Kinabukasan paggigising ko, agad kong chineck yung phone ko na nasa bedside table. Umaasa ako na may mari-receive akong 'good morning with I love you' kay Zoid.
Pero wala.
Umasa na naman ako.
Naka-recieve ako ng good morning kay Aldrich. Meron din text messages galing kila Pink, Vi at Red. Nagpalitan kami ng phone digits kahapon bago kami maghiwalay-hiwalay.
They texted na magkita-kita daw kami ng 3pm sa mall. Continuation daw kasi ng make-over ko. They even made me promised na kailangan daw naka-make up na ako.
Nakatulala lang ako sa ceiling habang inaalala yung sweet moments namin ni Zoid.
"If I will be yours, Loyalty will be my first policy.. "
----------------------------------------------------------
"I'm a killer and I can kill you kaya wag kang lumingon."
I chuckled remembering that scene. Alam kong galit sya sa'kin that time pero nagawa nya pa rin akong samahan at i-comfort the day I felt so down.
----------------------------------------------------------
"Really? Niyayaya mo ako sa date, Louise ko?"
I chuckled again. Ang ganda ng damoves nya para mapalabas na ako yung magyaya ng date.
Para na kong baliw na tumatawa ng mahina habang umiiyak.
Matapos kong mag-daydream, bumangon na ako at nag-ayos ng sarili ko saka bumaba.
Nagulat pa nga ako kasi nandun si Aldrich kasama si Aki.
"Good morning, mahal ko..." Tinitigan ko sya ng masama. "Di pa nga po tapos eh. Good morning, mahal kong bestfriend."
"Good morning, okaasaaaaaaan!" Tumakbo palapit sa'kin si Aki at sinunggaban ako ng yakap. Sumunod naman si Aldrich na ang bagal maglakad.
"Bakit okaasan pa rin ang tawag mo sakanya? Sa'kin hindi na otousan?"
"Sabi po kasi sa'kin ni Maboy-otousan sya daw po ang otousan ko. Kuya lang daw po kasi kita."
"Maboy?" Tanong ni Aldrich pero nakatingin sa'kin.
Hindi ba nasabi ni Zoid yung pangalan nya kay Aki? Akala tuloy nung bata Maboy yung pangalan nya. Ayun kasi yung tawag ko sakanya.
"Ah-huh." Hinila-hila ni Aki yung laylayan ng shirt ko. "Okaasan, I wanna go to park again. Bring maboy-otousan, too!"
Hindi ako nakasagot kay Aki.
"Okaasan, puhleeeeeease T^T" pinagdaop nya yung mga palad nya na parang nagdadasal tapos naka-pout.
Nagkatinginan nalang kami ni Aldrich hanggang sa hinawakan nya sa kamay si Aki.
I composed myself then forced a smile at him, "B-break na kami ni otousan mo eh,"
Ah, jeez! Nag-iinit na naman yung mga mata ko.
"Why po?" Medyo malungkot na tanong nya.
Hindi ako nakasagot sakanya. Napayuko nalang ako at hinayaang pakawalan yung luha ko galing sa mga mata ko.
Napaangat nalang bigla yung ulo ko nang maramdaman kong may umakbay sa'kin, "Ako na bagong boyfriend ni Okaasan mo."
Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi nya. Si Aki naman, nakatingin lang sa'min.
Inalis ko yung braso nyang nakaakbay sa'kin tapos piningot yung tenga nya. "A-aray! Zai masakit..... Aray!!!"
"Kung anu-anong kalokohan pinagsasasabi mo sa bata!"
"Hindi yun kalokohan! Pangarap ko yunaraaaaaaaay!"
Binitiwan ko na yung tenga nya. Medyo naawa ako kasi namumula na. Hahaha.
Pinunasan nya yung luha ko, "Ayan! Edi naka-ngiti ka na ngayon? Tanggapin mo na kasi... tanggapin mo na ako ang makakapagpasaya sa'yo."
