webnovel

Ikaanim na Antas ng Lightning Wind Palm

Editor: LiberReverieGroup

May isang buwan pa bago magsimula ang Alliance Banquet.

Umalis na si Zhao Feng sa kanyang secluded cultivation dahil naabot niya na ang kanyang limit.

Subalit, sa oras na umalis siya sa kanyang proseso ng cultivation, nakuha niya naman ang atensyon ng ibang disipulo at ang mga nakatataas ng Clan.

Hindi lamang dahil sa kasali si Zhao Feng sa Alliance Banquet, pero dahil sa iba pang mga dahilan.

Sa loob ng tinutuluyan ng isang Elder.

"Master, lumabas na po si Zhao Feng." May paggalang na sinabi ni Quan Chen.

"May mga kidlat na nagpapakita sa lugar kung saan isinasagawa ni Zhao Feng ang kanyang meditasyon sa nakalipas na dalawang buwan. Mataas ang tsansa na sinusubukan niya, kung hindi niya pa naaabot, ang ikaanim na antas ng Lightning Wind Palm. Umalis ka na at sabihan agad si Bei Moi at Yuan Zhi tungkol dito…"

Tumayo si Hai Yun Master na ang mga kamay ay nasa likod.

Sa nakalipas na ilang mga buwan, pinaghihirapan ni Zhao Feng na magcultivate nang palihim, na siyang kabaliktaran ng kanyang aroganteng ugali. Gayon din, ang tunog ng kidlat ay maririnig mula sa gusali ni Zhao Feng.

Marami ang nag-iisip na si 'Zhao Fengzi (Fengzi na nangangahulugang baliw o siraulo)' ay sinusubukang abutin ang pinakamataas na antas ng Lightning Wind Palm. Tanging kakaunting bilang lamang ng mga henyo ang kayang sanayin ang Lightning Wind Palm sa ikaanim na antas. Karamihan sa kanila ay sumuko na sa kalagitnaan o kaya naman ay naging inbalido.

May halimbawa ng isang henyo na nagsanay ng Lightning Wind Palm sa pinakamataas nitong antas pero tinamaan rin siya ng kidlat at namatay.

Ilang araw ang nakararaan.

Ang kidlat sa tinutuluyan ni Zhao Feng ay nawala na – nagtagumpay kaya siya?

Kung nagtagumpay siya, mamamatay rin ba siya dahil sa pagtama ng kidlat?

Isa itong napakahalagang tanong, lalo na para sa kanyang mga kalaban. Ang kakaiba nga lang, tila tahimik ang First Elder tungkol sa bagay na ito.

"Mayroon sigurong nangyayari sa First Elder kung kaya hindi niya pinipigilan si Zhao Feng."

Hindi naman siraulo si Hai Yun Elder.

Sa katotohanan, nagtungo na talaga si Hai Yun Elder at Clan Master kay First Elder isang buwan ang nakararaan para pilitin ang First Elder na pigilan si Zhao Feng.

Si Zhao Feng pa naman ay isang Core Disciple at higit na nakadepende ang Clan sa kanya para sa Alliance Banquet. Pero humindi pa rin ang First Elder, sinasabi niya na hindi niya ito kayang pigilan at nagpadala naman siya ng mga tao para protektahan si Zhao Feng.

Sky Moon Mountain.

Sa loob ng isang jade palace.

"Lumabas na si Zhao Feng mula sa seklusyon? Sabihan mo siya na kailangan ko siyang makita." Wika ng Broken Moon Clan Master kay Ran Xiaoyuan at Sister Yuan.

"Master, bakit mukhang binibigyan mo talaga siya ng importansya?" Hindi mapigilang magtanong ni Sister Yuan.

Kahit isang Core Disciple si Zhao Feng, disipulo lang naman siya, at ni hindi nga siya disipulo ng Clan Master.

"Isang buwan na lamang bago ang Alliance Banquet. Napakalakas at napakagulo rin ng mga Ancient Shrine Disciples at tanging si Zhao Feng lamang ang disipulo na may sapat na mental energy sa clan…" Ngumiti ang Broken Moon Clan Master.

