Isang araw nais ng isang mayaman at maimpluwensyang batang lalaki na maglakbay sa mga lugar na di kilala at di pa napupuntahan ng ibang tao o torista. At naagaw pansin niya sa mapa ng lugar na ngayon niya lang natuklasan. Pinagtanong niya ito ngunit ang tanging sagot lamang ay isa lamang iyon isla. Nagkaroon ng interest ang binata. Ngunit di niya ito pinaalam sa kanyang mga magulang ang tanging bilin lamang niya sa mga ito ay pupunta siya ng ibang bansa upang doon na magtrabaho. Ngunit dahil isa sila sa mayamang pamilya walang naging paki ang mga magulang nito sa knya. Tanging ang fucos lamang nito ay ang kanilang negosyo o companya.
Si Kevin Guerrero ay 23 years old, maputi, matangos ang ilong, magandang katawan at bilog ang mga mata, sa madaling salita isa siyang gwapo at cute na lalaki na halos lahat ng babae ay mahuhumaling sa kanya. Nagkaroon siya ng girlfriend ngunit di naging madali sa kanila ang lahat, di nagtagal ay naghiwalay din sila, dahil isang maluho at maarte ang babae inshort matapubre. Habang binabaybay ni Kevin ang dagat ay bigla itong dumilim na animo'y may paparating na bagyo, bigla nalamang lumakas ang ang hangin at nasipaglakihan ang mga alon. Naging mahirap sa kanya ang setwasyon at dahil nadin sa ngayon lang siya ulit nagdrive ng yate simula nung makagraduate siya ng High school. Kasunod ng malalakas na hangin at malalaking alon ay gumuguhit nadin ang mga kidlat sa kalangitan at sa maiitim na ulap hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan pinipilit ni Kevin na maghanap ng malapit na isla upang mapaghingaan at hanggang sa huminto ang masamang panahon. Ngunit nabigo siya hindi siya makahanap ng isla dahil sa madilim at malakas na alon. Pinipilit niyang lakasan ang loob at patuloy sa pagmamaneho ng yati hanggang sa hinampas siya ng isang malaking alon at bumaliktad ang sinasakyan niyang yati.
"Nanding!!"- sigaw ng isang lalaking nasa mid 50's or 60's
"Bakit!!"sigaw naman ng isang babae mukhang mag asawa sila.
"Nay... Tay...Lakas lakas na nga ng ulan nag sisigawan pa kayo panu nalang tayo niyan di tayo nagkakaintindihan" saad ng kanilang anak na si Yuhan. Yuhan Policarpio 23 years old, moreno matangos ang ilong matipuno at maganda ang pangangatawan. mahirap lang sila tanging high school graduate lamang ang tinapos dahil kailangan nilang lumuwas ng syudad para mag aral ng kolehiyo ngunit wala naman silang pera para dun. Kaya ng matapos niyang mag highschool ay tumulong na siya sa kanyang mga magulang upang makapag aral nadin ang kanyang mga kapatid. Siya lamang ang katuwang ng kanyang mga magulang. Sa bawat araw araw.
"Ayun na nga ank yung tatay mo kasi takot sa kidlat."- natatawang saad ng kanyang ina dahilan upang tumawa ang mga kapatid niya at siya. Malaki din ang pangarap ni Yuhan para sa mga magulang sabi niya kung may pagkakataon lamang na makapag aral siya sa kolehiyo ay bibigyan niya ng magandang buhay ang kanyang mga magulang.
"Sige na mga anak matulog na tayo at bukas maaga pa kami ng kuya niyo para tignan ang sisidlan sa dagat para may pang ulam at pamalit tayo sa palengke bukas .
Sa isla kompleto narin naman ang lahat dahil may mga ilan din naman na nag sasaka or nakikipagpalitan sa syudad para sa kinabubuhay nila sa isla. Gaya lamang ng mga netive na manok, mga karne ng baby ramo, gulay isda at asin. Kaya paman nabubuhay sila ayon sa bigay ng kanilang kalikasan at karagatan. Masasabi morin na isa silang may maayos na komonidad. At may magandang kultura. May palengke, simbahan, plaza, at mga official ngunit pantay pantay lamang sila walang mayaman o mahirap.
Yuhan's pov.
Habang naglalakad ako sa dalampasigan may nakita akong damit ng tao. At mukhang mamahalin ang damit. Biglang pumasok sa isip ko na baka damit iyon ng mga namayapa na at tinapon sa dagat, kaya paman ay tinapon ko nalang iyon. At sa di kalayoan ay may natatanaw akong isang bagay agad ko itong nilapitan ng papalapit ako ng papalapit napapansin ko na para itong tao.
"Tao? Ayy Oo nga tao na...paaaaaa!!!may tao!!!!"- sigaw ko kay papa.
"Huh? Anung tao!!!"- saad naman ni papa na pasigaw.
"Paaaaa dali mukhang patay na !! Ayy hindi buhay pa pala!"- natatarantang saad ko kay papa.
"Ano patay na?" Nagugulohang tanong naman ni papa.
"Hindi!! Buhay pa!"- pagkaklaro ko sa mga sinabi ko.
Agad naman namin binuhat ni papa ang lalaki at dinala sa kubo. Na pinagsisilungan namin sa tabing dagat. Pinagmamasdan ko siya mukha siyang mayaman at desinteng tao bakit siya napad pad dito?