I lifted my closed fist in front of him.
"Sabi ko nga. Titigil na. Pero ang sakit talaga ng tenga ko."
Natawa nalang ako ng mahina.
Binuhat ko si Aki at sinama sa dinning room. Sumunod naman si Aldrich. Pagkababa ko sakanya, napatingin ako sa spot kung saan nagpropose si Zoid. Hindi ko alam kung proposal ba talaga ang tawag dun kasi hindi naman nya ako tinanong ng, 'Will you marry me.'
Ang sabi nya lang, kapag tinanggap ko yung mga pictures ko with my kpop biases, it means na tinatanggap ko na yung marriage proposal DAW nya.
Bakit ba kasi kinuha nya ulit yun? Tinanggap ko na nga eh.
Bakit ba kasi kailangan ko pang magpakipot muna kahit konte?
Kung hinayaan nya lang ako na tanggapin yun, edi sana engaged na kami.
Edi sana hindi sya nawala sa'kin.
Kung hindi lang ako ginugulo ni Aldrich, baka tulala at tahimik na naman ako habang nakakulong sa kwarto. Mabuti nalang talaga at nandito sya. Kasi kahit puro pang-aasar ang ginagawa nya, nakakalimutan ko saglit yung lungkot na nararamdaman ko.
Nung hapon na, nagsimula na akong gumayak. Naglagay din ako ng make-up. At first, nagda-doubt pa ako kung maglalagay ako kasi first time ko. Baka mamaya, clown ang maging kalabasan ko nito.
Pero hindi naman pala mahirap. Basta alam mo lang kung paano gamitin ng tama. Mabuti nalang at naalala ko lahat ng tinuro sa'kin nila Pink.
I looked at my own reflection on the mirror. Dati, face powder at lipgloss lang ang kaya ng powers ko. Pero ngayon, alam ko na lahat.
I took my purse then went out of my room.
Pagkakita sa'kin nila mommy, natulala sila.
"Okaasan, you're so beautiful."
"Louise, anong nakain mo?" Lumapit sya sa'kin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Dalaga ka na talaga, anak. Akala ko talaga mabubulok na lahat ng binili kong make-up sa'yo. Bibilihan ulit kita mamaya, huh?" She hugged me and I hugged her back.
I am so lucky to have this mom.
Napatingin ako kay Aldrich na seryosong nakatingin sa'kin habang nakaupo sa couch. Nasa tabi nya si Aki.
"May date ba tayo? Bakit di ko alam?" Kunot-noong tanong nya.
Lumingon-lingon ako sa buong bahay at naghanap na pwedeng ibato sakanya. Pero puro babasagin ang nahagip ng mga mata ko kaya ang ginawa ko, hinubad ko yung dollshoes ko at ibinato sakanya yung isa pagkatapos ay yung isa naman.
Sakto naman na tinamaan sya sa noo tapos ung isa naman ay sa bandang tyan nya.
"Aray, Zailie! Brutal ka na, ah!"
"Ewan ko sa'yo! Kung anu-anong lumalabas sa bunganga mo dyan." Sabi ko.
As if naman kasi na hindi nya ako narinig na nagpaalam kay mommy kanina na pupunta ako sa mall
Narinig kong tumawa ng mahina si mommy na nasa likod ko.
Bumaba si Aki sa couch at tumakbo palapit sa'kin. "Okaasan, kiss!" (*3*)
Yumuko ako at hinalikan sya sa pisngi. "Cute talaga ng baby ko." At kinurot ko sya sa pisngi pero mahina lang.
"Ako walang kiss?"
"Kiss mo sa pader. Bleh :p"
Nagkiss ako sa cheek ni mommy tapos lumabas na.
Ihahatid daw ako ni Aldrich sa mall tapos diretso uwi na daw sila. Naka-upo ako sa passenger seat katabi si Aki. Haha. Mukhang driver si Aldrich. Gwapong driver.
