webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · Urbano
Classificações insuficientes
129 Chs

Pano Tayo

" anong iniisip mo ba?" tanong ni Jason kay Yen

" kung mabubuntis ba ako pananagutan mo? "

" oo naman."

" buntis ako."

Napanganga si Jason sa sinabi nito. Nilamon siya ng kakaibang kaba at hindi niya malaman ang kanyang sasabihin.

" totoo? " tanong ni Jason.

Tumayo si Yen at kinuha ang resulta ng ginawa niyang pregnancy test. Inabot ito kay Jason na tila natilihan sa narinig.

" anong gagawin natin? "

Napatingin si Yen kay Jason. Nakita niya ang reaksiyon nito. Hindi ito masaya. Yon ang pagkakaunawa niya.

" sinasabi ko sayo dahil karapatan mo malaman. Pero kung hindi mo ko gustong panagutan, ok lang."

" meron pa namang paraan ilang buwan na ba yan? "

Napamulagat si Yen nang mapagtanto ang nais nitong iparating. Nadismaya siya bigla kay Jason. Hindi niya inaasahan iyon. Naisip niya na at leastag sa-suggest ito na magpakasal sila o magsama sila at ia-assure siya na hindi siya nito pababayaan.

Subalit....

Hindi malaman ni Yen ang dahilan.

" hindi ko gagawin ang iniisip mo. Anak ko ito. Kung ayaw mo, akin nalang. Kaya ko namang itaguyod ito mag-isa."

" papano tayo?" labis na naguguluhan si Jason.

Sa totoo lang ay nabigla talaga siya doon. Hindi niya inaasahan na mabubuntis ito. Natatakot siya. Hindi niya alam anong gagawin.

" anong tayo? kapag pinili mo na talikuran ito, wala nang tayo. Siguraduhin mo lang na kakalimutan mo ako at magtuturingan tayong hindi tayo magkakilala. Kalimutan mo na din na nagkakilala tayo. Gusto ko lang masiguro na hindi ka hahabol sa anak mo balang araw. Akin na siya."

" ha? kung ihulog kaya kita sa kama? ako tatay niyan kaya papanagutan ko yan."

" ok...anong plano mo? " sabi ni Yen

" sasabihin ko kay Papa."

Tumahimik na si Yen at ihinanda ang sarili sa mga posibleng mangyari. Naplano na niyang ayusin ang kahihinatnan niya kung sakali na hindi siya damayan ng lalaki. Hindi niya alam kung nabigla lang ito o dahil hindo naman talaga siya ganon kaimportante. O marahil ay hindi pa rin nito nagagawang bitawan si Trixie. Ewan niya kung tama ba ang iniisip niya pero masama ang loob niya.

Seryoso si Yen nang sabihin niya kay Jason na magkalimutan na lamang sila kung hindi niya aakuin ang kanyang anak. Ramdam niya kahit nagconfirm ito na pananagutan siya ay wala pa rin siyang assurance.

Kapansin pansin ang pagbabago ng mood nito matapos niyang ipagtapat ang kanyang kalagayan. Ang sabi nito ay ibabalita niya nalang sa kanyang magulang ang sitwasyon niya pagnakauwi na siya ng bahay.

" wag ka na mag alala, pag wala tayong pang gatas ay marami namang baka sa amin..." biro nito

Pagak naman ang tawa ni Yen. Hindi niya alam kung tanggap ba nito o napilitan lang na tanggapin. Hindi niya maramdaman amg totoong pagtanggap nito.

Yung plano nilang doon si Jason mag stay sa bahay niya ay hindi natuloy. Pagdating ni Manang ay agad na napaalam ito. Nais daw nitong kausapin ang ama tungkol sa sitwasyon niya.

Bagama't nalungkot ay hindi na ni Yen pinigilan pa ang binata. Naiwan siyang nakatanaw sa kawalan. Masama nanaman ang kanyang pakiramdam. Muli siyang nahiga at pinakiramdaman ang sarili. Mapapabayaan niya ang trabaho niya pag laging ganoon siya.

Dalawa lang yon, nabigla si Jason o talagang hindi pa siya stable sa puso nito.

Pagpasok sa trabaho ay agad inreport ni Yen sa company ang kanyang kalagayan. Yon ay para mai-secure niya ang mga benipisyo niya bilang balang babae. Malakaing bagay iyon at tiyak na makakatulong. Salamat na lamang sa mga kaibigan niya na gumagabay sa mga bagay na dapat niyang gawin.

Habang tumatagal ay lalong pahirap ng pahirap sa ang kanyang mga araw. Solo niya iyong dinadala at hindi nalang iniinda. Si Jason naman ay nagpatuloy sa pananahimik at mula nang huli silang magkita ay wala na siyang narinig mula dito.

Naisip ni Yen na nagsabi ito na pananagutan siya. Kaya naman naisip niya na ipaglaban iyon. Noong araw na iyon ay alam niyang walang pasok si Jason. Bago siya matulog galing sa night shift ay tinawagan niya ito. Limang missed calls na ang kanyang nagawa at naisip niya na wala na nga yatang balak sumagot ito. Gayunpaman ay muli siyang nagdial at sa pang anim na subok sa saka lamang ito dumampot.

" anu?!" may bahid na pagkainis ang tinig nito.

" bakit hindi ka na nagpaparamdam?"

" busy lang ako..."

" nasabi mo na ba sa magulang mo?" tanong ni Yen.

" eh hindi pa...sasabihin ko palang."

Naisip ni Yen. Matanda na si Jason. Ipinapakasal na nga ito ng ama kay Trixie. Anong mahirap ba sa pagsasabi na buntis na siya at magiging ama na? Muli ay nalungkot nanaman siya. Mukha yatang itataguyod niya ang anak nang mag isa. Subalit sa tuwinang maiisip niya na lalabas ang anak at wala itong ama ay naaawa siya sa bata. Kaya naman kailangan niya ipaglaban kung ano akg dapat para sa kanya.

Nagpacheck up si Yen.

Nakita niya ang kasabayan niyang buntis na kasama ang asawa nito. Galak na galak ang lalaki nang makompirma na totoong buntis ang babae. Take note: hindi pa sila kasal. Mag boyfriend lang pero ang saya nila ay walang mapaglagyan.

Mapait ang ngiti ni Yen sa nakikita. Nalulungkot siya ng sobra sa kanyang sitwasyon. Hindi man lang niya madanas na mag ingit ng kung ano ang gusto niyang kainin. Pakiramdam niya ay wala siyang karamay. At walang nakakaunawa sa kanya.

Muling nakiusap si William kay Jason na bigyan pa ng konting panahon si Trixie. Hindi daw kase pwedeng hindi ito kumain dahil lalo lang ito magkakasakit. Nagmakaawa ito sa kanya na kung pwede ay samahan niya pa ng ilang araw pa. At dahil nanaman sa pakikialam ng kanyang ama ay napilitan siyang muling pumayag.

Muli nanamang sumigla si Trixie.

Masayang masaya nanaman ito dahil kay Jason. Alam na alam niya na hindi siya nito kayang tiisin. Alam na alam niya na pag nagpumilit siya ay wala itong ibang choice kundi pagbigyan siya.

Talagang tinutodo niya ang pag iinarte sa ama. Dahil nais niya na gumawa ito ng paraan para makita niya si Jason. At sa susunod ay hihilingin niya dito na kumbinsihin si Jason na ituloy ang kasal nila. Siyang siya si Trixie sa mga naiisip. Ramdam niya na sa kanya pa rin babagsak si Jason sa huli. Kailangan niya lang galingan ang arte. Para pag bumenta ay waging wagi!