webnovel

Ikigai

Iam_Jeaaaa · Adolescente
Classificações insuficientes
19 Chs

Chapter 15

Chapter 15: Booth Making

June 7, 2019

Rydien's POV

Natapos ang buong class hour ng wala akong natutunan .

Charot lang syempre! Naglalaro kaya ang ranking ko sa 1st and 2nd!

Bakit?

Magkaaway kami ni JEA sa grades. May time na nauna ako at naunahan rin naman minsan.

Magkaiba kami ni Jillian, siya mas magaling sa written works pero mas magaling naman ako orally. But it still depends whether nadadalian or nahihirapan kami sa subject.

Pero kanina, ka pansin pansin ang galing ng mga newbies. Halos lahat sila. Pero hindi pa sila gaano ka comfortable while delivering their speeches.

"Hello, Pilot Section! Please sit properly because I have an announcement to make. " utos ni Sir.

Umupo na kami. Abay, disiplinado 'to kapag may teacher pero kapag wala ng teacher? Aysuskopo! Parang mga orangutan na nakawala sa hawla.

Ang kasabihan pa nga namin ay "The pilot section with their teacher is like a sheep that's eating grass. But if the teacher lost his focus to the students, we're like orangutans out of the cage. " funny but indeed.

"Regarding to our booth, hindi ito playing booth or something familiar with that. Ang ilalagay natin sa booth ay mga paintings niyo. You need to do three paintings at ang malilikom na fund galing doon sa mga binili na paintings ay gamitin for the upcoming programs of this school. "

"Sir! " nagtaas ako ng kamay.

"Why? "

"Bakit po painting? Eh di hamak naman na all of the students here in this section ay magaling at marunong sumayaw? " tanong ko.

"Naunahan na tayo ng– " may pumutol sa pagsasalita ni Sir.

"Section A. " sabi ni Jillian.

"That's right! Nauna na kasi magsubmit ng form ang president ng room nila. Late ko naman nafollow up kay Miss President para mabigay niya na rin yung form natin kaya na unahan tayo. " pagpapaliwanag ni Sir.

"Sir, sabi po ay mga teachers ang magbibigay ng form, bakit po student 'yung nagbigay ng sa kanila? " tanong ni CJ.

"Wala kasi 'yung teacher nila. "

"Sir hindi ba matagal rin naman kayong busy kasi papalapit na rin 'yung Journ? " tanong naman ni Jillian.

"Oo. Pero okay lang 'yon kasi alam ko naman na kaya natin 'to. At mas madalian tayo makaipon kasi mas madali siya i conduct. "

"Sir nabanggit niyo po na bukas na 'yung booth making, ano po 'yung mga materials? "

"Okay. Isusulat ko sa board then copy it. "

"Sirrrr... " ungot namin.

"Bakit? " nakangiti si Sir ng sabihin niya iyon.

"Ayaw po namin na magsulat! " sabay sabay na sabi namin.

"Sige. I will dictate it pero dapat masaulo niyo. " hamon niya.

"Materials niyo syempre 'yung pang paint. " namilosopo si Ser.

"Sir paano po 'yung hindi marunong mag paint? " tanong ni Aubrey.

"Paano nga ba class? Any ideas? " tanong nito.

"Sir what if hatiin po 'yung task ng class. For example that group is tasked to do the painting and that one will make the booth. " suhestiyon ni Rhys.

"Good. President and Mr. de Leon, mag-usap kayo dito. Gusto ko na kayo ang maghandle ng pagdi-distribute ng tasks. Rydien, kung gusto mo tumulong ka. " 'yes! '

"Tara. " yaya ko. Pupunta kami sa office.

"Ano 'yon? Ditch na? "

:|

"Hindi. "

"Paanongbhindi eh hindi nga tayo nagpaalam?! " sumigaw siya at tumigil sa JEA sa paglalakad upang harapin si Rhys.

"Hindi tayo nag ditch. Bakit? Kasi may permission tayo. " paliwanag nito.

"Saan ba kasi tayo pupunta?! " hindi namin siya sinagot.

Nang hindi namin siya sinagot ay nagpatuloy na kami sa paglalakad. Wala namang nagawa 'yung isa kung hindi sumunod nalang sa amin.

"O-kay. " mabagal man ay naamoy ko parin ang kaba nito.

'Taray ah! Naamoy! '

"So. I think I really need to mention where we are. " panimula ni Jillian. "Nandito tayo– " naputol ang pagsasalita ni Jillian ng sumbat si Rhys.

"Walang tayo. " seryoso siya ng sabihin ito.

Pinilit kong hindi matawa sa sinabi niya.

"Sorry. So, as I was saying, nandito ka sa lugar namin. " pagpapaumanhin ni Jillian. 'Wow! Nagsorry siya?! '

Ginaya ko siya papasok ng office. Umupo kami sa table sa gitna ng office.

Ganito kasi ang office namin. Hindi naman siya masiyadong malaki at hindi rin masiyadong maliit. Kumbaga, tama lang. May mga dividers na tatlo para nahati ang lugar namin. Nasa gilid iyon. Ang bawat divider ay may desk. May shelves para mapaglagyan ng files, Tapos sa right side naman may dalawang sofa at isang table. Dito kami nagme-meeting minsan at may mga ni lagay rin kaming paintings and books para mapaglibangan.

