webnovel

Just Be Friends

Maraming nagsasabi na kapag mag best friends the other one is in love secretly. At first I never believe that kase I never felt any form of affection for my super best friend Dylan. None at all. Until nagkagirlfriend siya, everything changed. I started noticing those smiles of him. Yung mata niya kapag nakikiusap siyang tulungan ko siya sa mga surpresa niya sa girlfriend niya. How can I resist those brown eyes? And every word sinks in. Why? Why now? Why him? Tsk. Sasabihin ko ba? O itatago ko nalang ba tong kung ano mang nararamdaman ko alang ala sa pagkakaibigan namin? O hahayaan ko ang sarili ko na maging masaya at maranasan ang ganito kahit minsan lang? I thought I'll never be one of them but, I hate to admit it.  Yeah, I'M SECRETLY IN LOVE WITH MY BEST FRIEND.

TheArcher19 · LGBT+
Classificações insuficientes
26 Chs

Chapter 23: Fourteenth of February

Paul Adrian's POV

I really don't know what to feel right now. Kabado na excited. Andito kase ako ngayon sa tapat ng bahay ng Babe ko. Ilang beses naman na akong dumadalaw sa kanya but it always feel like it's my first time.

"Papasok ka ba o titigan mo lang yang doorbell?" nagulat naman ako sa taong nagsalita sa likuran ko.

"Tito! A-andyan po pala kayo. Good morning po."

"Good morning din. Sige na magdoorbell ka na at mainit dito sa labas at mabigat bigat din tong pinamalengke ko."

Agad ko namang pinindot ang doorbell. 

"Hindi niyo po ba kasama si Tita mamalengke?"

"Mahabang kwento basta natalo ako sa pustahan kagabe." Bahagya naman akong natawa sa isinagot ni Tito. They still do that kahit matanda na sila.

"Oh Paul ang aga mo ata iho para dumalaw?" ang sulpot ni Tita.

"Good morning po. May lakad po kase kame ni Justin. Susunduin ko lang po sana siya." agad naman nagpalipat lipat ng tingin sina Tito at Tita. Maya maya pa binuksan na ni Tita ang gate at pinapasok kame sa loob ng bahay.

"So Paul, saan tong lakad na ito at bihis na bihis ka talaga?" pagtatanong ni Tito.

"Uhm, kase po Tito-"

"Ay alam ko na Papa. Valentines kase ngayon. Hindi mo pa nga ako binabati. Hmmp!" sagot ni Tita saka dumiretsi sa sink.

"Talaga ba? Naku, nagiging ulyanin na talaga ako. Sorry na Ma, Happy Valentines!"

"Ewan ko sayo. Maghiwa ka ng karne dito." ang cute ni Tita magtampo.

"Nako yare nagtampo na. Hirap pa naman suyuin ng Tita mo." napakamot nalang sa ulo si Tito sa naging reaksyon ni Tita.

"Nga pala, kung may lakad kayo bakit di pa gising yung isasama mo?"

"Baka po nag iimpake na."

"Oh bakit mag iimpake? Saan ba lakad niyo?"

"Hindi po ba nabanggit ni Justin sa inyo?" umiling lang si Tito bilang sagot.

"Sa Monday po kase wala kaming pasok. Eh since weekends po naisipan po naming magkakaibigan na pumunta po sa beach. Sa may Batangas lang po."

"Nako parang di ako payag dyan."

"PO?" Bigla naman akong kinabahan. Mauudlot pa ata mga magagandang plano ko.

"Joke lang. Basta mag iingat kayo. Sige na puntahan  mo na sa taas yung batang yun baka mamaya tulog pa."

"Sige po Tito. Thanks!" agad naman akong dumiretso sa kwarto ni Justin.

---

"Good morning Babe." saka ko siya tinapik tapik. 

Tama nga si Tito. Tulog pa yung asawa ko. Hays.

"Babe gising na." bahagya naman siya nag iba ng pwesto pero bumalik pa din sa pagkakatulog. Ang hirap namang gisingin neto. Hmmm, lemme try this.

