webnovel

Internal Sin (Tagalog)

Misteryosong nawawala ang mga piling tao na galing sa ibat ibang lahi at mga bansa. Sila ay napadpad sa isang tila pirpektong mundo kong saan naroon matatagpuan ang lahat ng pinaniniwalaang mga halimaw na syang sa mga lumang kwento lang maririnig. Sa mundong ito nabububay sa katawan ng tao ang kapangyarihan na nagmumula sa pitong charka. Sa kakaibang mundo ding iyon matatagpuan ang mga napakalalaking dungeon na syang binabantayan ng mga kahariang naglalaban laban para alamin ang paraan para makabalik ang tao sa totoong mundo na pinag mulan nito. Sa huli tangin ang kahariang makakakompleto lamang ng libro galing sa mga dungeon ang syang makakaalam ng katotohanan at paraan para makabalik ang mga tao sa orihinal nilang mundo.

namme · Fantasia
Classificações insuficientes
8 Chs

Mga bagong talata

Sa pagpapatuloy ni assedia ng pagpupulong dito nalaman ng hari ang mga bagong talata mula sa mga bagong piraso ng libro na nakuha ng pitong mga elders.

Sa mga bagong talata at mga salitang nabuo ni assedia ay may ilan dito na ikinagulat ni assedia base sa reaksyon nya na sya namang nahalata ng ibang elders at nang hari.

Ang mga talata at salita ay:

Pagka silaw sa araw.

Tatlong libro.

Susi sa huling piit.

Planado na mula.

Mga taong lalaban.

Ala-ala lamang an.

Ang mga nabasa naman ni assedia na nagpagulat sakanya ay:

pagka himlay ng mga hari.

Pitong demonyo na nagh.

Kamatayan ang susi sa mga.

Paggising ay magaanyong isang malaking dra.

Dahil sa mga nakasulat ay agad itong binasa ni assedia kahit pa hindi pa sya binibigyang utos ng hari na basahin ito sa harapan nila halata kay assedia ang pagkabigla kaya nya ito nagawa.

Sa mga nabuong salita na binasani assedia ay dito laki ang ikinagulat ng hari lalo na nang marinig ang talatang "pagka himlay ng mga hari". Talagang napalunok ang hari sa narinig dito ngayon naisip ng hari na talagang sa huli ay mauuwi parin sa digmaan ang lahat para sa buhay nilang mga hari.

Samantalang ang ibang elders naman ay iba iba ang nasa isipan tulad ni casey na iniisip ang salitang "pitong demonyo na nagh", pinipilit ni casey na dugtungan sa isipan nya ang naputol sa salitang "nagh" dahil dama ni casey na ang huling salita na iyon ang bubuo sa buong talata na iyon.

Ang laman naman ng isipan ni assedia ayang salitang "pagkagising ay magaanyong isang dra". Laman ng isipan ni assedia na ang "dra" na naputol ay isang saitang "dragon" pero ang pinaka iniisip nya ay kong sino at ano ito.

Pag iisip ni assedia: kong gagamitin ang salitang "magaanyong" ito ay maaring tumukoy sa isang nilalang at ang pinaka malapit para sa salitang "dra" ay "dragon" sabagay ay halata din naman.

Pero sino ang mag aanyong dragon na ito kalaban ba o kakampi. Nabasa na namin noon ang saitang "pitong prinsipe ng im" na agad nadugtungan ni casey matapos nya ibigay sa amin ang isa sa mga pinasong itinatago nya at ito ay "pyerno ang huling magiging k".

Sa talatang iyon hindi pa namin alam ang totoong kahulugan ng "k" sa dulo, kong ano ang salitang mabubuo nito. Pero base sa pag aaral naming tatlo ni Touru at Casey dahil demonyo ang nasa salita mataas ang pursyentong "kalaban" ang "k" sa huli. Kaya kong bubuohin ang salita ay "pitong prinsipe ng impyerno ang huling magiging kalaban" kong tama ito ay maaaring ang dragon ay kakampi dahil kong ang pitong demonyo na nabanggit ang makakalaban ay talagang napaka lalakas nito.

Naka sulat din sa libro na nabasa namin noon ang "sa huli ay may kapalit ang lahat kaya kahit anong mangyari ay mayparaan para makabalik sa pinag mulang mundo".

