webnovel

Just Hold Onto Destiny's Grasp

Damien Cadenza is a Landscape Photographer while, Caelian Joy Pangilinan is a Tragic Author. Two people who have the same passion to achieve their dreams. Two people who mourns to their painful past. When love arrives, when problem strikes, and when hurt is at the corner. Can they take the chance to hold onto destiny's grasp? (All rights reserved by Shay C.)

SHECULAR · Urbano
Classificações insuficientes
60 Chs

Hidden

"DEMONYITA talaga ang babaeng iyon! Nakakakulo siya ng dugo, saan ba nakatira ang babaeng iyon, ha? Mapuntahan ko nga at makasampal man lang ng isang daang beses. Ang maldita to the highest level, jusko!" may inis at gigil na sabi ni Kyrine sa akin habang padabog din binubuksan ang wrapper ng pangalawang burger niya.

Naglalakad kami ngayon, galing kami kasi bahay ni Kyrine at tumambay muna saglit do'n. Nag-tricycle kami kaso kapag pinadiretso sa bahay ay mas mapapamahal ang bayad kaya pinili namin na maglakad, sakto naman sa kanto ng lugar namin ay may nakita kaming buy-one-take-one na burger at um-order kami ng dalawa.

"Hayaan mo na. Sanayan lang 'yan. Akala ko nga nagbago na siya pero nagkamali pala ako, galit at kinasusuklaman niya pa rin ako dahil sa nangyari," pilit na napangiti ako pagkatapos ay tinanggal ko ang paningin ko sa kanya saka ako mahinang bumuntong hininga.

Bakit ba kasi ganito kabigat? Bakit ganito kasakit? Habang tumatagal ito sa dibdib ko mas lalong bumibigat at sumasakit. Paunti unti ko itong nararamdaman para siyang gumagapang hanggang sa mapuno na lang ako, hanggang sa sakupin na lang ang buong pagkatao ko.

"Nagkuskos ka ba matindi, Caelian?" biglang tanong niya na lang kaya taka akong lumingon sa kanya.

"Ha? Bakit?—Oo naman, nagkukuskos lagi ako. Bakit mo natanong?" nagtatakang tanong ko kay Kyrine.

"Mabuti naman, natatakot lang kasi ako baka kasi kumapit sa katawan mo ang pagkamaldita ni Milena, mahirap na baka mahawa ka. Mahirap makahanap ng gamot no'n," nakangising sambit niya at kumagat sa burger niya saka kumindat sa akin. Napailing naman ako at napatawa.

"Tita! Nandito na po kami!" sigaw ni Kyrine pagkabukas ko ng gate.

"Sige, pasok mga hija!" sigaw ni mama mula sa loob.

Tinanggal muna namin ang tsinelas namin at nilagay sa lalagyanan bago binuksan ang pintuan at pumasok sa loob.

"Ma, pinapakamusta ka po ni Tita Rose—" napatigil ako sa pagsasalita nang hindi ko sinasadyang dumapo ang dalawang pares ng mata ko sa isang taong nakaupo sa single sofa.

"Hi, Caelian!" nakangiting bati ni Damien sa akin. Halata na good mood siya ngayong araw.

"Omygosh," mahinang sabi ni Kyrine sa gilid ko, kahit siya hindi makapaniwala, maging ako.

"Anong ginagawa mo rito? At paano mo nalaman na dito ako nakatira?" hindi makapaniwala na tanong ko sa kanya. Nakakagulat lang na makita siya sa bahay namin mismo. Anong trip niya ba?

"Secret!" tawa-tawa na sagot ni Damien. Sarap niyang kurutin sa tagiliran.

Nailipat ko naman ang tingin ko kay mama na nangingiti habang pinagmamasdan kaming dalawa.

"Mama, bakit mo pinapasok ang lalaking 'to rito?" tanong ko na hindi mapigilan ang tono ng panenermon.