Bahagya ko namang nilapit yung mukha ko sa bandang tenga niya.

"Babe time to wake up." 

"Hmm? 5 more minutes please." 

"Get up now before I do something else on you." Saka ko dinikit yung tip ng ilong ko sa tenga niya. Agad naman siyang napabangon.

"P-Paul? Bakit andito ka sa kwarto ko?!"

"Good morning."

"G-Good morning. Teka teka, bakit ka nga nandito?"

"Have you forgotten already? We'll go to the beach today."

"Oh shit I forgot!" Saka siya tumalon mula sa higaan niya and went straight to the bathroom. Ang cute talaga ng Babe ko.

I was busy scrolling to my phone when he came out of the bathroom. Is it just me or mainit lang talaga?

"Hoy Paulito, anong klaseng tingin yan?!"

"Uhm, appreciation look? I guess? Sexy mo pala Babe." saka ako nagkagat labi.

"Ewan ko sayo, labas!"

"Ang OA naman? Mag boyfriend naman tayo ah?"

"Oh ngayon? Oh sige dyan ka lang basta break na tayo? Deal?"

"Lalabas na nga eh." Ang dismayado kong sagot. Agad agad naman akong tumayo and exited his room. 

Pagbaba ko ay nadatnan ko naman si Dylan at yung girlfriend niya sa sala.

"Oh? Andito ka na pala." ang gulat na tanong ni Dylan.

"Yeah. I came as early as possible. Turned out di pa pala ready yung asawa ko."

"Nako ganyan na talaga yan dati nga--"

"Oh? Anong dati nga?" takang tanong ko kase bigla siyang napahinto.

"Ah sabi ko dati hindi naman siya late. Baka nataon lang ngayon." sagot niya. Samantalang si Mira sa tabi niya napapabungisngis na. Ano bang meron?

"Hoy unggoy ka sinisiraan mo na naman ba ako sa kanila?" lkinalingon ko naman kung sino yung nagsalita. Si Babe pala may hawak na arnis at nakaturo kay Dylan.

"May narinig ka ba? Tamang hinala ka na naman." depensa ni Dylan.

"Nako Dylan Rafael wag ako. Gusto mo na naman atang lumpuhin kita hanggang sa di ka na makalakad eh?" Napailing naman agad si Dylan. Natawa nalang kame  ni Mira sa dalawa.

"Babe, mamaya mo na hampasin yang bestfriend mo. Magpaalam ka na muna kina Tito at Tita.

"Ay shocks! Oo nga pala nakalimutan kong sabihin kahapon." saka siya nagamadaling pumunta sa may garden ng bahay nila. 

Took him almost 5 minutes bago bumalik sa amin.

Dali dali naman siyang nagtatatakbo papunta sa akin ng nakangiti. So adorable.

"Luh, parang bata naman to." Sita ni Dylan. Agad naman siyang tinignan ng masama ni Justin. 

"Alam mo Mira parang masaya naman ata mag beach kahit wala yung epal mong boyfriend no?"

"Tingin ko nga din." pag sang ayon naman ni Mira.

"Iwan na natin yan para makapag boy hunting tayo dun." saka sila nag apir. Agad ko namang siniko tong katabi ko na nagtatalon sa tuwa sa plano niya.

"What?" 

"Anong what ka dyan? Maghahanap ka pa andito na ako? Baka lang nakakalimutan mo, boyfriend mo ako hindi kapatid." nginitian niya naman ako. 

"Hindi ako nadadaan sa ganyan Justin." pagsusungit ko.

"Yan kase! Buti nga sayo! Dadamay mo pa yung baby ko sa kalokohan mo." pang aasar ni Dylan saka siya humalakhak. Natigil lang siya sa katatawa ng sikmuraan siya ni Justin. From laughter to pain, real quick. Jeez. Napakaamazona naman netong asawa ko. 

Nauna na kameng tatlo lumabas ng bahay nila Justin habang si Dylan eh namimilipit pa sa sakit. Hahaha. 

