webnovel

Kakaibabe

Anong gagawin mo kung sa panahong kinabibilangan mo ay wala naring nagmamahal sayo ngunit sa panahon namang napuntahan mo ay wala namang internet? Babalik ka ba? Makita kaya ni Kimmy ang true love niya sa nakaraan? O nasa kasalukuyan?

Lukresya · História
Classificações insuficientes
39 Chs

32 Diwa

Ilang oras ng nakahiga si Kimmy pero masakit parin ang puson nito. Ito ang unang pagkakataon mula ng magdalaga ito na sumakit ng ganito kasakit ang puson niya. Hindi niya napansin kung saan galing at ano ang dahilan ng dysmenorrhea niya. Nakakain ba ito ng maaalat na pagkain kanina?

"Binibini narito po si Ginang Alopesia." sabi ng aliping yaya ni Kimmy habang kumakatok sa pintuan.

"Sige, lalabas na ako." mahinang sabi ni Kimmy. Dahan dahan itong bumaba sa higaan at tumayo palabas habang medyo namimilipit parin sa sakit pero kailangan niyang makibalita sa kanyang negosyo.

"Magandang hapon po Ginang Alopesia." bati ni Kimmy pagkakita nito sa kanya.

"Magandang hapon po Binibini." nakangiting bati naman nito sa kanya.

"Maupo ka." sabay upo nito sa upuan sa sala.

"Salamat." umupo ito sa upuang kaharap ni Kimmy at sinenyasan ang mga alipin nito na ibigay kay Kimmy ang mga maliliit na baul ng mga ginto at alahas.

Naging hugis bituin ang mga mata ni Kimmy sa maraming ginto at alahas. Nagsenyas naman ito sa kanyang aliping yaya na pinagkakatiwalaan niya na ituro ang daan sa mga alipin ni Alopesia patungo sa kwarto nito "May balita ba?"

"May nagtangkang gumaya sa mga produkto mo pero katulad ng dati, hindi sila nagtagumpay." pagbabalita ni Alopesia dito. May isang dayuhang lumitaw ang nang agaw ng mga suki nito ngunit mabuti nalamang ay hindi nito kayang tapatan ang mga produkto ni Kimmy.

Napaisip si Kimmy kung sino pa ang kayang lumikha ng modernong produkto. "Mukhang masyado ko siyang minaliit." mahinang sabi nito. Mas nauna itong nakarating sa kanya sa nakaraan kaya't mas mabilis at malaki na ang mga koneksyon nito. Pero hanggang anino lamang siya nito at hindi na niya hahayaang mauna pa ang anino niyang iyon.

"Mukhang kilala mo na siya?" tanong ni Alopesia dito dahil sa sinabi nito. "Sino ang kalabang nagtatago?" pagtataka nito.

"Si Antonia." humarap ito kay Alopesia.

"Si Antonia?" nag isip muna ng malalim si Alopesia. "Kunsabagay, dati na siyang tinuturuan ni Ginoong Lorenzo ng mga kakaibang mga bagay noong magbinata at magdalaga na sila."

"Tch." bungisngis niya. "Isang buwan mula ngayon, ipapahatid ko sa iyo ang bago nating produkto. Hinding hindi na sila makakasabay." sabi nito kay Alopesia.

"Ipapahatid? Hindi ba mas maigi kung ako nalang ang kukuha?" pagtatakang tanong ni Alopesia. Mula ng magnegosyo ang mga ito ay lagi lang sila ang personal na nagkikita ngunit ngayon ay magkakaroon ng tagahatid, hindi ba't magiging sugal iyon? Una, sa Pinuno. Pangalawa sa mga mangangalakal at Ikatlo sa kalaban nila. Tiyak na gaganti ang mga ito sa kanya. Naging mahina ang benta ng mga dayuhan dahil dito kaya't kahit maliit na butas ay papasukin ng mga iyon, masira lamang ang negosyo nila.

"Kailangan ko rin gawin ang Law of Leverage. Paano nalang pag wala ako? Pagdating ng araw na iyon ay maiintindihan mo rin ang mga sinasabi ko pero sinisiguro ko sa iyo na hindi kayo sasabit ng Ama mo." Pahapyaw na paliwanag ni Kimmy. Hindi pa nito sinasabi sa kanya ang balak niyang pag alis sa baryo.

"Lo op lebereds?" nalilitong tanong ni Alopesia kay Kimmy.

"Law of Levereddgggge.. yung mejo diin yung dgi dgi. ay basta! Yun yung tawag sa pagkakaroon ng mga alipin na sinasahuran ng mas malaki depende sa kita ng pambuong kita. Mas magiging tapat sila sa ganoong sistema." paliwanag ni Kimmy dito.

"Sistema. ???" nag isip isip ito. "Kakaiba ka Kimmy." tumingin muli ito kay Kimmy. " Nais ni Ama na humingi sa mga sariwa mong gulay at mga pampalasa. Napaka hilig daw kasi ng mga bisitang dayuhan sa bayan nila Ama." hiling nito.