Inosente akong tiningnan ni mama at tumingin kay Damien bago siya muling tumingin sa akin. "Sabi niya kasi kaibigan mo siya at sinabi niya na magkasama kayo sa isla, pinakita niya pa ang picture ng islang pinuntahan niyo at picture mo kaya...ayon pinapasok ko na," nakangiti na sabi ni mama at may panunukso ang tono niya.

"Omygosh! Magkasama kayo sa isla, Caelian Joy?!" narinig kong gulat na sabi ni Kyrine ngunit hindi ko siya pinansin.

"Dapat hindi mo pa rin siya pinapasok. Sana huwag na maulit ito, ma" pangangaral ko sa kanya at bumuntong hininga.

Hindi sa lahat ng oras ibibigay mo ang buong tiwala mo sa isang tao. Hindi lang basta-basta ibinibigay iyon dahil kung ibibigay mo ang lahat, para kang tumaya sa isang laro na may taong ng alam ang mangyayari at siya na ang mananalo. Hinihintay niya lang ibigay mo ang lahat ng taya mo at aakuin niya ang lahat ng meron ka sa oras na napagdesisyonan niya ng kumilos sa makasariling intensyon niya.

"Hindi naman siya masama, diba? Ang bait nga ng batang ito at napakagwapo pa," nakangiting sabi ni mama at halatang tuwang tuwa kay Damien.

Napasadahan ko na lang ang buhok ko dahil sa pinipigilang emosyon.

"Oh, magtitimpla muli ako ng juice para sa inyong dalawang magkaibigan at para makainom ulit din si Damien," nakangiting sabi ni mama at umalis na papuntang kusina.

"Ang sarap ng kakuwentuhan ng mama mo, Caelian. Napakabait pa, nagtataka nga ako kung bakit ang layo ng ugali nyo sa isa't isa, aminin mo nga ampon ka lang ba?" tanong niya sa akin na pinipigilan ang tawa.

"Baka nga ampon ako," seryoso kong sabi sa kanya at unting-unti nawala ang ngiti niya.

Umupo ako sa mahabang sofa kasunod ko si Kyrine na nandito pa pala.

"Magkasama kayo sa isla, Caelian? May hindi ba akong alam sa inyong dalawa, ha?" tanong ni Kyrine sa akin na palipat lipat ang tingin sa aming dalawa.

"Nagkataon lang na pareho kaming islang pinuntahan. Sa totoo lang, pareho naming hindi inaasahan na makikita ang isa't isa doon," sagot ko kay Kyrine at napatakip naman siya bibig.

"Omygosh. Nakakaloka kayong dalawa. Nakakailang beses na kayong ganyan, ha," sambit niya at nakuha ko naman ang punto niya. Sigurado ako kung ano anong pumapasok sa imahinasyon niya about sa 'destiny' daw kami ni Damien.

Puro pag-ibig lagi nasa isip kaya maraming umaasa at nasasaktan, e.

Bumukas ang pintuan namin at iniluwa no'n si papa na halatang hapong-hapo sa trabaho.

"Nandiyan ka na pala, gusto mo bang paghandaan kita ng pagkain?" sambit ni mama na galing sa kusina, inilagay niya ang juice at sandwich sa maliit na lamesa.

"Anong pangalan mo?" untag ni papa na hindi pinansin ang sinabi ni mama at nakatuon ang atensyon kay Damien.

Oh oh. Mukhang hindi maganda ang mangyayari.

***

NAPALUNOK ako sa seryosong mukha ng ginoo. Sa itsura pa lamang ng mukha niya ay sinisigaw na nito na siya ang tatay ni Caelian dahil halos magkapareho sila ng hugis ng mukha, mata at labi. Kahit may katandaan na at kaitiman dahil siguro sa trabaho, masasabi ko na gwapo ang ginoo.

Simula pagkapasok niya hanggang sa tanungin niya na ako ay hindi nagbago ang matalim na tingin niya sa akin kaya wala akong magawa kundi lumunok nang lumunok.

