webnovel

Chapter Two

.

.

.

*THUNDER*

Nagising ako sa tunog ng kidlat, napahawak ako sa sintido ko at hinilot iyun. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako kagabi, siguro dahil na rin sa sobrang pagod kahapon. Nawala na yung mabigat na pakiramdam ko at mas clear na yung utak ko ngayon.

.

***

Binuksan ko ang payong tsaka naghintay sa labas ng masasakyan, nagsuot muna ako ng tsinelas at nagbaon ng sapatos.

Nagpara na ako ng tricycle tsaka sumakay, pinupunasan ko ang basang binti ko ng biglang may lumitaw na...

.

unggoy?

.

"Manong ba't may unggoy dito?!" Sabay usog ko sa dulo ng upuan

"Ha?! Hindi ko alam!"

Biglang naglililikot ang munting unggoy at nagsimulang tumalon.

"Aaahhh! Manong ihinto niyo, palabasin niyo yung unggoy!" Sigaw ko tsaka hinarang ang bag sa harapan

Hininto naman ni manong driver ang tricycle tsaka bumaba, biglang lumapit yung unggoy sakin at napapikit ako.

"Ineng yung wallet mo kinuha!"

Doon ako napamulat ng mata at nakitang sinusuri ng unggoy yung wallet ko

"Hoy ibalik mo yan!" Ako sabay hablot pero hinila niya rin pabalik, I can't believe this! Nakikipag agawan ako sa isang unggoy?

Bigla niyang kinagat ang kamay ko kaya napabitaw ako roon. Aish! Punyetang unggoy ka! Tumalon sya sa labas ng tricycle sabay takbo na dala ang wallet ko, the Hell!!!

"Wait lang manong yung wallet ko! Tulungan mo akong hulihin ang unggoy na yun!" sabi ko ng may pakiusap, bwiset na araw toh! Nabasa pa ako ng ulan

"Naku ineng sorry pero hinding hindi ako papasok dyan" sagot ni manong sa tonong may pangangamba, bigla akong nagtaka at nakita ang munting unggoy na papunta sa nakakatakot na gubat?!!!

"Sige na manong please! O kaya hinintayin mo na lang ako rito?" Ako na nagsusumamo

"Pasensya na ineng kailangan ko ng umalis, kahit wag mo na lang ako bayaran." Madali niyang sabi tsaka sumakay ng tricycle at umalis

"Saglit manong!!!!" Tae ang sarap lang magmura ngayon! Nakakapunyeta talaga!

Kailangan ko mabawi ang wallet dahil una nandoon ang natitirang pera ko, pangalawa nandoon ang mga important ID at resibo ko at pangatlo nandoon ang ATM card ko!

I'm already wet and shivering because of the cold wind. What a great day!

Kahit pa nangangatog ay unti unti akong humakbang papunta sa madilim na kagubatan. Napalunok ako ng malagpasan ang mga karatulang may babala tsaka humakbang sa mga kahoy na nagsisilbing harang.

Mas lalo akong nilamig ng maramdaman muli ang hangin, napaigtad ako ng marinig ang napakalakas na dagundong na kulog.

Dahan dahan lang akong naglakad hanggang sa lamunin ako ng dilim, hamog ang unang tumambad sa akin kaya hindi ko masyadong maaninag ang daan. Ngayong nasa loob na ako ng gubat ay tsaka ko nilibot ang paningin para mahanap ang maliit na unggoy.

"Nasan ka na munting unggoy" I whispered while rubbing my arms.

"Ooh ooh ahh!" napalingon ako sa tinig na yun at nandun ang sinusumpa kong unggoy, lagot ka sakin.

Naghabulan kaming dalawa sa loob ng gubat, napakaliksi niya at mukhang tuwang tuwa pa sa pangtritrip sakin. Hinihingal akong huminto at hinanap sya pero bigla ring nawala na Parang bula! Leche!

Derederetso lang ang lakad ko papunta sa makakapal na mga baging, inis na hinawi ko iyun at inalis ang mga nakapulupot saking braso. Nang makaalis ay dumungaw ang aking ulo sa harapan.

