Luisa's Side
Lumipas ang ilang oras ay nakarating na sina Tita Myra at Tito Robert, ang mga magulang ni besty. Nandito na rin sina Jayvee, at ilan sa mga kaklase ni besty na sina Rocel, Lea at Blesse.
"Kamusta na kaya si Ayra?" naga-alalang sambit ni Lea.
Binigyan ko lang siya ng nanghihinang tingin saka ko muling hinagod ang likod ni Tita Myra na wala pa ring tigil sa kakaiyak magmula pa raw noong natanggap nila ang balita sa Buenavista.
"Tita Myra, tama na po. She will be fine." wala na akong iba pang masabi kundi iyon lamang. Nasa tabi nito si Tito Robert na tumutulong rin sa pagpapakalma sa kanya.
"Hindi ko mapipigilang mag-alala Luisa. Ilang oras na ay hindi pa rin lumalabas 'yong Doctor. Natatakot ako... baka... baka..." aniya saka muling umiyak ng malakas.
"Huwag mong sabihin 'yan Myra! Ano ka ba!"
Napatingin ako kay Richard Lee na ngayon ay maga rin ang mata. Nakaupo na sa lapag habang nakasandal sa pader habang ang dalawang tuhod niya ay nakataas.
"Sorry po..." aniya na noong una ay mahina. Nabasag ang puso ko nang bigla itong nasundan ng hikbi at ng iyak. "S-Sorry... Kasi wala ako sa tabi niya n'ong oras na 'yon. Ako po ang may kasalanan. Hindi ko po siya nabantayan. Hindi ko siya nabantayan..."
Naramadaman ko na ring tumulo ang mainit na luha sa pisngi ko.
Besty... besty... please.
Lumaban ka... magiging okay ka hindi ba?
Ilang oras kaming nasa gan'ong kalagayan nang lumabas na 'yong doktor. Mabilis pa sa alas-kwatrong pinaligiran namin ito.
"Dok... please po... kamusta po ang anak namin?" desperada nang sabi ni Tita Myra. Sobrang lakas ng kalabog ko habang tinitignanang mabuti ang mukha nung doktor parang naging napakabagal ng naging sagot niya.
"Sorry," aniya.
Parang timigil ang tibok ng puso ko.
"Hindi pa siya magigising sa ngayon. Pero maayos na ang pakiramdam niya. Hintayin niyo na lamang ang pagdilat niya."
para kaming nakahinga ng maluwag nang dahil sa idinugtong n'ong doktor.
"P-Pwede na po ba kaming pumunta sa loob?" tanong ni Richard.
"Oo, pwede na."
Nang makapag-palit kami ng damit na angkop sa ospital ay pumasok na kami sa kwarto ni besty. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay, at dahil doon ay may nabubuong galit sa puso ko.
"Kawawa naman ang anak ko...'' sabi ni Tita Myra habang nakaupo sa gilid ng kama ni besty. "Napakabait niyang bata. Bakit niya kailangang maranasan ito... Sana pala ay hindi ko na lang siya pinayagang sumama sa Congress na iyan."
Kaming apat na lang nina Suho, tita Myra at tito Robert ang natira dito sa kwarto. Ang mga kaklase ni besty ay bumalik na sa resort, anila'y pinatatawag daw sila ng mga prof para pag-usapan 'yong nangyari kay besty. sabi rin nila'y natigil ang party dahil sa aksidenteng naganap, pero ang mga seminars ay hindi maaaring pigilan dahil bayad iyon at napagplanuhan na.
Si Richard naman ay lumabas saglit para daw may asikasuhin.
"Alam niyo ba kung anong nangyari? Paano siyang nalaglag sa swimming pool na iyon?" tanong ni tito Robert.
Kumalabog ang dibdib ko kaya naman agad akong tumingin kay Suho upang humingi ng tulong.
"A-ah... sa ngayon po ay inaalam pa rin po namin ang nangyari. Nakipagcoordinate na po si Richard sa may-ari ng resort at sa mga pulis para imbestigahan ang nangyari."
Tumingin ulit sa akin si Suho...
"Mabuti naman at gan'on..." anito sabay haplos muli sa buhok ni besty.
Muling lumalim ang isip ko. Sino pa ba ang gagawa nito kay besty bukod kina Jully?
S-Si Jae Anne...?
Pero hindi ko nakita si Jae Anne sa event...
"Tito... Tita..." napatingin kami kay Richard na kakapasok lang ng kwarto. "I book a room for you po na malapit lang rito sa ospital. If you're tired, pwede po kayong magpahinga doon. Okay lang rin po kahit ako na lang ang magbantay kay Ayra hanggang sa magising siya."
"Hindi... gusto kong bantayan ang anak ko--"
"Myra... kahit gustuhin natin hindi na pwede... hindi pwede sa iyo ang magpuyat... Ala-dose na. Masyado ka nang kulang sa dugo, gusto mo bang pati ikaw e mapahamak?" ani ni Tito Robert. "Maraming salamat, hijo. Kung maaari lang e ikaw muna ang magbantay sa anak namin. Maaga rin kaming babalik rito bukas para magbantay..."
"Sige po Tito..."
