webnovel

Ikigai

Iam_Jeaaaa · Adolescente
Classificações insuficientes
19 Chs

Chapter Ten

Chapter Ten: Pagpapumanhin o Pangangatwiran

June 5, 2019

CJ's POV

Hello!

Ako si Celeztine Joezch. Tin-Tin for short. Ces for shorter. And CJ for shortest.

LOL!

Kasalukuyan akong tumatakbo papuntang school. Oo tama ka ng pagkaka basa mo, TUMATAKBO ako.

Bakit?

Hindi ako tumatakbo dahil hinahabol ako ng aso ah. Pero tumatakbo ako kasi late na late na late na late na ako!

Ikaw ba naman ang magising ng 8 o' clock?! I prepared myself for just for 15 minutes! Oo! Tama ka ulit ng pagkakabasa! 15 MINUTES lang!

Ngayon ay 8:28 na! Shit! I am 58 minutes late na!

Nasa tapat na ako ng school gate. Nandun na si Kuya Robbie, yung guardia ng school. Whoo, muntik na ako dun ah! Buti nalang hindi schedule ni Kuya Ambs ngayon! Kasi hindi ako makakapasok ng school!

"Oh! CJ, bakit ka tumatakbo?! " tanong niya.

"Ay! Kuya Rob 'di ba obvious na late na ako kaya ako natakbo?! " atat na sabi ko.

"Bakit ka pa natakbo? " ay hindi na gets yung explanation ko.

"Kuya, sino ba ang late na hindi na takbo?! " galit na talagang sigaw ko. Wala ng tao sa room at tanaw ko na ang room namin. Kaka pasok lang ni Miss Eva.

Mathematics na pala!

"CJ, alam mo na ngang late ka na, na takbo ka pa. Hindi maibabalik ng pagtakbo mo ang oras Celeztine. May mga bagay na dapat maagap ka, kasi kapag nahuli ka kahit na anong gawin pang mo, hindi mo na mababalik ang nawala na oras na dapat ginamit mo para gawin mo ang mga bagay na nararapat sayo. " seryosong sabi niya.

Bakit ganun? Parang ang deep deep niya?

Hayst! Basta!

"Kuya, meron ka pang pwedeng gawin. " tumaas ang kilay niya. Napangisi naman ako.

"Ang manghingi ng tawad. " taas noo kong sabi.

"Paghingi ng tawad o ang pagsasabi ng mga rason mo?! " tumaas ang tono niya.

"Walang pagkakaiba 'yan! " proud na sagot ko.

Binuksan niya ang gate pero hinarang niya ang mga braso niya para mapatigil ako.

"CJ, mag kaiba sila. Ang paghingi ng tawad ay para na ring pagsasabi ng totoo. Alam mo na totoo yung sinasabi mo. Pero ang pagrarason, isini-save mo lang ang sarili mo. Kasi takot ka na malaman nila na nagkamali ka. " napakaseryoso naman nito. "Sige pumasok ka na. " sabi niya. Tumuloy na ako.

Sa totoo lang, nagustuhan ko yung sinabi niya.

Nasa tapat na ako ng room.

"Yow! Cez! Buti na isipan mong pumasok pa! " sabi ni Dylan. Inirapan ko siya.

"Celeztine I saw you making usap with Kuya Robbie. Ano bang pinag-talk-an niyo? " ang dakilang conyo na si Guian ay nagsalita.

Pagtawanan ang iba dahil narin sa late na talaga ako nakapasok.

"QUIET! Miss Celeztine, mind explaining us what happened? " tanong ni Miss Eva.

"Yes, Miss. " sagot ko. Halatang nagulat ang matanda sa sinabi ko.

"Why is that? " tanong niya ulit! Argh! CJ come on think of it! Ang sakit na ng mga binti ko!

"I just want to apologize for being late. I don't wanna say my reasons kasi hindi po ako sure kung magiging kapani-paniwala sa inyo. I had a talk with someone and he told me the thing na kapag pagrarason lang ang sinasabi mo, magmumukang nagtatanggol mo lang ang sarili mo. " ngumiti ako pero tumungo ako.