Nang mabuo namin ang talatang iyon ay lahat kami ay ginanahan dahil ngayon alam na namin na totoong may paraan para makabalik. Kaya kong ganoon kalakas ang makakalaban sa huli ay naniniwala akong may magkakaloob samin ng malakas na kapangyarihan okaya ay may tutulong sa amin sa huli para matalo ang pitong demonyo na iyon at base dito sa bagong talata dipende ito kong isa sa amin ang mag aanyong dragon o may tutulong samin na may ganitong kakayahan marahil hindi isang tao. Pero dipende padin ito kong tama ang ibig sabihin ng "k" ay kalaban.

Sa lalim ng iniisip ni assedia ay hindi nya namalayan na tinatawag na pala sya ng lahat. Tuluyan lang na nahinto ang pagiisip ni assedia ng malalim nang patamaan sya sa nuo ni casey ng maliit na butones na galing sa damit nito. Dito nakita ni assedia na ang lahat ng elder ay nakatingin sa kanya at napansing wala na ang hari sa kinauupuan nito at naglalakad na paalis sa silid na iyon. Tila ba naligaw si assedia sa nangyayari, nagsitayuan narin ang ibang mga elders na tanda na ang pagpupulong na iyon ay tapos na sabay sabay nagsi alisan ang mga ito pwera nalang kila assedia, touru at casey. Dito lumapit si touru kay assedia at sinabi nito na:

Touru: tulad mo ay tila napaisip din ng malalim ang hari at nawalan ng gana sa pagpupulong na ito. Sinabi ng hari na hindi nya kayang mag isip ngayon para sa mga bagay na paguusapan palang kaya ipinatigil na muna ng hari ang pagpupulong. Sinabi nya na siguro ay may nakalaang ibang araw para ipagpatuloy ang pagpupulong na ito.

Matapos sabihin iyon ni touru kay assedia ay umalis na ito. Sa puntong iyon ay nakaalis na ang lahat pwera nalang kay assedia at casey.

Nakayo lang si assedia nang biglang tapikin ni casey sabay sabing:

Casey: ikang segundo karing nakatulala kanina dahilan para kahit sino sa mga elder na nagtanong at tumawag sayo ay hindi mo pinansin.

wag mo munang isipin kong ano man yang nasa isipan mo. Sa totoo lang ay may mga hakahaka narin akong naiisip patungkol sa mga bagong talata pero tulad ng sinabi ko sayo, hindi ito ang tamang oras para pag isipang maigi yan, lahat tayo ay pagod mula sa misyong ginawa natin. Lahat tayo ay nangangailangan ng pahinga assedia pakiusap magpahinga ka muna. Kong pagod ang katawan natin ay mas lalong pagod ang isipan natin.

Assedia: salamat sa pag papaalala ng dapat na gawin casey.

Umalis narin si casey at si assedia nalang ang natira sa silid na iyon, panandaliang naupo muna si assedia at inisip ang mga bagay na dapat nyang gawin pag natapos na syang magpahinga tulad ng sinabi ni casey.

Samantala pag labas naman ni casey ng pinto ng kastilyo ay nakita nya si vonne na nakatayo sa pinaka-baba ng hagdan ng kastilyo na nakatingin sakanya. Nagkatitigan ang dalawa na tila ba nag uusap sa pamamagitan lang ng matatapang nilang tingin na iyon.

Kahit pa hindi nagsalita si vonne ay alam ni casey ang gusto nitong sabihin at matapos ng ilang segundong pakikipagtitigan kay casey ay naglakad na ng tatlong hakbang itong si vonne at bigla nalang nawala sa bilis ng pag alis nito.

Si casey naman ay naglakad nalang bilang pahinga nyarin sa matagal nyang paggamit ng kapangyarihan sa loob ng dungeon. Papauwi na sana si casey nang maalala nyang nagsinungaling pala sya kay celin na sya ang nakaasinta at may trabaho sa dungeon sa araw na iyon, na sa totoo lang ay wala naman sakanilang mga elder ang may kahit anong trabaho sa araw na iyon, dahil may tatlong araw sila para magpahinga matapos ang excavation quest na ginawa nila.

Ayaw kasi ni casey na umuwi tapos ay aalis din maya maya ayaw nyang maistorbo si celin sa ganoon bagay at isa pa di parin makapaniwala si casey na naroon sa mundong iyon si celin kaya hanggat maaari ay ayaw nya muna itong makita na parang sinasabi na hindi pa sya handang makitasi celin doon.