"Ako ang mamimitas. Kung nais ng iyong Ama ay maaari ko siyang turuan ng pagtatanim ng maayos ng mga ito." sagot ni Kimmy. Natuwa ito na may naka appreciate sa mga tanim niya at mga luto niya. Iniisip nya na maganda ding sigurong magtayo ng restaurant sa panahong ito. "Ano bang lahi mga bisita ng iyong Ama? Espanyol o Portuges?" tanong nito.

"Espanyol o Portuges?Hmn ? Basta dayuhang Kastila. Lulan din sila ng barko, kasamahan sila ng nakasanduguan ng Datu Sikatuna, Senyor Legazpi yata iyon." sagot ni Alopesia na kagaya ng iba hindi pa maliwanag sa lahat ang pagkakaiba ng Espanyol at Portuges sa panahong iyon. "Maiba ako binibini. Hindi mo ba pagbibigyan ang kahilingan ng Pinuno sa iyo?"

"Anong kahilingan?" tanong ni Kimmy.

"Ang pakasalan siya." tugon nito.

"Bakit pa? Di ba siya tong tumanggi noon? Maglaway siya ngayon." sagot nito. "Manang pakikuha naman yung itinabi kong casava cake kahapon. Yung nakatakip jan." utos nito sa aliping yaya.

"Kungsabagay," nag isip ito ng malalim pero nakatingin sa malayo. "Pero alam mo bang tinanggihan din niya kaming tatlo noon?" biglang naging tsismosa ang mayuming babae.

"Oh?" tanong nito habang hiniwa hiwa ang kalamay na inihapag ng aliping yaya. "Hindi ba ikaw ang pinakapaborito niya sa tatlo? Bakit ok lang sa iyo makasal siya iba. Tapos magiging mataas pa rangko ko sa inyo. Hindi mo ba siya mahal?" at binigay nito kay Alopesia ang hiniwa niyang isa sa isangbplatitong kahoy.

"Salamat." tinikman nito ang kalamay at nasarapan. "Anong klaseng lasa ito. Matamis na hindi ko maiplaiwanag." pagkamangha nito.

"Matandang kalabasa iyan na iniluto sa malagkit." sabi ni Kimmy.

"Parang suman na may pampalasa." sagot muli nito at tumikim ulit. " Tinanggap lang kami ng Pinuno bilang mga babae niya. Maingat ito sa lahat ng bagay. Maraming gustong kumuha sa pamumuno niya kaya't hindi ito naniniwala sa simpleng pag aasawa lang. Ang lahat ay may lihim na layunin, yun ang lagi niyang iniisip." sabi nito kay Kimmy sa pagbabalik niya ng topic nila. "Nakiusap lang ako na tulungan niya at tanggapin kahit bilang babae lang niya dahil sa pagtakas ko kay Waldo. Hindi siya naniwala, gusto na nga niya akong ipapatay noon pero nang mag imbistiga siya tsaka niya lamang ako tinanggap. Nagpapanggap lang kami na ako ang pinakapaborito niya sa tatlo pero ang totoo, kapag hindi siya kumportableng makipagtalik sa akin siya nagtatago. Kung hindi lang dahil sa mga pangungulit ng mga matatanda ng baryo ay hindi ito makikisiping sa dalawa." lumapit ito kay Kimmy at bumulong. "Sa pagkakaalam ko isang beses niya lang nakasiping si Antonia at si Diwa, ang pinakamaraming beses daw ay." mas lumapit ito sa tenga ni Kimmy "Ikaw."

Nasamid sa isinubong kalamay si Kimmy at nagpapaabot ng tubig kay Manang. "Sinong may sabi niyan?" tanong nito. Walang hiyang Ramses na iyon. Ipinagkalat na yata niya ang nangyari sa kanilang dalawa.

"Hay nako, usap usapan na yun ng mga alipin no. Pano naman kasi, noong gabi na sinasabing pinagsamantalahan ang Pinuno maraming beses daw niya itong ginawa na parang wala ng bukas at ang sabi pa nila, iba't ibang klase pa daw ng posisyon ang ginawa ng babaeng iyon sa Pinuno."

Namumula at Nanggigigil sa pagkahiya at pagkagalit si Kimmy. Paano nasabi iyon ng mga alipin? Liban nalang kung siya mismo ang nagkwento noon sa kanila! May Boys Talk na pala noon ha?!!

"Noong una nga akala ng Pinuno ay si Antonia iyon dahil siya ang katabi niya pagkagising niya, Ngunit nang ulitin na nila ay hindi daw nito ginawa ang mga nagawa ng babae sa kanya. At lumabas sa imbestigasyon na si Diwa talaga ang nagpalagay ng pampagana sa inuming tubig nila para daw mabuntis siya at magkaroon na agad ng tagapagmana ang Pinuno. Si Diwa ay anak ng isa sa mga matatanda at pamangkin ng matandang manggagamot noon. Kaya't hanggang ngayon ay nakakulong ito sa sariling bahay. Tsk tsk tsk. Hangga't di siya pinapayagan ng Pinuno ay di ito makakalaya." pailing iling na sabi nito.