webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · Urbano
Classificações insuficientes
129 Chs

I'm Sorry

Nagmulat si Trixie ng mata. At mukha ni Lester ang sumalubong sa kanya. Hinanap niya si Jason ngunit tila wala ito doon.

" gising ka na...." ginagap ni Lester ang kanyang mga kamay. Pagkatapos ay tumayo ito at lumabas. Pagbalik nito ay kasunod na nito ang nurse.

Ilang katanungan ang itinanong sa kanya at agad naman itong lumabas. Binilinan nito si Lester na maari na daw siyang bigyan ng makakain para makabawi ito ng lakas bago raspahin.

Raspahin? sa isip ni Trixie. Tumingin siya kay Lester at bakas sa mukha nito ang lungkot.

" nakunan ka." sabi ni Lester.

Mariing napapikit si Trixie. Hindi niya alam na siya pala ay buntis. Sana lang ay hindi alam ni Jason ito. Dahil baka tuluyan na siyang isumpa ng binata. Sigurado siya na si Lester ang ama ng bata. Dahil sa tatlong taong lumipas ay tanging si Lester lamang ang nakakasiping niya.

" Alam ni Jason??" tanong ni Trixie kay Lester.

Bumakas ang galit sa mukha nito.

" Oo. si Jason ang nagdala sayo dito." bagamat naiinis ay nagawa pa rin ni Lester sumagot.

" I'm sorry..." lumuluhang sabi ni Trixie.

" hindi ko alam."

Tiningnan lamang siya ni Lester at wala itong sinabing anuman.

" anak mo siya." sabi ni Trixie dito.

Iyon lang naman ang gusto niyang makompirma. Subalit kahit malaman niyang anak niya iyon ay wala na siyang magagawa. Wala na ito.

Ang hindi niya lang maintindihan ay ang ginawa nitong pagpapakasal sana kay Jason. Nakumpirma niya na wala naman na ding interes dito ang huli. Ihinayag na ni Jason ang buong pangyayari at doon niya din naunawaan na may sapak sa utak si Trixie.

Kaya pala palagi itong umaalis at magpapa-alam na uuwi ay dahil may niluluto itong plano. Pagkatapos nitong ipagtabuyan ang tao ay guguluhin muli nito. Sa anong dahilan?

Naisip niya na dahil yon sa kanyang pananakit. Totoo. Dahil hindi niya mapigil ang sarili sa sobrang galit dito. Pumayag itong magsama sila pero ang papel lamang talaga nito sa buhay niya ay tagapainit ng kama niya. Hindi niya ito nakitaan ng pagmamahal at pag aaruga katulad ng ibang asawa. Pag nasa bahay ito ay wala itong ginawa kundi mag selfie, magpost sa social media, mag lagay ng kulay ng kuko at magsalamin maghapon. Pagkapatos ay ikakalat lahat ng damit sa kama at magpapalit palit na parang tanga at pag nasiyahan sa suot ay maliligo at aalis.

Kapag wala naman na itong mapiling maisuot sa mga party nito ay maglalambing ito sa kanya para maabutan ng pang shopping. Tila ba ganoon lamang amg takbo ng buhay nito. Ni minsan ay hindi niya ito nakitang maglinis at magligpit sa bahay. Madalas ay naaabutan niyang parang binagyo ang bahay niya. Sa sobrang pagod at init ng ulo ay nabubulyawan niya ito. Hanggang magkakasagutan sila. Hanggang sa masasapak niya ito sa sobrang pikon niya.

Ganunpaman ay minahal niya din ito. Totoong minahal niya ito. At araw araw siyang umaasa na magbabago din ito. Naisip niya din na baka kapag nagbuntis ito at nagka anak ay mag matured din ang utak. Subalit wala...kahit anong subok niya ay walang batang nabubuo sa sinapupunan niya.

Ngayon na nalaman niya na nagbuntis ito, masaya sana. Kung hindi lang ito nawala.

Lalo siyang nakaramdam ng inis nang maalala ang lwento ni Jason. Si Trixie mismo ang naglatag ng planong pagpapakasal at nagawa nitong kompletuhin ang papeles na kailangan para lamang mai-set ang petsa ng kasalan. Ayon kay Jason ay hindi man lang ito kumunsulta sa kanya. Ang tanging kausap nito ay ang kanyang ama.

Tumawag na lamang daw sa kanya si Miguel para ibalita na ayos na ang preparasyon sa kasal.

