webnovel

I Married A Stranger (Tagalog)

He is a billionaire who used to get what he wants by hook or by crook. He is Kier Sandoval- my husband. Warning: This is a tear-jerking story.

Luckyzero · Geral
Classificações insuficientes
7 Chs

Chapter 5

AIZEN SANTOS

Kumakabog ang dibdib habang humahakbang papunta sa office ni Dad. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na harapin ito kahit pa isang palapag lang mula sa opisina ako ang opisina nito.

Bumuntong hininga ako bago kumatok sa opisina nito.

"Come in."

Nagsisikip ang dibdib na pumasok ako sa loob ng opisina nito. Subsob ito sa paperworks wearing his reading glasses. Hinubad niya iyon nang makita ako.

"Dad..."

Seryoso ang mukha nito. I thought he was mad at me pero unti-unting nag-form ang ngiti sa mga labi nito.

"My beautiful daughter..."

Napangiti naman ako at naluluhang lumapit sa kanya. Tumayo naman ito agad at niyakap ako.

"Dad, I'm sorry... I'm sorry for not telling you and mom na nagpakasal ako."

"Shhh, it's okay honey," Humarap ito sa akin at ngumiti nang alanganin. "you're a woman now, you make decisions on your own at 'yon lang ang hindi namin matanggap ng mommy mo. Sino nalang ang baby namin?"

I chuckled habang nakatingin sa naluluhang mga mata nito.

"Oh, please. Don't cry, dad."

Agad nitong pinunasan ang mga mata, "Mahirap lang tanggapin na malalayo ka na sa amin ng mommy mo."

Naalala ko, ganoon rin ito ka-affected nang mag-propose sa akin si Kevin.

"Dad... hindi naman ako malalayo sa inyong dalawa ni mom. Never."

Muli itong ngumiti nang alanganin, "Mahal na mahal ka namin ng mommy mo."

Napangiti ako, "I know, Dad. I also love you both to the moon and back."

"Sabihin mo sa akin kapag may ginawa sa 'yong hindi maganda ang Sandoval na iyon."

Magsasalita sana ako pero may nagsalita mula sa pinto.

"Ako mismo ang magsasabi sa 'yo." Walang ekspresyong saad nito.

Argh, hindi man lang marunong kumatok. Pakiramdam yata nito ay pagmamay-ari niya lahat ng bagay sa mundo.

"Don't you know how to knock?" Taas kilay na tanong ko rito.

"Get out. I'll talk to him." Maawtoridad na utos nito.

Bahagya akong napanganga. Seriously? Baka nakakalimutan niyang hindi sa kanya ang building na ito para utusan akong lumabas sa mismong opisina ng ama ko.

"It's okay, honey, leave us alone." Said dad.

I mentally rolled my eyes. Bumaling ako muli kay dad at bineso ito.

"Miss you, dad. I'll visit you and mom soon." Mahinahong sabi ko at humakbang na rin ako palabas ng pinto while simply checking him out.

He looked so pure in his white sleeves. Nakatupi iyon hanggang sa siko at nakabukas na naman ang ilang butones sa gawing dibdib. He was also wearing a fitted black slacks.

Pagsara ko ng pinto ay agad akong sumagap ng hangin. Why he always look great kahit parang pinagkaitan siya ng happiness ng mundo? Lagi siyang walang ekspresyon pero nananatili pa rin ang kakisigan niya. Life could really be so damn unfair.

Habang nakaupo sa swivel chair ko ay iniisip ko kung anong pinag-uusapan nila. Napangiti ako nang mapakla. Nakakaramdam ako nang pamamasa ng mga mata. Alam kong hinintay nila akong sabihin sa kanila ang kasal. Gusto ko lang paghandaan ang pagharap ko kay mom dahil ayokong umiyak sa harap nito.

Ilang saglit pa bago kumalampag ang pinto ng office ko at niluwa ito ng pinto.