'Gets? Basahin mo ulit baka makatulong. '

"Okay. Alam niyo naman siguro na transferee ako hindi ba? Hindi ko pa alam ang lahat ng potentials ng mga kaklase natin. Hindi ko pa nga sila kilala. " sabi ni Rhys.

"Masungit ka kasi. " bulong ko lang iyon pero parang narinig ko kasi tumingin siya sa akin at lumukot ang mukha niya.

"Oh! " may lumipad na file sa table sa pagitan namin ni Rhys.

"Ano 'to? " kinuha ni Rhys ang file.

"Ano ba 'yung kailangan mo? "

'Omayghad! Help me! Mauubusan ang neurons ko dahil dito sa dalawang 'to eh! '

"Sana maka-survive ako. " hiling ko. Sabay sila tumingin sa gawi ko.

"What? " sabay nilang tanong.

"Sabi ko wala. Sige na magsimula na tayo. " paglulusot ko. Nag peace sign pa ako para hindi nila mapansin na nagpapalusot lang ako.

(^_^)\/

Nang tumalikod sila ay bumusangot ako.

/(>_<)\

'Sana talaga makalabas ako dito ng buhay. '

Nagdasal pa ako ng nagdadasal bago kami magsimula.

(>/\<)

Jillian's POV

Kanina ko pa napapansin ang pagkabalisa ni Ry.

'Hindi siguro siya sa ganitong atmosphere. '

Binabasa pa ni Mr. de Leon ang file at ako naman ay nagbabasa muna ng manga. 'Bakit ba? '

"Done. " anunsyo ni Mr. de Leon. Kumuha ako ng papel at pen para i-note ang sasabihin niya.

Nagsimula na siyang mag-dictate at ako naman ay puro sulat lang. Nang matapos na kami ay nag-unat unat kaming dalawa.

'Oo. Tama ka ng basa. Kaming DALAWA lang. '

Mayamaya pa ay may narinig kaming nahilik. Si Ry.

Dahan dahan akong lumapit kay Rhys at may binulong ito. Tatawa tawa pa siya dahil sa naisip ko.

Lumabas na kami pagkatapos namin magawa ang plano namin.

Bababa na sana kami pero may humarang sa amin—sa akin.

"I guess you're a newbie. Am I right? " 'Trish! '

"Yes I am. Sorry but I don't have time to talk to you. Please mind your own business. I'm going. " bibirahan na dapat namin siya ng alis pero hinawakan ni Trish ang braso ko.

"Where do you think you're going? " mapanuyang tanong nito.

"Sa pupuntahan. " pamimilosopo ko.

"HA! " mapakla siyang tumawa. Dahil dito ay napatigil sa Rhys sa paglalakad at tingnan ang gawi ko. Bago pa siya makapagsalita ay may sumigaw na.

"MR. SUNGIT! " 'Ouch! ' Parang nabasag ang eardrums ko dahil doon.

Lumitaw sa harap ko ang imahe ng isa ring transferee. 'Yung babae na parang isip bata. Pero napapansin ko na siya 'yung pinaka friendly na newbie.

"Sir Jayvee told me na nasa room kayo sa office. When I went there nakalock. Tapos makikita ko lang kayo dito. Nga pala Mr. Sungit ito na 'yung pinahabol na lunch ng mommy mo. " may iniabot ito kay Mr. de Leon. Hindi parin nawawala ang tingin ko sa kanya.

Maya-maya pa ay napukaw ang tingin nito sa kamay ni Trish na kasalukuyan pa ring nakahawak ng mahigpit sa braso ko.

"Hi, Ate! 'Di ba ikaw 'yung president sa amin? " hinila niya ako mula kay Trish at dahil sa gulat ni Trish ay hindi na niya ulit ako naagaw pa.

Patuloy pa siyang nag dadadada habang pababa kami.

"Wa-wait nga lang. " bumitaw na ako nung nasa tapat kami ng room.

"Bakit po? " inosenteng tanong niya.

"Sino ka ba? "

"Ako si Ashi Valdez! Ka-service ko si Mr. Sungit. " tinuro pa niya si Mr. de Leon.

"Si Mr. de Leon ba? " tumango siya.

"Ate pwede makipag-friends? " inalok niya pa ang kamay niya sa akin.

"Why? " 'may sira ba siya?'

"Ate alam mo ba halos lahat kayo dito kilala at friends ko na! Si Rydien mahangin nalang at ikaw 'yung hindi. Alam mo kasi ayaw ko kay Rydien dahil masiyadong mahangin siya tapos ikaw naman... " tumigil siya.

"Ako naman?.. "

"Natatakot ako sayo kasi you always look serious. Baka. Baka. Baka makulitan ka sa akin. But I really want you to be my friend kasi napaka-cool mo rin! " kanina ay nakapout siya ngayon naman ay todo ngiti pa siya.

"Okay. " nakipag kamay ako sa kanya.

Aalis na sana ako ng humanol siya. "ATE! " sigaw pa niya.

"H-hi. " medyo nagkakanda-utalutal pa ako dahil hindi ako kumportable na makipag-usap sa kanya. "Ate pwede sumabay sayo? May kasabay kasi si Mami Jiann kaya hindi ako makasabay sa kanya. Parang galit rin sakin 'yung kasama niya kasi masungit 'yung muka. " paliwanag niyo.

"Okay. Just wait for me. " kinuha ko ang hoodie ko para hindi ako masiyadong maapektuhan ng sinag ng araw. Mahirap na. Baka mamaya mamatay nalang ako.

To be continued...