webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · Urbano
Classificações insuficientes
129 Chs

Caption

Sa wakas ay pinayagan na ni Yen ang mga kaibigan ni Jason na magpost sa social media. Sa isang kondisyon, walang maglalagay ng pangalan ng anak niya sa caption. Hindi din nila babanggitin ang pangalan nila ni Jason.

(づ ̄ ³ ̄)づ

" hahahaha! wala nang magpopost! ani Christian na tumatawa.

" grabe naman amg strict ng nanay. Naiisip ko tuloy na hindi ka proud." ani Marco na gumagala ang tingin sa bahay ni Yen.

" ako tigil tigilan niyo. Igapos niyo muna si Trixie para mapanatag ako." ani Yen

" takot ka kay Trixie? " tanong ni Albert.

" takot ako sa sarili ko." sagot ni Yen.

Takot siya dahil hindi niya alam ang kaya niyang gawin kapag kinain siya ng galit. Hindi niya kontrolado ang sitwasyon. Pero alam niya sa sarili niya na walang pwedeng gumalaw kay Jesrael.

Gayunpaman ay hindi nakatiis si Marco na ipost ang picture nila ni Jesrael. Ang caption:

READY NA AKONG MAGING AMA!

IKAW? GUSTO MO MAGING INA??

Pm is The Key.

Naghalakhakan ang magkakaibigan sa caption na nilagay nito. Wala nga namang pangalan ni Jesrael. Wala din pangalan sina Yen at Jason. Ni hindi ito nakatag. Ngumuso lamang si Yen at napailing. Tumalikod siya sa mga ito at muling pinadede si Jesrael. Breastfeed siya. At palalakihin niya si Jesrael sa gatas niya lamang.

Sinilip niya ang ipinost ni Marco.

Marami nang comments kakalipas lang ilang minuto.

Nakita niya si Trixie na may comment doon.

[anak ni Jason? ]

Nagdilim ang mukha ni Yen pero wala na siyang magagawa para bawiin pa. Naisip niya na hayaan nalang si Trixie mamatay sa kakaisip ng panibagong pakulo. Kahit naman pumunta siya sa bahay ni Jason at kahit ma-bribe niya pa ng pera ang security ay hindi niya malalaman kung nasaan sila. Maliban nalang kung sasabihin ni Miguel. Pero kahit sabihin nito ay malabong makatungtog si Trixie sa loob ng subdibisyon nila. Bago pa man makapasok ang bisita, ay tumatawag muna sa kanila ang gwardiya. At kahit makalusot siya doon ay malabo nang makapasok pa ito sa bahay niya.

Hindi si Trixie ang tipo ng tao na karapatdapat pagtuunan ng atensiyon. Subalit pag anak na niya ang nasali sa usapan, kahit hindi kapatol patol, papatulan niya.

Pinagbuti niya ang security sa bahay niya. Walang May CCTV ang bawat sulok ng bahay. May dalawang gwardiya sa labas ng gate. Ang mataas na bakod ay may nakakabit na wires na hindi mo makikita kung hindi mo titigigan. Open iyon, at sino mang buhay na tao o hayop man ang madikit doon, kundi mahuhulog ay siguradong mawawalan ng ulirat. Sa harap naman ng bahay ay may camera at sensor. Nakaprogram na mag alarm yon kapag mukha ni Trixie ang sumungaw doon. Kahit pa picture lang nito. Napangiti si Yen sa ginawa niyang program. Masyadong OA na siguro pero kahit na, hindi siya pwedeng makampante buhay ng anak niya yon at maaring binabalak ni Trixie na nakawin ito.

Kapag nangyari yon ay hindi niya mapapatawad ang sarili. At kahit saan mag suot si Trixie ay hahantingin niya ito. Mabait siya oo...pero pag nagalit siya, demonyo.

Nag dagdag na si Yen ng katulong. Iba na ang taglinis, iba na rin ang taga luto, iba na rin ang taga laba. Lahat sila ay stay out at si Manang Doray lang na tumayong yaya ni Jesrael ang nanatili doon. Ang ibang katulong ay hindi pinapayagan na makasilip sa kwarto ni Jesrael. Si Mang Doray pa rin ang naglilinis ng kwarto ni Jesrael at si Jason naman sa kwarto ni Yen.

