webnovel

Lord Guanjun

Editor: LiberReverieGroup

Tah! Tah!

Ang mga yabag ng paa ay nagpakuyom sa puso ng mga kabataan. Tanging ang Third Guard lamang ang naroroon na walang emosyon.

Creeeek! Ang pinto ay bumukas noong pumasok ang tatlong tao.

Ang nangungunang lalaki ay isang gwapong kabataan na mayroong malinaw na mata at matalim na aura.

"Siya nga…" Nalaman ni Zhao Feng na kilala niya ang taong ito.

Yi!

Pagka gulat ang nangibabaw sa mga mata ni Zhao Yufei. Ang taong ito ang nagdala sa kanya sa Sun Feather City, si Ye Linyun. Sa tabi ni Ye Linyun ay ng dalawang kabataan, ang isa ay naka-ngiti at ang isa ay walang emosyon.

Nan Gongfan! Bei Moi!

Naramdaman nina Feng Hanyue at Lei Cong ang pagtalon nng kanilang mga puso.

Bakit sila dumating?

Nakaramdam ng gulat si Zhai Feng, nagkaroon siya ng interaskyon kina Nan Gongfan at Bei Moi, na nakaabot na sa peak eight rank at maaring makatalo ng mga cultivators na ikasiyam ang antas. Ang Sampung Sky Guards ay madilim ang anyo kumpara sa dalawang ito.

"Nandito rin si Brother Ye," binati ni Third Guard si Linyun.

Nakita ni Zhao Feng na ang upuan ni Ye Linyun ay sa harapan ng Third Guard.

"Si Master Ye ay disipulo rin ni Lord Guanjun?" Nabigla si Zhao Feng.

Sa pagkakataong ito, nakita niya na tinitignan siya ni Ye Linyun, halatang mataas ang inaasahan niya kay Zhao Feng.

"Nakalabas na si Lord Guanjun sa secluded meditation sa mga oras na ito upang ikumpirma ang isa hanggang dalawang mga core disciples. Wala na tayong pag-asa," pag-uusap nina Ye Linyun at Third Guard.

Core disciples? Nagtatanong ang mga ekspresyon na ipinakita ng kabataan.

"Wala namang kakaiba. Kami nila Master Ye at Nan Gongfan ay mga outer disciples Tanging si Bei Moi lamang ang core disciple," pagpapaliwanag ni Third Guard.

Outer disciple! Pagkagulat ang dumaloy sa mga puso ng Sampung Sky Guards.

Sina Ye Linyun at third Guard ay parehnng nasa ikasiyam na antas na peri Outer disciples lamang sila!? Si Nan Gongfan ay nasa ika-walong antas sa batang edad at siya ay Outer disciple lamang?

Tanging si Bei Moi lamang ang core disciple ni Lord Guanjun.

Ang Bei Moi na iyon ay matanda lamang sa akin nang isang taon at siya ay nasa peak eighth rank na at kaya nang pumatay ng cultivators sa ikasiyam. Tanging ang mg punaka henykng kagaya niya lamang ang may kakayahang maging core disciple ni Lord Guanjun…, huminga nang malamig su Zhao Feng.

Sa lakas ni Bei Moi, maari niyang matalo ang lahat sa Sun Feather City at siya rin ay isang peak tier fighter sa Guanjun Province. Ngunit ang henyong kagaya niya ay isang kalaban.

Noong tinignan ng mga kabataan si Bei Moi, nandilim ang kanilang mga mata. Kung ito ay noong nakaraang sampung taon, ang mga talento nina Nan Gongfan at Feng Hanyue ang nangunguna sa henerasyon, ngunut dahil sa nabuhay si Bei Moi, ang ibang mga henyo ay nawalan ng liwanag.

Sa oras ding iyon, lahat ay nakatingin kay Bei Moi nang may inggit, selos at kawalan ng pag-asa.

"Sir Third Guard, may pag-uutos si Master na dalhin ang Sampung Sky Guards sa Spiritual Martial Hall."

Ang taong dumating ay si Guanjun Corpsman na halos lumuhod na sa lupa. mayroong labing-walong tao sa Gunjun Corps, ngunit ang tatlong pinakamataas ay mga makapangyarihn na cultivators.

"Spiritual Martial Hall?" Nagtinginan sina Ye Linyun at Third Guard sa isa't-isa at nakita nila ang kuryosidad sa mata ng bawat isa.

Ang Spiritual Martial Hall ay isang mahalagang lugar sa Guanjun Palace at ito ang lugar kung saan na-cultivate si Lord Gunjun. Kadalasan, walang pinapayagang makapasok sa Spiritual Martial Hall maliban kung sila ay tawagin dito.

"Mukhang nakapag desisyon na si Master na kumuha ng ilang mga disipulo. Ito ay malaking pagkakataon para sa'yo," mataimtim na saad ni Ye Linyun at siya'y tumayo at nanguna sa daan.

Ang Sampung Sky Guards ay nakaramdam ng iba sa kapaligiran, ngunit alam nila na ito na ang kanilang pagkakataon upang baguhin ang kanilang tadhana.

"Tatlong taon na ang nakalipas, ako at si Brother Moi ay magkasamang pumunta sa Spiritual Martial Hall, ngunit naging outer disciple ako at naging core disciple siya…" Huminga nang malalim si Nan Gongfan at sumulyap kay Bei Moi sa kanyang tabi.

