webnovel

I'm Only Girl In The University

Yeshamae_Palomar_0074 · Adolescente
Classificações insuficientes
30 Chs

Chapter 14:Day 3 New Friend

"Arra's POV"

Ang aga ko nagising mga alas kuwatro ng madaling araw.Napakasaya ko ngayon kasi nakaganti ako sa wakas sa PANGET hahaha!

"Good morning"bati sa akin ng kadorm ko.

"Good morning din,"ani ko.

"Pwede ba kita maging kaibigan?"

"Ako si Magdalene Uy Yen.Leng na lang for short half Chinese kaya Yen ang apilido ko.Nice to meet you!"sabay shake hand sakin.

Aba ibang klase din ah!Pero ayos lang naman na makipagkaibigan ako sa kanya kasi hindi siya kagaya ng mga kadorm ko.Na laging maingay,mahilig mang-inis.For short tahimik siya.Mukhang bago din  kagaya ko.

"I'm Arra De Verra! nice to meet you too."Sabay ngiti sa kanya.Ang gaan ng loob ko sa kanya.Ewan ko pero ang weird.

"Ahmm Leng bago ka din ba dito?"

"Oo e, kaya nahihiya ako sa kanila makipagkaibigan."

Aba sa kanila nahiya sa akin hindi.Ayus din ah!

"Ahmm napansin ko lang bakit hindi kita nakikita sa University?"tukoy niya sa University na pinapasukan niya.

"Ahm diyan kasi ako pumapasok sa Heaven University!"turo ko sa University.Kita ko ang pagkagulat niya.

"Seryoso ka?Sa pagkakaalam ko puro lalaki ang pumapasok diyan?"

"Oo mahabang storya.Oh siya maligo na muna ako sa susunod ko na lang sayo ikwento!!"ani ko at diretso sa banyo para maligo.

After one hour.Yes one hour ako sa banyo nagpaganda pa e,  tsaka I feel na swerte yung araw ko ngayon.

Kumain ako tapos umalis na at nakapagtataka kasi wala si Clyde, hindi siya sumundo sa akin.Pano kasi madalas niya ako sunduin para sabay na kami pumasok pero nung pumasok si Calyx nawala na.Hindi naman sa sinisisi ko siya ah pano kasi nakakapanibago e friend ko na kasi yun e.

Pumasok na ako sa University at wala na naman nag abang sa akin sana tuloy tuloy si swerte please po!Ayun na nga nakarating na ako sa room yun nga lang wala pang tao.Buti na lang hindi nakalock kaya nakapasok ako.

Makalipas ang 30 minuto dumating na ang mga UGOK pero si Clyde wala pa rin.

"Good morning Ate Arra!"bati sa akin ni Calyx.

"Good morning din!"

"Ate Arra bat di mo ako inantay.Nagpunta pa naman ako sa dorm mo para sunduin ka tapos wala ka na pala."Malungkot na sabi nito.Aba,malay ko ba na susundo siya.And don't need naman e.

"Sorry napaaga lang ako.Dont worry sabay na tayo mamaya,"ani ko.

Dumating na si Sir at nagturo na.Ilang subject na rin wala pa din si Clyde.Kaya naman naisip ko na tawagan siya kahit na nandyan si Sir na nagkaklase.

"Hello Clyde asan ka?!Bat wala ka pa din?aabsent ka na naman ba?"tuloy tuloy kong tanong.

"Hoy Ms. Verra kung tatawag ka lumabas ka!"sigaw  ni Sir.

"Manahimik ka nga magturo ka lang may kausap pa ako diba!!"Sigaw ko din sa kanya,nakakainis kaya ayan tuloy nadala sa galit. Bastos na kung bastos basta ang mahalaga makausap ko siya kasi nakakapag- alala ang ginagawa ng isang to.

"Tu--tulong!!"rinig kong sabi nito sa kabilang linya.

"Hoy ano nangyayari?!Saan ka puntahan kita!!"Bahala sila kung marinig nila at bahala siya kung magalit siya.Mas uunahin ko si Clyde kaysa turo niya.Wala naman akong naintindihan e.

"Na--na sa bahay,"nanghihinang sabi nito na dahilan para mas lalo akong mag-alala.

"Wag ka mag alala pupuntahan kita!"at agad na tumayo.

"Bakit ano nangyari?!"sigaw ni ZACKING PANGET.Dagdag pa sa bigat itong panget nato.

"Sinong nakakaalam ng bahay ni Clyde?!"tanong  ko pero walang sumagot.

"Walang sasagot sa inyo fine!!"aalis na dapat ako pero may nagpigil sa akin.

"Bakit ano ba nangyari?!!"

"Si Clyde may nangyaring masama sa kanya!!"tuloy tuloy kong sabi.