"A-Ako po si Damien, tito." Nauutal na sagot ko sa kanya, mas napalunok ako nong lalong sumama ang tingin niya sa akin.

"Tito? Sa pagkakaalam ko, wala akong pamangkin na ang pangalan ay Deymyen kaya 'wag na 'wag mo akong tawaging tito," madiin at puno ng kaseryosohan na sambit niya.

"Anong bang ginagawa ng binata na ito dito, Marie?" inilipat ng ginoo ang tingin sa mama ni Caelian at sinagot naman ito ng ginang na matamis na ngiti.

Ang sarap tingnan ng ngiti ng mama niya, ngayon alam ko na kung saan namana ni Caelian ang magandang ngiti niya.

"Nagpaalam siya sa akin na may pupuntahan daw sila saglit ng anak natin at ihahatid naman daw niya ito pauwi," nakangiting usal ng ginang at pinipilit na itago ang kilig sa boses.

"Pinayagan mo?" seryosong tanong ng ginoo.

Tumango ang ginang, "Oo, pinayagan ko siya dahil mukha naman mapagkakatiwalaan si Damien sa anak natin," hindi mabura bura ang ngiti ng ginang, nagulat pa ako nong tiningnan niya ako at muling tumingin sa asawa.

Hindi ko mapigilan na mapangiti nang bumuntong hininga ang ginoo, ibig sabihin ay panalo ang asawa niya. Nakakatuwa ang pamilya ni Caelian, Halata sa magulang niya ang matinding pagmamahal sa isat isa at sobra rin ang pangangalaga nila kay Caelian.

Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko kaya napalingon ako sa kanya— kay Caelian.

"Umalis na raw tayo," usal niya.

"Oo hijo, umalis na kayo para hindi kayo madis-oras ng pag-uwi," napalingon ako sa mama ni Caelian at nakangiti pa rin ito.

"Tara na, ang tagal naman," reklamo ni Caelian at nauna ng naglakad papunta sa pintuan, ngumiti muna ako sa magulang ni Caelian at nagmano sa kanila; una akong nagmano kay tita at sunod naman ay kay tito, parang ayaw niya pa nga ibigay sa akin ang kamay niya ngunit kalaunan ay binigay niya rin sa akin.

"Iuwi mo ng buo at buhay ang anak ko. Kapag hindi mo siya binalik ng tulad ng sinabi ko, ang bagong paayos na grinder ko ang haharapin mo, naiintindihan mo?" mahina at puno ng pananakot na sabi ng tatay ni Caelian sa akin kaya napalunok ako. Tumango ako sa kanya at pilit na ngumiti.

"Aalis na po kami, s-salamat po," paalam ko at nanghihinang naglakad palabas.

"Mukhang mapapaihi ka na sa takot, ah. Huwag kang matakot sa kanya, protective lang talaga si papa sa akin," sambit ni Caelian sa akin at sinirado ang gate nila. Nasa labas na kami ngayon ng bahay nila.

"Alam ko. Ang swerte mo nga, e. Pakiramdam ko nga nong nagbuhos ang Diyos ng kaswertehan, abang na abang ka talaga at sinalo mo lahat," natatawa ngunit seryosong usal ko. Ngumiti naman siya ng tipid sa akin.

"I'm not lucky…"sambit niya sa akin na nakatingin sa kalangitan at nagulat ako roon. Magsasalita sana ako ngunit napatigil nong narinig ko ang kaduktong ng sinabi niya. "I'm beyond blessed to have them in my life," gumuhit ang magandang ngiti niya pagkasabi niya non.

May humaplos sa puso ko pagkarinig ko ng sagot niya.

How to have this kind of family? May protective na magulang at may mapagmahal na anak. Their family is perfect.

"Hey," gulat na sabi ni Caelian nang hawakan ko siya sa pulsuhan at hinila para tumakbo.