Samantal dahil sa alam ni casey ang oras at lugar kong saan sila magkikita ni vonne para mamaya ay nagisip nalang muna si casey ng ibang gagawin bukod sa pag uwi gayong marami pa syang oras na ayaw naman nya gamitin sa pagpapahinga dahil gusto nya kapag magpapahinga sya ay tuloy tuloy di tulad ng magpapahinga sya ngayon tapos mamaya lang ay sasabak sa laban kay vonne.

Tungkol naman kay vonne dama ni casey na may ibang pakay si vonne kaya ganun na lamang ang nais nitong kalabanin sya. Alam din ni casey na hindi lang iyon dahil kay celin bagkus ay gumawa lang ng dahilan si vonne para magkapaglaban sila at para hindi magduda ang hari at ibang elders. Sapat lang ang dahilang iyon na kahit mababaw ay maaaring may katuturan kong iisipin ng iba.

Pagkakataon iyon para kay vonne para mahamon nya si casey sa isang duelo o laban, dahil magiging katakataka nga naman kong malalaman ng hari na maglalaban o naglaban sila ni casey ganoon din sa ibang elder mag mumukhang traydor si vonne sa kanila at sa kaharian kong hahamunin nya si casey sa isang laban na kapwa nya elder at kapwa naglilingkod sa parehong kaharian. Totoong naglalaban sila sa isang sparring match pero baliwala iyon sa gustong mangyari ni vonne.

Sa nakikita ni casey ay maaaring may nalalaman si vonne sa isang bagay na tungkol kay casey at gusto nya itong paaminin sa pamamagitan ng seryosong laban kong saan magaawa ni vonne na alamin ang gustong malaman kong magtutuos sila ng seryoso at totoong laban ni casey.

[Habang naglalakad si casey papauwi]

Sa paglalakad ni casey ay di naman mapigilan ng mga nakakasalubong at nakakakita kay casey sa daan na hindi mamangha sapagkat minsan lang kong maglakad ang mga elders sa loob ng villa ng kaharihan dahil kong hindi sila kumikilos ng napaka bilis ay nagtiteleport ang mga ito patungo sa lugar na kanilang pupuntahan kaya talagang namamangha ang mga tao sa villa o bayan ng kaharian sa ginagawa na iyon ni casey na paglalakad, ang iba panga ay nagugulat o kong hindi naman ay natutulala pa na makita si casey sa daan.

Dahilan para makaramdam ng hiya si casey pero hindi parin ito gumamit ng abilidad dahil bukod sa nakita na sya at pinapanoon na ng mga tao ay pangit naman kong bigla syang mawawala, bukod pa roon ay naisip din ni casey na tama narin iyon na minsan ay maranasan muli nya ang maging normal na tao sa bayan.

Samantala habang naglalakad ay di naman maiwasan na makarinig si casey ng mga nag uusap sa paligid at pinaguusapan ang nangyari kanina sa kaharian patungkol sakanya at kay vonne.

[Mga usapang narinig ni casey]

Mga tao: maaaring patungo sya ngayon sa lugar kong saan sila magtutuos ni vonne.

Mga tao: mamaya siguro ay maglalaban sila ni vonne, gusto kong mapanood kong gaano sila kalakas pero alam kong delikado, ayoko pang mamatay.

Mga tao: hindi ba at may alitan sila ni vonne, matutuloy kaya ang laban nila?

Mga tao: ngayong nakita ko si casey ng malapitan sa tingin ko ay mas malakas sya kay vonne, pero ewan ko diko pa nakikita si vonne ng ganto kalapit.

Mga tao: isipin mo sya ang kilalang "reaper" ang kilala sa na mamamaslang ng ibang elder sa ibang kaharian. Brutal din sya sa mga halimaw talagang nakakatakot pero talaga din namang nakakamangha.

Sa mga narinig ni casey ay baliwala lang ito sakanya sa kong ano man ang isipin ng ibang tao. Basta ang alam lang ni casey sa mga oras na iyon ay ang mahalaga ay maprotektahan nya si celin sa mundong iyon at maturuan nya itong lumaban.

Dahil sa ayaw pa umuwi ni casey dahil sa pag iisip na baka maistorbo nya si celin o baka mailang si celin kapag naroon sya ay naisipan nalang muna ni casey na makipag kita na isang kaibigan sa labas ng kaharian.

