webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · Urbano
Classificações insuficientes
129 Chs

Sleep Over

WARNING!! RATED SPG.

Magdamag ang pagbuhos ng ulan at maya't maya ang hagupit ng hangin. Lumalalim na ang gabi at ang malaking kama sa kwarto ni Jason ang kanilang maging kanlungan.

Nanood sila ng movie, katatakutan, anime drama... Action movie... hanggang magsawa at lamunin sila ng antok.

" goodnight baby."

"goodnight".

At bumaha ng kadiliman sa silid.

Iyon nanaman ang pinaka unang pagkakataon na ginawa ni Yen ang ganoon. Sleep over? sa bahay ng nobyo? Wala namang masama doon diba? ang problema ay kamuntik na siyang mawalan ng dangal.

Ang sabi nila, kapag daw dumating sa ganong punto. At hindi ka nakaramdam ng pag aalingan, kapag di ka daw nakaramdam ng kahit katiting na pagsisisi pagkatapos nitong mangyari, ay talaga daw na mahal mo ang tao.

Kay Yen naman ay sinusundan niya ang payo ng kanyang ina. Karangalan daw kase ng isang babae na maibigay ang puri sa lalaking makakasama mo habang buhay. Yon ay tanda raw na wala kang ibang minahal kundi ito lamang. At walang ibang lalaking nagdaan sa buhay mo kundi siya.

Kapag ganoon daw ay nagiging maganda ang pundasyon ng tiwala niyo sa isa't isa. At respeto saiyo ng iyong asawa ay hindi daw mahirap makuha.

Importante daw ang tiwala at respeto sa isa't isa. Iyon daw ang pangunahing sangkap sa buhay mag asawa.

Naisip niya naman kung tunay kayang nangyayari ang gayon? Wala naman na yatang nagtatagal na mag nobyo ngayon na hindi gumagawa niyon.

Kanina lamang ay kamuntik na niyang ipagkanulo ang kanyang sarili. Kanina lang ay muntik na siyang lamunin ng nakakalunod na sensasyong iyon. Ang pananabik at paghahangad niya din na maramdaman si Jason. Ganoon na ba kalalim ang pamamahal niya rito?

Hindi naman siya natatakot.

Hindi naman siya nag aalinlangan.

Natatakot lang na baka pag nakuha na nito iyon ay bigla na lang din siya nito iwan. Dahil wala nga silang kasiguraduhan. Hindi niya alam kung ito na nga ba talaga ang kanyang kapalaran.

Aminado siya na ilang beses niya din pinangarap ang ganito. Kasama niya si Jason magdamag. Ito at siya lamang. Malaya silang maglambingan. Matulog na kayakap ito, at magising na ito pa rin ang makikita. Nandito na...totoo na... ngunit naguguluhan pa rin siya.

Ramdam niya sa sarili niya na gusto niya talaga ang lalaking ito. Kung mag aasawa siya at lalagay sa tahimik ay ito ang gusto niyang maging ama ng kanyang magiging anak. Pinangarap niya na matulog nang nakakulong sa mga bisig nito. Ipaghanda ito ng agahan,almusal at tanghalian. Pagsilbihan ito at mahalin habang buhay, at makasama hanggang sa pagtanda. Pero si Jason ba ay gayon din sa kanya?

Napakaraming agam agam ang naglalaro sa kanyang isipan. Ilang oras din siyang ganoon hanggang maramdaman niyang humihilik na ang katabi. Nakayakap pa rin ito sa kanya. Sa tulong ng konting liwanag na nagmula sa ilaw sa labas ng bahay, nakikita niya ang payapang mukha ni Jason. Napangiti siya nang mapagmasdan ito. Napaka amo ng mukha nito. Buong pagmamahal niya itong pinagmasdan. Hanggang sa lamunin siya ng antok.

Tirik na ang araw nang magmulat si Yen. Pagtingin niya sa tabi niya mag-isa na lamang siya sa higaan. Inot-inot na siyang bumangon at inayos ang kama. Tapos ay dumirecho siya banyo para magsipilyo at maghilamos. Hinanap niya ang kanyang mga damit na nakalimutan niya nang balikan kagabi. Wala ito doon.

Tahimik ang paligid. Tila walang ibang tao roon maliban sa kanya. Hindi kaya pumasok na sa trabaho si Jason? Iginala niya ang kanyang mga mata sa labas ng bahay. Nakita niya ang kanyang damit na nakasampay na. Nakabilad na rin ang kanyang sapatos. Malinis ang buong bahay. At wala kang ibang maririnig kundi ang tahimik na pag ihip ng hangin.

Maganda ang bahay ni Jason. Nasa dulo ito at tahimik. Ang palibot nito ay pawang mga puno. Walang taong naglalakad sa kalsada, walang ingay ng mga sasakyan. Payapa. Nakaka relax.

Pumunta siya sa kusina. Nakita niya ang dining table nito. 4 seater iyon. Sakto lamang ang laki niyon at bagay sa maganda din nitong kusina. May bahay na pala ito, may sasakyan, may trabaho... babae nalang ang kulang. Natawa si Yen sa kanyang mga naisip.

Nakalatag ang masaganang almusal. Hotdog omelet, bacon, sinangag na umuusok pa, pandesal at butter. Napangiti naman si Yen.

" good morning mahal." nakangiti nitong bati. Dala nito ang dalawang tasa na may mainit na kape. Inilapag ito sa mesa at lumapit ito sa kanya bahagyang hinapit ang kanyang bewang at kinintalan siya nito ng mabilis na halik sa kanyang labi.

