Elena Kaden
Richard is the perfect example of a latecomer. Where you can find a person who's late for two hours already? Ang yabang-yabang makipag-usap sa telepono, wala naman palang maibuga! I'm calling his phone but he's not picking up, hindi ko rin ma-contact 'yong number niya sa detective agency so I don't know if he's dead or what!
Tumagal ng isang oras ang meeting ko at pagkatapos ay dumiretso agad ako sa opisina. A day without that stupid rugrat. Mas mabuti pang wala ang letseng 'yon, baka magka-migrane pa ako kapag nakita ko ang kanyang mukha.
Later on, magpapa-deliver na lang ako ng lunch. Hindi na yata ako makakaalis sa swivel chair ko. I need to finalize my designs na isusuot ng model na magre-represent ng clothing line sa International Fashion Show sa Tokyo next month.
Puwede ko naman itong ipagawa sa mga designers ng Kaden-Kudo, sadyang nagpumilit akong akuin ang trabahong ito alang-alang sa kasikatan na makukuha ng kumpanya. IFS is the biggest fashion show event in the world. I can't miss this opportunity to keep on top. Sayang ang pinaghirapan namin ni Vivian kung matatabutan lang kami ng ibang clothing company na mas mababa pa sa 'min.
Si Vivian naman, kusang nagmagandang-loob na maiwan dito at pansamantalang umupo bilang OIC-President habang nasa labas ako ng bansa. Wala raw kasing interes ang kanyang bunsong si Conan na manood ng fashion show.
Nagambala ang pananahimik ko habang nakatitig sa sketch pad na hawak ko nang kumalabog ang pinto. Itago natin sa pangalang Richard ang taong sumira ng konsentrasyon ko—he drenched in sweat, panting and tiredness can be seen all over his face.
Itinabi ko muna ang sketch pad sa gilid ng table ko. "What happened to your promise na hindi ka male-late? I thought wala 'yan sa dictionary mo, Mr. Moore." Kalmado ngunit may diin kong binitawan ang mga katagang kanina ko pa pinipigilang ilabas sa bibig ko.
I let this old shrek speak. "P-Pasensiya na, m-may emergency kasi sa bahay—"
"Gusto mo bang magkatotoo 'yang kasinungalingan mo?"
"Ha? A-ano bang pinagsasasabi mo?" Patay-malisya niyang tanong.
I crossed my arms and looked at him fiercely. "Let me guess. You woke up late, aren't you?"
He sighed. "Paano mo nalaman?"
Tumawa ako nang mapakla. "Your coat hasn't ironed properly and some wrinkles remained on your pants as well. You drank your coffee on the way to the office because you're in a hurry. You asked the taxi driver to pass through the shortcut which is a rough road. You got stain on your polo and the coffee wouldn't spill if you're crossing the usual way. You haven't done this if you have enough time to prepare. Tell me if I'm wrong with my deduction."
"Saan mo natutunan 'yan?" Manghang tanong ni Richard.
"I'm a fan of mystery novels so I know."
"Ah, kaya pala. Anu-ano ang mga binabasa mo? Interesado lang ako kasi wala sa hitsura mo na marunong kang mag-deduction."
I clenched my first, trying to hold my temper. "You... pathetic loser what did you just say to me?!" I forgot about myself and lost in control. Naihagis ko sa kanya 'yong telepono sa kaliwang side ng mesa ko. "I'm not in the mood to ride your jokes, you dumbass!"
Bigong nasalo ni Richard ang telepono kaya bumagsak iyon sa tiles. "Hoy, pasalamat ka nga naisipan ko pang pumasok kahit hiyang-hiya na akong magpakita sa 'yo!"
"And why should I thank you? Sinira mo ang araw ko! Maganda ang usapan natin, eh. Papasok ka nang maaga kasi ang sabi mo, hindi ka marunong ma-late. Nagmayabang ka pa't sinabihan ako na hindi kita dapat paalahanan tungkol doon! That's why I hired you—to take charge of my other task in my office but where the hell are you?! Andoon sa bahay mo, nakahilata—humihilik! While I'm facing the problems I have to solve because of your absence!"
