webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · Urbano
Classificações insuficientes
129 Chs

Salamin

Para kay Yen, hindi na baleng makasakit siya dahil nagsabi siya ng totoo. Kesa hayaan na magmukang tanga ang tao sa kasinungalingang pinaniniwalaan nito. Di baleng magalit sa kanya, ang mahalaga ay naging tapat siya.

Ibang training ground ang dinanas ni Yen sa kanyang ama. Hindi ito ang tipo na hayagan kung kumalinga. Hindi ito nakealam kahit anong desisyon nila at kung iyong titingnan ay wala talaga itong pakealam sa kanila. Naisip ni Yen noon na hindi siguro sila mahal nito. Subalit noong nag kakaisip na siya unti-unti niyang naunawaan ito.

Ang paraan nito ay para matuto silang tumayo sa sarili nilang paa. Sa tuwinang may gagawin sila ay hindi ito tututol. Hindi din ito naglilimita sa kanilang mga lakad. Pag may napuna itong mali ay maninita ito ng isamg beses lamang. Pag sinunod mo ayos lang pero pag hindi ay ayos lang.

Ang rason niya, ay ikaw ang magdadala ng bunga ng iyong desisyon. Pagsasabihan ka niya kapag ramdam niya na mahihirapan ka pero pag sumige ka, harapin mo yan mag isa. Tila ba hindi ito nag aalala na mapasama ka. Ngunit hindi pala. Sinanay sila ng ama para mahasa ang kanilang kakayahang magdesisyon at pumili ng magandang daan para sa gusto nilang landasin. Sinanay sila ng kanyang ama pa magtiwala sa sariling kakayahan at huwag umasa sa iba.

Palagi nitong ipinapa alala na sa labas ng tahanan nila, huwag basta basta magtitiwala. Dahil kahit na amg mismong kasalo mo na sa plato ay maaring pagtaksilan ka. Kailangan daw nilang masanay na kumilatis ng taong kaharap. Di bale daw na maliitin ka, basta huwag ka lang mang aapak ng iba. Mas mainam daw amg minamaliit. Dahil ang pangmamaliit daw minsan ang nagtutulak sa tao para magsumikap at magtagumpay sa buhay.

Huwag daw alalahanin ang sasabihin ng iba. Dahil kapag lagi ka titingin sa sasabihin ng iba, kailanman ay hindi ka magiging masaya.

Isang bagay pa na hindi nakakalimutan ni Yen ay ang salamin.

Nanalamin siya noon at aattend ng JS prom. Lumapit sa kanya ang ama at binati siya. Inayos nito ang laylayan ng kanyang bistida at sinabi nito.

" marunong ka nang magsalamin. Marunong ka nang tumingin ng maganda at hindi. Kung anong ang bagay at maganda sa baduy at pangit." sabi ng ama.

" araw araw nananalamin ka. Titingnan mo ang sarili mo kung maganda ba o hindi. Araw araw mong iisipin ang bawat hakbang mo kung tama ba o mali. Pag tama ka, maginhawa ka pag mali ka magtitiis ka. Araw araw ay exam. Kaya dapat mong galingan. Hindi na kita kailangan pang subaybayan, malaki ka na at alam mo na ang tama sa mali. Pero kapag kailangan mo ang tulong ko,alam mo kung saan ka uuwi. Araw araw kang magdala ng salamin. para maalala mo ang aking mga bilin."

Namangha siya sa sinabi ng kanyang Ama. Humanga siya sa paraan nito. Tahimik pero epektibo. Hanggang ngayon ay hindi siya nag aalis ng salamin sa bag at tuwinang haharap siya sa salamin ay nagkukusang mag flash back ang mga linyang iyon na nagsisilbing gabay niya araw-araw.

Napangiti siya. Hindi niya balak ipagpalit kaninoman ang ama.

Kakaiba ang pagpapalaki ng kanyang ama. Walang pressure subalit mag iisip ka. Kaya naman lahat silang magkakapatid ay malawak ang pananaw. Dahil sa bawat nilang desisyon ay lagi nilang isinasa-alang alang ang kinabukasan.

Kabaliktaran ito ng mundo ni Jason. Komo may pera at abala ang ama sa paghahanap buhay nito, bigay lang kay Jason ang lahat ng gusto. Sobrang pagmamahal ang naramdaman ni Jason sa kanyang ama. Lahat ng hilingin binibigay nito. Wala silang hirap na dinanas. Ngayon nga na kumikita na sila ay hindi naman sila obligado magbigay sa magulang nila. Hindi pares ni Yen na nakabudget ang kinikita. Para sa magulang, sa sarili at sa pangarap.

Nauunawaan ni Yen si Jason dahil hindi nga naman ito dumanas ng hirap. Pero handa siya ituro at ipakita dito ang tunay na mukha ng reyalidad.

Muling sumapit ang umaga at naghiwalay silang muli ni Jason. Medyo maaliwalas na ang mukha ni kumpara kagabi at sa tingin ni Yen ay medyo malinaw na ang isip nito.

Gumising si Jason na wala si Yen sa kanyang tabi. Inikot ang paningin sa loob ng kwarto. Wala nang tao. Tiningnan niya ang cellphone at may text ito na nauna na siya dahil may importante daw siyang lakad. Tatawag na lamang daw ito pag nakauwi na sa bahay.

