webnovel

Prologue – Love Types

If We Fall In Love

April Imperial and her journey of her love life. If we fall in love, are we in a steady relationship already? Love may not want any relationships or may cause heartbreaks. April's the one to prove that love ain't easy but she will be victorious in the end.

 

Prologue – Love Types

 

First Love

Ang mga nauna ay isang tanda ng bago. Ang unang pag-ibig ang pinaka masaya. Pinaka-exciting. Pinakainaabangan. Pinakanakakakilig. Ang mga puso nating bata ay napuno ng pag-asa. Binibigyan tayo nito ng pag-asa. Hindi mawawala sa ating ala-ala ang una naging pag-ibig.

 

Second Love

Nakakalito ang pangalawang pag-ibig. Natuto ka na sa noon. Babaunin mo ang mga alaala at aral sa una mong pag-ibig. Pilit mong iniiwasang magkamali muli. Dito ka matututo. Dito ka aasang muli. Nakakalito pero tama sa pakiramdam.

 

Third Love

Ang pangatlong pag-ibig ang pinakamasakit. Pero masaya. Ang panghuli na ata. Hindi mo daw makakalimutan ang una pero hindi mo rin makakalimutan ang huli. Dito mo na masasabi kung sino ang greatest love mo. Fierce love. Matinding pag-ibig na hindi mo makakalimutan sa buong buhay mo.

 

Handa ka na bang umibig muli?

Sapagkat nasaktan ka. Naiwanan. Naloko. Pero hindi pa rin susuko.