He madly slammed my table. "Ba't ganyan mo ako tratuhin? 'Di mo ba kilala kung sino ako?"
Gano'n din ang ginawa ko. "Are you stupid? How would I forget about you? Ikaw lang naman ang salot sa buhay ko! At wala akong pakialam kahit ikaw pa ang presidente ng Pilipinas! Kaya magmula sa araw na ito, masanay ka na dahil 'pag hindi mo binago 'yang ugali mo, may kalalagyan ka! Ako ang may-ari ng tinutungtungan mo ngayon. Kaya kitang pitikin palabas ng building na 'to nang hindi ka nahahawakan!"
Nakipagsukatan siya ng tingin sa 'kin. "Ikaw ang dapat masanay sa akin, Elle."
"A-Anong tinawag mo sa akin?"
"Elle," ulit niya. "Ikaw na ang nagsabing kilala mo ako. At alam mo kung anong klaseng tao ako."
Manloloko.
"You're foolish," I mumbled, "and liar!"
"Maliban doon, ano pa?" Hinahamon ba ako nito?
"Wala nang rason para ungkatin pa natin ang nakaraan," iyan ang nasabi ko sa kawalan ko ng maibabatong linya.
"Meron," ani Richard. "Meron pa, Elle."
"Could you stop calling me Elle? I'm Elena!"
"Paano kung ayoko?"
"Then I'll fire you," I threatened him to stop. Naiinis ako 'pag naririnig ko ang pangalang 'yan. Pinapaalala kasi sa akin nito kung gaano ako katanga noon.
"Takot ako sa apoy pero 'di bale, may dala naman akong fire extinguisher."
Pinipilosopo ba ako nito? This old jerk is getting me into my nerves!
"Oh, the one that's hanging there?" Itinuro ko 'yong fire extinguisher na nasa gilid ng pinto. "You're not gonna get it and throw it to me, are you?"
"'Di ah, bakit ako magsasayang ng oras na baklasin ang nananahimik na fire equipment?"
"Then what kind of fire extinguisher are you talking about?"
"Ito oh." Bigla niyang inilapit ang sarili sa mukha ko at nagsimulang mag-slo-mo ang paligid. Oh no, what are you gonna do, Richard?
Bago niya pa ilapat ang kanyang mga labi sa akin, mabilis kong isinangga ang aking kamao. Napalakas yata ang pagduldol ko dahil bigla siyang napasigaw, hawak ang kanyang bibig. "AAAHHH!"
"Huwag mo akong paandaran ng mga istilo mong bulok, Moore. Or should I call you MOORE-on!" I pushed him hard. His ass and the floor made its contact.
He gritted his teeth. "Sinong moron? Kunwari ka pang iwas na iwas, pero ang totoo, inaasam mo rin na mahalikan kita!"
Argh! Kissing him is the most horrible thing I've ever done when I was a teen! Glad that I thought the idea of blocking his lips before he do something worst than a murder!
I looked at him sharply. Sa gigil ko'y naibato ko ang pencase ko. "Get out of my sight and do my schedule right away! At sa susunod, make sure you bring a newspaper every morning! GOT THAT?!"
"Oo na!" Paluhod siyang humakbang palayo at kumapit sa doorknob upang makatayo.
Napaupo ako at marahang hinilot ang aking sentido. Natigilan ako nang marinig ang doorknob na paulit-ulit niyang iniikot.
Don't tell me...
"Is something wrong?" I asked him. Hindi siya sumagot kaya nilapitan ko siya. Doon ko napagtantong siya ang salarin sa pagkasira ng pagkamahal-mahal kong doorknob. "Uhuh. So you're the culprit."
"Napalakas yata 'yong pagsara ko ng pinto kanina kaya hindi na mabuksan!" tarantang paliwanag ni Richard. "Local yata 'tong mga kagamitan mo sa opisina! CEO ka pero doorknob mo made in China!"
Pinatikim ko siya ng special recipe kong super yummy bukol with extra sipa sa pwet sauce.
"AAHH!"
