webnovel

Immortal Destroyer [Volume 10]

Sa paglalakbay ni Wong Ming patungo sa Dou City ay namalagi siya rito upang tuklasin ang mga bagay patungkol sa nangyari sa siyudad na pinagmulan niya kung saan naroroon ang Green Valley na minsan na ring nag-exist. Mahahanap niya kaya ang kasagutan sa apat na taong nakalipas? Paano kaya kung hindi inaasahang pangyayari na naman ang magaganap sa paglalakbay niyang ito? Magagawa niya kayang lagpasan ang mga panganib na maaari niyang makaharap kahit na mismong sariling buhay niya ang nakataya?

Jilib480_Jilib480 · Fantasia
Classificações insuficientes
40 Chs

Chapter 2.13

Nandito na si Wong Ming sa loob ng malawak na field na kanina lamang ay tanaw-tanaw niya lamang at nakikinood lamang siya pero ngayon ay mukhang siya na ang papanoorin o di kaya ay pagpupustahan ng mga manonood na mga madla.

Hindi alam ni Wong Ming kung bakit para saan ang gagawin niyang ito ngunit desperado na siyang malaman ang patungkol sa Flaming Sun Guild. Naniniwala siyang isa ito sa maaaring may alam patungkol sa Devil's Clock.

Kung may alam nga ang nasabing guild sa pagkontrol sa oras o marunong ang mga itong gumamit ng Devil's Clock ay siguradong mangyayari ang delubyong nangyari sa Mint City  o mas malala pa.

"Ano binata?! Tatayo ka lang diyan?!" Sambit ng isang lalaking nasa edad tatlumpo ata kung hindi nagkakamali habang tumatakbo ito ng mabilis patungo sa kinaroroonan ni Wong Ming na may hawak na mala-higanteng palakol.

Tumayo lang ng matuwid si Wong Ming habang nakatingin sa kalaban niya. Para sa kaniya ay ordinaryong nilalang lamang ito at walang bakas na nagku-cultivate ito. Napangiti na lamang si Wong Ming sa kaloob-looban niya.

Akala siguro ng kalaban niya ay isa lamang siyang binatang sumali sa patimpalak ba ito na walang kamuwang-muwang.

BANG!

Isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa paligid nang inatake ng nasabing lalaking ginoo ang tiyan ni Wong Ming.

Ngunit nawindang at nagulantang ang lahat lalong-lalo na ang kalaban ni Wong Ming nang sumabog lamang at nagkapira-piraso ang hawak nitong higanteng palakol.

"Hindi maaari ito!" Tanging nasambit ng kalaban ni Wong Ming kasabay nito ang mabilisang pagkatalsik nito sa malayo.

Isa itong malaking pagkakamali ng naging kalaban ni Wong Ming lalo pa't hindi nito inaasahang ang mala-patpating katawan ng binata ay isa palang ekspertong hindi nito natuklasan kaagad.

Makikita ang dismayadong mukha ng manonood habang makikitang naglakad palabas ng field ang natalong kalaban ni Wong Ming.

Ang mechanic kasi sa Elimination Round ay simple lamang, ito ay ang makatalo ka ng sampong kalaban ng sunod-sunod.

Ngunit isa rin itong mapanganib na bagay at ang tanging kinakailangan mo rito ay ang matagalang pagreserba ng enerhiyang meron ka upang hindi ka mapinsala sa makakaharap mong sunod-sunod na kakalabaning kalahok. Kung sino man ang nag-isip ng Mechanics na ito ay talagang napaka-istrikto. Nakasaad kasing hindi dapat matalo kung hindi ay hubdi mase-secure ng nasabing kalahok ang pwesto nito at maaaring maglalaban ang mga ito sa huling bahagi ng kompetisyon para sa huling slots na alam ni Wong Ming na mahihirapan siya kung ganon ang labanang mangyayari.

Sa kabutihang palad naman ay apat pa na sunod-sunod naman ang naging panalo niya kaya kung susumahin ay limang sunod-sunod na panalo na ang nagawa niya. Hindi naman siya nahirapan sa mga ito lalo pa't pangkaraniwan lamang ang mga ito at tanging sa kakaibang istilo ng pakikipaglaban lamang siya nahirapan rito. Kung cultivator sana ang mga ito ay siguradong mahihirapan siya ngunit sa kabutihang palad ay hindi. Siguradong tatagal ang laban kung ganon.

Little Devil Vs. Water Boy

Isang anunsyo ng nasabing MC ng nasabing kompetisyon.