Nakadama nanaman ng kakaibang saya si Yen. Ang sarap nang ganito. kinikilig nanaman siya.. Wala na yatang ginawa ito kundi pasayahin siya. Pag naiisip niya ito, ay pawang masasayang alala lamang ang naiisip niya.

Masaya nilang pinagsaluhan ang kanilang almusal.

Wala raw pasok si Jason ngayon kaya nag request ito kay Yen na manatili muna siya roon at ihahatid niya nalang daw siya nito sa tinutuluyan kinabukasan.

Hindi naman niya ito matanggihan. Alam niyang pagkatapos ng araw na ito ay bibilang nanaman siya ng ilang araw para muli silang magkita. Kaya balak niya din talagang sulitin ang oras na magkasama sila.

Pagkatapos ng masaganang almusal ay magkatulong sila magligpit ng kinainan. Nag presinta si Yen na maghugas ng plato at si Jason naman ay muling nagbalik sa kanyang kwarto.

Matapos niyang linisin ang lababo ay sumunod naman siya kay Jason sa kwarto nito para mabungaran ang isang life sized teddy na nakapwesto sa kama. Katabi nito ay mga pulang rosas at chocolates? May nakalatag din na maliit na papel na kulay rosas.

HAPPY MONTHSARY.

Saka lang narealize ni Yen na 28 pala ngayon. Nakalimutan niya.

Tatanda na nila pero may pang ganun pa si Jason. Pero oo aminado siya. Kinikilig siya. Ngayon niya lang din iyon naranasan. Lahat na yata ng una kay Jason niya lang naranasan.

" nagustuhan mo? " narinig niya ang boses nito mula sa likuran.

Humarap siya dito at marahang tumango.

" thank you."

" pero sa laki nito ay hindi ko naman yan mai-uuwi."

" pwede mong iwanan lang muna dito. Balang araw naman ay dito ka rin titira kasama ko." sabi nito.

Natigilan si Yen sa kanyang narinig.

Hindi niya alam ang sasabihin.

" wala tayong magagawa ngayon. Wala kang damit na dala maliban sa suot mo kahapon. Kaya hindi tayo makakapag date. Anong gusto mong gawin?" tanong ni Jason

" kahit anu basta nasa piling mo." nakatawang sagot ni Yen

" talaga ah..." napatakbo si Yen nung lumapit ito sa kanya. hinabol naman siya nito, at naghabulan sila sa loob ng kwarto. Bumaha ng tawanan sa apat na sulok ng silid na iyon at nang mahuli siya nito ay nagtitili siya nang bigla siya nitong binuhat.

Inilapag siya nito sa kama ay nakangiti siya nitong tinitigan.

" i love you..." sabi nito.

" i love you too."

" dito ka nalang, kasama ko."

Niyakap siya nito nang mahipit.

" ayaw mo ba akong makasama?"

" gusto ko."

" pero?..."

" pero...."

Hindi na natuloy ang sagot ni Yen nang hinarang na nito ng mainit na halik ang kanyang mga labi. Mainit iyon, madiin... Dama ni Yen ang damdamin na kumakawala sa kanilang mga sarili. Hindi niya na kayang tagalan ang pagpipigil. Buong puso niyang tinugon ang mga halik na iyon. Malaya nilang pinakawalan ang init na pilit nilang sinusupil simula pa sa umpisa.

Ramdam ni Yen ang mainit na palad ni Jason na hamahaplos sa bawat bahagi ng kanyang katawan habang ang labi nito ay naglalakbay din sa kanyang leeg pababa sa dalawa niyang mapintog nang dibdib. Ang mainit na hininga nito ay nagdudulot ng pananabik. Inalis nito ang suot niya extra large na-t shirt at tumambad ang kanyang kahubdan.

Saglit siya nitong pinagmasdan. Nakadama si Yen ng kaunting hiya ngunit agad naman napawi iyon nang muli siya nitong hinagkan. Hindi malaman ni Yen ang papanabik na kanyang nararamdaman ang mga hindi pamilyar na damdamin na nagdudulot sa kanya ng kakaibang sensasyon at hindi niya mapigil ang sarili na maghangad ng higit pa doon.

Naramdaman ni Yen ang mga labit nito nito sa dalawa niyang dibdib. Nakagat niya ang kanyang labi sa kakaibang kiliti na dulot niyon.

Maya maya ay bumaba ang labi nito sa kanyang tiyan at muli siyang napamulagat nang maramdaman niya ang munting dila nito doon bataan.

Napamulagat siya at napakapit sa buhok nito. Mahihinang ungol ang kumawala sa kanyang bibig. Anupa' t tila mababaliw siya sa sarap na dulot nito. Maya mamaya pa ay naramdaman na niya ang pagkalalaki nitong dahan dahang pumapasok doon.

Napatingin siya dito nang bigla itong huminto.

" masakit?" tanong nito habang pinupupog siya ng halik

Umiling si Yen.

Nagpatuloy ito ay bahagya siyang nakadama ng kaunting kirot. Maya-maya pa ay tuluyan na itong nakapasok, ilang sandali pa ay sabay nilang naabot ang rurok ng ligaya.

Pasalampak na humiga si Jason sa tabi niya.

Habol habol nila pareho ang kanilang hininga.

Nakangiting kinintalan ni Jason ng halik ang kanyang labi.

" nasaktan ka ba?" tanong nito

" konti lang."

" sorry..."

" magdadahan dahan na ako next time."

Ngumiti si Yen at yumakap dito. Nanatili simang magkayap hanggang sa pareho silang nakatulog.

sorry na agad. mahina signal natin ee.

pwede mag comment libre yan.

nicolycahcreators' thoughts