"Gago ka pala, eh! Kung hindi mo kinalabog 'yong pinto, hindi sana nasira 'yong doorknob ko! Don't you know how much it costs? Mas mahal pa 'yan sa buhay mo! Now, how are you gonna pay and fix this? Palitan mo 'yan ngayon na!"
"Palitan mo 'yan ngayon na... tsk!" He mimicked my voice like he's trying to insult me. "Wala ba kayong utility rito na puwedeng mag-ayos maliban sa akin? Assistant ng gurang na Presidente ng kumpanyang ito ang pinasok ko, hindi taga-kalikot ng sirang doorknob na binili sa bangketa!"
Piningot ko siya sa tainga. "Sinong gurang?"
"Ba't 'di mo pagmasdan ang sarili mo sa salamin? Malay mo, may mahanap kang sagot."
Inuubos niya ang pasensiya ko!
Utang na loob, Elena. Calm down and have more patience. You can't fire this idiot just because he's acting half of his age. It would be so hard for you to find another one, sabi ng konsiyensiya ko na pilit akong pinapakalma.
At hindi ko alam kung hanggang kailan ko matitiis ang kabaliwan ng lalaking ito. Baka siya pa ang maging dahilan ng agaran kong pagkamatay. Cause of death? Hypertension and heart attack.
"Can you please shut your mouth once in a while and work on that freaking door?! You're gonna kill me with your words!" inis kong sabi kay Richard, kamot-kamot ang ulo ko.
"EH KUNG TAWAGAN MO KAYA 'YONG UTILITY? HUWAG KANG UMASANG MAAYOS KO 'TO!"
"SINISIGAWAN MO BA AKO?!"
"Ikaw kasi, eh! Putak ka nang putak para kang manok! Nakakairita ka!"
Tinalikuran ko siya't baka kung ano pang magawa ko sa isang 'to. Pinulot ko ang telepono sa sahig at sinubukang paganahin subalit sa kasamaang palad ay nasira ko pala.
Sa halip na ipagkatiwala kay Richard ang pagsasa-ayos ng pinto, sinunod ko ang utos niyang tawagan ang utility service gamit ang cellphone ko.
"Damn!" I madly dropped my phone.
"Bakit?" tanong ng buwisit na 'to.
"They're not answering! I think they should shop for a new job before I fire them!" Tinakasan ako ng dugo nang suntuk-suntukin ni Richard ang doorknob. Uh oh. What kind of stupidity is that?
"What the? Tigilan mo nga 'yang katangahan mo!" I pulled him away from where he's standing at. "We have no choice. We need to break the door."
"Paano? Wala tayong weapon na pwedeng pangsira ng pinto!"
"By force," I said. "And you'll help me." Itinaas ko ang aking kaliwang kamay hanggang sa tapat ng kanan kong dibdib. I told him to do the same.
"1, 2, 3!" Ibinangga namin ang sariling braso sa katawan ng pinto.
"Uuuh!" reaklamo ni Richard.
This is not easy. Masyadong matibay ang pagkakagawa ng pinto to the point na hindi namin magamitan ng pwersa.
"1, 2, 3!"
"Aaah! Damn it!"
"Oh shit! Aaw!" Anong klaseng reaksyon 'yan, Moore?
"Lakasan mo naman! Para kang hindi lalaki!"
"Ikaw kaya dito, palit tayo ng pwesto! Kagatin kita, eh!"
Napa-facepalm ako. "Oh please. Give me a break."
"1, 2, 3!"
"Ooh!"
"Ugh!"
"May sumpa ba 'to? Ba't ayaw mabuksan?!"
"Silly! It doesn't have a curse. It's because of someone who has a weak body built!"
He glared at me, but I don't mind. Hindi ko kasalanan kung na-offend ko siya. Sinasabi ko lang kung anong nakikita ng mga mata ko.
Well, I better do this on my own rather than seeking help from this old man. Oo lang, ang laki ng naitulong mo, Richard. Sobra!
"Back off!" asik ko kay Richard na awtomatikong napahakbang paatras.
I raised my both hands upto the level of my chest. Ikinuyom ko ang aking kamao at bahagyang ikinasa ang aking kanang tuhod na tila may tatadyakan.