"We're leaving."

Antok na antok ako pagdating namin sa Hacienda nila sa Cebu. Mukhang nasabik ang matandang babae at agad niyakap si Kier pagpasok namin ng Mansion.

"Kier, hijo, na-miss kita." Saad ng matandang babae na sa tingin ko ay nasa edad 70 na.

"I want to rest." Malamig na sabi nito sabay hakbang palayo.

Walang nagawa ang matanda kung hindi ang sundan siya nang tingin. Tss, he was so ill-mannered.

"Magandang gabi, hija." Nakangiting baling sa akin ng matanda.

Napangiti ako at nagmano rito, "Magandang gabi rin po."

"Napaka ganda mong bata, masuwerte sa iyo si Kier, hija."

Napangiti ako nang mapakla, "Salamat po."

Ngumiti ito sa akin, hindi ko alam kung anong klaseng ngiti iyon pero alam kong masaya siyang makita ako. Hinawakan niya ang pisngi ko at naiiyak na tumingin sa mga mata ko. Napangiwi ako. Okay? What?

"Pasensya na, hija, may-- may naalala lang ako."

Ngumiti ako nang alanganin

"Ako nga pala si Manang Lolit. Mang nalang ang itawag mo sa akin." Ngumiti ito kita ang kumpleto pa rin nitong mga ngipin at sa pag ngiting iyon ay kita ang mga guhit sa gilid ng mga mata nito.

"Okay po, Mang."

"O siya, halika, nagluto ako ng hapunan. Kumain ka muna at mukhang pagod ka sa biyahe."

"Uh, si Kier po kaya?"

"Mabuti siguro kung tatanungin mo kung gustong kumain. Baka nagutom na rin iyon sa byahe. Yung silid niya ay nasa itaas, sa dulong kaliwa.

Tumango lang ako at pinanuod ito patungo sa kusina habang tiningnan ko naman ang kabuoan ng mansion.

Almost antics ang naka-display sa loob. Nakakamangha sa sobrang lawak ng mansion. Para akong nasa loob ng palasyo. Kumikinang ang mga chandeliers sa taas. Parang mamahalin lahat ng mga iyon.

Pakiramdam ko ay totoong ginto ang nasa sabitan ng mga kurtina, ang mga nasa silya at sa halos lahat ng kulay ginto sa bahay.

Hindi ko maiwasang mapasinghap. Mukhang hindi ko kailangang pagdudahan ang kayamanan ng mga ito.

Umakyat ako sa taas at hinanap ang sinabi ni Mang. Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ngunit walang sumasagot. Sinubukan kong buksan ang pinto at bumukas naman iyon.

I was amazed pagpasok ko sa loob. Dim ang lights, mukhang mini library ang silid na nilagyan lang ng kama sa gitna. Who would have thought na bookworm pala ito?

Lumapit ako sa isang bookshelf at kumuha ng isang libro doon.

Te Amo

Binuklat ko iyon. Hindi ko pa nababsa ang nakasulat doon nang may nahulog na kung ano sa sahig mula roon. Bumaba ako at pinulot iyon. It was a picture of him and a woman. Nakasandig ito sa balikat niya and they looked so happy together.

I was fascinated by his smile. Guwapo naman pala ito lalo kaoag nakangiti. Ibang iba siya sa litratong iyon at sa personal--

"What the hell are you doing here?"

Halos mapatalon ako sa malamig na boses nito. Pakiramdam ko ay nanuyot ang lalamunan ko nang bumaba ang tingin ko sa mamasa-masang mga pandesal na nasa tiyan nito. Lumapit ito sa akin at hinablot ang litrato at librong nasa kamay ko.

"Who the heck give you permission to enter this room?" Tanong niya habang nakatingin ng matalim sa akin.

Napalunok ako. Pakiramdam ko'y napapaso ako sa tingin nito. Hinagis nito ang libro sa kama at naamoy ko ang bango ng sabong ginamit nito.