"Hindi nakapagtataka." Agad na naunawaan ni Sister Yuan.

Ang mga ikinikilos ng Clan Master ay parasa benepisyo ng Clan. Kung kayang iparamdam ni Zhao Feng sa mga disipulo na ito kung paano maatake ng mental energy bago pa mangyari ang lahat at makahanap sila ng paraan para salagin ito, mas mataas ang kanilang tsansa na manalo laban sa mga Ancient Shrine.

Ang dahilan kung bakit agad na pinatawag ng Clan Master si Zhao Feng ay dahil takot siya na muli na naman itong magcultivate.

Sa parehong pagkakataon.

Ang palasyo ng First Elder.

"Si Feng'er ay lumabas na rin."

May pag-alala at pag-asa na mababatid mula samukha ng First Elder.

Nagtagumpay kaya si Zhao Feng o hindi? Nasira niya na ba ang siklo ng kamatayan ng Lightning Wind Palm?

"Ipatawag mo agad si Zhao Feng." Pag-uutos ng First Elder.

"Master, nagpadala rin ng mga tao ang Clan Master para hanapin ang aking kapatid na si Zhao." Bigkas ni Yang Gan.

Sa puntong iyon.

Ang paglabas ni Zhao Feng mula sa kanyang seklusyon ay nakuha ang atensyon ng buong Clan. Ang mga katulad niyang kabataan ay interesad sa pagtaas ng kanyang lakas.

Ang top two Core Disciples na sina Yang Gan at Bei Moi ay hindi gaanong tumataas ang cultivation dahil nasa limit na rin sila.

Mahaba ang daraanan ni Bei Moi bago niya maabot ang peak ng 5th Sky. Si Yang Gan ay nasa 6th Sky pa rin, pero ang iilang mga buwan ay hindi sapat para maabot niya ang peak nito.

Sa mga normal na pagkakataon, kailangan pa ni Yang Gan ng dalawa hanggang tatlong taon para maabot ang 7th Sky na maaaring magtagal ng isang dekada. Pero kung may talento siya na katulad ng may isang Earth Spiritual Body at marami siyang resources, siguradong maaabot niya ang susunod na Sky sa pamamagitan ng ilang buwan lamang.

Ang bawat Sky sa Ascended Realm ay mahirap lagpasan, pero ang mga dala nitong pagbabago ay napakalaki.

Sa kabilang banda, si Zhao Feng ay nasa 4th Sky lamang, kung kaya mas marami pa siyang silid para magpalago. Sa oras na lumabas siya sa pagcucultivate niya, napakaraming tao ang nagtungo para batiin siya.

Si Lin Fan ang unang dumating, sumunod si Yun Mengxiang, Xiao Sun, Xu Ren, Lin Yue'er at iba pang mga Core Disciples.

"Binabati kita kapatid na Zhao sa pagsasanay ng Lightning Wind Palm sa pinakamataas nitong antas." Pagtawa ni Quan Chen.

Nang marinig ito, nagsimulang purihin ng ibang mga disipulo si Zhao Feng. Karamihan sa mga tao ay babatiin si Zhao Feng para dito, pero kapag binanggit ang Lightning Wind Palm, iba na ito.

"Ang Lightning Wind Palm ay masyadong maliit at hindi sapat para saken. Iniisip kong ipagpalit ito para sa isang skill na may mataas pang antas." Wika ni Zhao Feng.

Ang kanyang tono ay arogante pero wala talagang nakakaalam ng kanyang iniisip.

Nagtagumpay kaya si Zhao Feng o hindi? Anong ibig sabihin niya na ipagpalit ito sa isa pang skill?

"Bakit gustong magpalit ni Zhao Feng ng skills? Hindi kaya nagtagumpay na siya sa pag-abot ng ikaanim na antas, pero dahil masyado itong delikado, ay gusto niya nang magpalit?"

May liwanag na sumilay sa mga mata ni Quan Chen.