Richard was panicking from behind. "U-Uy, anong gagawin mo? Kinakabahan ako sa 'yo!"
Pumikit ako at inihanda ang sarili sa pag-atake. "Aaaaaaah!" I kicked the door as strong as I can.
Wala sa plano ko ang ma-out balance at mapakapit kay Richard na nasa likuran ko. What happened was, we both fell on the floor like a sandwitch as the people witnessed how clumsy I am.
Our position goes like this: I was on his top while my legs are between his body. He wrapped his hands around my waist, supporting me from sudden fall. Napigilan ko ang tuluyang pagdikit ng aming mga mukha nang itukod ko ang aking mga palad sa sahig na aming hinihigaan.
Hindi naman kami napagkamalang may milagrong ginagawa, 'no? This is embarassing!
"OMG! Elena? Richard?" I turned my head and I saw Vivian standing in front of the door. "It's true, isn't it? Something's going on between you two!"
"Y-you've got a wrong idea, Vivian!" depensa ko saka ko sinabayan ng tayo. I forgot to fix myself after all what happened. "Nasira ni Richard 'yong doorknob ng pinto and we tried to break it by force but it won't work so I used karate to kick it! Na-out balance lang ako kaya pareho kaming bumagsak sa sahig!"
Ngumiti siya nang nakakaloko. "Then how can you explain your moans we heard from outside? It's obviously you're doing a thing!"
I can't blame Vivian for accusing me like this. You don't have to act like you're getting raped while breaking the door! Kasalanan ng walanghiyang 'to kung bakit tila nasa hotseat kami with the vice-president of this company!
"Nagkakamali ka! That urgh and aah you heard is normal when you hit the hard surface like wooden door! Hindi kami manhid para walang maramdaman. It hurts you know!"
"Tama si Ele—Miss Kaden," Richard agreed. Napataas kami ng kilay ni Vivian nang bigla niyang itinuro ang pinto sabay sabing, "Ah-le-le? Bakit kaya hindi naisip ng isa diyan na sipain ang pinto sa simula pa lang? Eh 'di sana hindi na ako nagpakapagod na tulungan siya!"
May kung anong masamang enerhiya ang sumanib sa katawan ko at walang habas na dinagukan si Richard.
"Punung-puno na ako sa 'yong matanda ka!" Sa galit ko'y lahat ng bagay na mahagip ng mata ko ay itinapon ko palabas kasama siya. Akala ko maso-solusyonan ang problema ko sa secretary kapag nakakuha ako ng kapalit pero lumala lang ang sitwasyon!
"Hay, I guess what Nurse Hannah told me is just a rumor," dismayang sabi ni Vivian. "You and Richard are my favorite loveteam since high school. Why is it hard for you to give him a chance?"
"How could I? Sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha ng hukluban na 'yan, kumukulo ang dugo ko!"
Napabuntong-hininga siya at malungkot na nagsalita, "Sabi nga nila, the more you fight, the more you get along."
"Ha?"
"Hindi ako nawawalan ng pag-asa na isang araw, lalapitan mo ako ng may ngiti sa iyong mga labi at pasasalamatan ako sa lahat ng kalokohang idinulot ko sa inyong dalawa."
Nangkit ang mga mata ko. "Hey, that's why you offered yourself to stay here because you don't wanna bother us while I'm in Japan with Richard! You want me to cherish the short moment with that mustached old man, am I right?"
"Bingo!"
I knew it. May naisip na naman 'tong pakulo para pagtambalin kami.
"You used Conan as your excuse. You never changed, Vivian!"
Tinawanan niya lang ako. This woman, siya ang rason ng pagkaka-developan namin
ni Richard noong mga bata pa kami. She always making fun of us and saying such annoying endearments like, "The newly married couple had quarrel again!" or "Why are you so harsh to your husband/wife?"
Deep inside, kinikilig ako pero hindi na ngayon. It's been twenty years since the butterflies in my stomach decided to spread their wings and take a flight.
"You can't refuse what destiny wants, Elena. May rason kung bakit kayo pinagtagpo at ito ang tulay para makamtan niyo ang kaligayahang minsang pinagkait sa inyo ng tadhana."