Sabi nya, ihahatid nya lang daw ako. Pero hindi ayun ang nangyari. Sinamahan nya pa ako sa loob ng mall, syempre kasama namin si Aki na inaantok. (@____@)
Sa tapat kasi ng jollibee ang usapan namin.
Pagkarating namin dun, napansin agad ako ni Pink. Kinalabit nya yung dalawa at ang sunod ko nalang na nalaman ay tumatakbo na sila palapit sa'min.
.
.
.
.
.
.
.
Mali pala =_____=
Kay Aldrich at kay Aki.
"Kyaaaaah~ you're so gwapo talaga, Aldrich my loves so sweet!" Pink
"May girlfriend ka ba?" Vi
Tumingin naman sa'kin si Aldrich tapos ngumiti. Maloko -____-
"Wala naman, diba? Kyaaaah! Ako nalang! Single ako!" Vi, nagtatatalon na parang bata.
"Ako ang nauna kay Aldrich my loves so sweet! Akin na sya! Gawin kitang violet eh!"
"Keri lang! Aldrich, ano ba mas gusto mo? Pink o Violet?"
"Uhh..." Napakamot nalang sa batok si Aldrich.
Nasaan si Red?
"You're so cute!" Pinisil nya yung magkabilang pisngi ni Aki.
"Okaasan!" Nagtago naman sya sa likod ko na parang natatakot kay Red.
Panggigilan ba naman eh.
"Come here, baby." Dahan-dahang lumapit si Red kay Aki habang pumapalakpak.
"Wait lang, girls." Napatigil naman sa pangmolestiya kay Aldrich yung dalawa pati si Red na kanina pa nanggigigil kay Aki.
"Ahm.. ano... hinatid lang kasi nila ako dito."
"Awwww. Bye bye, baby. See ya again! Pa-kiss!" Ngumuso si Red na syang ikinatakot lalo ni Aki. Red na red ba naman ang lipstick eh.
"Bye, Aldrich. Syotain mo ko, ah? Ahihi." Vi
"Nice to see you, Aldrich. I'm Pink. Don't ever forget that name, okay? Ayan ang pangalang mapapangasawa mo. Kyaaaaaah~" At sinunggaban nya ng matinding yakap si Aldrich, nainggit naman si Vi kaya nakigaya.
***
"Girl, bestfriend mo pala yun bakit di mo sinabi?" Vi
"Kailan lang ba tayo nagkakilala?"
Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa salon ni Vi. Kailangan ko daw kasing baguhin ang hairstyle ko for my complete make-over.
Kakagaling lang namin sa botique ni Red. Sila namili ng mga damit na susuotin ko. Binilihan pa nila ako ng two piece as if magagamit ko naman yun. Ang madalas nilang pinili ay sleeveless at skirt. May mga fitted dress din. Hindi na ako pinagbayad ni Red. Sya na daw bahala.
Sila na mayaman.
"Ay, oo nga noh? Hehe. Pero ikaw, Zai. Dati ka pa namin kilala. Fan nyo nga kami ni Zoid eh." Vi
"Kaya nyo ba ako tinutulungan?"
"Yep. ZLnatics here!" \(*0*)/
Napangiti naman ako
I gained new friends again. Pero nami-miss ko na talaga sila Yat. Yung routine nilang pag-aasaran ni VJ. Si Chloe na nilalandi si Zoid pero alam ko namang inaasar nya lang ako at si Ceejay. Tapos si Sophi na pinaka-hyper sa barkada na nagagawang paingayin ang tahimik na si Dwayne.
How I miss them so much. Oo, galit ako sakanila dahil lahat sila niloko ako. Lahat sila naglihim sa'kin. Pero nangingibabaw pa rin ang pagiging kaibigan nila. Sa dami ng naitulong nila sa'min ni Zoid, hindi ko talaga maisip na nagawa nila sa'kin yun.