"Dali tara sumama ka sa akin!!"sabi ni ZACKING PANGET at hinila ako.Hindi ko na pinansin si Sir kasi mas uunahin ko pa si Clyde kaysa sa kanya.Ngayon kailangan niya ng tulong ko.Ramdam ko na sumunod din pala ang mga UGOK kong kaklase pero di ko na lang sila pinansin.Sumakay ako sa kotse niya.Impyernes ang ganda at halatang mamahalin ang kotse niya.

'Hay naku Arra wag mong isipin yan ang isipin mo si Clyde' bulong ko sa sarili ko.

"Wait for me Clyde"sabi ko at nagmaneho ng mabilis si ZACKING PANGET.

Mabilis kaming nakarating sa bahay ni Clyde mga sampung minuto pa nga lang nga e.Ganun ba talaga pagmayaman kapag emergency super bilis kumilos parang si Flash.Nandito kami ngayon sa gate gagsti ang laki, mansion ang peg.Tapos parang walang katao tao.Nakita namin na hindi nakalock ang gate kaya naman pumasok na kami at laking gulat ko ng nakita ko si Clyde nakabulagta at walang malay.

"CLYDEEEEEEE!!!"sigaw ko at lumapit ako sa kanya.Nang hawakan ko huhu napaso ako ang init sobra ang taas ng lagnat.

"ZACK dali tulungan mo ako dalhin natin to sa ospital ."Sabi ko at agad naman niyang binuhat.Siya lang kasi ang bigat eh ayoko pa makuba noh.No way!!

Nilagay siya sa likod at ako naman tinabihan siya.Sinandal ko siya at unti unting minulat ang mata niya.

"A--Arra,Thank you!"ani nito at nawalan ulit ng malay.Gusto ko sana na pagalitan siya pero hindi pa to ang time para pagalitan siya siguro kapag magaling na.Tama!

Nakita ko na nanginginig siya kaya naman naisipan kong jacketan siya.Yes,lagi akong may dalang jacket noh girls scout kaya to.Pero hindi pa din tumigil kaya naman niyakap ko na lang para tumigil ang panginginig niya at ayun natigil din.

"Ehem!!"rinig kong asik ni ZACKING PANGET

"Wag kang ano.Magmaneho ka na lang at bilisan mo."Ani ko at sinunod naman niya.Good dog!

Nakarating na kami sa ospital at dali-dali naman siyang inasikaso ng doctor at nurses.

Dinala siya sa emergency room.At kung ano ano ang pinaggagawa sa kanya.

"Doc, kamusta naman po ang lagay niya!"

"Stable na ang pasyente.At mabuti yung naagapan niyo sya agad dito.So ngayon he needs more rest.Maiwan ko muna kayo at may gagawin pa ako."ani ni Doc.

At ako naman ay dali daling pumunta kay Clyde.Umupo muna ako at nag idlip kasi napagod din ako.

Pero naudlot din dahil nagsidatingan yung mga ugok.

"Ano kamusta si Clyde?!"

"Ayos lang ba siya?!"

"Ano sagot?!"

"Teka,teka easy lang.Sabi ni Doc, stable na daw siya at kailangan niya ng pahinga kaya pwede ba wag kayo maingay!"sabi ko sa kanila.

May mga dala silang prutas at sakto gutom na rin ako kaya naisipan kong kumuha ng pagkain.

"Oops para kay Clyde yan,"sabi ni Evans bestfriend ni Clyde.

"Nagugutom na ako kaya pwede ba isa lang please! Madami naman yan e,"pagpapacute ko para madaling pumayag ganun.

"Sige pero isa lang ah!"ani nito.

At kumuha ako ng isang orange.Habang nakain yung mga ugok at ang ZACKING PANGET ay nagkumpulan sa isang tabi at parang seryoso ang pinag-uusapan.

"Pwede ba ako sumali diyan?!"

"Hindi pwede for boys only!"sagot ng kinaaayawan ko sa lahat.

Don na lang ako sa isang tabi at kumain ng orange at pinagmamasdan ang mukha ni Clyde na natutulog.

"Wag mong titigan baka matunaw sayo si Clyde"sabi nito.

"Sino ka?!"

"Ako si Jules Peterson"sabi nito.

Oh my gosshhh.Ang pogi niya natulala tuloy ako sa kanya.Hala  parang crush ko siya naku hindi pala parang kundi crush talaga.

"Hi!a-ako s-si A--arra"nauutal kong sabi.Naku po bakit ngayon pa ako nagkacrush.Tss normal lang naman yun diba?Nakakahiya talaga ngayon pa talaga ako nauutal.

"I know pwede ba tumabi ka!"

Ooopps ang sungit.Pero ayos lang ang pogi pa rin niya eh.Tumabi ako at kita ko ang lungkot sa mga mata niya.Nakita ko na may luhang bumagsak sa kanya.Aba may iiyak pala kapag napahamak ka.E,ako kaya kapag napahamak ako may mag-aalala kaya sa akin may iiyak din kaya sa akin.Sure nawala e,masama ako e.

