webnovel

Immortal Destroyer [Volume 10]

Sa paglalakbay ni Wong Ming patungo sa Dou City ay namalagi siya rito upang tuklasin ang mga bagay patungkol sa nangyari sa siyudad na pinagmulan niya kung saan naroroon ang Green Valley na minsan na ring nag-exist. Mahahanap niya kaya ang kasagutan sa apat na taong nakalipas? Paano kaya kung hindi inaasahang pangyayari na naman ang magaganap sa paglalakbay niyang ito? Magagawa niya kayang lagpasan ang mga panganib na maaari niyang makaharap kahit na mismong sariling buhay niya ang nakataya?

Jilib480_Jilib480 · Fantasia
Classificações insuficientes
40 Chs

Chapter 2.1

Nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang nasa kalagitnaan ng malawak na daan habang ang mga batang nasisilayan niya ay tila ba masasaya at walang mababakas na problema sa mukha ng mga ito.

Parang kagabi lamang ay nasaksihan niya ang pangyayaring iyon habang sariwa pa sa alaala niya ang bawat kaganapang nakita mismo ng dalawang pares ng mga mata niya.

"Kuya, bago ka lang ba rito? Bakit parang ngayon lamang kita nakita sa lugar namin?!" Sambit pa ng batang halos bulol habang may nginunguya pa sa bibig nito. Sobrang dungis pa nito kung titingnang maigi animo'y may kinain ito na siyang nagdulot ng pagiging marungis nito. Pero masasabing cute naman ito dahil sa dalawang magkabilaang biloy ito at may bilugang mga mata idagdag pang may mataba itong pisngi.

"Malamang ay bago siya noh. Kilala ko kaya ang lahat ng naririto sa baryo natin." Sambit ng isa pang batang matangkad habang may singkit na mga mata na tila ba ay nakisali na rin sa usapan.

"Tara na, maglaro na tayo, hayaan na natin si kuya. Paumanhin kuya." Sambit ng isang batang babaeng masasabing nasa edad labintatlong gulang habang mabilis nitong hinawakan ang dalawang bata upang umalis na at sumunod naman ang lahat ng mga batang nagkakasiyahan at nagkukumpulan sa lugar na ito.

Maya-maya pa ay tahimik na ang buong lugar. Tila ba nawala bigla ang maiingay na mga boses ng mga batang nasisilayan niya kanina na ngayon ay nawala na sa paningin niya.

Habang tahimik ang buong paligid ay sinubukan ni Wong Ming ang sarili niyang mangalap ng enerhiya sa paligid at pansin niyang nagawa na niyang mag-cultivate kaya namangha at lubos siyang naguluhan sa nangyayari.

"Totoo ba ito? Bakit pakiramdam ko ay may mali dito. Kahit sabihing mayroong enerhiya sa paligid ngunit pakiramdam ko ay hindi ito purong enerhiya." Nagtatakang sambit ni Wong Ming habang kitang-kita sa mga mata nito na para talagang may mali.

Saka niya nakitang tila nabura ang mga damuhan sa paanan niya. Halos putol na ang mga duluhan nito at sinubukan niya pang hawakan ito ngunit sa paghawak niya rito ay kapansin-pansin na tila ba parang usok lamang ito at nabura.

Tumayo si Wong Ming habang kitang-kita na seryoso ang pagmumukha nito. Hindi siya hangal upang hindi matukoy ang nangyayari rito.

Hindi pa man nahahakbang ni Wong Ming ang mga paa niya ay may isang malakas na boses siyang narinig na nagsalita mula sa likuran niya na siyang nagpatigil sa kaniya kasabay nito ang pagtaas ng alerto niya sa kaniyang kapaligiran lalong-lalo na sa mismong nilalang ilang dipa lamang ang layo mula sa kaniya. Kung sino ito ay malamang sa malamang ay hindi niya ito kilala pa.

"Kung gayon ay sa'yo pala nagmumula ang kakaibang enerhiyang naramdaman ko. Hindi na rin masama para sa ordinaryong nilalang na katulad mo na makulong sa sarili kong teritoryo hehe..." Nakangising sambit ng nasabing nilalang habang makikitang nasisiyahan ang tono ng pananalita nito.