Nabalik ako sa katinuan nang magsalita ulit si Vi. "Girl sabihin mo nga sa bestfriend mo ligawan nya ko."
"WAG!" Nagulat ako ng sumigaw si Pink. Maski yung ibang tao na dumadaan, napalingon sa'min. "Wag mong sundin yang sinesa na yan!"
(Sinesa- violet in tagalog/kastila. Tinanong ko pa talaga yan sa lola ko xD)
"Sabihin mo nalang sa bestfriend mo pakasalan nya ko."
"Daya!" Vi
At nagtulakan silang dalawa hanggang sa makapasok na kami sa salon.
"Aki." (*…*)
"YUCK! Child abuse ka, Red!" Pink
Hinawakan ako sa kamay ni Vi at hinila papunta sa bakla. May binulong sya dun na syang dahilan para humagikgik yung bakla.
"Salamuch sa pagtiwaley mo sa'kin, Ms. Vi."
"I trust your talent. Oh sya, bonggahan mo, okay?"
"Ohlala, Ms. Vi."
Umalis na si Vi at pumwesto sa vacant slot, ganun din yung dalawa.
"Ka-insecure nemen ang beautiness mo, girlalu!"
Ngumiti ako sabay sabing, "Thanks."
After an hour,
"Tenen! So beautiful!" Puri nung bakla sa'kin at tinawag sila Pink, Vi at Red.
Excited naman na lumapit sa'kin yung tatlo at hinaplos-haplos yung buhok ko.
Ginupit yung mahaba kong buhok hanggang sa balikat tapos kinulot ang dulo. He even dyed my hair into highlights.
"Bagay sa'yo, girl!" Red
"Galing mo talaga, baklushi!" Vi
"Solomot. Ahohoho."
"So, ready to attract the playboy?"
I smiled then say my yes.
I am so ready.
Ready to do everything just to have you back, Zoid.
***
7pm na nung nakalabas kami ng mall. Diretso agad sa bahay nila Red. May idi-discuss daw kasi sila sa'kin.
Sa study room kami dinala ni Red. Hindi ko alam kung bakit pero mukhang may idea si Pink at Vi kung bakit kami nandito.
"Just stand there," utos ni Red tapos umupo sya sa c-shaped couch with matching table. Oh, diba? Feeling ko tuloy isa akong auditionist at sila naman ang mga judges.
"Let us see how you walk." Sabi naman ni Pink.
Nagtataka man pero ginawa ko pa rin ang utos nila. I walked in front of them.
Nagtinginan sila at sabay na napailing.
"No poise at all. Walk like a model." Vi
"Chest up." Red
"Eh?"
"Chest up!"
Nag-chest up agad ako. Bakit ba napakaseryoso nilang tatlo ngayon?
"Buttocks up."
I did as I was told.
"Lastly, chin up."
Okay. Chin-up daw.
"Wag naman masyado. Sapat lang." Vi
Todo angat kasi ako ng chin. Hehehe.
"Then walk."
Naglakad ako pero nakakailang steps palang ako, pinatigil na ko ni Pink. "Stop! Calm lang, girl! You're not on a runaway."
Natawa nalang ako at nag-peace sign.
Ilang ulit bago ko sila na-satisfied. Pwede na daw akong mag-model. Haha.
Pinindot ni Red yung white button na nasa wall malapit sa door ng study room then nagsalita, "Come here immediately."
Maya-maya lang, may kumatok at nung sinabi ni Red na "Come in." May man in black ang pumasok.
"What can I do, Ms. Red."
"That," tinuro nya yung swivel chair na malapit sa desk. "There," tinuro naman nya yung pwesto sa harap ng table nila.
Tumango yung lalaki at binuhat na parang papel yung swivel chair at nilapag sa pwesto kung saan tinuro ni Red kanina.
"You can leave now."
He bowed his head then made his way out of the room.
Ayun lang pala yung ipapagawa (=____=)
"Upo ka, girl." She pointed the swivel chair.