Napakalohikal ng kanyang iniisip.

Ayon sa mga tala, kung nagsanay ang isang tao ng Lightning Wind Palm sa pinakamataas nitong antas, mataas ang tsansa na matamaan siya ng kidlat.

Hindi naman patay si Zhao Feng pero ang pagsasabi na gusto niya ng bago pang skill ay maaaring may nakatagong kahulugan.

Hindi nagtagal.

Dumating na sila Yang Gan, Ran Xiaoyuan at Sister Yuan.

Ang Clan Master at mga Elders ay may sasabihin kay Zhao Feng kung kaya napagdesisyunan nilang magkitakita na lang sa may Central Hall.

"Sige."

Tumango si Zhao Feng at nagtungo siya sa Central Hall kasama ang mga Core Disciples.

Central Hall.

Naroroon ang Clan Master, First Elder at si Hai Yun Master.

Ang Broken Moon Clan Master ay may ngiti sa kanyang mukha. Walang ekspresyon ang First Elder pero may pag-asa sa kanyang mga mata. Nagniningning naman ang mga mata ni Hai Yun Master habang nakatitig kay Zhao Feng.

Agad rin namang sinabi ng tatlo ang mga gusto nilang sabihin.

Mayroong dalawang punto.

Ang isa ay tungkol sa Lightning Wind Palm. Ang ikalawa naman ay dahil sa nangangailangan ang Clan ng pag-atake ni Zhao Feng gamit ang mental energy sa karamihan sa mga Core Disciples.

Para naman sa ikalawang punto, agad na pumayag si Zhao Feng.

"Ilang tao ba ang sasali para sa Alliance Banquet ngayon?" Pagtatanong ni Zhao Feng.

"Sampu." Sagot ng Clan Master.

Inisip ni Zhao Feng na mas marami ito kaysa sa kanyang inaasahan.

Ipinaliwanag ni First Elder: "Ayon sa mga patakaran, mayroon tatlong puwesto. Para naman sa ibang puwesto, kailangang magbayad g bawat Clan ng malaking halaga ng mga primal crystal stone. Pagkatapos rin naman ng lahat, ang Alliance Banquet ay nagbibigay ng mga pabuya at galing ito mula sa Thirteen Clans."

Agad itong naunawaan ni Zhao Feng.

Ang Alliance Banquet ay isang entablado para sa mga elitista ng Clans at ito ay isang tsansa para patunayan ang kanilang mga sarili.

Kung kaya, kahit napakalaki ng babayaran sa bawat puwesto, magbabayad pa rin ang Thirteen Clans.

Para mapahintulutan na makasama ang sampung Core Disciples, ang Broken Moon Clan ay nagbayad ng napakalaking halaga. Ang mga Clan naman na mas mataas ay mas maraming ang puwesto dahil may pera sila at kapangyarihan na magpasali ng maraming disipulo.

Ngumiti ang Broken Moon Clan Master at sinabi: "Ang mga nanggaling sa Ancient Shrine are puro elitista at halos lahat ng kanilang mga dispulo ay kayang abuting ang top twenty. Kung kaya, kakaharapin sila ng ating mga disipulo kung gusto nating maabot ang top twenty."

Mayroon rin siyang mga dagdag pa na paalala kay Zhao Feng tungkol sa mga mental energy attacks nito, hindi niya maaaring saktan ang mga Core Disciples o sirain sila. Alam naman ng lahat kung gaano kalakas ang kanyang mga mental energy attacks kung kaya kahit ang mga nasa 5th Sky ay nahihirapang salagin ito.

"Walang problema. Nakadepende naman ito sa lakas ng loob ng bawat isa, na siyang magbibigay ng sampu hanggang 100 na porsyento ng depensa."

Tumango si Zhao Feng sa pagpayag.

Ito na ang pagkakataon para tulungan ang Clan at sigurado rin siyang bibigyan siya ng Clan ng mga pabuya, kabilang na rito ang contribution points at mga primal crystal stones.

