webnovel

Ang Tanging Paraan

Editor: LiberReverieGroup

"Syempre, nauunawaan ko kung bakit andito ka…"

Binigay na ni Tandang Su ang kanyang papuri at pasasalamat, pero dumiretso na siya sa pinag-uusapan.

Syempre, nag-aalala siya na baka makatulog si Zhao Feng nang kahit anong oras at ang pag-uusap sa mga bagay na walang halaga ay sasayangin lamang ang kanilang oras.

"Oh? Pwede niyo ho bang ipaliwanag sa akin Tandang Su?"

Nagpakita ng interes si Zhao Feng at natuwa siya kung paano umakto si Tandang Su.

Cough cough.

Huminto nang saglit si Tandang Su habang pinapadaloy niya ang kanyang Qi ng True Spirit para pwersahing pangimbabawan ang mga lumang pinsala sa kanyang katawan.

Sa parehong pagkakataon, sinuri niya si Zhao Feng nang malapitan – ito ang napakahusay na prodigy ng Sacred True Dragon Gathering.

Si Prinsesa Jin ay walang kahit anong tinatago mula sa kanyang Master at nang malaman ang nakagugulat na balita, nagulantang si Tandang Su. Hindi pa rin siya nagiging kalmado nang buo.

Tumingin si Tandang Su kay Zhao Feng nang malalim at naunawaan na hangga't hindi namamatay ang isang napakahusay na prodigy gaya ni Zhao Feng,

Siguro, pagkatapos ng ilang tao, si Zhao Feng ay makukumpara na sa isang maalamat na Scarlet Moon Demonic Religion Patriarch o kaya kay Sword Saint Ye Wuxie.

"Una sa lahat, ang Iron Dragon Alliance ang pareho nating kalaban. Naniniwala akong hindi ito kinukuwestyon ng ating Kapatid na Zhao."

Nagsalita na rin sa wakas si Tandag Su at hindi nagkaroon ng konklusyon agad.

"Tama iyan."

Itinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo nag bahagya. Makikita agad ng isa na may alitan sila ni Zhao Feng sa paraan kung paano nito hawakan ang sibat patungo sa Iron Dragon Alliance.

"Kung tama ako, ang dahilan kung bakit ka bumalik sa Cloud Area ay upang iligtas ang iyong Clan."

Kalmadong sabi ni Tandang Su.

Itinango nang kalmado ni Zhao Feng ang kanyang ulo at sumenyas kay Tandang Su na magpatuloy.

Sa katotohanan, hindi naman ito mahirap hulaan dahil sa nakaraan ni Zhao Feng.

"Subalit, mag-isa ka lang at gusto mong gamitin ang kapangyarihan ng Dragon Killing Alliance para maunawaan at malabanan ang Iron Dragon Alliance. Kung kaya, pumunta ka sa amin."

Ngumiti si Tandang Su at saka tumingin kay Zhao Feng.

Ngayon naman, hindi itinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo at hindi rin umiling.

"Maaari ko bang itanong, ano ang mungkahi ni Tandang Su para sa akin?"

Ngumiti si Zhao Feng. Ang kanyang kaliwang mata ay nagningning sa tubig at mukhang napaka-elegante.

Biglaang napagtanto ni Tandang Su na hindi pala niya malalaman ang motibo ng kabataang ito, pero hindi niya naman itinago ang kanyang mga iniisip.

"Ang mungkahi ng matandang ito sa iyo ay…. Umalis ka ng Cloud Area."

Matalim na wika ni Tandang Su.

Umalis sa Cloud Area. Ito ang payo ni Tandang Su kay Zhao Feng.

"Bakit?"

Nagulat si Zhao Feng.

"Ang pinakamagandang desisyon ay bumalik sa pwersang nasa likod mo at magcultivate sa loob ng ilang taon hanggang sa maging napakalakas mo na at kaya mo nang baguhin ang lahat. Sa pagkakataong iyon, importante ka na para pagbigyan ng dagdag na pwersa."