Nagkibit balikat si Jason at inisip muli ang mga pangyayari. Kakausapin niya ang kanyang ama. Sana lang ay pakinggan siya nito.

Gumayak si Jason at naghanda umuwi. Dumirecho siya sa bahay ng kanyang ama at naabutan niya itong nagbabasa ng diyaryo sa sala.

" saan ka nang galing? " tanong ni Miguel.

" nagpahangin." sagot ni Jason at umupo malapit sa kinauupuan nito.

" tungkol sa kasal Papa " simula ni Jason.

Hindi pa rin bumabaling sa kanya ang tingin ng ama.

" im sorry. pero hindi po kita mapapaunlakan."

Saka pa lamang siya nito hinarap.

" sino ang balak mong pakasalan? ang Yen na yon?"

" siguro pero hindi ko pa naiisip."

" mas mabuting si Trixie ang piliin mo. Dahil balang araw ay magiging magkatuwang kayo sa negosyo. Di ba ay Trixie naman talaga ang girlfriend mo."

" may kinakasama na si Trixie papa."

" huwag ka nang gumawa pa ng kwento. Kilala ko si Trixie. "

" may boyfriend siya papa."

" hindi mo mababago ang aking desisyon. Hihiwalayan mo ang Yen na iyon at pakakasalan mo si Trixie tapos."

" kahit lantaran akong iniiputan sa ulo? kahit nakikipagtalik siya sa ibang lalaki habang ako ang nakatakdang ikasal sa kanya? "

" nahihibang ka ba Jason? hindi maganda ang ipinaparatang mo sa anak ni William."

" pero yon ang totoo. naghiwalay kame dahil ginawa niya yon. At nong hindi siya naging masaya ay ginawa niya ang lahat para mangyari ang lahat ng ito."

Bahagyang natigilan si Miguel. Pero hindi pa rin siya nagpatinag. Kinuha niya ang cellphone at nagtalaga ng tao para mag embistiga kay Trixie.

Bigo si Jason na kumbinsihin ang ama. Hindi niya alam kung abong ginawa ni Trixie para makuha nang husto ang tiwala nito. Siya mismong anak ay hindi nito pinapakingan.

Napadaan si Yen sa mall para bumili ng desenteng damit na gagamitin sa pagtitipon kung saan ay ipakikilala siya ni Rico bilang pangalawa sa pinaka may malaking share sa kompanya. Kailangan niyang maging maganda. Magandang maganda sa araw na iyon.

Nakatingin siya sa salamin nang mapansin niya na may babaeng nakatayo sa kanyang likuran.

Lumingon siya dito at napangiti nang mapag sino ito. Si Trixie. At hayagan niya itong pinagwalang bahala. Nagpatuloy siya sa pag ikot sa salamin na masusing sinisipat ang isinusukat na damit.

" kahit anong isuot mo, hindi mo mabubura sa pagkatao mo ang pagiging katulong." pagkuway wika ng babae.

" kahit katulong ako, mas malaki ang value ko kesa saiyo." kumindat si Yen dito at bumaling sa sales lady.

" ayoko na nito naexpose na." sabi ni Yen.

" ang lakas din naman ng loob mo magsalita nang ganyan. Masyaso kang mayabang. Ito invitation mo para sa kasal namen ni Jason." inabot nito ang makulay na sobre sa babae. Mataas ang kompyansa ni Trixie at excited siyang makita ang Yen na mangiyak ngiyak. Gusto niya makita ang gagawin nito. Yung mag iiiyak na lamang dahil wala na siyang magagawa.

" uy thank you! " binuksan ni Yen ang invitation at binasa ang laman niyon.

" pwede ba ako magdala ng escort? " tanong ni Yen na di man lang nagbago ang reaksiyon.

" Balak ko kase isama si Lester." dagdag nito.

Napamulagat si Trixie sa sinabi ni Yen. Hindi ito alam ni Lester. Walang kamalay malay ang Lester sa kasalang ito. Naisip niya palang na malalaman nito ay naninindig na ang kanyang balahibo. Nanghilakbot si Trixie nang maisip ang sinabi ni Yen. Imbes si Yen ang kanyang gugulatin ay siya ang natameme sa kanyang ginawa. Mali yata na hayagang ipinaalam kay Yen na ikakasal siya baka malaman ito ni Lester ay baka mamatay na siya.

Nakita ni Trixie ang ngiti ni Yen. Nakakaloko iyon. Tila ba isang napakalaking banta ang hatid niyon. Nahintakutan siya at hindi makapag isip ng sasabihin. Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan at nanatiling ganon ng halos kalahating minuto.

" wag kang umuwi kay Lester ngayon. Baka hindi ka makasipot sa kasal." halos pabulong na sabi ni Yen sabay umalis ito sa kanyang harapan.

Lalong nanghilakbot si Trixie. Walang abog-abog na tumalikod ito at patakbong umalis. Lulugo-lugo si Trixie na sumakay sa kanyang sasakyan. Nagsisigaw siya sa inis at hindi na niya maisip ang dapat na gawin.

Si Yen naman ay nagpatuloy sa pamimili ng damit. Ang balak niyang isang dress ay dinalawa niya para daw sa kasal ni Jason. Na alam niyang hindi matutuloy.