[sa paglabas ni casey ng kaharian ng Stella]

Dahil din sa ayaw pang gumamit ni casey ng kapangyarihan di dahil sa nagtitipid sya ng ora kundi dahil sa gusto nyang bigyang pahinga ang spiritual nyang lakas, naisip ni casey na maglakad parin kahit pa nasa labas na sya ng kaharian at kahit sa pa gubat na dadaanan nya. Alam ni casey na kahit umaga ay maraming ibat ibang halimaw ang haharang sakanya lalo na sa gubat na kanyang dadaanan para makapunta sa bangin kong saan naroon ang kanyang kaibigan.

Kong tutuosin ay maaaring mag renta si casey ng masasakyan para hindi mapagod at masayang ang kanyang oras sa paglalakad pero sa kadahilanang ayaw nyang may ibang makakita sa kaibigan nya, bukod pa roon ay alam nyang wala rin may maglalakas loob na maghatid sakanya dahil sa mga delikadong dadaanan nila. Maaari ding magrenta si casey ng mismong karwahe pero bukod sa hindi sya marunong magpatakbo at komontrol ng kabayo sa karwahe ay ayaw din ni casey ng dagdag isipin o responsibilidad tulad ng kapag nagrenta sya ng karwahe ay obligado syang ibalik ito dahil kabuhayan ito ng mga may ari, di rin nya garantisadong maibabalik ng buhay ang mga kabayo dahil maraming halimaw sa gubat ang kumakain din ng mga hayop.

Pwede namang bilihin nalang ni casey ang karware at kabayo pero matapos maisip iyon ay natawa nalang si casey, tila para syang baliw na biglang natawa habang naglalakad. Naisip kasi ni casey na halatang nililibang lang nya ang kanyang sarili sa pag iisip ng mga bagay na iyon na sa totoo lang ay gusto lang talagang mapagisa ni casey, aminado si casey na hanggang sa mga oras na iyon ay paminsan minsan ay nagkukunwari parin sya na para ba syang nasa totoong mundo kong saan normal ang lahat at walang malaking problemang dala dala di tulad sa mundong iyon na tila ba parang pasan pasan nilang mga elder ang kinabukasan ng lahat ng mga taong hindi kayang lumaban at alamin ang katotohanan.

Kahit pa nasa tatlong taon na mula nang mapadpad si casey sa mundong iyon ay nalulungkot parin si casey kapag naaalala ang buhay nya bago mapadpad sa mundong iyon kong saan nakakausap at nakakasama nyapa ang mga kapatid, kaibigan at lalong lalo na ang kanyang ama at ina.

Tila ba di magawang masanay ni casey na hindi mangulila at labis labis parin ang kagustuhan nyang makabalik sa totoong mundo.

Sa kakaisip ni casey ay bigla din sumagi sa isip nya si celin, ngayon nandito na si celin ang babaeng talagang pinapangarap nyang mahalin mula sa totoong mundo ay hindi ngayon alam ni casey kong matutuwa ba sya o mag aalala. Masaya si casey dahil alam nyang may naghihintay na sakanya sa bahay nya kapag uuwi sya, alam nyaring mababawasan narin ang lungkot sa bahay dahil may kasama at makakausap na sya at iyon pa mismo ang babaeng matagal na nyang gusto kaya hindi maiwasan ni casey na mapangiti kapag naiisip iyon. Pero tila di naman maiwasan ni casey ang mag alala at matakot na baka mapahamak si celin sa mundong iyon. Alam ni casey kong gaano kana-kakatakot ang mundong iyon, kahit pa maayos at ligtas na lugar na mga kaharian ay alam ni casey na hindi laging payapa doon alam ni casey na may papalapit na sakuna kong saan lahat sila ay malalagay sa panganib lalo na at papalapit na sila sa ika-siyamnaput siyam(99) na palapag ng dungeon na syang pinaka dulong palapag ayon sa libro. Napapadalas narin ang paglitaw ng mga piraso na may nakasaad tungkol sa mga demonyo kaya naman alam ni casey na papalapit na sila sa isang bagay na ikasasama nila, na syang marahil ang pinaka rason bakit sila dinala sa mundong iyon. Kaya kong darating ang araw na iyon paano na si celin gusto ni casey na maging malakas si celin na tulad sa kahit na sinong elder nang mabawasan ang pag aalala ni casey, pero naiisip din ni casey na kapag naging malakas at elder na si celin ay obligasyon narin nitong pumasok sa dungeon at ilagay ang isang paa sa hukay. Kaya naman hindi talaga alam ni casey ang gagawin sa pagpadpad ni celin sa mundong iyon mabuti sana kong alam nila ang kasagutan sa mga namamatay sa mundong iyon kong bumabalik ba ang mga ito sa totoong mundo o namamatay na talagang tuluyan. Kaso hindi nila alam at parang halata naman din ang kasagutan, dahil nga walang nabanggit si celin na mga natatagpuan sa mga nawawala mula sa totong mundo gayong marami nang namatay mula sa mundong iyon.