Saka naman humarap si Wong Ming rito at nakipagtitigan pa siya rito.

Saka na lamang napansin ni Wong Ming na isang matikas na binata ang nakita niyang nakaharap sa kaniya. Nasa edad dalawampo o ilang taon lamang ang edad nito sa kaniya.

Hindi na inalam pa ni Wong Ming kung sino ito dahil alam na alam niya kung sino ito o ano'ng klaseng nilalang ang nagsasalita sa harapan niya. Walang iba kundi ang mismong nakakataas na pinuno ng Mint City na walang iba kundi ang City Lord.

"City Lord? Iyon ba ang tawag sa katulad mo? Naalala ko pa ang sinabi mo kagabi maging ang mga naganap na nakita mismo ng dalawang mga mata ko!" Seryosong turan ni Wong Ming habang kitang-kita na pinipigila nitong mainis sa nilalang na nasa harapan niya.

"Mabuti at kilala mo na pala ako, Ako si City Lord Bao. Hindi ko aakalaing nakaligtas ka kagabi. Ano'ng ginawa mo upang hindi ka mapansin ng mapanuring mata ng aking abilidad?!" Seryosong tanong ni City Lord Bao habang makikitang naningkit ang mga mata nito.

"Iyong abilidad? Abilidad mo nga ba iyon? O isang hiram na abilidad lamang iyon na hindi mo pagmamay-ari?! Alam mo ba ang ginawa  o ang ginagawa mo?!" Seryosong sambit ni Wong Ming habang mababakas na sa boses nito ang itinatagong inis nito.

"Isa kang timang binata. Ano ang iyong ipinagsasabi? Wala akong ginagawang masama." Depensang wika naman ni City Lord Bao habang pinaningkitan nito ng masama si Wong Ming.

"Wag mong bilugin ang utak ko City Lord Bao. Ang iyong ginawa at patuloy na ginagawa ay isang masamang gawaing walang kabuluhan. Kung hindi ako nagkakamali ay isang forbidden technique iyon!" Malakas na saad ni Wong Ming habang hindi nito tinitigilan na magtanong sa huling sinabi nito.

"Forbidden technique? Sinasabi mong mali ang ginawa ko? Binuhay ko silang lahat dahil sa malakas na kakayahang meron ako, ginawa ko iyon para sa kanilang lahat. Mali ba iyon?!" Tila naguguluhang wika ni City Lord Bao ha ang makikita sa mga mata nito ang blangkong ekspresyon.

"Maling-mali ang ginawa mo. Walang permanente sa mundong ito alam mo ba iyon?! Isang malaking kasalanan ang ginawa mo na maaaring buhay mo rin ang maging kapalit nito." Puno ng kaseryosohang sagot ni Wong Ming rito Habang hindi nito iwinawala ang pokus nito sa nilalang na nasa harapan niya.

"Anong masama? Kahapon ko lamang ginawa iyon, ang mga batang ito ay iniligtas ko sa kapahamakan maging ang mga magulang nila ay nagawa ko ring iligtas. Ano'ng forbidden technique ang ginawa ko huh?!" Tila may inis na wika rin ni City Lord Bao habang pinaningkitan nito ng mata si Wong Ming dahil hindi nito iniisip ang mga nagawa.

"Kung gayon ay kailangan kitang pasalamatan sa ginawa mo huh? Ano'ng buhay ang iniligtas mo? Ganito ba amg gusto mong mangyari?! ----!" Saad ni Wong Ming habang kitang-kita na may gusto itong sabihin ngunit napahinto ito sa huling mga katagang  gusto pa nitong sabihin.

"Dapat lang. Kung hindi dahil sakin ay patay na siguro ang mga nasasakupan ko. Dahil sa pambihirang abilidad na meron ako ay hindi ako natatakot kahit kamatayan pa yan." Mariing tugon ni City Lord Bao habang makikitang hindi ito natutuwa sa pinagsasabi ng binatang estrangherong ito.