webnovel

Immortal Destroyer [Volume 10]

Sa paglalakbay ni Wong Ming patungo sa Dou City ay namalagi siya rito upang tuklasin ang mga bagay patungkol sa nangyari sa siyudad na pinagmulan niya kung saan naroroon ang Green Valley na minsan na ring nag-exist. Mahahanap niya kaya ang kasagutan sa apat na taong nakalipas? Paano kaya kung hindi inaasahang pangyayari na naman ang magaganap sa paglalakbay niyang ito? Magagawa niya kayang lagpasan ang mga panganib na maaari niyang makaharap kahit na mismong sariling buhay niya ang nakataya?

Jilib480_Jilib480 · Fantasia
Classificações insuficientes
40 Chs

Chapter 1.10

Hindi mapakali si Wong Ming nang makita ang bagong ipapasubastang bagay sa harap ng madlang naririto na siyang kitang-kita niya maging ng iba ang isang kulay itim na maskarang  nasa kahon na malapit mismo sa kinaroroonan ni Madam Yanyu.

"Ang sunod na ipapasubasta naming bagay ay itong itim na maskara. Hindi matukoy kung ano'ng klaseng bagay o uri ng metal ito gawa ngunit napakatibay nito. Masasabi kong pwede niyong gawin itong koleksyon sa halip na isuot ito dahil may kabigatan ito. Galing pa ito sa isang nasirang siyudad na nakuha mismo ng mga manlalakbay namin na galing sa naturang lugar." Wika ni Madam Yanyu na walang pag-aalinlangan habang seryoso ang mukha nito.

Mabilis namang nawalan  ng gana ang mga manonood sa nasabing bagay na ipapasubasta. Bakas sa mga usap-usapan nila maging ang tila pagkaasim ng mukha ng mga ito na wala silang balak bilhin ito.

Pansin ni Wong Ming na hindi nga kaakit-akit tingnan ang nasabing maskara idagdag pang parang nasira ito lalo pa't kitang-kita ang tila bahaging mayroong matatalim na mga hugis sa dulo nito dahilan upang walang mag-asam na makuha ito.

Pansin ni Wong Ming na hindi nga naman lingid sa kaalaman ng lahat ang pagsusuot ng maskara ngunit masasabi niyang hindi naman nagsusuot ang sinuman ng may sira na.

Ayaw niya sanang bilhin ito ngunit pansin niyang tila may kakaiba rito.

Hindi niya sanang gustong suriin ito ngunit nahagip ng mga mata niya ang kakaibang enerhiyang bumabalot sa nasabing maskarang kulay itim na ito sa hindi niya matukoy na dahilan.

Kung pagbabasehan ang cultivation niya sa pagsuri nito ay hindi sasapat iyon upang tukuyin ang tunay na halaga ng nasabing pambihirang maskarang tila ordinaryo lamang sa mga mata ng lahat.

Buti na lamang at kasabay ng pag-unlad ng cultivation niya ay ang pag-unlad rin ng kakayahan ng mata niya upang matukoy ang mga enerhiya sa paligid maging ng mga bagay na naglalaman ng misteryoso ngunit nakakubling enerhiya sa mga tunay na kayamanang meron ang Stone Crest Auction House na ito.

Determinado si Wong Ming na kunin ito o mapasakamay niya sa madaling panahon ang pambihirang maskarang ito na ordinaryo sa mata ng lahat ng mga ekspertong naririto.

"Pati ba naman yang maskarang sira na iyan ay ibinenta pa?!"

"Napakaordinaryo naman iyan, hindi naman dapat binebenta ang sira na at walang pakinabang."

"Mukha namang walang silbi ang maskarang sira na iyan. Ano ba silbi niyan?! Pambato ba? Hahaha..."

Ito ang ilan sa naririnig ni Wong Ming lalo na at wala naman siyang mahimigang positibong pananaw nila sa tila ordinaryong maskarang iyan.

Naging malawak ang ngiti sa mga labi niya lalo pa't sigurado siyang hindi ito pagka-interesan ninuman lalo na at hindi nila alam ang totoong halaga ng nasabing sirang maskarang nakahain sa kanilang lahat.

"Maaari niyo ng sambitin ang halaga sa pambihirang maskarang itim na nasa kahong ito." Nakangiting sambit ni Madam Yanyu habang kitang-kita na tila awkward ang kanilang ngiting ipinapakita.

Masasabi ni Wong Ming na maging si Madam Yanyu ay hindi alam ang totoong halaga ng sirang maskarang nasa kahong binuksan nito.

Nagulat siya dahil ang isang malakas na ekspertong nasa katauhan ni Madam Yanyu ay wala man lang maramdaman sa kayamanang pinapasubasta nila.

