Ang pasukan sa Floating Crest Palace.
Ang 4 na Elders at ang Clan Master ay tahimik na naka-de-kwatrong upo.
Sa isang kurap ng mata, walong araw na ang nakalilipas at ang una at ikalawang yugto nang paglilitis ay natapos na.
Sa araw na ito, ang Unang Elder ay dahan-dahang binuksan ang kanyang mga mata. "Ayon sa nakaraang pangyayati, maraming tao ang napatalsik noong ikalima at ika-anim na araw.
Ang ikalima at ika-anim na araw ay nsa gitnang yugto ng paglilitis at marami ang napapatlsik o namamatay.
Ngunit sa pagkakataong ito, walong araw na ang nakalilipas at wala pa rin ang naaalis.
"Talaga ngang kataka-taka. Sobrang hirap ng unang yugto lalo na siguro ang ikalawa at ikatlong mga yugto at mas mapanganib sa mga nakaraang paglilitis."
Bahagyang nag-aalala su Granny Liu.
Ang kanyang disipulo na si Liu Yue'er ay isa sa mga mahihinang sumali.
"Mayroon lamang dalawang posibilidad."