Wala sa loob na tumignin ako sa ibang direskyon and bit my lower lip. Hindi ko maintindihan ang kabog ng dibdib ko.

"Don't fucking bite that."

I looked at him and let go of my lower lip na parang amo ko itong kailangan kong sundin. Nakita kong sumulyap ito sa labi ko bago tumalikod sa akin at nagsuot ng T-shirt.

"Get out."

"Uhm, ang sabi ni Mang... maghahanda na siya ng hapunan."

Nakatalikod pa rin ito sa akin while drying his hair with a towel.

"I said get out."

Suplado.

Nagmartsa ako palabas ng kwarto niya. Pumikit ako nang mariin habang naglalakad palayo. Naramdaman ko nalang na bumangga ako.

"Ouch!" Daing nito.

Bahagyang namilog ang mga mata ko realizing na sa tao pala ako bumangga.

"I'm sorry... sorry." Mabilis na paumanhin ko.

"It's okay." Saad niya habang nakahawak sa noo niyang nabangga sa noo ko.

Bahagyang napaawang ang mga labi ko. She was beautiful. I was just amazed. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kulay dagat na mga mata nito.

"Are you sure you're okay?" Nag-aalalang tanong ko.

Ang tangos ng ilong nit at ang ganda ng hubog maninipis na mga labi nito. Bagay din sa maputlang balat niya ang kulay abo niyang buhok. I was just... amazed.

"Yup, y-yeah..." She said tilting her head a little, "you just kinda remind me of someone I'm close with. Anyway, who are you? What are you doing here?"

"Uhm, I'm Zen..." Hindi ko alam kung ilalahad ko nag kamay rito o ano. Sasabihin ko sana na kasama kong dumating si Kier pero mukhang alam na nito iyon.

"Oh," Ito na ang naglahad ng kamay sa akin, "I'm Russ, Kier's cousin. I already know you by your name. I heard you are Kier's... wife."

Napangiti ako nang alanganin. Hindi yata ako masasanay na matawag na 'wife' nito. Kinuha ko ang kamay nito. Gano'n talaga kaganda ang lahi nila?

Sabay kaming bumaba ng hagdan nito. Sa kilos pa lang, halata ng mayaman.

"Mang, sabi ko naman po sa inyo huwag na kayong magluto ng marami." Sabi niya kay Mang sabay upo sa silya at tingin sa akin, "come here, sit beside me." hinawakan nito ang silyang nasa tabi niya.

I was quite surprised na marunong itong mag tagalog and she seemed very fluent.

"Gusto ko lang namang ipagluto si Kier at siyempre si Zen."

"Take a seat now, Mang. Kumain na po tayo." Aya niya kay Mang na umupo naman sa tapat namin.

"'Di bale, siguradong bababa iyon mamaya kapag nagutom."

Nagdasal kami bago magsimulang kumain.

"Zen, anak, tikman mo 'tong kare-kare, paborito 'yan ni Kier." Saad ni Mang.

Iyon pala ang paborito nitong ulam. Tinikman ko naman iyon.

"Ang sarap nga po, Mang." Nakangiting sabi ko.

"The best magluto 'yang si Mang." Said Russ.

Napangiti ito na parang nagustuhan ang sinabi namin.

Pagkatapos nang kaunting kwentuhan sa hapag, pagkatapos kumain ay umakyat na rin kami sa taas.

"Good night." Nakangiting saad ni Russ sabay beso sa akin.

"Good night." Nakangiti ring sabi ko at pinanuod ko siyang  humakbang palayo. She was tall too. Mas matangkad siya sa akin ng kaunti at pang-model ang katawan nito.

She seemed so kind. Kahit sandali pa lang kaming nagkakilala ay magaan ang loob ko rito.