400 gold coins!

Sambit ni Wong Ming habang kitang-kita na hindi man lang siya nag-alinlangan na ito ang unang nagtawag ng halaga sa pinapasubasta.

Ngunit maya-maya lamang ay mayroong nagtawag ng halaga sa isang secret room.

800 gold coins!

Nagtaka naman si Wong Ming patungkol sa kung sinumang nilalang na nandoon sa nasabing secret room kung saan ay medyo may kalayuan sa kaniyang sariling pwesto.

1000 gold coins!

Sambit muli ni Wong Ming habang makikitang tila gusto nitong makuha ang nasabing bagay na iyon.

"2000 gold coins!"

Sambit naman muli ng nasa parehong secret room na sjyang nagtawag kanina ng halagang meron ito.

3,000 gold coins!

Sambit muli ni Wong Ming habang makikitang hindi pa rin ito natitinag na susuko din ang kung sinumang nilalang na nasa isang secret room.

Tiningnang maigi ni Wong Ming ang nasabing sekretong silid at mayroong numerong walo na nakalagay sa ibabaw ng secret room na iyon habang ang kaniya naman ay nasa numero tatlo.

"6,000 gold coins!"

Muling sambit naman ng nasa ika-walong silid nang halagang doble muli sa halagang sinambit ni Wong Ming.

8,000 gold coins!

Malakas na saad ni Wong Ming habang makikita ang labis na pagtataka sa nangyayari. Hindi niya alam kung sino ang nasa loob ng ikawalong numero ng nasabing sekretong silid ngunit namumuo na ang ideya na mayroong idea ang nasabing nilalang na nasa silid na iyon.

"16,000 gold coins!"

Malakas na saad ng nilalang na nasa ika-walong sikretong silid.

Kitang-kita sa mga mata ni Wong Ming ang labis na pagtataka lalo pa't hindi niya alam kung sino ang nilalang na ito at bakit niya ginagawa ito.

Hindi niya alam kung ano ang nangyayari ngunit batid niyang mayroong pakay ang nasabing nilalang na nasa  silid na iyon sa hindi niya malamang dahilan.

Mariing napapikit si Wong Ming at mabilis na isinalita ang kaniyang sariling bid.

20,000 gold coins!

Sambit ni Wong Ming habang kitang-kita ang labis na panghihinayang sa salaping maaari niyang magastos sa bagay na ito.

40,000 gold coins!

Malakas na saad naman ng nasabing nilalang na nasa loob ng ikawalong silid.

Hindi naman mapakali si Wong Ming sa sariling silid na kinaroroonan niya. Ayaw man niyang isipin ito ngunit kailangan niyang siguraduhin ang kredibilidad ng nilalang na iyon upang kontrahin ang isang katulad niya.

Samantala...

Halos magkagulo naman ang mga tumpok ng mga manonood sa loob ng Stone Crest Auction House dahil kakatwang pangyayaring ito. Halos mapanganga na lamang ang lahat dahil hindi nila alam ang nangyayari ngunit ang karamihan sa naririto ay kaniya-kaniyang gawa na lamang ng sariling pananaw ba gusto nila.

"Hindi ako maglalabas ng salapi dahil lamang sa isang sirang maskarang katulad niyon. Masyadong malaki ang halagang iyon kung sakaling lalaki pa iyon dahil sa gitgitan ng dalawang nilalang na nasa loob ng mga secret rooms."

"Oo nga eh. Masyadong malaki ang mga halagang sinambit ng isang nilalang na iyon kumpara sa totoong halaga ng nasabing sirang maskarang iyan!

"Hindi nag-iisip ang nilalang na nasa ikatatlong secret room. Hindi magandang kilos ang paggastos ng salaping meron ito maging sa nilalang na nasa ika-walong sikretong silid."

Halos purong negatibong kaisipan ang namuo sa lahat ng mga nilalang na saksi sa paglalaban ng dalawang panig na nasa magkabilaang secret room. Ni wala man lang nag-iisip patungkol sa ipapasubastang bagay na inaakala ng lahat na ordinaryo lamang.

Pagak na napangiti na lamang si Wong Ming.  Hindi man niya tiyak kung anong klaseng halaga ang meron ang sirang maskarang pinapasubasta ng lugar na ito ngunit batid niyang masyadong mataas ang antas nito kumpara sa ibang mga pinapasubastang bagay na naririto at iyon ang sigurado siya.

Muli niyang sinilip at pinagmasdan ang naturang ikawalong silid. Hindi niya alam kung alam ito ng nasa silid na iyon ngunit batid niyang may halaga ito na tanging siya lamang ang nakakabatid.