Matapos niyang makaisang buwan ay sinundo ng kanyang ama ang kanyang ina. Nagpaalam na ito at masaya itong umalis dahil mas panatag daw sila na nandito si Yen sa sarili niyang bahay. Tuwang tuwa si Berto sa layo ng naabot ng kanyang Yen-Yen. Paulit-ulit pa rin siyang nagpapasalamat sa pagiging responsable nitong anak. Maraming pinabaon si Yen sa magulang. Bukod sa mga goods ay inabutan pa niya ito ng malaking perawp. Ang unang sweldo niya sa kompanya ni Rico ay ibinigay niya sa kanyang ina nang buo. Nagulat ito pero natawa lamang si Yen.

" ang turo sa akin ni Tita Sophia noon, pag nagtrabaho na daw ako, kahit anong trabaho daw ang pasukin ko, ibibigay ko daw sayo ang una kong sweldo nang buo. Goodluck daw yon para maging maswerte sa buhay."

" salamat anak. napakalaki nito." wika ng kanyang ina.

Si Jason ang naghatid sa kanyang mga magulang sa sakayan pauwi ng probinsiya. Nang nakaalis ang sinsakyan nito ay saka lamang umuwi si Jason.

Sumulak ang inis ni Trixie nang makita ang post ni Marco. Kamukang kamuka ni Jason ang bata. Siguro ay lalaki din ito. Dahil doon ay baka mahirapan na siyang muling makuha si Jason.

Hindi niya alam kung bakit palaging si Miguel ang nakakahuli sa kanya. Dapat siguro ay mamatay na ang lalaking iyon. Para wala nang haharang pa sa kanyang mga plano. Naisip na na lasunin ito. Pero sa ngayon ay hindi na muna siya magpapadalos dalos. Kailangan niyang makahanap ng paraan para mapalapit dito.

" natutuwa ako at tila ba nag-uumpisa ka nang mag mature iha. "

" yes dad. Naisip ko kase na kailangan ko na din magprovide ng pera para sa sarili. I have to be independent na dahil hindi na rin ako bumabata." sagot ni Trixie sa ama.

" well... that's fine with me. kahit naman ako ay hindi na rin bumabata so I am now hiring you as my secretary. " nakangiting wika ni William.

" secretary???!!! I want manager!" napamulagat si Trixie sa narinig sa ama. Hindi man lang siya bigyan ng maayos na posisyon na bagay sa kanya.

Nagulat naman si William sa sinabi ng anak. Manager agad? Anong alam ni Trixie maliban sa pagsa-shopping? Ni hindi nga siya mapakitaan nito ng magandamg grades nung nag aaral pa ito. Nagtrabaho ito noon bilang factory worker. Yon lang. Papano niya ito gagawing manager? Isa pa, isa lang din naman siyang empleyado.

" anak si Rico ang presidente ng kompanya. Siya din ang major stockholder nito. Ako ay isang hamak na subordinate lamang at hindi ko pwedeng ibigay sayo ang posisyon na gusto mo. Hindi ako ang may ari ng kompanya."

Ang akala talaga ni Trixie ay William ang may ari ng kompanya. Kaya pala tinatawanan siya ng mga kaklase niya kapag sinasabi niya noon na his father owns the Villaflor Corp.

" cge dad...payag akong maging secretary. Pero gusto ko ay secretary ng presidente.Kausapin mo si Rico. "

Nagulantang si William sa mga sinabi ng anak. Gayunpaman ay bingiyan niya ng konsiderasyon ang panukala nito. Maari nga naman niyang ipakiusap kay Rico na tanggapin ito para matuto. Isa pa, maaring siya din naman pumalit kay Rico balang araw. Pag nag migrate na ito sa amerika ay maiiwan ang kompanya at malamang isa sa kanila ni Miguel ang mapisil nitong pumalit sa pwesto niya. Kaya mainam din na matuto si Trixie mula rito.

Mabilis lumipas ang mga araw. Napagdesisyunan ni Yen na magresign na lamang sa kompanyang pinapasukan. Ang sabi naman niya ay pag nagawang i-triple ng business niya ang sweldo niya ay bibitaw na siya bilang empleyado ng kompanya. Para mag focus sa business at kay Jesrael. Natriple na ito. At sobra pa nga. Kaya naman talagang sign na ito para mag focus siya sa anak.