"Pa bakit siya kaya napadpad dito?"- tanong ko kay papa.
"Ei bakit ako ang tinatanong mo tanongin mo siya pag gising niya,, ohh siya jan kamuna bantayan mo at titignan ko kung may huli na tayo."- saad ni papa.
"Cge pa! Ingat po kayo kung malakas po ang alon wag napo kayo lulusong"- paalala ko naman kay papa.
Mga ilang sandali mula nung umalis si papa biglang nagising ang lalaki.
"Asan ako? But ako nakahubad pinagsamantalahan moba ako?"- walang pasubali niyang tanong sa akin.
"Wow! Huh ikaw na nga tong tinulungan ng mimintang kapa?"- matapang na sagot ko.
"Asan yung damit ko? Kinuha mo no? Mahal yun!"- saad naman niya.
"Aba malay ko sayo sino ba kasi nagsabi sayo na magmall ka sa dagat huh?"- matapang na rason at tanong ko.
"Aba ikaw! Asan na kasi anung lugar bato?"
"Bakit ka napadpad dito?"tanong ko pabalik sa tanong niya.
"Gusto pumunta ng isla kaso naging masama ang panahon kaya at na aksidente ako tapos nagising nalang ako dito na."- pagpapaliwanag niya.
"Bakit gusto mong pumunta sa lugar namin? May binabalak ba kayong taga syudad?"- maangas na tanong ko ng kilabotan naman siya.
"Ahh so ito na pala ang isla, wala no gusto ko lang mag ikot"- saad naman niya.
"Ito ohh damit"- inabutan ko siya ng bago kung damit na di pa gaano nasusuot.
"Ano to? Wag na! Baka my potok ka!"- pang aasar nito sakin
"Oyy!! Wala akong putok amoyin mopa? Saka bago yan baka ikaw potokin ko labi mo eh."- saad ko sa kanya yung panghuli pabulong lang baka matakot hehehe.
"Ito naba ang bahay niyo? Asan ang family mo?"
"Hindi may mga bahay sa taas andito kami para tignan ang lambat kung may huli naba kami para may ibenta sa palengke"- paliwanag ko sa kanya.
Habang nakatayo kami sa labas ng kubo natatanaw kona si papa. At mukhang may huli nga kami.
"Ayan na si papa, ikaw! Saan ka ngayon pupunta?"- tanong ko.
"Sainyo!"- nakangiti niyang sagot.
"Oyy!! Bawal! Maliit lang ang bahay namin saka sakto lang yung kwarto."- nangigil na paliwanag ko sa kanya.
"Uyy!! Iho ikay gising na pala kamusta ang pakiramdam mo?"- tanong ni papa sa kanya.
"Pa! Mukhang ok naman siya mukhang di naman ata napano yan lakas lakas ei."- pagpuputol na sagot ko sa mga tanong ni papa.
"Aba't mukhang magkasundo kayo sa bahay kana muna sa kwarto ni yuhan ka tara nat malapit ng mag tanghali."- saad ni papa ng ikinalaki ng mga mata ko at kinatuwa naman ng boseyyt!! Na lalaking ito.
"Cge po salamat po!"- nakangising sagot nito na lalong ikinang asar ko!.
"Paaa!! Sa kwarto ko di nga ako kasya dun tapos tatabi pato?"- pagrereklamo ko kay papa.
"Nako tumigil ka at gwapo naman yung bisita saka kwarto mo ang pinakamalaki sa bahay"- saad naman ni papa.
"Uyy!! But di kanalang kaya umuwi? Istorbo ka ei."
"Yuhan tumigil ka!"- saad ni papa at patuloy lang kami sa pag lalakad hanggang sa makarating kami ng bahay.
"Magandang araw ho! ako po pla si Kevin"- pagbati niya kay mama
"Magandang araw iho nako!! Sino naman itong pogi na bitbit niyo?"- natutuwang saad ni mama. na siya namang ikinangisi ng mukong.
"Tss! Ngayon lang nag pakilala kanina di manlang nagpakilala"- pabulong ko na sakto lang na marinig niya.
"Dito na muna tutuloy si Kevin honey habang di niya pa makikita ang sinakyan niyang yati dun daw mga importanteng gamit"- saad ni papa kay mama.
"Yuhan anak sayo muna si Kevin ahh?"
"Opo mama"
"Bilis na iho sundan mona siya magpahinga ka muna saka tayo kakain ng tanghalian"
"Sige po tita"
Masayang nag tanghalian ang lahat nagbibiroan sila tinitignan at pinapakiramdaman ni Kevin ang pamilya at napapangiti siya. Dito niya lang naramdaman ang tunay na pamilya. Magkasamang kumain nag kukukwentohan nag tatawanan. Kahit di ganu kasarap ang pagkain ay napapasarap nito dahil masaya at magkasamang kumain. Di gaya sa kanila na completo at mayaman nga sila pero hindi manlang sila naging masaya at nagkakasama bilang pamilya. Dahil don natuklasan ni Kevin ang tunay na kahulogan ng pamilya. At kung anu ba talaga ang tinatawag na pamilya. Mahirap man o mayaman.
Sana magustohan niyo ang first chapter,, plss leave a message or do vote ang likes para lalo ako gaganahan sa pag UD maraming salamat po