Hindi naman alintana ni Wong Ming ang ginamit niyang pangalan para sa kompetisyong nilahukan niya. Malayo naman kasi ang siyudad ng Dou City rito ngunit iyon ang malaking pagkakamaling nagawa niya dahil mula sa mga oras na ito ay kalat na kalat na ang paggamit niya ng pangalan ng batang paslit na sumali noon sa Dou City lalong-lalo na sa mismong mga namumuno noon sa Dou City maging sa mga matataas ang posisyon sa Red City at mga kalapit na mga pwersang sakop nito.

Hindi alam ni Wong Ming na ang nasabing pagsali niya sa nasabing kompetisyon ay magdudulot ng kakaiba ngunit mapanganib na kaganapan sa kaniya mula sa mga oras na ito na maging ang mga kaedaran niya lamang na mga nilalang ay maaaring makalaban niya sa mga susunod na stage ng kompetisyong ito.

Nakatayo lamang si Wong Ming sa gitna habang suot-suot pa rin nito ang kakaibang uri ng maskarang bigay sa kaniya ng amain niya. Ordinaryo kung titingnan ng iba ngunit alam niya mismong ang maskarang ito ay gawa ng isang ekstraordinaryong nilalang na pamana pa ng ninuno ng amain niya. Dalawa lamang ang naturang maskarang ito sa buong siyudad ng Golden Crane City kaya imposibleng malaman ito ng taga-labas lalo pa't isang lihim ang paglalakbay ng namumuno sa Golden Crane City bago pa tanghaling pinuno at umupo ito sa trono. Gayon pa man ay alam ni Wong Ming na wala na siyang lugar doon at naniniwala ang ama-amahan niyang babalik siya roon balang-araw.

Nakaagaw naman ng atensyon sa madla at ni Wong Ming ang kakaibang kasuotang suot-suot ng isang nilalang na papasok sa loob ng malawak na field kung saan naroroon si Wong Ming.

Hindi naman maipagkakailang ang kakaibang kasuotan ng nilalang na ito ay nakakamangha at kung paanong maglakad ang nilalang na ito ay parang sanay na sanay idagdag pang may hawak itong isang mahabang staff na mayroong kakaibang batong kumikinang sa dulo nito.

Imbes na makaramdam ng panganib si Wong Ming ay bigla na lamang gumuhit ang kakaibang ngiti sa mga labi nito dahilan upang tumalim ang tingin sa kaniya ng naglalakad na kalaban niya patungo sa kaniya.

Biglang nabalutan ng malaking bula ang buong katawan ng kalaban ni Wong Ming at kitang-kita kung paano'ng mabilis itong nakalapit sa mismong pwesto ni Wong Ming.

"Ano'ng nginingiti-ngiti mo binata?! Hindi mo ba alam na maaari kitang pahirapan at paslangin sa ginagawa mong ito?!" Matalim na saad ng kalaban ni Wong Ming habang kitang-kita kung paano'ng tiningnan nito si Wong Ming na may pagbabanta sa mga mata nito.

Imbes na mangamba si Wong Ming ay mas lalong lumawak pa ang pagkakangiti nito dahilan upang mainis ang nasabing kalaban nito.

Gamit ang staff nito ay kitang-kita ng lahat ang pag-ikot nito sa kamay ng nasabing nilalang at may namuong imahe ng malaking sibat sa ere.

Kung hindi nagkakamali ang lahat ay isa itong pambihirang Water Skill.

Skill: Giant Water Spear!

Namangha ang iilan ngunit marami sa mga hindi naman eksperto ang mas nangamba. Para sa kanila ay isa itonng pambihirang bagay na ngayon lamang nila nasaksihang mabuti.

Hindi naman nagpatalo si Wong Ming at sa isang iglap ay lumutang siya sa ere. Gamit ang sikat ng Araw ay sumentro siya rito at nagcast ng isang martial arts skill.

Skill: Giant Fire Spear!

Namangha naman ang lahat sa kanilang nakita dahil mukhang pareho nai-cast na skills ng magkalabang kalahok.

Nagulat naman ang kalaban ni Wong Ming sa nakita nitong pagsagawa nito ng skill.

"Paano'ng pareho tayo ng skill na isinagawa?! Saan mo nakuha ang nasabing skill na pagmamay-ari naming mga Aqua Clans?!" Sunod-sunod na tanong ng kalaban ni Wong Ming habang kitang-kita ang labis na pagtataka sa hiwagang bumabalot sa binatang nakalutang sa ere.

"Pagmamay-ari?! Pagmamay-ari ba talaga o impluwensya lamang ng mga nilalang na naglakbay sa inyong baybaying lugar?!" Seryosong wika ni Wong Ming habang may hiwaga sa boses nito.

Doon ay natigilan na lamang ang kalaban ni Wong Ming at nangunot ang noo nito dahil sa sinabi ng binatang kalaban nito.