Nagbeso ako kina tita. Hinalikan rin nila sa noo si besty bago sila tuluyang nagpaalam. Pagkalabas ng dalawa'y naging mas seryoso ang mukha ni Richard, saka siya tumingin sa aming dalawa ni Suho.
"Si Jayvee..." aniya. "Maaaring si Jayvee ang gumawa nito kay Ayra."
Halos manghina ang tuhod ko dahil doon. Mas lalo pang nagpuyos ang nagtatagong galit sa loob ko kanina pa. Kumuyom ang kamao ko kasabay ang nanghihinang pag-upo sa couch sa tabi ni Suho.
"S-Si J-Jayvee?" sabi ko habang may luha na namang kumawala sa mata ko sa sobrang inis. "Paanong? Bakit?"
Para akong masisiraan ng bait. Bakit si Jayvee pa? Naniniwala ako na totoong nagkaroon siya ng feelings kay Ayra. Pero kaya niya palang gawin ang ganitong bagay? Bakit? Anong dahilan niya?
"Paano mo nalaman na siya?" tanong ni Suho.
"Hindi pa inilalabas ng Resort ang CCTV footage, pero nakita ko ang conversation ni Ayra kay Jayvee."
Inilabas ni Richard ang cellphone ni Ayra at ipinabasa ang text messages nila ni Jayvee.
Tingin ko ito 'yong panahon na umalis si Ayra habang nas kwarto kaming dalawa.
"Kailangang magbayad ng taong 'yan!" sabi ko pero itinago lang ni Richard ang cellphone ni bestu kasabay ang isang napakalalim na hininga na halatang nagpipigil lang rin ng galit.
"I want to do that earlier too... I'm so mad right now. Pero mas gusto ko munang bantayan at makita ang unang pagdilat ni Ayradel. Saka na ako gagawa ng aksyon kapag.." narinig ko kung paanong nabasag ang itnig niya, maaaring dahil sa pagod o kaya'y sa luha. "...kapag nakita kong okay na talaga siya."
"Tama siya Luisa..." ani ni Suho na nasa tabi ko. "At saka for sure umuwi na sa Buenavista si Jayvee kung totoo mang siya ang may gawa nito, hindi natin siya mahahanap agad. And you also need to rest, para naman hindi ma-guilty si Ayra kapag nagising siya, na magkakasakit ka dahil sa kanya..."
Huminga na lang rin ako ng malalim para maibsan ang nabubuong galit sa dibdib ko. Tama sila. Bukas na bukas ay sisiguraduhin kong magbabayad ang Jayvee na 'yan.
"Suho, sabay na lang kayong umuwi ni Luisa sa hotel," ani ni Richard. Parang pansamantalang lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa linya na iyon. "Iisa lang ang couch dito, hindi tayo kakasyang tatlo kaya ako na lang muna ang magbabantay kay Ayra."
Ayoko namang isipin nila na naiilang ako kay Suho kaya naman hindi na ako umangal pa. Kinuha ko na ang bag ko saka humalik sa noo ni besty. bago ako lumabas sa kwarto kasabay si Suho.
Mas nauna akong maglakad sa kanya...
Hindi ko pa rin nakakalimutang hindi kami okay. Masyado lang akong naging distracted sa naging aksidente ni besty kaya naman hinayaan ko siyang manatili ko sa tabi ko.
"Luisa..." hindi ko alam kung bakit parang utos ang salitang iyon at napatigil ako saglit sa paghakbang. Sa isang iglap ay nasa tabi ko na siya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang tignan siya sa mata. "Pwede bang... kahit ngayon lang... hayaan mo akong makasabay ka?"
Ngumiti siya at napabuka naman ang bibig ko dahil wala akong mahanap na salita.
"Ang tagal ko na kasing sumusunod-sunod lang sa 'yo. Pagod na akong tignan ka lang palagi sa malayo..."
Saka siya sumenyas na maglakad na ulit kami.
Parang natutunaw ang puso ko na ewan... Masyado na ba akong nagiging malupit sa kanya? Nagagalit ba ako dahil sa walang kwentang dahilan? What should I tell him? Ano ba talaga itong nararamdaman ko?
Hindi ko na alam.
Katulad ng palagi kong ginagawa ay wala akong sinabi, wala akong ginawa.
Pagkatapos rin n'on ay hindi na ulit kami nag-usap. Hanggang sa sumakay na kami ng taxi, hanggang sa makababa na kami, makasakay ng elevator at makarating sa room naming dalawa... hindi na siya nagsalita ulit.
Akala ko wala na siyang balak kausapin ako pero kumalabog ang dibdib ko nang huminto siya sa paglalakad nang tumigil na kami sa tapat ng pintuan ng kwarto namin ni besty.
Tinitigan niya ako sa mata na ngayon ay hindi ko na matagalan.
"Alam kong hindi ka okay. Alam kong hindi ko rin kayang pagaanin ang nararamdaman mo dahil alam ko namang hindi mo ako kailangan... pero..." humakbang siya palapit para halikan ako sa noo. "Please, just take care of yourself." aniya. "Good night, Luisa."
Saka na siya naglakad palayo...