"Come in. " YES!

Saktong pag-upo ko ay…

"Calling the Mr. Altejos, Mr. Makilig and Miss Mendez. Please go to the Principal's office. " ano kayang gagawin nila?

"Miss. " tawag ni Dylan.

"You may go. " tinuro pa ng guro ang pinto. Sunod sunod na naman silang lumabas.

JEA's POV

"Hello, officers. May nahanap na ba kayo? " tanong ni Miss Emperador, TIC ng school.

"Yeah, I got mine. " tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Dylan.

"Who? " tanong ko.

"Laster. " sagot niya at muling tumingin sa gawi ng guro.

"Not yet done in searching. " ako naman ang nakakapag pataas ng kilay ng guro.

"Why? You can choose the MOO– " pinutol ko ang dapat na sasabihin niya.

"Miss. Ang Head na po ng SPG ang nagsabi na pumili lang kami ng mga students from pilot sections in intermediate category. Besides, ang squad na iyon ay nakapaloob lang para sa mga occasions or programa na gagawin outside or inside the campus. " pangangatwiran ko. "Hindi rin po occassion ang gagawin natin at gusto rin po ng head na bago naman ang makita at hindi lagi ng squad na iyon. "

Bumuntong hininga ang guro. Marahil siguro ay nabastusan siya sa tinuran ko.

"How about you Mr. President? " tanong niya sa lalaking katabi ko.

"I am still waiting for her response. " sagot niya.

"Her? "

"Clarize. " I see.

"Paano kung hindi ito pumayag? "

"Miss, we are 30 in our classroom. Don't count the three of us then it will be 27. 18 of those students don't agree with it. Five are not yet asked. Three didn't not responded yet, and one agreed. "

"Mamaya ay i follow up ninyo ang mga gagawin niyo. Bukas I need the whole group na. Dapat magapag-set na kayo ng meeting place para sa practices niyo. "

Tumayo na kami at lumabas.

Nang mapansin nila na lumihis ako papuntang hagdan ay natigil sila sa paglalakad. Tiningnan nila ako ng puno ng pagtataka .

"Canteen. " itinuro ko pa ang canteen na siyang pupuntahan ko.

Nauna na sila na pumasok sa room.

"Miss, band aid nga po. " sabi ko sa tindera.

"Ilan? " nagtanong pa!

"Miss, I did not say it in plural form so basically, you just need to give me one. " sabi ko.

"Ang dami pang sinabi. Pwede namang one nalang. " I smirked.

"Bakit ka nga ba bumili nito? " tanong niya.

"Para saan ba ang band aid? " balik na tanong ko.

"Para sa sugat syempre. " sagot naman niya.

"Oh! Exactly! " giliw na sabi ko.

"May sugat ka ba? " sus! Nagtanong pa ulit.

"Kaya nga ako bumili diba? " sarkastiko kong sabi.

"Saan ba– " pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Pumunta ako dito para bumili ng isang ganito, at hindi para makipag-usap sayo. " sabi ko at pumunta na papuntang pinto.

"Tsk! Sungit! " dinig kong bulong niya.

"Talaga. " sabi ko.

Pumasok na ako sa room at umupo sa tabi ni Clarize.

"Saan ka galing? " tanong ni Clarize.

"Sa office. " sabi ko.

"Bakit ka na late? Nauna na sina Ry sa iyo. "

"Alam ko. " ipinatong ko ang braso ko sa table at tumungo doon.

"Bakit ka nga na late? " tanong ulit niya.

"Hindi ako na late. " sabi ko.

"Edi nahuli. Ah… siguro may kum– "

"Clarize, hindi ako nahuli dahil iba ang nahuli sa nagpahuli. Okay?! Wala rin akong kinausap dahil wala naman akong dapat kausapin. " sabi ko at pumikit na.

"Okay. Ahh. Ab– " matalim ko siyang tinignan.

"A-hhh. Jillian mamaya raw magpa-practice tayo. Sa bahay nina Dylan. " haata ang kaba sa boses niya.

"K. "

Tumungo na ako at naglayag sa dagat ng pag-iisip.

To be continued...