Taimtim na sabi ni Tandang Su.

Napahinto si Zhao Feng at nagsimulang alamin ang kahulugan ng mga salitang binitawan ni Tandang Su.

Ngumiti siya at ang kanyang pagtingin kay Tandang Su ay tumaas. Si Tandang Su ay tapat at sinasabi ang lahat ng diretsahan.

Nang malaman ang kadakilaan at kasikatan ni Zhao Feng dahil sa mga naabot niya sa Sacred True Dragon Gathering, ayaw ni Tandang Su na sumali siya Dragon Killing Alliance, at minumungkahi niya pa na umalis ito ng Cloud Area.

Syempre, inisip ni Tandang Su na nakapanghihinayang kung ang isang prodigy na tulad ni Zhao Feng ay mamamatay nang maaga.

"Tandang Su, kailangan mo lang naman sabihin sa akin kung paano ko ililigtas ang Broken Moon Clan at ang tunay na lakas ng Iron Dragon Alliance."

Hindi na pinagkaabalahan pa ni Zhao Feng ang isyung iyon at agad na binago ang pinag-uusapan.

Hindi na nagulat pa si Tandang Su at napangiti na lamang. Paano naman mapapasuko nang ganoon lang kabilis ang isang napakahusay na prodigy gaya ni Zhao Feng?

Subalit, kampante si Tandang Su na may kakayahan siyang baguhin ang mga pananaw ni Zhao Feng.

"Hindi mo siguro ito alam, pero ang Thirteen Clans ay hindi lamang mga tagasunod ng Iron Dragon Alliance sa pangalan. Kundi sumailalim sila sa Blood Pact dalawang taon na ang nakalilipas nang sumuko sila."

"Blood Pact?"

Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay nagbago nang bahagya.

Noong panahong iyon, hinahabol siya ni Master Haiyun, kung kaya agad siyang umalis ng Thirteen Countries sa pagmamadali at hindi niya alam kung ano ang nangyari sa pagsuko.

Ang alam niya lang, mula sa Thirteen Clans, ang Ancient Shrine ang unang nagtaksil sa kanila dahil nagkaroon na agad sila ng koneksyon sa Scarlet Moon Demonic Religion.

Para naman sa natitira pang 12 na clans, sumuko lamang sila noong bumaba na si True Lord Tiexiao.

"Kung babalikan, doon sa Dragon Concealing Lake, ang mga nakatataas ng 12 na clans ay sumailalim sa Blood Pact at ginawang tagasunod ang mga pwersa nila ng Iron Dragon Alliance. Dapat mong malaman ang kapangyarihan ng Blood Pact. Isa itong pwersa na nabibilang sa langit at lupa."

Napabuntong hininga nang bahagya si Tandang Su nang magsalita hanggang dito.

"Nangangahulugan ito na kahit pa bumalik ako sa Broken Moon Clan, hindi ako matutulungan ni Master. Sa kabaliktaran, ang pagbalik ko pa ay magdudulot ng mas maraming kaguluhan?"

Naging taimtim nang bahagya ang mukha ni Zhao Feng.

"Tama iyan. Kung gusto mong iligtas ang Broken Moon Clan, ang tanging paraan ay sugurin mo nang diretso ang headquarters ng Iron Dragon Alliance. Basta masira mo sila, ang Blood Pact ay mawawalan ng kapangyarihan. Ito rin ang pinakasimpleng paraan."

Hindi mapigilan ni Tandang Su na tignan si Zhao Feng nang sabihin ito.

Isang napakapangahas na paraaan para atakihin ang headquarters ng Iron Dragon Alliance? Hindi niya ito maisip at hindi rin ito makatotohanan.

Ang dahilan kung bakit sinabi ni Tandang Su ang "hindi makatotohanang" paraan na ito ay para isiping mabuti muli ni Zhao Feng ang kanyang mga desisyon.Subalit, ang ekspresyon ni Zhao Feng ay hindi nagbago. Ang kanyang mata ay nagkaroon ng kakaibang liwanag sa paraang binanggit ni Tandang Su.