---

Justin Klyde's POV

"Teka nga bakit ba kayo ang magkatabi dyan?!!!" ang iritang reklamo ng pangit kong bestfriend.

"Oh bakit? Nagkukwentuhan kame ni Mira eh."

"Pwede naman kayong magkwentuhan kahit di magkatabi!" 

"Alam mo Dylan wag ka ng umepal. Kung kelan malapit na tayo saka kapa nagreklamo."

"Eh ayoko dito! Duduguin ako sa kakaenglish netong syota mo eh!" tinawanan lang siya ni Paul.

"Alam mo gawin mo nalang baba mo yang wind shield, sigaw kang Batangas."

"Bakit ko naman gagawin yun?" ang nakakunot noong tanong ng syunga syunga kong kaibigan.

"Mukha ka kasing barker. Kaya nga kita nilagay dyan eh." saka napuno ng tawanan ang loob ng sasakyan. Yung isa pulang pula na sa inis.

"Ah ganyanan tayo ha? Baka gusto mong magkwento ako dito sa driver ng mga bagay na di niya pa alam tungkol sayo?" Agad naman akong natahimik. Pisting to! Gagamitan pa niya ako ng pinagbabawal na technique!

"Ang gwapo gwapo talaga netong bestfriend ko di ba Mira?" Ang pang uuto ko sa animal. Hindi ko na kase siya masiraan kase nasabi ko na lahat ng baho niya kay Mira. Matalino ang matsing sa sitwasyong to.

"Oh di ba natakot ka? Kaya wag mo akong sisimulan." Nginitian ko lang siya pero sa loob loob ko gusto ko na siyang ipalapa kay Cosmos at Kei. 

Speaking of my babies, iniwan ko na lang muna sila. I was about to bring them, nakapang beach clothes na nga yung dalawa eh kaso sabi ni Mama baka daw di ko maenjoy yung bakasyon namin. So ayun, ngumangawa si Cosmos habang si Kei tahimik sa dulo pero parang gusto na akong kagatin sa inis. Haha. Uuwian ko nalang sila ng pasalubong.

"We're here!" sabi ni Paul saka pinark ang sasakyan niya.

"WOW! ANG GANDA DITO!" Ang sabay naming sabi ni Mira. 

"Babe kalma, makakalangoy ka din mamaya dyan." Inirapan ko nga tong jowa ko. Panira ng moment.

"Napaghahalataan talaga yung sirena dyan. Gusto na makabalik sa dagat." pang aasar ng kaibigan kong hito.

"Oo nga eh. Mamaya sama ka sa akin. Shokoy!" Saka kame nagtatakbo ni Mira papunta sa hotel na tutuluyan namin.

Bago pa namin marating ang lobby ng hotel, nakakita na agad ako ng mga malalaswang tao.

"Hoy Bryan, baka naman langgamin kayo dyan?" Napalingon naman sa amin ang magsyota na higpit na higpit sa yakap ng isa't isa na akala mo may dadaang baha.

"Ay bes andyan na pala kayo!" Agad naman siyang humiwalay kay Benedicto. Naku. 

Maya maya pa dumating na yung prince charming ko at yung kaibigan kong shokoy dala dala mga gamit namin. Nakangisi pa ang unggoy. Maya maya pa lumapit sa akin si Paul.

"Dylan told me something about you." Bulong niya with his serious voice. Napalunok naman ako bigla saka tinignan si Dylan. Bumelat lang ang hayop.

"Ano n-namang kinwento niyan?" Bwisit tong Dylan na to talaga! Mamaya nag iimbento imbento lang pala yung hayop!

He just looked at me. Nakatitig lang. Ako naman si kabado. Mamaya kase nagkwento na ng mga nakakahiyang pangyayari sa buhay ko yung kurimaw na to.

Maya maya di niya na napigilan at natawa.

"Nothing. I'm just messing with you Babe." Agad namang naningkit ang mata ko. Ah ganun pala ha. Okay madali naman akong kausap.

