gabi nang sumunod na araw..

Napagtagumpayan na rin ni Zhao Feng na maabot ang ikalimang lebel ng Silver Wall Technique kahit mabagal na ang kanyang progreso. Pero dahil may Metal Wall Technique siya bilang pundasyon, nakaabot pa rin siya sa ikaanim na lebel sa sumunod na tatlong araw.

"Sa ikaanim na lebel ng Silver Wall Technique, kaya ko nang talunin ang kahit sino pang nasa ibaba ng ikapitong antas at pwede ko na ring hamunin ang mga Martial Masters gamit lang ang aking mga kalamnan." Nagningning ang mga mata ni Zhao Feng at isang ngiti ang sumilay sa kanyang mukha.

Ang kanyang lakas ay tumaas ng higit pa sa kalahati dahil ang kanyang Inner Strength at Martial arts ay lahat gumagamit ng katawan bilang basehan ng lakas.

Pagkatapos niyang marating ang ikaanim na lebel ng Silver Wall Technique, napakabagal na ng kanyang progreso na halos huminto na ito. Naunawaan ni Zhao Feng na ubos na ang kanyang pundasyon sa Metal Wall Technique. Para maisagawa ang Silver Wall Technique, kailangan niya na itong pagtrabahuan nang mabuti.

Hu~

Nagpakawala ng hininga si Zhao Feng at humikab. Nagsasanay na siya sa loob ng ilang araw at nang lumabas siya, nag-iba na pala ang sitwasyon sa Sky Guards Battalion. Ang tolda na ginagamit ni Zhao Yufei, kung saan ito nakatira ay wala na, at tanging ang tolda na lamang ni Huang Qi ang naiwan.

"Dalawang araw ang nakararaan, naabot na ni Lady Yufei ang top five sa Ten Sky Guards at si Lu Xiaoyu ay nakaabot na ng top three. Bukod pa roon, dalawang orihinal na myembro ng Ten Sky Guards ang napalitan…" Pagbubuod ni Huang Qi sa mga nangyari.

Ang misyon ng pagpatay ay nakapagpabago sa sitwasyon ng Ten Sky Guards sapagkat ang ilan sa mga kabatan ay nakakuha ng magandang pabuya, na siyang nagpahintulot sa kanila na lumakas nang lumakas nang walang tigil.

Ngunit, walang kahit sino man ang sumubok na makipaglaban kay Zhao Feng sapagkat nang labanan niya si Lei Cong ilang araw na ang nakalilipas, walang nanalo at magkapantay lamang sila, sinasabi ring siya ang ikatlo sa buong kampo.

"Oo nga pala, kailangan mong mag-ingat, palabas na ngayon si Lei Cong mula sa kanyang pagsasanay at narinig ko na gusto ka niyang labanan ulit," pagbababala ni Huang Qi.

Lei Cong?

Ngumiti si Zhao Feng at hindi ito isinapuso. Ang kanyang cultivation ay higit pa sa peak sixth rank, kung kaya hindi alam ni Huang Qi na nalagpasan niya na ito. Ang kanyang Withering Wood Technique ay perpekto na, kung kaya pwede na siyang mameke ng kanyang kamatayan.

Hindi nagtagal, dumating na si Zhao Feng sa ikalimang kahoy na silid at nakipaglaban kay Zhao Yufei. Lumakas nga talaga si Zhao Yufei at maraming pagbabago sa kanya, na siyang bunga ng kanyang pagsasanay ng tatlong magkakaibang peak ranked martial arts na offensive, defensive at body strengthening technique.

Maraming natutunang skills si Zhao Yufei at ang kanyang cultivation ay tumataas nang mabilis kaysa sa iba. Matapos ang misyon, nahubog talaga ang kanyang mga kakayahan at potensyal, na siyang nagpahintulot sa kanya na maabot ang peak sixth rank.

Habang naglalaban ang dalawa, dalawang kabataan naman na nasa edad labing-lima ang dumating sa entrada ng Sky Guards Battalion.

"May mga baguhan na darating sa Sky Guards Battalion?" Iilan sa mga kabataan ang interesado.

Magkaiba ang dalawa, ang isa ay gwapo at madaling makausap, at ang isa naman ay palaging walang ekspresyon.

"Sa loob na lamang ng kalahating buwan at lalabas na si Master, ilan kaya ang kukunin niya sa Sky Guards Battalion," isa sa mga kabataang palakaibigan ang nagsabi.

Nakinig lamang ang lalaking walang ekpresyon at hindi na nagsalita. Naglakad ang dalawa, balikat sa balikat, hanggang sa marating ang harap ng Ten Sky Guards.

"Ikaanim kong kapatid, hindi mo ba gustong makita ang mga elitista ng Ten Skyu Guards?" Wika ng gwapo at madaling makasaup na kabataan.

"Hindi," sagot ng lalaking walang ekspresyon.

"Ahh, napakdiretso mo talaga magsalita." Isang bahagyang ngiti ang nagpakita sa mukha ng kausap niya at saka bumuntong hininga.

"Sino ang pangahas na maging arogante dito!?" Kalalabas lamang ni Lei Cong mula sa ikalawang kwarto nang marinig ito.

"Zhe zhe ikapitong antas, ano naman," wika ng madaldal na lalaki.

"Gusto kong makita kung bakit ganito ka kaarogante."

Nagbuga ng palm attack si Lei Cong na napapalibutan ng kanyang Inner Strength patungo sa dalawang kabataan. Kung Martial Artists sila, ang atakeng ito ay nagpatilapon na sa kanila.

Ngunit, hindi man lang sila gumalaw sa kanilang kinatatayuan.

"T*** i***!"

Ang lalaking walang ekspresyon ay pirming nakatayon nang ilabas niya ang kanyang kulay tansong chi na siyang sumira at nagpira-piraso sa atakeng ibinigay ni Lei Cong.

Boom—

Napatilapon ang buong katawan ni Lei Cong at sa tunog na "krak", ang kanyang silid rin ay napatumba at nasira.