Umupo naman ako. Feeling ko talaga auditionist ako at may screening na nagaganap (>…<)
"So, here we are because you wanna attract a guy to have him back to you again." Paninimula ni Red.
"Yes." Sagot ko.
"Not just a guy. But a playboy one." Vi
Ang seryoso talaga nila >0<
"Then, how can you attract a Playboy? A flirt guy?" Vi
"Hindi flirt si Zoid!"
Hindi naman sya malandi, diba?
Kahit na ang dami nyang babae...
Hindi sya malandi.
"Don't deny it, girl! Accept the reality!" Red
Napayuko nalang ako.
"So, what's the answer? How to have your playboy back to you?" Pink
"Fight with him?" Sagot ko na medyo patanong.
Ganun naman kasi ang nangyari noon eh. Palagi ko syang niaaway >0<
"GAGA!" Sabay-sabay na sigaw nila.
Awtch lang!
"Eh, paano?"
"Wait a minute." Pink took her tablet out of her bag. "May sinend sa'kin si ano dito eh..." mahinang sabi nya habang kinakalkal yung PINK tablet nya. "Oh, here. How to attract a Playboy." Nilapag nya sa table yung tablet nya at inusog hanggang sa mabunggo nito yung siko ko.
I lifted it up. Tumambad sa'kin ang
HOW TO ATTRACT A PLAYBOY
All caps and bold. Arial font with 75 size.
"Ganyan na uso ngayon." Red
Tsk. Mga tamad mag-print.
Binasa ko,
HOW TO ATTRACT A PLAYBOY
#1 Always look attractive and presentable.
#2 . Make Scent Your Strong Point (Smell is linked to memory more than any other sense)
#3You need to perfect your walk. ( A good walk is vastly underrated as a means of seduction)
Kaya pala pinagmodel eklabu nila ako kanina.
#4 Be confident. (Woman with much confidence is so dmn sexy in Playboy's eye)
#5 Flirt guys especially when he is around.
#6 Ignore him. (In that case, he will be interested in you.)
#7 Once he approach you, that is the time you need to flirt with him.
#8 Make sure your flirting skills is way better than him. (With that, you'll become a big challenge with him)
#9 DO NOT BORE HIM. Give him thrills. (That's what Playboys want)
Last but not the least,
#10 Have a love affair with that PLAYBOY.
"Bakit ganito yung 10? Have a love affair with Playboy? Chu-chu naman, oh! Nakita nyo naman kami sa field, diba? Siguro naman nakita nyo kung paano ako magmakaawa sakanya na balikan ako, kahit na maging isa ako sa mga babae nya. Pumayag ba sya? Hindi naman, diba?"
*BOGSH*
Vi banged the table.
"Anong ginagawa ng number 1-9 dyan? Kaya ka nga namin minake over, diba? We change you na MAS angat pa sa mga tipo nyang babae." Parang teacher si Vi >…<
"So, ano? Gagawin mo ba? Madali lang yan." Pink
"Paano pag pumalya?"
"Don't worry. May plan B. Saka na namin sasabihin sa'yo kapag pumalya. Wag naman sana." Pink
"Uh..."
"Ayaw mo? Ako nalang gagamit nyan kay Zoid." Aagawin na sana ni Red yung table pero nilayo ko yun sakanya.
"Payag ako!"
"Oo na. Give that tablet back to me."
Inabot ko naman sakanya.
"I'm so excited! Muling ibalik ang tamis ng ZL! Yieeee~ Pero wag ka, Zai! Kung pumalya man, I am telling you... I'm telling you that I really really telling you na..."
"You're telling me?" I asked sarcastically, raising an eyebrow.
"Yah! I'm telling you na mas maganda ang Plan B! Aigoo! Two steps lang yun pero MEANINGFUL!"
Ano ba yan. Parang nae-excite akong malaman yung sinasabi nilang Plan B.