"Girls!" ang pagkuha ko sa attention ni Mira at Bry. "Sama sama nalang tayo sa isang kwarto ha?"

"What?!"

"Ano?!" 

Ang magkasunod na reaction ng tatlong lalaking bugok sa sinabi ko. 

"Sure! Para bonding bonding na rin." ang pag sang ayon ni Mira.

"Bes, sigur--"

"Subukan mong umangal bes at sinisiguro kong dadamputin ka sa karagatan bukas ng walang buhay." ang pabulong kong pananakot ko kay Bry.

"Sabi ko nga go ako dyan!" saka kame naglakad papuntang elevator. Maya maya pa may kuting na lumapit.

"Hey Babe."  Huminto naman ako saglit. "Look, biro lang naman yun eh."

"Sorry Babe. Sabi ko naman kase sayo mess with everyone but not with me. Enjoy! " saka ko tinapik tapik yung pisngi niya. Naiwan naman yung tatlo na dismayado.

---

"Antagal naman ng mga lalakeng yun magbihis!" ang reklamo ni Bry. Andito na kase kame nila Mira at Bry sa tabing dagat.

"Sinabi mo pa. Baka namimili pa ng swimsuit?" saka kame nagtawanan.

"Sorry to keep you waiting girls." Napalingon naman kame sa nagsalita. Jusko pa-english english pa tong unggoy kong bestfriend kala mo naman talaga.

"Baby Bry yung laway mo naman dyan." Saka kunwaring pinahid ni Benedicto yung gilid ng bibig ni Bry.

"Tigilan mo nga ako Benedicto, ano namang kalaway laway dyan? Puro buto oh." saka tinusok yung ribs ni Benedict. 

"Ang sama mo. Ilang buwan akong nag gym for your information! Kaya nga nakatrunks lang ako ngayon." Napailing naman ako sa sagot ni Benedicto.

"Oh ikaw naman bakit ganyan naman ang outfit mo?" pang aasar ni Mira sa syota niya.

"Hindi ka man lang ba nakikisigan sa boyfriend mo ha baby?" Saka siya nagflex ng biceps niya. Naka polo naman si Dylan na nakaopen ng husto yung butones saka nakawhite shorts. Feeling Serio amputek. 

"More of nakakaumay daw ang itsura mo ngayon." pang aasar ko.

"Kausap ka ba? Pinansin ko ba yang pagkaikli ikli mong shorts? Kita na yang mga buhok mo sa paa! Daig mo pa ako." 

"Hoy! Hindi naman makapal! Mas makapal pa nga yang buhok mo sa ilong!" Sagot ko saka siya inirapan.

"Eh teka muna, asan si Paul?" tanong ni Mira.

"Oo nga no? Asan yung syota ko?"

"Nako. iniwan na namin. Antagal mamili ng isusuot saka andami pang seremonyas." sagot ni Dylan.

"Grabe naman kayo sa akin." Saka lumitaw si Paul mula sa pagka dami daming taong dumadaan.

Shet bakit ampogi ng nilalang na to?

Click! 

Agad naman akong bumalik sa katinuan ng marinig yun. Pinicturan na pala ako ng  damuhong to! 

"You should've seen your reaction Babe. Post ko to mamaya sa IG." saka niya pinisil yung pisngi ko.

"Ewan ko sayo. May inisip lang ako kaya natulala ako."

"Ako lang naman yan eh. Unless may iniisip ka ng gawin sa akin?" bulong niya.

"F-feeling mo no! Di naman maganda suot mo eh!" Pag iiba ko ng usapan. But kidding aside, he looks good sa napili niyang suot. Same with Dylan's polo but different in design and color. Saka kay Babe naka unbutton lang hanggang sa chest area. Wholesome kase yun Babe ko, yung kaibigab ko kase pokpok. Haha.

Agad namang ibinaling ni Paul yung tingin sa dalawa.

