webnovel

chapter 4

Hila-hila ko ang maleta ko sa isang kamay at ang mga pasalubong ko naman sa kabila. 7am palang nandito na ako sa terminal. Gusto ko maaga ako dun pagdating.

"OH! SAN JOAQUIN! SAN JOAQUIN!" Agad nagbagting ang tenga ko nang marining ko pangalan ng probinsya namin.

"Ako, Kuya! Ako! Wait!" Dali-dali pa akong nakipagunahan sa ibang pasahero sa pag-sakay sa bus.Umupo agad ako sa may gilid ng bintana at hinanda na ang mga snacks at ointment para sa byahe. Well, 5-6 hours lang naman ang magiging byahe namin. The reason kung bakit hindi ko dinala ang kotse ko.

Nang mapuno na ang bus ay agad naman itong lumarga. Napangiti Ako. After 3 years, Uuwi na rin ako sa San Joaquin.

Mag-aalas dose na nang dumating ang bus namin sa terminal ng San Joaquin.

Agad sumalubong sa akin ang sariwang hangin dala ng masaganang kagubatan ng probinsya.

"Jamie will love this!" Bulong ko sa sarili ko at mabilis na hinugot ang phone ko. I took photo of the breathtaking sceneries of my province. The great mountains that are surrounding San Joaquin, its vast forest, popular for hikers and trekkers.

Sumakay na ako ng tricycle. Tinulungan pa ako ni manong na isakay ang mga dala ko kasi madami at mabigat. Papasok pa kasi ang bahay ni Lola, syempre 'di ko naman kayang lakarin 'yun.

Habang nasa byahe ay nakuha ko pang magpicture at kumuha ng video at agad pinost sa instagram ko.

'Glad to be back home!' caption ko.