Habang tumataas ang estado ni Zhao Feng sa Clan, mas tataas ang proteksyon na kanyang matatanggap ganoon rin sina Lord Guanjun at ang Zhao Family na makakakuha rin ng magandang pagtrato.

Bahagyang pumangit ang ekspresyon ni Hai Yun Master, pero agad rin itong napalitan ng isang magandang ngiti.

"Zhao Feng, kumusta naman ang iyong Lightning Wind Palm? Kapag naabot raw ng isang tao ang pinakamataas nitong antas, kahit sino na nasa True Spirit Realm ay mamamatay kung kaya kailangan nilang maging maingat." Tinanong na rin ni Hai Yun Master sa wakas ang kania niya pa gustong malaman.

Tumalon ang puso ng lahat nang marinig nila ang kahit sino sa ilalim ng True Spirit Realm ay mamamatay: "Nakasisindak talaga ang Lightning Wind Palm."

Ang mga Core Disciples ay maingat na tumingin kay Zhao Fengzi (Siraulong Zhao).

Zhao Fengzi ang titulong ibinigay kay Zhao Feng ng mga miyembro ng Broken Moon Clan. Ito ay dahil sa ang orihinal niyang pangalan ay 'Feng' at sinanay niya ang Lightning Wind Palm. Walang kahit sino ang sumubok na kutyain o awayin siya sa Clan.

"Naisanay niya na kaya talaga ang Lightning Wind Palm sa pinakamataas nitong antas?"

Tumalon ang puso ng lahat. Kahit ang Clan Master at Elders ay interesado.

"Naisanay nga po ng disipulong ito ang skill sa pinakamataas nitong antas." Pagsagot ni Zhao Feng.

Nang marinig ito, ang lahat ng nasa hall ay nagulat.

Sina Quan Chen, Bei Moi at iba pa ay umakto na tila ba natamaan sila.

"Feng'er, nasa panganib ka ba kung gayon?" Pagtatanong ng First Elder.

Ipinaliwanag ni Zhao Feng: "Dahil naperpekto ko ito, ang panganib ng skill ay nabawasan, pero ang kapangyarihan nito ay makukumpara sa isang peak level ng High Tier Moral Skill."

Kapag ang isang High Tier Mortal Skill ay naisanay sa peak level, ang kapangyarihan nito ay talagang nakasisindak, lalo na kung may kinalaman ito sa Lightning.

"Kung ganoon, may posibilidad ba na magawa mo ang 9 Clouds Lightning?"

Sinusuri ni Hai Yun Master si Zhao Feng. Ayon kay Zhao Feng, kahit na nakasisindak ang Lightning Wind Palm, hindi pa ito panghalimaw.

"Opo." Pagsagot ni Zhao Feng.

Totoo naman ito. Ang lahat ay lumanghap ng malamig na hininga. Kahit ang Clan Master at Elders ay nagulat rin.

"Syempre, kahit anong kapangyarihan na lumalagpas sa limit ng isang tao ay may restriksyon at malaking kabayaran." Pagpapatuloy ni Zhao Feng.

Restriksyon at malaking kabayaran?

Sa puso ni Hai Yun Elder, sinabi niya ang 'Tulad ng iniisip ko' nang marinig ito.

"Para ipatawag ang lightning, kailangang maulap o may bagyo. Mayroong 50 porsyento na tsansa ng pagpapatawag ng lightning sa isang maulap na araw at 100 porsyento naman kapag may bagyo. Ito ang mga kinakailangan."

Huminto nang saglit si Zhao Feng at saka nagpatuloy: "Kapag ipinatawag ko na ang lightning at dahil sa ang kapangyarihan nito ay ilang beses na mas malakas kaysa sa akin, kahit sino na nasa True Spirit Realm ay mamamatay o kaya ay mapipinsala nang malala. Syempre, bilang kapalit, may 50 porsyento rin na tsansa na mamatay ako. Habang nagiging mas makapangyarihan ang lightning, mas mataas rin ang tsansa na mamatay ako."