webnovel

Chapter 11: Meet Up

Summer's Outlook

Madilim, tahimik. Tanging liwanag mula sa buwan ang nagbibigay liwanag sa buong building.

Sa kabila ng katahimikan, ramdam kong hindi lang ako nag iisa. Marami kaming naandito. Ramdam ko ang kanilang mga titig sa akin. At alam kong ano mang oras ay aatake na sila.

Tama nga ako. Isa itong patibung. Naiinis ako sa sarili ko dahil nagpabigla bigla nanamang ako pero naisip ko, makakabuti nadin ito. Alam kong meron akong malalaman kung mabuhay pa ako sa pagkakataong ito.

Hindi ako gumagalaw. Hinihintay na sila ang unang aatake, handa na ang aking robo hand at hindi nga nagtagal ay nag simula na silang umatake.

Mga laser gun ang kanilang gamit kaya mabilis akong tumago sa gilid ng pader.

"Shit!" Bulong ko ng maramdaman kong tumutulo ang dugo mula sa aking kanang braso.

Natamaan pala ako.

Gumanti ako sa pag baril. Ginawa ko ding laser gun ang aking robo hand at nakipagsabayan sa kanila.

Gumulong ako papunta sa kabila ng pader para mag karoon ako ng mas magandang posisiyon pero nagulat ako ng pagtayo ko ay may isang tao, mali! Hindi pala siya tao. Kundi halimaw.

Nakatayo din si R-man sa aking harapan. Tumitig siya sa akin at bigla nalang pumula ang kanyang mata na hudyat na may lalabas na laser dito.

Natakot ako. Napalunok ako ng laway. Nakatulala lang ako. Bakit ganon? Gustong gusto ko siyang patayin noon pero bakit hindi ako makagalaw? Bakit parang nanghihina ako?

Hinanda ko na ang sarili ko na mamatay lalo na ng makita ko ang paglabas ng laser sa kanyang mata.

Ang akala ko ay sa akin ito tatama pero hindi. Nakita ko pang dumaan ang laser sa aking gilid at tumama sa aking likuran.

Lumingon ako sa aking likod at tiningnan kung saan ito tumama. Sa isang tao na nakasuot ng itim.

Tumingin uli ako sa kinalalagyan ni R- man kanina pero wala na siya doon. Nakita ko nalang siya na nakikipag laban sa mga taong nakaitim.

Sipa, tadyak, suntok lang ang kanyang ginagawa. Madaming lasers ang tumatama sakanya pero hindi man lamang siya tinatablan.

Napakabilis ng pangyayari. Tulala lang ako at nagtataka kung bakit ginawa ni R-man iyon.

Hanggang sa namalayan ko nalang na wala na palang mga kalaban.

At at si R-man nalang ang natitira.

"Walts!" Hindi ko alam kung bakit bigla nalang lumabas sa aking bibig ang pangalan ng taong mahal ko.

Tumingin siya sa akin na may hindi maipaliwanag na tingin. Puno ng samot saring imusiyon.

"Summer!" Kinilabutan ako sa kanyang sinabi. Napaluha nalang ako. Bakit ganon? Kahit sa kung paano niya banggitin ang aking pangalan ay kahawig na kahawig ng boses ni Walts?

Sa kabila ng dilim sa paligid. Makita kong lumandas ang luha sa kanyang mata. Hindi siya si R- man. Alam ko! Hindi siya ang robot na ginawa ko. Hindi lumuluha ang isang makena.

"Walts!" Lalapit sana ako sakanya pero bigla nalang siyang naglaho. Inikot ko ang aking paningin pero iba na ang taong aking nakita.

"Lu-lucas?" Gumuhit ang pagkagulo sa aking sistema. Bakut naandito siya?

"Alam mo ba ang ginawa mo Summer?" Hindi ko alam ang sinasabi niya. Naguguluhan talaga ako.

"Lucas. Paanong nangyaring buhay ka? Alam ko ang nakita ko noon. Bakit nandito ka? Ankng nangyari sayo? Bakit nagkaganyan ka?" Ang daming tanong ang naghihintay ng kasagutan.

Umiling lang siya at gumuhit ang galit sa kanyang mukha.

"Ginulo mo ang lahat Summer. Nagpa bigla bigla ka. Nagpadala ka sa galit mo. At ano nang mangyayari sayo Summer? Hindi ka nila titigilan. Hahanap at hahanap sila ng paraan para patayin ka." Bigla nalang pumula ang kanyang mata at lumabas ang kanyang pangil dahil sa galit na kanyang nararamdaman ngayon.

"Hindi kita maintindihan Lucas. Ano bang sinasabi mo?" Muli ay umiling nanaman siya at mabilis pa sa kidlat ay hawak na niya ako sa leeg.

"Ahk- kk!!" Hindi ako makahinga. Nararamdaman ko nadin na umaangat na ang aking katawan sa ere dahil sa mahigpit na pagkakasakal niya sa akin.

"Iyon na nga Summer eh. Wala kang alam pero nagpabigla bigla ka. Nagdulot ka ng mapakalaking kaguluhan sa mundo ng mga bampira at tao!" Kahit hindi na ako maka galaw ay pinilit kong uling kasabay ng paglandas ng aking mga luha.

"Hi-hindi ki-ta maintindihan!" Mas lalong gumuhit ang galit sa kanyang mukha.

Bigla nalang akong tumilapon sa kung saan. Gumulong gulong ako. Masakit, sobra pero hindi. Pinilit kong tumayo. Habol hingi at hinarap ko siya.

Tumingin din siya sa akin pero ngayon ay wala na ang galit sa kanyang mukha.

"Lucas. Ano bang nangyayari sayo?" Bakit nagkakaganito ang kaibigan ko? Hindi naman siya ganito noon. Napakabait niyang tao pero bakit siya humantung sa ganitong kalagayan.

May tinapon siya sa aking isang bagay.

Tinitigan ko ito at mas lalo akong napa iyak.

"Humanda ka Summer. Magkakaroon ng mapakalaking kaguluhan. Sa mundo ng tao at sa mundo namin. Ikaw ang Summer at magdedesisiyon kung ano ang kalalabasan ng kaguluhan. Nasa kamay ko at mangyayari sa mundo!" Pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin iyon ay bibla nalang siyang naglaho at naiwan akong tulala at naguguluhan.

Napaluhod ako sa sahig at napahawak sa aking ulo. Ano ba itong napasukan ko? Anong kaguluhan ang sinasabi ni Lucas? At sino si L na nagpadala ng sulat sa akin para pumunta sa lugar na ito? Puwede bang si L at Lucas ay iisa?

Napakagulo ng lahat. Kailangan ko ng kasagutan. Kailangan ko itong hanapin.

Pinulot ko ang bagay na tinapon sa akin ni Lucas. Isa itong bracelet. Bracelet na simbulo ng aming pag kakaibigan.

Itutuloy.....