Kung siya ang nasa posisyon ni Jason ay baka pinilipit na niya ang leeg ng babae. Ang kapal ng mukha nito at wala na yatang ibang minahal kundi ang sarili. Wala itong pakealam sa taong masasaktan sa paligid. Ang tanging alam lang nito ay kunin kung ano ang gusto niyang kunin.

Hindi niya alam kung aware ba ito sa mga ginagawa niya. Naiintindihan ba nito ang kinikilos niya? Hindi kaya talagang may problema ito sa utak? Hindi kaya kailangan na nito ng doktor sa utak?

Nagyon naisip niya.

Dahil wala na rin lang ang anak nila, at pinili nitong magpalasal sa iba. Nah desisyon siya na makipag hiwalay na lamang dito. Hindi na niya kayang tiisin ang ugali nito. Baliw lang na lalaki ang papatol dito. Sana...sana lang ay makatagpo pa siya ng taong tatanggap sa kanya at sa ugali niya. Hindi sapat ang ganda. Dahil pag tumanda ka at kulubot ka na, ang ganda mo ay tuluyan nang mawawala. Kung ang ugali ay basura, wala nang matitira sayo kundi ang ugaling basura.

" minahal kita. Totoo yon. Tinaggap kita ng buo. Kung nasaktan kita patawarin mo ako. Salamat din sa pagsasama nating kahit magulo, naging masaya din ako minsan." sabi ni Lester dito.

" subalit sa mga nangyari, sa mga ginawa mo... hindi ko na alam kung papano tayo mag uumpisa ulit. Ayaw kitang ikulong sa buhay na ayaw mo. At ayaw ko rin makulong sa habang buhay na sakit ng ulo. Pagod na ako Trixie. Ayoko na. Tutal ay ikakasal ka naman na pala, sige....malaya ka na. " seryosong sabi ni Lester.

Napanganga si Trixie sa sinabi ni Lester. Hindi matutuloy ang kasal nila ni Jason. Dahil nagsabi na ito na hindi siya sisipot. Pati ba naman si Lester ibabasura siya??

" honey...wag mo akong iwan...magbabago na ako. Magsisimula tayo ulit. Patawarin mo ako Lester." lumuluha si Trixie. Walang patid. Pakiramdam niya ay wala nang nagmamahal sa kanya. Pakiramdam niya ay maiiwan na siya mag isa.

" I'M SORRY..."

" Please Lester wag mong gawin ito sakeeeeeen!!"

Ngunit so Lester ay hindi na muling nagsalita. Humalik ito sa kanyang noo at tumalikod palabas.Yon na ang huli nilang pagkikita.

Walang ginawa si Trixie kundi umiyak. Ilang araw na pagluha at halos wala nang mailabas ng luha ang kanyang mga mata. Sising sisi siya sa mga nagawa. Subalit wala na siyang magawa.

Nakalabas siya ng ospital at nagpagaling sa bahay. Subalit walang Jason at Lester na nagpakita sa kanya. Hindi na siya kumakain at wala na siyang ginawa kundi umiyak. Sa loob ng isang linggo ay kitang kita ang pagbagsak ng kanyang katawan. Wala siyang ibang pinakikinggan sa bahay na iyon. Ang kanyang ina ay wala nang ginawa kundi lumuha.

Ang tanging sinasabi niya lamang ay si JASON.

Pag may magbubukas ng pinto ay sinisigawan niya at binabato ng kung anong mahawakan niya. Si Jason lang daw ang pwedemg pumasok sa kwarto niya.

Dahil sa labis na pag aalala, ay nakiusap si William na puntahan ni Jason si Trixie. Nakiusap siya kung pwede sana ay tulungan siya nito para maalalayan si Trixie yon ay hanggang maka recover lamang ito.

Hindi naman nakatanggi si Jason. Pinuntahan niya si Trixie at pagkakita nito sa kanya ay sumigla ito.

" sabi ko na nga ba ay hindi mo ako matitiis. Alam ko na mahal mo ako at hindi mo ako kayang iwanan."

Nakayakap si Trixie sa mga braso niya.

Kalunos lunos na ang itsura nito. Hapis na hapis ma ang mukha at napakabaho. May isang buwan na daw itong nakakulong sa kwarto at hindi naliligo.

Pinakain ito ni Jason. Pinaligo. At nang muli itong makatulog ay nagpaalam na siyang umuwi.

Nagpatuloy ang ganong scenario. Parang si Jason na nga halos ang tumatayong nurse nito. Maganda ang naging resulta at mabilis naman itong nakabawi ng lakas. Subalit talagang pinanindigan nito na hindi siya kakain pag wala si Jason. Si Jason lang.