webnovel

Immortal Destroyer [Volume 11]

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?! ... Pictures aren't mine. Credits to the owner Old Titles: Immortal Destroyer > Legend of Supreme Asura

Jilib480_Jilib480 · Fantasia
Classificações insuficientes
30 Chs

Chapter 2.15: END OF VOLUME 11

Natuwa naman si Wong Ming sa pangyayaring iyon lalo pa't hindi nito aakalaing mabilis na mapuksa ang mahihinang mga Blue Monkeys na iyon. Nasa kontrol ng Four Armed Blue Monkey ang paningin ng mga ito kung kaya't naging madali na paslangin ang mga ito.

Natutuwa siyang malaki ang naging papel ng kahusayan niya sa Sword Needles na pangunahing sandata niya upsng pumaslang.

Sigurado siyang mayroong kakaiba sa mga Sword Needles niya lalo na kapag ginagamit niyang sandata ito upang labanan ang mga kalaban niya, mahihina man o malalakas ang mga ito.

Mabilis na umabanteng muli si Wong Ming upang atakehin at paslangin ang nasabing Soldier Beast na isang Four Armed Blue Monkey.

Kitang-kita niya sa malayo ang tila tumatakas na Four Armed Blue Monkey habang makikitang tila nginingiti-ngiti pa ito.

Talagang tuso ang maliksing unggoy na siyang pinuno ng kinalaban at pinaslang niya. Tila tuwang-tuwa pa itong tumatakas.

Napangiti na lamang si Wong Ming dahil hindi niya papatakasin ang Four Armed Blue Monkey. Pag nagkataon kasi ay makakakuha na siya ng tunay na Demon Ice Symbols gamit ang balat ng halimaw na unggoy na ito. Siguradong uunlad muli ang paggamit niya ng elemento ng yelo.

Likas na masasama ang mga magical beast at nakakaramdam din ang mga ito ng panganib.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Kitang-kita ng Four Armed Blue Monkey ang pag-alpas ni Wong Ming sa likuran nito na siysng ikinagulat ng halimaw.

WOOOHHHH!

Hindi inaasahan ni Wong Ming na manlalaban ang halimaw at mayroong yelong kulay asul ang kamay ng Four Armed Blue Monkey na siyang binato nito sa kinaroroonan ni Wong Ming.

BANG!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong sumabog ang kulay asul na enerhiyang nagmula mismo sa Four Armed Blue Monkey na agad na iniiwasan ni Wong Ming ngunit naabot nito ang kaliwang binti ni Wong Ming na siyang binalutan ng asul na yelo.

Hindi maipagkakailang mukhang naisahan siya ng tusong Four Armed Blue Monkey na iyon na papatakas na.

BANG! Mabilis na sumabog ang yelong bumalot sa kaliwang bahagi ng binti ni Wong Ming. Isa lamang itong taktika ng Four Armed Blue Monkey na iyon upang takasan siya.

"Napakatuso talaga ng halimaw na unggoy na iyon hmmm!" Tanging nausal ni Wong Ming sa isipan niya lamang habang mabilis ang mga kilos nitong hinahabol ang tusong Four Armed Blue Monkey na tumatakas.

Ngunit napapitlag si Wong Ming sa kinaroroonan niya nang mapansing tila napakarami ng Four Armed Blue Monkey.

Mas lalong nalito si Wong Ming sa pinanggagawa ng tusong Four Armed Blue Monkey. Natural na skill nila ang manlinlang at hindi naman ganoong kalakas ang fighting ability nila liban na lamang sa maliliksing kilos ng mga ito at sa lakas ng pagkagat ng mga ito sa biktima nito.

Biglang nagbago ang mga mata ni Wong Ming na katulad ng isang Ice Demon. Talagang ginagalit siya ng pesteng Four Armed Blue Monkey na napakatuso nitong pamamaraan. Gusto pa ata siya nitong linlangin upang makatakas ito.

Sa pagkakataong ito ay alam na ni Wong Ming na pinaglalaruan siya ng Four Armed Blue Monkey. Hindi naman siya nagpatinag rito at agad niyang napansin ang totoong katawan nito sa napakaraming mga clones nito na gawa lamang sa mga enerhiyang galing sa natural skill nito.

Mabilis niyang inilabas ang sampong Sword Needles at pinagpapaslang ang mga clones nitong tila binabalot pa siya nito.

BANG! BANG! BANG!

Rinig na rinig ni Wong Ming ang pagsabog ng mga clones ng Four Armed Blue Monkey na sigurado siyang alam na rin nito ang pinanggagawa nitong atake upang tukuyin ito.

