webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · Urbano
Classificações insuficientes
129 Chs

Proposal

" hindi mo ba ako namiss? " malambing na sabi ni Jason.

Wala pa rin sa mood si Yen. Nais niya pang namnamin ang pag iinarte. Kaya naman hindi pa rin siya sumasagot at balewala pa rin sa kanya ang paglalambing nito.

" galit ka pa din ba sa akin? " tanong ni Jason.

" hindi." malamig na sagot ni Yen. Hindi naman talaga siya galit. Wala lang siya sa mood lumandi.

Patuloy pa rin ang pangungulit ni Jason sa kanya kahit tuloy tuloy pa din ang pagku-kunwa niyang pagsusuplada. Alam niya na kaartehan pero bakit ba? Nasaktan siya at karapatan niya na magmaganda.

Ramdam ni Jason na hindi nga galit si Yen pero ang hinampo nito ay hindi pa rin napapawi. Hindi niya ito masisisi. Kasalanan niya din naman kase. Ok na siya. Panatag na siya. Yong mayakap at makausap lamang ito ay ok na. Pero si Jesrael ay gustong gusto niya nang makita.

" Si Jes mahal? Nasaan siya??"

" mmm iniwan ko kay manang. Andon sa lola niya sa bicol. Nakabakasyon. "

" mahal... " ani Jason habang si Yen ay abala sa pagtitiklop ng kanyang mga damit at iniayos niya sa cabinet. Iiwan na niya ang mga iyon para hindi na siya magdadala kung babalik siya sa bahay ni Rico.

" hmmmm..."

" will you marry me? "

Alam ni Jason na hindi angkop ang pagkakataon pero kailangan niya nang malaman ang sagot. May anak naman na sila kaya marapat lang naman na magdesisyon na silang magpakasal. Kailangan niya nang pakasalan si Yen para ibigay dito ang security na siya lang at wala na siyang ibang mamahalin pa. Buo ang loob niya at desidido siyang buohin ang kanyang pamilya.

Nakaramdam ng kaunting pag-aalangan si Jason.

Natatakot siya, kinakabahan siya. Nag aalala na baka ibasura ni Yen ang proposal niya. Na baka mareject siya pero its now or never. Matagal na niya itong plano pero nauunahan siya ng takot. Dahil noong unang pagkakataon na nagtanong siya kay Yen mariin itong tumanggi. Yon ang mga panahon na nag aalangan din si Yen sa damdamin ni Jason para sa kanya. Iniisip niya na rebound siya at disgrasya lamang ang nagyaring iyon sa kanila. Naisip niya na ipagpaliban ang kasal para hindi sila magsisisi at magsisihan. Kung sakali na hindi magwork ang kanilang samahan, ay mabilis silang makakabitaw.

" ikaw ba sigurado ka sa sinasabi mo? " sagot ni Yen dito.

" oo. panahon na siguro para mag move forward tayo. Hindi na tayo bumabata at lumalaki na si Jes. Ang gusto ko ay makasama ko kayo hanggang sa pagtanda "

" ok..." walang abug abog at walang emosyon na sagot ni Yen dito.

Nalunod ang puso ni Yen sa saya. Walang mga kung anu-anong siremonya pero dama niya ang sinserong pahayag ni Jason. Mukhang natauhan na ito. Aba...ang swerte swerte na ni Jason sa kanya. Kung bibitawan siya nito ay malaking kawalan siya kay Jason.

Pinigil niyang ngumiti.

Pinilit niyang magseryoso at itago ang emosyon.

Nagpatuloy lamang siya sa pag aayos ng gamit at hindi niya nilingon pa si Jason.

Ginagap ni Jason ang kamay ni Yen. Inilagay doon ang maliit na kahita na dala niya. Napamulagat si Yen nang makita ito. At napangiti ito nang makita ang singsing.

Hindi siya nakapagsalita.

Nakatingin lamang siya sa kaharap.

Nakangiti si Jason habang pinagmamasdan ang kanyang reaksiyon.

Kinuha ni Jason ang singsing at isinoot sa daliri ni Yen. Simple lamang iyon. Bagay sa magandang mga daliri ni Yen. Pero di biro ang presyo noon. Pinag ipunan yon ni Jason simula pa lamang noong nagbubuntis si Yen kay Jesrael. Talagang balak niyang ibili ng singsing si Yen pero wala siyang malaking halaga para mabili ang napili niyang singsing para dito. Kaya naman nag umpisa siyang mag ipon para maibigay ito kay Yen. Bunga iyon ng kanyang pagod, at napakasarap sa pakiramdam na nakuha niya ito.

Kita niya ang ngiti sa mga mata ni Yen habang minamasdan iyon. Ngumiti ito kay Jason at umangkla ang dalawang braso nito sa kanyang leeg.

" yes,yes,yes...thank you." maluha luhang sabi ni Yen.

Kinintalan ni Jason ng halik ang labi nito at niyakap din pabalik. Ang tagal niyang inasam na muli itong makulong sa kanyang bisig. Salamat na lamang at hindi ito nagtanim ng galit. Salamat na lamang at nabawi niya si Yen ulit. Pagkatapos niyon ay narinig nila ang sunod sunod na katok.

" puntahan mo ang tita mo anak at may mga ipapadala siya sayo para sa apo ko." Wika ni Rico kay Yen nang mabuksan niya ang pinto.

Agad naman tumalima si Yen pagkarinig ng sinabi ng ama at naiwan sina Rico at Jason sa loob.

" anong plano mo? " tanong ni Rico kay Jason.

" pakakasalan ko po si Yen tito. Aayusin ko ang pamilya ko at mamumuhay kameng masaya."