"Sumama ka sa akin," nakangiting sagot ko habang nauunang tumatakbo sa kanya at nagpapahila naman siya sa akin.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya sa akin.

Natural na lumaki ang ngiti sa labi ko at inilingon ang ulo ko sa kanya.

"Sa lugar kung saan makikita mo ang gandang tinatago ng Pampanga," sagot ko at nagpatuloy sa pagtakbo.

Sa isang tuwid na madilim na kalsada ay tumatakbo kami at ang nagsilbing gabay naming ay ang mga bituin sa kalangitan. Hindi namin alam kung saan kami dadalhin nito ngunit magpapatuloy kami sa pagtakbo hanggang marating namin ang gusto namin puntahan.

Pagkalipas ng benteng minutong pagtatakbo ay tumigil na rin kami. Taas baba ang dibdib namin ni Caelian dahil hiningal kami ng sobra at tumutulo na ang pawis namin sa noo.

"Akala ko malapit lang ang pupuntahan natin, ang l-lakas mong makahila sa akin tapos g-ganito pala kalayo ang pupuntahan natin! Sana nag-tricycle na lang tayo!" sermon niya sa akin.

Nakahawak na siya sa tuhod niya at ang talim ng tingin niya sa akin kahit hinihingal pa.

"S-Sorry na, ngayon ko lang naisip na malayo pala talaga. Excited kasi akong ipakita sayo ang lugar na 'to kaya nawala sa isip ko," hinihingal na pagpapaliwanag ko.

"Saan ba ang sinasabi mo? Puro talahib ang nakikita ko. Maghahanap ba tayo ng gagamba rito?" untag niya at napangiwi naman ako sa pag iisip na meron siya. Minsan napapaisip ako kung author ba talaga siya o ano, parang ang layo ng mindset niya sa sinusulat niya.

"Ayon po ang daan, oh:" Turo ko sa kanan niya at sinundan niya iyon, napapahiya naman siyang tumahimik.

Napailing ako at kinuha muli pulsuhan niya.

"Buksan mo ang flash light ng cellphone mo, madilim sa lugar na 'to,"sambit ko na agad niyang sinunod at inalalayan ko siyang maglakad.

Sa magkabilang gilid namin ay may naglalakihang talahib habang ang gitna ay malinis dahil daanan talaga ito. Madilim ang lugar kaya kung pupunta kang mag-isa ay magtataasan ang balahibo mo sa takot, idagdag mo pa ang tahimik ng lugar na tanging kuliglig na lamang ang nag-iingay.

"Umuwi na kaya tayo? Nakakatakot dito, Damien. Hindi nga ako nagbabasa o nanonood ng mga horror stories dahil hanggang sa panaginip ko nakikita ko sila," hindi ko mapigilang mapabungingis dahil kahit hindi niya sabihin na natatakot siya ay halata naman sa panginginig boses niya at pagkapit niya sa dulo ng damit ko.

"Tiisin mo lang 'yang takot mo dahil pagkatapos mong makita ang lugar na sinasabi ko, mawawala na 'yan," sagot ko sa kanya at lumilinga linga sa paligid.

"Papasok tayo diyan? Ikaw na lang. Baka kung ano pa makita ko," sambit niya at naglakad subalit pinigilan ko siya sa braso niya.

Nasa harap na kami ngayon ng isang lumang building. Isa itong building na hindi natapos pagkakagawa hanggang napuno na lamang ng ligaw na halaman at tuluyang nasira. Sayang nga, e sa pagkakaalam ko hospital sana ito kung natuloy lamang ang pagpapaayos edi sana ay marami na itong natulungan at napagaling.

"Hindi nananakot ang multo sa mas nakakatakot sa kanila," pigil tawang usal ko ngunit kumunot lang ang noo niya.

"Ano?" takang tanong ni Caelian.

"Wala, sabi ko pasok na tayo," sambit ko at hinila siya papasok.