Pagkatapos ng saglit na katahimikan.

"Gaano kalakas ang Iron Dragon Alliance?"

Tinanong na rin ni Zhao Feng ang pinakamahalagang tanong.

"Gaano kalakas?"

Iniiling ni Tandang Su ang kanyang ulo at ngumiti, "Ang buong Cloud Area – ang dalawang strong countries, ang 13 na small countries, at ang iba pa nilang mga pwersa – lahat ay nasa ilalim ng kontrol nila. Mayroon apat na Palace Lords, 36 na Core Elders, at ang iba ay mga elites o elitista. Ang kanilang mga kamay ay natatakpan ang buong kalangitan ng Cloud Area at nagsisimula na itong umabot pati sa iba pang mga strong countries. Bukod pa roon, ito lamang ang lakas nila sa ibabaw. Ang Iron Dragon Alliance ay may Scarlet Moon Demonic Religion pa sa kanilang likod. Sino nga ba ang nakakaalam kung ilang eksperto talaga sila mayroon?"

Apat na Palace Lords, 36 na Core Elders.

Naguhitan ang mga mata ni Zhao Feng nang maunawaan niya kung paano inaayos ang mga nakatataas ng Iron Dragon Alliance.

Noong nakaraan lamang, ang dalawang Core Elders pa lamang ng Iron Dragon Alliance ay napilit na agad ang Dragon Killing Alliance sa isang mahirap na sitwasyon.

Ang 36 na Core Elders ay may tig-iisang palasyong kinokontrol, at sa itaas nila ay ang mga palasyo ng Palace Lords.

Ang bawat Palace Lord ay may hawak na siyam na palasyo pa at lahat sila ay nasa True Lord Rank.

"Si True Lord Tiexiao, ang taong pumuwersa sa Thirteen Clans para sumuko noon ay isa sa mga apat na Palace Lords."

Binanggit ni Tandang Su ang Core Elders at ang mga malalakas na Palace Lords.

Apat na Palace Lords.

Ang talagang iniisip ni Zhao Feng ay ang apat na Palace Lords at ang iba pang mga eksperto ng Scarlet Moon Demonic Religion.

Pagkatapos ng kalahating oras na kinakailangan para makagawa ng tsaa.

"Salamat, Tandang Su. Ang pagpunta sa mismong headquarters ng Iron Dragon Alliance ang pinakasimple at pinakadiretsahang paraan."

Marahang tumayo si Zhao Feng at hindi mapigilan ni Tandang Su na mapatigil.

Nakinig ba talaga sa kanya si Zhao Feng? Pero naramdaman niyang tila may kulang.

Mula sa simula, wala man lang takot si Zhao Feng at ang kanyang mga salita ay naglalaman ng kumpiyansa.

Nang paalis na si Zhao Feng.

"Teka, hindi ka aalis ng Cloud Area?"

"Syempre hindi."

Ang mga yapak ng kabataang may kulay asul na buhok ay napahinto.

"Tumawag ka na ba ng mga dagdag na pwersa?"

Paghuhula ni Tandang Su.

"Sapat na akong mag-isa."

Tumawa si Zhao Feng at saka umalis palabas.

Ano!?

Itinuro ni Tandang Su ang kanyang daliri kay Zhao Feng at nagsimula na siyang manginig sa galit.

Arogante! Napaka-arogante!!

Huminga nang malalim si Tandang Su at tumuro kay Zhao Feng habang sinasabi sa nanginginig na tono, "Isa ka nga sa mga napakahusay na prodigies ng henerasyong ito, pero ang kaignorantehan mo ang magdadala sa iyo sa pagkahulog sa kawalan."

Hindi siya pinakinggan ni Zhao Feng at nagpatuloy itong maglakad nang may matinding paniniwala.

"Tumigil ka!"

Si Tandang Su ay umatungal habang ang kanyang puting buhok ay nililipad. Ang kanyang True Lord Rank na aura ang siyang tumawag sa Heaven Earth Yuan Qi na siyang nagpabago sa nalalapit na mga ulap.