Nagpaulan muli ng asul na enerhiya ang Four Armed Blue Monkey ngunit mabilis na iniwasan ito ni Wong Ming sa pamamagitan ng paglipat niya ng pwesto.

Hindi na nagdalawalang isip pa si Wong Ming at mabilis niyang inatake ang Four Armed Blue Monkey.

TAH! TAH! TAH!

Mabilis na nagpagulong-gulong ang katawan ng Four Armed Blue Monkey matapos nitong malaglag sa sangang kinakapitan nito.

Nadaplisan kasi ni Wong Ming ang mga paa nito sa magkabilaan kung kaya't natitiyak ni Wong Ming na hindi na ito makakatakas pa.

Bago pa ito makatayo ay walang pag-aalinlangan itong pinaslang ni Wong Ming gamit ang pagbaon ng maliliit na Sword Needles sa ulo nito dahilan lupang bawian ito ng buhay sa isang iglap lamang.

Agad na kinuha ni Wong Ming ang labi ng nasabing Four Armed Blue Monkey na isang Soldier Beast at naghanap ng lugar na nais nitong puntahan pansamantala sa loob ng Snow Rain Forest.

...

Kitang-kita ni Wong Ming ang sarili niyang inaabsorb ang Demon Ice Symbols na mabilis niyang naisagaws ito ng matagumpay.

Talaga nga namang pambihirang Ice Symbols ito na bumagay sa Asura Art of Divinity na siyang cultivation manual niya.

Tunay ngang nakakamangha ang ganitong klaseng kaganapan lalo pa't mas ramdam niya ngayon ang dobleng enerhiya ng pagkontrol ng yelo at paglakas ng manipulasyon niya sa ice attribute na ito.

Hindi maipagkakailang mas malaki ang value ng Soldier Beasts kumpara sa mga ordinaryong nagical beasts kahit na mababa lamang ang cultivation levels ng mga ito.

Hindi kasi lahat ng magical beasts ay nagiging soldier beast at depende pa rin iyon sa kakayahan at talentong meron ang isang uri ng magical beasts.

Ngunit agad ding namilog ang mga mata ni Wong Ming nang mapansing tila napupuno na ang mismong dantian niya ng napakaraming enerhiya at hindi niya namamalayang narating na niya ang Peak Golden Blood Realm at mukhang tatawid na siya sa mas mataas na lebel ng cultivation, ang Golden Vein Realm.

Nag-umpisa ng umupo ng nakalotus position si Wong Ming habang inihanda ang sarili sa panibagong yugto ng cultivation niya.

Nandoon ang kaba at saya sa puso't-isipan niya kung kaya't mabilis niyang ikinalma ang sarili niya dahil hindi maaaring ma-distract siya sa kaniyang pagbe-breakthrough.

Mas mahirap ang susunod na lebel sapagkat kailangan niyang padaluyin ang masaganang gintong enerhiyang nasa loob ng dantian niya patungo sa mga ugat niya sa katawan. Mas mahirap ito kumpara sa mga naunang lebel dahil kunting pagkakamali niya lamang ay baka lumubo lahat ng ugat niya sa katawan at pumutok na lamang siya bigla na siyang matinding iniiwasan niya.

Ibinuhos ni Wong Ming ang sarili niyang lakas upang umunlad sa kaniyang sariling cultivation level kung kaya't hindi nito napansin ang oras at mag-uumaga na nang natapos siya.

Woosh! Whoosh! Whoosh!

Rinig na rinig ni Wong Ming ang mga enerhiyang pumupuno sa bawat kaugatan ng katawan niya. Kitang-kita niya kung paanong mas naging masigla ang pangangatawan niya sa hindi malamang dahilan. Bago lamang sa kaniya ang ganitong klaseng pakiramdam ngunit nasisiguro niyang nagtagumpay siya.

Isa na siyang ganap na Early Golden Vein Realm Expert.

Ngunit mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Wong Ming nang maalalang ngayon na pala ang alis nila patungo sa Flaming Sun Guild.

Kamuntikan niya pang nakalimutan ang bagay na ito na siysng ikinakamot na lamang niya sa kaniyang sariling ulo.

Agad na nilisan ni Wong Ming ang lugar na ito at pumunta sa Sentral na bahagi ng siyudad ng Red City.

Handa na siya sa panibagong yugto ng paglalakbay niya lalo pa't ngayong tila nadagdagan ang lebel ng cultivation niya dahil sa gianwa niyang paglalakbay sa iba't-ibang parte ng Red City.

END OF VOLUME 11