Bumuntong hininga ako bago kumatok sa kwarto ni Kier. Hindi niya iyon binubuksan kaya papalakas nang papalakas ang katok ko hanggang sa buksan niya iyon. Bumungad sa akin ang magkasalubong nitong mga kilay.

"What?" Singhal nito.

Inirapan ko ito sabay pasok sa loob ng kwarto. Kumuha ako ng tuwalya at damit sa gamit ko at dumiretso ako sa banyo. Tiningnan ko muna ang kabuuan ng banyo. Manly iyon, black and white. In fairness, classy ang desenyo.

Ibang iba ang itshura ng kwarto niya sa labas ng bahay. Mas modern iyon. Napansin ko na karamihan sa gamit sa banyo niya ay gamit ng babae. Mula sa shampoo, conditioner and other stuffs.

Dont tell me— hindi naman siguro?

Pagkatapos mag-shower lumabas na rin ako ng banyo. Nakahiga na si Kier sa kama at mukhang mahimbing na natutulog. Habang tinutuyo ko ang buhok ko ng tuwalya, napasulyap ako sa direksyon nito. Hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko sa harapan niya.

Wala sa loob na naupo ako para magpantay ang mukha namin at magiliw kong sinulyapan ang mukha nito. Ang gwapo pero kahit tulog mukhang masungit. In fairness ang haba ng pilik mata ang sarap sabunutan para naman makaganti ako sa pagsusungit niya. Gusto kong isa-isahin ang parte ng mukha nito pero nakita kong dumilat ang mga mata nito.

I froze.

"What are you doing?" Kunot noong tanong nito.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinampal ko ang pisngi niya.

"What the hell?" Inis na anito.

"May— may lamok..."

Gusto kong tumakbo after doing that pero wala akong nagawa kung hindi mag-peace sign. Hahakbang sana ako palayo pero nakabangon ito at kinuha niya ang kamay ko. That made my heart beat fast.

Pinilit kong bawiin ang kamay ko pero ang higpit nang pagkakahawak niya. He stood up. Napalunok ako dahil sa lapit ng mukha niya sa mukha ko. Umatras ako but he moved forward. Muli akong napalunok nang wala na akong aatrasan.

"That hurts." He said and narrowed his eyes. Lalong kumabog ang dibdib ko nang dalhin nito ang magkabilang palad sa pader, kinuling ako sa gitna ng mga brao niya, "You'll pay for it."

Gosh! His breath smelled so good.

Papalapit nang papalapit ang mukha niya sa mukha ko at malapit na rin akong mawalan ng ulirat. Mabuti nalang at narinig ko ang ring tone ng cellphone ko.

"E-excuse me." Mabilis akong lumayo rito at mabilis na kinuha ang phone ko sa side table. Nagmamadali akong humakbang palabas ng silid nito.

"Thank you," Mahinang bulong ko nang sagutin ko ang tawag ni Chantal.

"Huh?" Sagot nito sa kabilang linya.

Huminga agad ako nang maluwag nang makalabas ako ng kwarto.

"Uhm... is there something wrong?" Tanong ko na lamang dito habang ramdam ko pa rin ang pakabog ng dibdib ko.

"Nothing. Alex told me na nasa Cebu ka raw today. Kumusta? Are you doing good?"

She was always like that. Almost everyday chine-check nito kung okay ako. I was so lucky to have a friend like her.

"I'm doing good, bal, you have nothing to worry about."

"Good, that's all I want to know. I'm sleepy na rin, masyadong maraming problema sa factory. I effin' need some rest."

Her company manufactures different kinds of shoes. Pamana pa iyon sa kanya ng parents niya. Since namatay ang parents niya sa isang plane crash ay natuto na siyang tumayo sa sarili niyang mga paa.

Binaba ko na rin ang tawag pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa.

Bumuntong hininga ako. Parang hindi ko na gustong bumalik pa sa silid nito after what happened.

.

Luckyzerocreators' thoughts