Patuloy lang na nag iisip si casey ng mga bagay bagay habang naglalakad upang hindi nya mamalayan ang oras at hindi mainip. Pero palalim naman ng palalim ang pagiisip ni casey at ayaw namang nyang umabot ito sa punto na pati ang mga bagong talata ay iisipin narin nya kaya naman itinigil nang mag isip ni casey ng kahit ano.

Sakto naman sa mga oras na iyon lumitaw ang isang halimaw na tinatawag na "Bakulaw" ito ay isang malaking unggoy na may malalaking pangil na tulad sa lion, mahahaba din ang buhok nito sa katawan na nagsisilbing baluti nito dahilan para hindi ito basta basta mapinsala ng mga matatalim at matutulis na armas. Mahirap matalo at mataas ang tyansang makain ka nito kong normal na tao kalang or mababang uri ng mandirigma o hunter dahil sa tao rin ang pangunahing pagkain nito ay lubha talagang itong delikado kay mataas din ang hanggo nito dahil isa rin itong SBM sa ika-dalawamput limang(25) palapag.

Dahil sa bakulaw ay napahinto sa pagiisip at paglalakad si casey, dito tuloy nya natanong ang sarili nang:

Casey: Bakulaw! Teka nasaan naba ako? (tumingin tingin sa paligid) kaya naman pala, nasa malalim na parte nako ng gubat kaya pala isang tulad na nitong bakulaw ang lumitaw, pero ibig sabihin lang din nun ay malapit nako makalabas dito at mararating kona ang bangin. Pero bago yon tatapusin ko muna ang isang ito, sa ika-dalawamput lima(25) namin nakaharap ang tulad nito noon naalala ko tuloy kong paano kami nahirapan sa tulad nito, Tama! Isa nga itong SBM sa mababang palapag. Nakakatuwa naman isipin na kong gano kami nahirapan sa tulad nito ay ngayon ay kayang kaya konang talunin ang tulad nito ng hindi tatagal ng ilang minuto at nang mag isa lamang.

Agad na umataki ang uhaw na dugong bakulaw kitang kita na sabik na sabik itong makain si casey kaya naman bawat suntok at iba pang pag atake nito ay napaka lakas dahilan para madurog at masira ang natatamaang mga puno at lupa. Pero baliwala ito kay casey dahil kahit anong bilis na pag ataki ng bakulaw ay naiiwasang lahat iyon ni casey at puntong iyon ay hindi pa gumagamit si casey ng kahit katiting na kapangyarihan at tanging pisikal na bilis lang talaga ang ipinapamalas niya.

Hinintay lang ni casey na mapagod ang bakulaw, dahil nga sa iniiwasan na ni casey ang maging brutal ay hindi nya papaslangin ang bakulaw na iyon sa brutal na paraan. Pero naisip din ni casey na kong tulad parin sya ng dati ay malamang kanina pa wapang ulo ang bakulaw na iyon at gutay gutay narin panigurado ang katawan nito.

Sa kakaiwas ay di namalayan ni casey na napagod na pala ang bakulaw at duguan narin ang paa, kamao at siko nito sa kakasuntok at sipa sa pagtatangkang patamaan si casey. Dito tuluyan nang nagalit ang bakulaw at pinag dadampot naman nito ang mga nakatumbang puno at mga nakakalat na malalaking tipak ng bato at lupa mula sa pagka wasak dahil sa mga sablay nitong pag atake kay casey, pinag babato ng bakulaw si casey na ikina alala naman ni casey dahil pag di nag tagal. sa pag wawala ng bakulaw na iyon ay magiging dahilan iyon para maakit din ang iba pang halimaw sa paligid rason para magtungo ang mga ito sakanila dumami ang makakalaban ni casey.

Sino nga ba ang kaibang pupuntahan ni Casey at bakit ganoon na lamang kasabi si Casey na makita ito?

Abangan sa susunod na kabanata ng Internal|Sin.

.

Follow us on IG to get notified on every updates and post of Character Design and Concept Art of this Story.

.

You may see the characters of Internal Sin on Instagram.

IG:@nammemmy

.

Two chapters per week, publishing time is on every Saturday and Sunday 12:00 am (PHT).

nammecreators' thoughts