webnovel

Ang Simula

Noong unang panahon, sa lugar ng Navotas. Nakatira ang isang batang babae na nagngangalang Grace. Wala na siyang mga magulang dahil namatay ito noong bata pa lamang siya, naninirahan siya sa kanyang tihayin na si Minerva. Palagi siyang pinagmamalupitan ng kanyang tiyahin, pinanglilimos siya sa kalye, at hindi pinapakain kapag walang dalang pera. Isang araw nakita ni Priyanka Cabello, isang business woman na may malaking kompanya sa kalsada si Grace, nakita niyang nanglilimos ito na madumi at punit-punit na ang damit. Naawa siya kay Grace at nakipag-usap.

PRIYANKA: bata! mag-isa ka lang ba? wala ka bang pamilya? ano pangalan mo?

GRACE: Grace po pangalan ko.wala na po yung mga magulang ko pero nakatira po ako ngayon sa tiyahin ko...

PRIYANKA: O, eh kung ganon bakit ka nanglilimos. Wala bang trabaho tiyahin mo?

GRACE: Naglalabada po siya, pero yung pera niya po na nakukuha dun ginagamit niya lang pang sugal.

Sa gitna ng pag-uusap nina Priyanka at Grace, nahimatay si Grace at agad naman siyang dinala ni Priyanka sa Hospital.

PRIYANKA: Doc, kumusta po lagay niya? Bakit siya nahimatay? Magiging Ok po ba siya?

DOC: Sa ngayon, magiging maayos naman siya. Siguro nahimatay siya dahil sa gutom, hindi ba siya kumakain?

PRIYANKA: Nakita ko lang siya sa kalye nanglilimos. Sabi niya sakin, di daw siya pinapakain kapag wala siyang nadadalang pera.

DOC: O, nagising na pala siya!

PRIYANKA: Grace, are you Ok?

GRACE: maayos na po ako. Salamat nga po pala sa pagdala mo sakin sa Ospital.

PRIYANKA: Wala yon. Gusto mo bang kumain?

GRACE: nako wag na po, uuwi nalang po ako saamin.

DOC: Ija, kailangan mong kumain para lumakas ka. Pwede ka ulit mahimatay kung di ka kakain.

GRACE: Nakakahiya naman po kasi kay Maam....

PRIYANKA: Priyanka, yun yung pangalan ko.

GRACE: opo, nahihiya po kasi ako kay maam Priyanka.

PRIYANKA: nako, wag ka nang mahiya saakin. Handa naman akong tumulong eh! Sige magpapa-deliver lang ako.

GRACE: salamat po maam Priyanka!

Ngumiti si Priyanka kay Grace at tumawag siya ng delivery. Maya-maya, dumating na yung pagkaing pina-deliver ni Priyanka. Binalikan niya si Grace sa kuwarto at sinaluhan ito.

PRIYANKA: Grace, halika eto na yung pagkaing pina-deliver ko.

GRACE: Andami naman po neto maam Priyanka.

PRIYANKA: nako para sayo talaga yan. Eto fried chicken oh.

GRACE: Alam niyo po, nakikita ko lang tong mga pagkain na eto. Nagbabalak din po ako dating mag-ipon sa panlilimos ko para makakain po neto. Pero yun na nga po, kinukuha lang po yun ng tita ko.

PRIYANKA: Napakasalbahe naman pala ng tita mo.

GRACE: Ewan ko nga po bakit pinagmamalupitan niya ako. Sinusunod ko naman po lahat ng gusto niya pero nagagalit pa din siya. Kaya nagpapasalamat po ako at nakilala ko po kayo. Napakabait niyo po maam Priyanka.

PRIYANKA: nako, nangbobola ka pa!

GRACE: Hindi po! totoo po sinasabi ko. Hulog po kayo ng langit saakin! Thank you po ulit sa lahat ng ginawa niyo para sakin! I love you po maam Priyanka!

Niyakap ng mahigpit ni Grace si Priyanka. Di naman maipaliwanag ang saya ni Priyanka ng yakapin siya ni Grace. Naalala niya kasi yung namatay niyang anak na si Jayda. Kaya siguro napamahal siya kay Grace. Nang tapos ng kumain si Grace, tinanong siya ni Priyanka kung saan na ito pupunta. 'Uuwi nalang po ako sa tita ko' sagot ni Grace.

PRIYANKA: pero pinagmamalupitan ka niya di ba?

GRACE: eh, wala na po akong ibang matutuluyan. Tsaka magagalit po yun sakin!

PRIYANKA: sige, mamaya ibabalik kita dun sa lugar kung saan tayo nagkita. Ok?!

GRACE: Ok po Maam Priyanka!

Maya-maya umalis na nga sina Priyanka at Grace sa Hospital at dumeretso sa Navotas. Nagpaalam na si Priyanka kay Grace at nangakong magkikita pa silang dalawa.

🌻Next Episode