"Hindi ba ako gwapo sa ganito? Do you want me to take it off like that too?" Saka niya sinimulang alisin yung pagkakabutones ng polo niya. Agad ko naman siyang pinigilan at binutones pabalik yung polo niya.

"No! Mas papanget ka kapag hinubad mo pa yan. Yaan mo ng si Dylan lang panget." Natawa naman sila sa sagot ko habang yung isa inis na inis na naman.

"Magswimming na nga lang tayo! Wag niyo ng pinagpapansin yung pinagsasabi ni Justin pandak!" Hahahaha pikon talaga. Agad naman niyang hinatak si Mira papunta sa dagat. Ganun din si Bry at Ben.

"Aren't we going to swim?" 

"Ay syempre oo! Kaya nga tayo andito para dun eh! Para saan pa at nakaoutfit din kame di ba?"

"Speaking of, next time magpajamas ka nalang. Your shorts were way too SHORT."

"Alien ka ba Babe? Kaya nga shorts eh. Saka seryoso pajamas? Hindi naman ako matutulog Babe."

"Basta ayoko ng ganyan." Saka ako nilagpasan. Napakunot noo nalang ako. Maya maya pa bumalik siya at bumulong.

"Ayoko ng may ibang nakakakita sa legs mo." Saglit naman akong napahinto sa sinabi niya. "If you keep on dressing like that, I might not be able to control myself too." Saka ako kinidatan at naglakad papunta sa dagat.

"H-hoy manyak!" natawa nalang din siya sa sinabi ko.

---

Isang oras din siguro ng kakalangoy ay naisipan naman naming magpahinga. 

"Grabe nakita niyo ba kung paano lumangoy yung bestfriend ko? Mukhang palaka!" Agad namang nagtawanan ang tropa sa sinabi ko. Maya maya nakatanggap ako ng pektos. Andito na pala ang hudas. Pinakuha kase namin sa kanya yung foods kasama si Paul.

"Ansakit nun ha?!' 

"Sa susunod kase wag kang nagkukwento habang wala ako." Ah ganon?

"Awww!!!" Agad naman napalingon yung ibang nagsuswimming sa direkyon namin.

"Bakit mo ginawa yun?!!!!" inis na sabi niya sa akin. Tingin niya kase di ako gaganti. Hinila ko lang naman yung buhok sa paa niya. Hahahahaha!

"Ang bully mo talaga Babe." pagpuna ni Paul sa ginawa ko saka tumabi sa akin.

"Anong ako? Siya nauna eh." reklamo ko.

"Oh galit ka na naman." Inirapan ko nga siya at di na pinansin. "Here." Agad naman akong lumingon sa kanya. Nginitian niya lang ako.

"Pasalamat ka may Chuckie, kung wala naku talaga." Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Ang hilig mo sa ganyan no Tin?" ang pagpuna sa akin ni Mira.

"Sinabi mo pa Baby. One time nga nagpunta kame sa 7 eleven tapos sa fridge isa nalang yung Chuckie. Eh may bata dapat kukunin na, hinablot ba naman at sinabing siya nauna. Ang ending umiyak yung bata at napagalitan pa kame ng nanay niya." Nagtawanan naman sila sa paninira netong hayup na to.

"Ganun siya kaadik. Kaya nga kahit yan lang iregalo mo sa kanya sa birthday niya solve na siya." dugtong pa niya.

"Well actually may reason naman talaga yan. I used to share it with my childhood bestfriend, Jacob. Tuwing manggagaling kase mama niya from the grocery binibilhan niya kame ng ganyan." napatango naman sila sa sinabi ko.

"Asan na nga pala yun Tin?" ang pagtatanong ni Dylan.

"He went back to Canada. Kailangan niya pa kaseng tapusin last sem niya dun. Umuwi lang naman talaga siya dito just for the competition, and me." 

"It's a good thing you have settled the barriers between the two of you. Mas okay na yun kesa babalik siya sa Canada without even fixing the things that gave a scar to your friendship." Tumango nalang ako saka nginititan siya.

"Where are they?" takang tanong ni Paul. Napalingon naman ako agad at tanging si Mira nalang ang natira.