Ang kapangyarihan ng True Lord Rank.

Kahit na ang lakas ni Tandang Su ay bumaba, ang kanyang mental energy ay nariyan pa rin.

"Hehe, maagang yugto ng True Lord Rank. Ito ba ang peak power ni Tandang Su?"Ang kabataang may kulay asul na buhok ay ngumiti dahil sa kanyang nakikita. Sa pagkakataong iyon, tila ba naging isa siyang karagatan; malawak at walang katapusan, malalim at hindi maunawaan.

Isang hindi nakikitang alon ng mental energy ang dumaloy sa buong paligid na siyang nakapagpanigas ng buong kwarto.

"Ikaw… Ikaw…"

Nanginginig ang puso ni Tandang Su. Nakaramdam siya ng isang presyur sa harap pa lamang ng ganitong aura.

Ang mental energy aura na ito ay mas malakas sa kahit sinong True Lord Rank na nakit niya. Ang kaluluwa ng kalaban niya ay tila binabalot ang mundo kung kaya nanginginig mismo ang kaluluwa ni Tandang Su.

Ang ekspresyon ng mukha ni Tandang Su ay naging takot hanggang sa maging taranta at maging hindi mapantayang kasiyahan tungo sa hindi makapaniwala.

Sa wakas.

Tumingin si Tandang Su sa kabataang nasa harap niya nang may paggalang, "Hindi ko akalaing ang lakas mo ay umabot na sa ganitong lebel. Mukhang minaliit kita."

Subalit, interesado pa rin si Tandang Su na malaman.

"Mukhang makakaabot ka kaagad ng True Lord Rank nang walang hirap. Pero ang mag-isa ka lamang ay hindi sapat para yanigin ang isang napakalaking halimaw gaya ng Iron Dragon Alliance."

Ngumiti si Zhao Feng pero hindi na tumugon pa.

Kung hindi lamang dahil sa pagbabago sa kanyang kaliwant mata, nasa True Lord Rank na siguro siya ngayon.

Shua Shua!

Isang itim na perlas ang sumilay sa kamay ni Zhao Feng at tinapik niya ito nang marahan.

Dalawng malalalim na ungol at may nakasisindak na aura ang makikita sa tabi ni Zhao Feng.

Sa isang abong usok, dalawang maitim na pilak na Ghost Corpses ang nagbabantay sa kaliwa at kanan ni Zhao Feng.

"True Lord Rank!!? Paano ito naging posible…? Ang Cloud Area… Kahit ang mga strong countries at great countries ay hindi kayang magsanay ng isang Ghost Corpse sa True Lord Rank nang ganoon kadali!"

Halos matumba na si Tandang Su dahil sa tuwang nararamdaman ng kanyang puso.

Napatango si Zhao Feng sa tuwa habang sinusuri niya ang dalawang maitim na pilak na Ghost Corpse. Pagkatapos ng dalawang buwan na nasa loob ng Ten Thousand Ghost Pearl, ang kanilang cultivation at lakas ay umabot na sa maagang yugto ng True Lord Rank.

Ang Ten Thousand Ghost Pearl ay isa sa mga aytems na ibinigay ng Purple Saint Partial Spirit kay Zhao Feng at minsan itong naging sacred item ng Ten Thousand Ghost Emperor. Sa nakaraang kasaysayan, sinira ng Ten Thousand Ghost Emperor ang napakaraming two-star na sects gamit ang kanyang hukbo ng mga multo.

Shua Shua!

Agad na nakilala kung ano ang dalawang True Lord Rank na Ghost Corpse.

Hindi pa rin makaalma si Tandang Su. Ang gulat na ibinigay sa kanya ni Zhao Feng ay higit pa sa kahit anong naranasan niya sa loob ng isa o dalawang daan ng kanyang buhay.

"Ito pa lamang ang simula…. Kapag tuluyang gumaling na ang aking eye bloodline, kahit anong bagay at ang lahat ay magiging posible."