Nakatayo nang walang emosyon si Bei Moi nang walang ekspresyon. Noon, hindi pa maalala ni Gongfan kung paano ito napag desisyonan, ngunut mula noong araw na iyon, nagbago ang kanilang tadhana. Simula noong nging disipulo sila ni Lord Guanjun, kahit na sila ay outer disciple, nakatatanggap sila nang mahahalagang resources na makatutulong sa kanilang pag cultivate.

****************

Hindi nag tagal...

Lahat ay nakarating na sa harap nang lumang silver grey hall.

Sa pagpasok sa hall, walang kahut sining makikita, ngunit nararamdaman niya ang tatlo o apat na Guanjun Corpsmen doon kung bubuksan niya ang kanyang mata.

"Master, nandito na sila." Magalang na nakatayo si Yen Linyun sa pinto.

"Pasok," ang boses ay nanggaling sa ilalim nang hall. Ang boses ay tila dumaan sa ulap, na walang intensyon na gulatin sila, ngunit nagulat pa rin sila.

Ang Sampung Sky Guards ay pinigil ang kanilang hininga at ang bawat hakbang na kanilang tinatahak ay tila daan patungo sa langit.

Nakaramdam ng kasabikan si Zhao Feng at ang mainit na pakiramdam ay dumaloy mula sa kanyang mata patungo sa kanyang katawan. Sa mga oras na ito, hindi siya nagtangka na buksan ang kanyang kaliwang mata sapagkat mayroon siyang pakiramdam na may nagmamatyag sa kanilang bawat galaw.

Tah Tah! Tah Tah

Ang grupo ng mga kabataan ay naglakad nang nababalisa sa hall. Maging sina Bei Moi at Nan Gongfan ay mayroong mataimtim na mukha. Sa gitna ng great hall, may isang tao naka-uposa futon. Kung hindi ito nakita ng isa, walang makakapansin na mayroong tao doon

Ang taong naka-upo sa futon ay hindi katandaang lalaki na may suot na ginto at pilak na damit na hindi naglalabas ng aura. Para bang isa siyang pangkaraniwan. Mahirap paniwalaan naang taon iyon ay ang maalamat na si Lord Guanjun.

"Master, ang Sampung Sky Guards ay nandito na," saad ni Third Guard kasabay ng kanyang pag-yuko.

"Mabuti!" Tumango si Lord Guanjun kasabay nang pagbukas ng kanyang mga mata at pagkaway ng kanyang kamay.

Sa sandaling binuksan niya ang kanyang mga mata, ang mga kabataan ay naakit sa maliit na pagitan na mayroon sila. Mayroong pakiramdam si Zhao Feng na ang kaswal na kilos ni Lord Guanjun ay upang makihalubilo siy sa kanyang kapaligiran. Ang kaswal na hampas ng kanyang kamay ay parang isang hari na nagbibigay ng senyas na sila ay maupo.

Sila Ye Linyun, Third Guard, Bei Mou at Nan Gongfan ay naupo malapit kay Lord Guanjun, kung saan ang ibang sampung kabataan at naupo sa futons na naka ayon sa kanilang antas.

Una si Feng Hanyue, sumunod si Lei Cong, at ikatlo si Lu Xiaoyu… ikasampu si Zhak Feng.

"Master, mayroong ilang mga henyo sa Sky Guards Battalion," saad ni Third Guard.

Walang emosyong tinignan ni Lord Guanjun ang Sampung Sky Guards.

Ah!

Ang sampung Sky Guards ay agad na naramdaman na parang sila ay tinamaan ng kidlat.

Sa isang kisap-mata, nakita ni Lord Guanjun ang cultivation ng bawat kabataan.

May pakiramdam si Zhao Feng na kahit ang kanyang Withering Wood Technique ay perpekto na, hindi niya pa rin maitago ang kanyang cultivation kay Lord Guanjun.

"Mas malakas kaysa noong sa nakaraan, ngunit wala sa inyo ang may pagkakataon na maging core disciple ko," walang ekspresyong saad ni Lord Guanjun na para bang nagsasabi lamang siya nang normal n bagay, ngunit nakita ni Zhao Feng ang pagka dismaya sa kanyang mga mata.

Huang!

Naramdaman ng sampung kabataan na parang nahulog sila sa impyerno. Sinabi ni Lord Guanjun na wala sa mga henyong iyo ang nakapukaw ng kanyang mata.

"Paano ito nangyari!?" Parehong nagulat at hinid makapaniwala sina Ye Linyun at Third Guard.

Sa kanilang paningin, kahit na hindi sila kasing halimaw ni Bei Moi, may mga henyong kagaya ni Feng Hanyue at Zhao Feng ang naka abot sa ika-pitong antas sa mababang edad.

"Master, paano ka nakasisigurado kung hindi mo sususbukan…?" Maingat na tanong ni Ye Linyun.

"Oo, si Feng Hanyue ay naka abot na sa peak seventh rank at si Zhao Feng ay mas mahusay magkabisado kay Bei Moi," nag a-aalinlangangang saad ni Third Guard.

Sa kabila ng lahat, siya ang nag-alaga sa mga henyong ito.