"Kapag talaga sinundan ako ng multong makikita ko sa bahay namin, mangarag ka na dahil ikaw ang sisisihin ko," may inis, pananakot at panginginig sa boses niya.

Ngiti-ngiti naman ako habang pabaling-baling ang flash light ng cellphone ko sa lugar.

"Punta tayo doon, sundan mo ako," usal ko at naunang naglakad. Pumunta ako sa malapit sa hagdan, sa likod mismo nito.

"Wait lang! 'Wag mo akong basta basta iniiwan!" natatakot na sambit niya at mas kumapit sa damit ko.

"Hindi kita iiwan, takot ko lang sa tatay mo," sagot ko at kinuha ang bagay na hinahanap ko, mabuti na lang ay nandito pa ito.

Humarap ako sa kanya habang nakangiti.

"Patayin mo na ang flash light ng cellphone mo," utos ko sa kanya subalit sunod sunod siyang umiling sa akin.

"Magkamatayan na, hindi ko papatayin ang flash light ko," matapang at hindi papapigil na sagot niya.

Kinuha ko ang kamay niya at inilagay sa pulsuhan ko.

"Kapag hinawakan mo ang isang tao sa gitna ng dilim, mapapanatag ka dahil alam mong may kasama ka," nagpapaintinding sabi ko sa kanya at tinitigan siya sa diretso sa kanyang mata.

"Kaya gusto kong hawakan mo ako para maramdaman mo na kasama mo ako. Kahit nasa gitna ka ng kadiliman hindi ka matatakot dahil sa isip mo ay alam mong may kasama ka...at ako iyon," seryoso kong sabi sa kanya at sinalubong niya ang mga mata ko.

Ang lalim ng tingin niya sa akin na para bang inaalam niya kung totoo ba ang sinasabi ko o nagsisinungaling ako. Kitang-kita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya.

"Paano ako makakasigurado na hindi mo iiwan dito?" mapanghamon na tanong niya at ngumiti lang ako.

"Simple lang, hahawakan din kita," sagot ko sa kanya, tinanggal ko ang kamay niya sa pulsuhan ko at hinawakan ang kamay niya.

Nakaramdam ako ng munting kuryente na dumaloy mula sa kamay ko hanggang maramdaman ng buong katawan ko. Mahina ngunit naramdaman ko.

Dumilim ang paligid nong pinatay namin pareho ang flash light ng cellphone namin.

"D-Damien, nasaan ka? Bakit mo ako binitawan?" natatakot at nababahala na sabi niya.

Unti-unting nagliwanag ang paligid dahil sa bagay na hawak ko. Isa itong lata na may butas sa buong katawan at sa loob ay may lampara. Ako ang nagbutas nito na may disenyong mga bulaklak at may lubid din ito para may hawakan. Nagsilbing liwanag namin ito sa madilim na paligid, kung kanina ay nakakatakot ang paligid ngayon ay mamamangha ka dahil makikita mo ang disenyo ng bulaklak sa natatapatan niyang lugar.

Napakaganda at nakakamangha.

"Ang ganda..." namamangha at bilib na usal ni Caelian habang nakatingin sa ilaw na nagre-reflect sa lugar.

Sa isang gusali na may munting ilaw na nagpapaliwanag ay may isang babae na namamangha sa nakikita niya at binubusog ang mga mata niya na para bang iyon na ang huling beses na makikita niya iyon, sa kabilang banda ay may isang lalaki na may malaking ngiti sa labi habang nakatingin sa babae na natutuwa.

Pareho kaming natutuwa at namamangha, siya sa ilaw na nakikita at ako naman ay...sa kanya.

Magka-iba man ang dahilan ngunit iisa ang pakiramdam.

Dahan dahan sa pagtitig, Damien baka matunaw hahahaha! See you on next chapter!

Follow me on twitter and instagram!

Username:@shayyymacho

SHECULARcreators' thoughts