Kita ko ang matingkad na pagkaberde ng mga puno, maliwanag na rin ang paligid at hindi na naulan. Rinig ko ang huni ng mga ibon at ang paghampas ng hangin sa mga halaman, hindi ko na rin ramdam ang ginaw na naramdaman ko kanina. Nagulat rin ako ng makitang tuyo na ang unipormeng suot ko, kunot noo kong tinignan ang paligid. Nasaan ba ako?

Napadako ang tingin ko sa isang nilalang na nilalabas ang laman ng mahiwaga kong wallet!

"Ikaw na unggoy ka ibalik mo nga sakin yan! Pakialamerong nilalang!" Inis na saad ko sabay hablot ng wallet ko

"Choo! Choo! Go away!" Pagtataboy ko, buti naman at umalis na yung makulit na yun. Buntong hininga kong kinuha ang mga ID's at ATM card ko na nasa lapag.

Matapos makuha ay ngayon ko lang din napansin ang kakaibang puno sa harapan ko, isang puno na kakaiba ang kulay, kayumangging tsokolate at mahaba ang mga sanga ngunit walang mga dahon. Mukhang matagal na rin ang punong ito dahil sa tanda ng anyo ngunit napakatibay pa rin at nakakamangha ang itsura.

Kinuha ko ang cellphone sa bag tsaka tinignan, alam ko basang basa rin ang bag ko kanina pero tuyo na rin sya maging sa loob. I check the time and the heck! It's 11:50AM already! 12PM ang pasok ko, malalate na ako nito.

Dali dali kong sinukbit ang bag at paalis na sana ng mapadako ang tingin ko sa maliit na bagay na nasa paanan ng mahiwagang puno.

I blink twice to confirm if it's a book and yes it is. Pinagpagan ko ang front cover nito at masuring tinignan, luma sya pero hindi sira-sira, binuksan ko ito sa unang pahina at may note na nakasulat.

.

.

.

Welcome to your new journey

.

.

.

Kumunot noo ako sa nabasa, nagtataka kong sinuri ang ibang pahina at mas lalong nangunot ang noo ko ng walang kahit anong laman ang libro, pictures or even a words still nothing!

Tinignan ko uli ang harapan at nakitang may sunod pa palang nakasulat sa pangalawang pahina. Isang larawan ng puno, na may mahahabang sanga at kaakit-akit na itsura, Wait...

Muli kong tinignan ang larawan sa libro tsaka tumingin sa harap, pabalik balik ang tingin ko ng makumpirmang parehas sila ng itsura. Ang larawang nasa libro ay ang puno rin na nasa harapan ko.

Binasa ko ang nakasulat sa baba

.

.

Surrounded by the woods

There's a kind stunning at all

Giving a light

And giving a life

.

A wind is blowing

A river is splashing

The birds are singing

And creatures are playing

.

.

Napapikit ako ng maramdaman ang napakasarap na hangin kasabay ng tunog ng paglagaslas ng tubig, napamulat ako ng makarinig ng huni ng mga ibon at iba pang hayop na tila nakikipaglaro. Namamangha ko silang pinagmasdan lalo na ang dalawang matsing na nag-aagawan sa saging.

Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba or nangyayari talaga ang nakasulat sa libro, pinagpatuloy ko ang pagbasa.

.

.

But there's a thing awaits from all

The beginning of this chapter

An adventure must to do

And a fate that is written by YOU.

.

.

Huh?

.

*RING*

.

Bigla akong napaigtad at nasarado ang libro sa gulat, kasabay nun ang tila pagkawala ng mga nangyari at pagbalik ko sa reyalidad.

Bakit hindi ka pumasok?

"Sino 'tong nagtext?" Tanong ko sa sarili at doon ko lang din naalala na may pasok pa ako!

Hindi na ako nagdalawang isip at nilagay na lang ang libro sa loob ng bag at tumakbo paalis. Masyadong na-occupied yung utak ko kanina!

Nakalabas naman ako sa gubat na yun ng ligtas at buhay. Dali dali akong  tumakbo, good thing tumigil na ang ulan pero the heck! Paano ako magpapaliwanag sa prof namin nito?

.

.

.

.

.

(Ateng Senyora's Note: Please kindly Vote and Comment 🥺 this is actually my first Fantasy Novel)

***