Sa ganoong paraan kase ay maari siyang magtrabaho na lamang sa bahay. Habang nag aalaga ng kanyang anak at asawa.

Isang buwan ang lumipas. Nasanay na sila sa routine ni Jesrael. Buwan buwan ay nagbabago ang gawi nito. Madalas ay gising ito sa gabi. At di din kinakaya ni Yen ang antok kaya pag tulog siya ay hindi na siya iniistorbo ni Jason. Si Jason na ang nagpapalig ng diapers nito pero pag nagutom ito ay wala siyang choice kundi gisingin si Yen. Tulog lang ito nang tilog pag umaga kaya malayang nakakapagtrabaho si Yen sa araw. Sa bahay niya lang ginagawa ang mga papeles. At nagrereport lamang siya sa Villaflor Corp once or twice a week.

Tinanggap ni Yen ang offer na trabaho ni Rico. Bukod sa marami siyang matututunan kay Rico ay malaki ang sweldong offer nito. Hindi niya maintindihan kung bakit ganon si Rico sa kanya. Minsan na din siyang nagduda na baka ito ang tunay niyang ama. Pero imposible naman yon mangyari. Mula siya sa mahirap na pamilya ang tatay niya ay isang mabuting tao. At hindi niya ito ipagpapalit kahit kanino.

Gayunpaman ay unti unti na niyang nagagamay ang takbo ng Villaflor Corp. Na expose na siya ni Rico sa takbo nito noon pa man hindi pa siya nag aaral noon ay madalas siya nitong kwentuhan tungkol sa negosyo nito. Ito din ang nagbigay sa kanya ng impluwensiyang mangalikot ng auto at maging kung anu-anong electronic devices.

Si Rico ang humasa ng kanyang interes. Ang kompanya ni Rico ay related sa auto-electronic devices. Lahat ng updated na devices galing sa iba ibang suppliers around the world ay sa kanila bumabagsak. Maraming products ang sakop nila at maging ang mga electronic appliances na inilalabas ng merkado sa bansa. Si Yen na kahit sa repairs ay pwede mong isabak. Kahit nga pagsuot sa ilalim ng auto ay nagagawa nito. Alam niya ang mula sa pinakababa, hanggang doon sa kung papano paikutin ang Villaflor Corp. Siniguro ni Rico na maituturo niya ito kay Yen lahat at hindi yon basta ilang araw lamang. Ilang taon ang ginugol niya para pasimpleng maituro ito kay Yen. Nang hindi ito naghihinala. Naipilit niya din makatanggap ito ng scholarship sa mula sa isang sinusuportahan niyang charity group na ang concern ay sumuporta sa mga out of school youth para walang maging aberya sa pag aaral nito. Ginawa niya yon dahil ayaw nitong tumanggap ng kahit anong suporta mula sa kahit kanino.

Katulad ng isang anak ay inakay niya ito para mahubog bilang isang leader ng isang malaking kompanya. Nangyaring naging mas successful ang business branch niya sa Amerika kaya naman kinailangan na ni Rico personal itong i-manage doon.

Gusto din ni Sophia na doon na rin manirahan at makasama ang dalawa nilang anak. Kaya naman napilitan siyang iwanan ang Villaflor Corp. Dito sa Pilipinas. Ngunit hindi niya ito basta maipagkakatiwala sa kung sino lang. Hindi kay Miguel...hindi kay William na batid niyang ang nais ay kapangyarihan para tustusan ang mga sarili nilang interes.

Alam ni Rico na mangyayari ito. Kaya naman nang makilala niya si Yen at makitaan ito ng potential ay talagang si Yen ang napisil niyang pumalit sa kanyang pwesto. Hindi niya alam kung papano pero dahil nandito na ito bilang isa sa mga higher ups, ay mas madali na lamang niya itong ipromote.

Napakabilis nitong matuto. Ang natural na kakayahan nito ang nagbigay ng pambihirang swerte sa buhay niya. Hindi siya genius pero ang paraan nito kung papano ito tumingin sa sitwasyon ay malaking puntos.