" aasahan ko yan. ingatan mo ang aking anak. marami na siyang nadanas na sakit ng kalooban ayaw ko nang madagdagan."

" opo..." sagot ni Jason.

" hindi kita hinuhusgahan. Minsan ay nagdaan din ako sa kalagayan mo ngayon. Sana lang ay hindi ka na muling magkamali pa."

" sisikapin ko po tito."

Tinapik ni Rico ang kanyang balikat at saka ito umalis. Naiwan si Rico at wala itong nagawa kundi ipagpatuloy ang pagliligpit ng gamit ni Yen.

Nababahala si Rico kay Yen.

Pero nakikita niya ang sarili niya kay Jason.

Ganong ganon siya noon.

Mahina... walang buto...walang sariling disposisyon.

Yon ay dahil hindi naman siya dumanas ng hirap na katulad ng dinanas ng kanyang anak.

Nabuhay siya at lumaki na nakukuha ang lahat ng maibigan niya nang hindi niya pinaghihirapan.

Nais niyang sabihin kay Jason na magpakatatag at protektahan ang kanyang anak. Pero batid niya na sa dinanas nitong pangungulila dahil sa ginawang pag iwan ni Yen dito ay natuto na ito. Hiniling na lang ni Rico na sana ay hindi na ito muli pang magkamali. Katulad niya noon, huli na nang maisip niya ang importansiya ng kanyang mag-ina. Huli na nang malaman niya na hindi buo ang buhay niya kung wala ito.

Naalala niya nong araw na yon ay nagulat siya nang nagisnan niyang katabi si Sylvia. Kinusot niya ang kanyang mga mata at pilit na inaalala ang nangyari nong gabing iyon. Alam niyang nakita niya ang kanyang mag ina. Pero sa sobrang kalasingan ay hindi na niya ito nalapitan. Alam niya din na walang nangyari sa kanila ni Sylvia. At nang maunawaan niya ang ginawa nito, ay nagwala siya sa harapan nito at isinumpa na kung matutuloy ang plano ng mga magulang nilang makasal sila ay gagawin niyang impyerno ang buhay nito hanggant hindi niya nahahanap sina Yen at Criselda.

Naihanda nga ang kanilang pag iisang dibdib ni Sylvia pero hindi ito sumipot. Naalarma ang kanyang mga magulang pero siya ay siyang siya sa naging desisyon nito. Pagkatapos noon ay muli silang nagkita ni Sylvia. Pinuntahan siya nito sa condo niya at humingi ito ng tawad sa nagawa. Bilang kabayaran ay tumulong ito sa paghahanap sa kanyang mag ina at doon din nalaman ng kanyang mga magulang ang tungkol dito. Dahil wala na siyang maipalusot pa noon ay minarapat niya na ipagtapat sa mga magulang ang totoo. Na naunawaan naman nito.

Nanghinayang si Rico.

Kung sana noon niya pa ginawa ay masaya sana sila.

Naging misirable ang buhay niya at labis na lungkot at pangungulila ang kanyang dinanas.

Para maibsan ang lungkot ay isinubsob niya ang sarili sa trabaho kaya nabuo ang Villaflor Corp.

Pagkatapos noon ay natagpuan niya si Sophia. Anak ng may ari ng isang kilalang telco at tagapagmana nito.

Hindi niya itinago ang tungkol sa kanyang mag ina.

Tumulong din ito sa paghahanap subalit si Criselda ay masyadong mailap. Hanggang sa nawalan na siya ng pag asa.

Si Sophia ang dumamay sa kanya.

Si Sophia ang nagpagaan ng loob niya.

Hanggang sa mahulog ang loob niya dito at tuluyan na niyang nakalimutan ang nakaraan.

Gayunpaman, si Yen ay lagi pa rin nasa kanyang isipan. Wala na ang sakit pero ang pagmamahal niya sa kanyang anak ay hindi mabubura kailanman.

Magkaiba sila ni Jason.

Swerte si Jason dahil nagkaroon pa ito ng isa pang pagkakataon.

Sana lang ay magawa nitong tama ang mga susunod nitong hakbang.

Napangiti si Yen sa dami ng kanyang bitbitin. Napakaraming pasalubong para sa kanyang anak. Natuwa yata mamili si Sophia kaya naman halos pakyawin nito ang mga napaka ku-cute na damit ng bata. Wala na sana siyang bitbit pauwi ngunit halos isang maleta din ang ihinandang gamit ni Sophia para kay Jes. Di bale, kasama naman niya si Jason at meron naman siyang taga bitbit.

Sakay pa rin ng private plane sina Yen at Jason pauwi. Dumirecho sila sa Bicol para kunin ang anak at si Manang Doray at para makausap na rin ni Yen ang ina.

Pagbaba nila ay nakahanda na ang sasakyan na gagamitin nila. Ihinanda iyon ng kanyang sekretarya. Si Jason ang nagdrive at masaya silang bumiyahe. At excited na muling makita ang makulit na nilang anak.

" namiss ko magdrive...." ani Yen.

" talaga? gusto mo ba?"

Tumango si Yen pagkatapos ay hininto ni Jason ang sasakyan.

" ako muna pahinga ka jan. Sabihin ko nalang pag pagod na ko." wika ni Yen.

Sumang ayon naman si Jason.

Sanay siya na nagpapalitan sila ni Yen sa pagmamaneho lalo pat malayo ang kanilang lalakbayin. Hindi naman na ganon kalayo ang Legazpi City. Hindi katulad pag galing pa sila mismo sa Manila na kakain ng halos dose oras papunta sa bahay nina Berto.

Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas nang magpalit sila nang posisyon ay bilang natulig si Jason sa lakas ng pagsabog.

Boom!!

Nilingon ni Jason si Yen bago siya nawalan ng ulirat.