"Nako guys nauna na sila pabalik sa hotel. Hindi na daw nila maintindihan si Paul." Saka siya natawa. " Oh siya sunod nalang kayo ha?" Paalam niya at nauna ng maglakad pabalik ng hotel.

"Ikaw kase panay ka sa kaka-english mo." pang aasar ko.

"Why? Hindi naman lagi." Saka siya kumamot sa ulo. Maya maya pa tumayo na rin kame. 

""Paul."

"Hmm."

"Have I told you what Jake said before he left?" umiling naman siya.

"He did not came here just for the competition and for apologizing." Tahimik lang siyang nakayuko at nakatitig sa akin.

"He confessed that he has feelings towards me." Paul cleared his throat.

"And then? What did you reply to him?"

"I told him I already have someone in my heart." saka ako naunang maglakad. Before I continued, I took a glimpse of him. 

"I told him that I already have you." I saw him smile and then followed me before he grab my hand.

Paul Adrian's POV

"PAULITO!!!!"

"Babe naman tone down your voice! Naririnig kita mula sa hallway." Sabi ko ng makapasok na ako sa room namin. Kinuha ko kase yung charger ko na naiwan ko sa car.

"Masisi mo ba ako? Burahin mo nga yung pinost mo sa IG!"

"Ayaw. Cute cute mo nga dun eh." Pang aasar ko.

I posted his photo that I took at the beach awhile ago and captioned it "The look on is face when he saw me. Satisfied Babe? @klydeee"

"Cute ba yun? Mukha naman akong naglalaway dun!"

"Hindi ba?" Agad naman siyang namula sa sinabi ko.

"H-hindi no!" Depensa niya na ikinatawa ko nalang.

"Oh teka asan yung iba?" Napansin ko kase na wala yung mga kasama namin.

"Ewan ko ba sa mga yun. Umalis. Magdedate daw sila. Group hangout nga tapos mga nagsosolo. Mga alien ba sila?" 

"You are indeed clueless Babe." 

"Huh?"

"Get dressed. May pupuntahan din tayo."

"Ha? Teka di pa tayo kumakain! Nagugutom na ako."

"We will eat outside too." Sagot ko.

"Okay!!!" Ang masaya niyang sagot saka nagtingin ng isusuot sa cabinet.

"Nako mukhang mapapagastos ata ako ah." Pagpaparinig ko.

Nahinto naman siya sa pagkakalkal ng damit niya at nilingon ako. 

"Anong sabi mo Paulito? Nabingi kase ako eh."

"Ha? Wala ah. Sabi ko ang cute cute talaga ng Babe ko. Sige na maghanap ka ng isusuot mo dyan." Saka ko siya nginitian. Good thing it worked and he continued searching for something to wear.

After all the searching, he's finally done. Well actually dapat kanina pa siya tapos kaso I kept on saying to him to change it. Paano ba naman puro shorts ata dala netong lalaking to. Pinandigan talaga na beach ang pupuntahan. 

"Alam mo Babe lumipas na yung gutom ko sa kaartehan mo." Ang nakaburingot niyang saad sa akin habang naglalakad kame papunta sa pinaayos kong place for us.

"You're saying it's my fault now? Babe,malamig yung hangin tapos magshoshorts ka na naman?"

"Anong masama dun? Gabi naman." 

"Basta ayoko. Magshorts ka lang pag nasa bahay ka or kapag ako lang taong makakakita." 

"Wow. Dati naman pwede." Reklamo niya.

"That was before. It's different right now. You're already with somebody else. You are already mine. Okay?" Tumango lang siya saka ako inirapan. Aba.

I grabbed his face and gave him a peck on the lips. 

"PAUL!!!"

"Ayoko kase Babe ng ganyan ha? So you behave when you're with me." 

"Whatever." Saka siya naunang naglakad habang hawak pa din yung bibig niya.

"Saan ba kase tayo pupunta???!" 

I held his hand.

"You'll know when we get there."