Tahimik ko na pinapanood sila at nag iisip ako kung dapat nga ba talaga ako lumipat ng section.Pano si Calyx kung lilipat ako bahala na nga may natitira pa naman na apat na araw.

"Guys gising na si Clyde!!"masayang sambit ni Jules.Ang pogi niya kapag naka ngiti siya kinikilig ako ene be!

Dali dali kaming pumunta kay Clyde.

"Clyde ayos ka na ba?!"

"Clyde may masakit pa ba sayo?!"

"Clyde eto pagkain oh"sabi ko at agad niyang kinuha at kinain.

"Salamat ah!"wika nito.

Hinayaan lang namin siya na kumain pano kasi parang gutom naewan.Nang matapos na ang pagkain e, agad akong lumapit sa kanya.

"Clyde umamin ka nga?Kahapon ka pa ba may lagnat kaya ka di pumasok?"

"Oo sorry!!"

"Bakit hindi mo sinabi agad edi sana napuntahan kita este kami."

"Nahihiya kasi ako e at akala ko kaya ko mag-isa "sabi nito at yumuko.

"Yan diyan ka magaling sa akala.Alam mo bang maraming namamatay sa maling akala ha!!"sabi ko.

"Sorry na.Babawi ako promise."

"Magpagaling ka yun lang ang gawin mo.At wag ka na munang pumasok bukas para tuloy tuloy ang paggaling mo."

"Pero..."

"Wala ng pero pero makinig ka na lang please!"

"Okay hayaan mo babawi talaga ako sa inyo.At thank you pala ah!"ngumiti siya sa akin at natulog ulit.

Bumalik ako sa upuan ko.

"Ang lalim ng hugot mo ah!!"rinig kong sabi ng mga ugok.Sinamaan ko lang sila ng tingin at  tumahimik agad.Good dog talaga!

"Zack's POV"

Sa kasalukuyan nandito pa rin kami sa ospital dahil kay Clyde.Nakakainis di ba naman nagsasabi na nilalagnat kahapon.Oo alam ko matapang at masungit ako sa kanila siyempre ako yung Boss pero may pake naman ako sa kanila noh.

Alam ko yung mga dahilan nila kung bakit sila napunta sa  Section Z.Ano sabihin ko na ba sa inyo?!

Una si Clyde dati siya sa Section A siya yung tipong tao na masunurin pero kapag napuno na doon mo makikita ang tunay niyang ugali.Hinamon ba naman ang lider dati.Magkaklase kasi kami kaya alam ko.

Pangalawa si John Perls Perez siya ay nasa Section B dati.Siya ang masunurin sa lahat kapag inutos ko susunod agad yan.Magaling yan sa Math isang tingin lang niya alam na agad ang sagot.Nalipat siya sa Section Z dahil sa teacher na natalo niya at nagalit pa sa kanya pano kasi kinompronta niya na mali ang solution na ginawa ayan tuloy nagalit at lipat.

Pangatlo naman ay si Kenneth Clayton.Siya ay nasa Section D dati.Siya ang expert pagdating sa technology lahat na kaya niya maski manghack.Mangalikot ng ccctv.Nilipat siya kasi nahuli siya ng estudyante na nangingialam tapos kinampihan naman ayun nilipat.

Oh ayan na muna kasi nakakapagod isa isahin sa susunod na lang.

Nakita ko si Arra natutulog sa upuan.Kaya naman nilipat ko sa kama kay may extra pa naman.Ginagawa ko to kasi that is one of my plan.

"Arra's POV"

Nagising ako at nagulat ako na nandito ako sa kama.E, kanina lang nasa upuan ako.Kung sino man yun salamat kasi may pakialam pala yun.Wag na wag lang yung isa.Basta wag na wag siya.

"Alis na muna ako.Kayo na muna ang magbantay napapagod na kasi ako,"pagpapaalam ko sa kanila.

Umuwi ako sa dorm at naghanap ako ng pagkain gutom na kasi e.Pero gaya nga ng inaasahan wala na naman.

"Good afternoon Arra"ani ni Leng.

"Good afternoon din."

"Eto pagkain oh tinabihan kita kasi alam ko na uubusan ka na naman nila."At kinuha ko kasi nga gutom na.

"Salamat!"sabay kain.

"Pwede bang ikwento mo sa akin kung bakit nasa kabilang University ka?"

"Ahm pwede bang sa sabado na lang gutom at pagod na kasi ako e,"ani ko.

"Sige pagtapos mong kumain itabi mo na lang at ako na ang maghuhugas.Pahing ka na ah."

"Salamat talaga ah,"sabi ko at tinapos na ang pagkakain.

Nang matapos na diretso agad ako sa kwarto ko at ginawa na ang routine pagkatapos ay pipikit na sana kaso bigla kong naalala si crush.Ene be kinikilig ako e.Sana mapanaginipan kita at pinikit na ang mata.