webnovel

Chapter 48

Habol-habol ni Mira ang hininga habang patuloy na nananakbo palayo sa mga taong dumukot sa kanila. Napabagsak na niya ang tatlo sa mga ito at may apat pang humahabol sa kaniya. Itinapon niya ang kahot na kanina'y ginawa niyang panghampas sa kanyang mga kalaban upang hindi ito maging hadlang sa kaniyang pagtakbo.

Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang tumatakbo at hindi niya din alam kung nasaan na siya. Kanina lamang ay nasa kalsada lang siya pero ngayon ay tila ba naging mabato at mapuno na ang lugar na kaniyang tinatakbuhan. Sa kaniyang pananakbo ay isang putok ng baril ang gumupat sa kaniya. Napayuko siya ngunit patuloy pa rin siya sa pagtakbo. Hindi siya huminto dahil alam niyang kapag huminto siya ay tatamaan siya ng bala. Nakarinig pa siya ng ilang putok ng baril hanggang sa maramdaman niya ang pagsidhi ng sakit sa kaniyang binti na siyang pwersahang nagpahinto sa kaniya sa pagtakbo. Nadapa siya at napasubasob siya sa lupa, malakas na sigaw ang kaniyang nabitawan nang maramdaman niya ang sakit sa kaniyang binti.

"G*go, bakit mo pinaputukan? Mananagot tayo kay boss." Sigaw ng isang lalaki habang papalapit sa kaniya.

"L*ntik na babaeng yan, pinapahirapan tayo. Hindi ko naman pinuruhan. Magagamit parin siya ni boss kahit may tama yan sa binti." Tugon naman ng isa.

Gumapang si Mira at magtago sa likod ng malaking puno. Nang masigurado niyang malayo pa ang mga ito sa kaniya ay hinawakan niya ang kaniyang sugat at itinuon niya ang buong isip sa balang nasa loob ng kaniyang binti. Nang matagumpay niyang makuha nag bala ay itinago niya iyon sa palad niya.

"Hindi ako magpapahuli ng buhay sa inyo." Bulong niya at magconcentrate. Sa pagkakataon iyon ay pinalutang niya sa ere ang balang sumugat sa kaniyang binti. Nang makita niyang malapit na sa pinagtataguan niyang puno ang mga ito at mabilis niyang ikinumpas ang kaniyang kamay. Kasabay nito ay ang mabilis ding paglipad ng bala patungo sa isang lalaki. Tumama iyon sa ulo ng lalaki at nagmistula itong binaril ng shotgun dahil sa impact ng pagkakatama nito. Bumagsak sa lupa ang lalaki na ikinabahala naman ng kasama nito. Sa kaniyang pagkataranta ay tumakbo ito nang mabilis upang makalayo ngunit bago pa man ito makalayo ay napasubasob ito sa lupa nang tumama sa ulo nito ang isang malaking bato na halos kasinglaki ng tatlong hollowblocks na pinagpatong-patong. Agad din bumagsak si Mira sa lupa nang makita niya ang tuluyang pagbagsak ng kaniyang mga kalaban.

Sa sobrang pagod ay unti-unting nang nag-aagaw ang ulirat ni Mira. Pakiramdam niya ay umiikot na ang kaniyang inaapakang lupa. Bahagya siyang napasandal sa punong kanina ay pinagtataguan niya. Bago pa man din mawala amg kaniyang malay ay may naaninag siyang isang batang babae na may kulay asul na mata. Tila naanod ng mga matang iyon ang kaniyang pagkatao at ang sakit na kaniyang nararamdaman kaninang-kanina lang ay agaran ding naglaho.

Nang muling bumalik ang kaniyang ulirat ay napansin niya ang isang batang babae na nakasandal sa kaniya habang mahimbing na natutulog. Pinagmasdan niya ito at sa pakiwari niya ay nasa tatlo o apat na taong gulang pa lamang ito. Nang maibaling naman niya ang tingin sa binti niya ay nagulat siya nang mapansing wala na roon ang sugat niya at ang tanging palatandaang nasugatan siya ay ang maliit na peklat.

Bahagya niyang iginalaw ang binti niya at dahil dito ay nagising ang bata. Muling nakita ni Mira ang kulay asul nitong mga mata at muli niyang naalala ang pakiramdam niya kanina. Para bang inaagos siya ng isang malamyos na tugtugin at dinuduyan ng malamig na hangin.

"Mama." Sigaw mg bata sabay yakap kay Mira na lubha naman niyang ikinabigla. Hindi naman niya magawang itulak ito dahil sa mga alaalang biglang lumukob sa kaniyang isipan. Doon ay nakita niya sa isip niya ang mga katagang "ORION" na siyang makapaskil sa isang malaking building na hindi niya alam kung saan matatagpuan.

"Mama... Mama." Hikbi ng bata at mahigpit niya itong niyakap. Nanginginig ang katawan niya dahil sa mga kapangi-pangilabot na memoryang nakukuha niya sa bata na animo'y siya ang nakakaranas ng mga ito.

"Ligtas ka na." Sambit niya at lalong napaiyak ang bata. Habang pinapatahan niya ito ay narinig niya ang pagtahol ng isang aso. Pamilyar ito sa pandinig ni Mira. Agad siyang napatayo nang maulinigan niyang tama ang kaniyang hinala.

"Dylan, dito. " Sigaw niya at mabilis na binuhat ang bata. "Ligtas na tayo bata. Nandito na sila. " Natutuwang wika ni Mira habang naglalakad patungo sa tunog na kaniyang naririnig. Sa di kalayuan ay naaninag niya ang pag lapit ni Dylan at nang mga alaga nitong aso habang nasa likuran naman nito si Sebastian. Nang makita ito ni Mira ay agad na nangilid ang mga luha sa kaniyang mga mata. Agad silang nagyakap na dalawa at naputok lamang ito nang may maliit na boses ang nagreklamo.

"Mama ..." .

Maging si Sebastian ay natigilan dahil sa maliit na bagay na gumagalaw sa pagitan nila. Nang bitawan niya si Mira ay doon bumungad sa kaniya ang maliit na batang babae na may asul na mata.

"Mira sino ang batang iyan at bakit Mama ang tawag niya sayo ?" Tanong ni Sebastian.

"Hindi ko rin alam Bastian, paggising ko kasama ko na siya tapos may tama ako ng baril sa binti ko kanina, tapos nawala." Wika ni Mira at agad na yumuko si Sebastian para tingnan ang binti nito. Nakita niya ang maliit na peklat doon at muli na siyang tumayo. Bumalik na muna tayo sa bahay. Naroroon na din si Veronica kasama si Gunther.

Agad na tumango si Mira bilang sang-ayon sa suhestiyon nito. Kasalukuyan na silang bumibyahe pauwi nang mapag-usapan nila ang mga nangyari sa kanila. Napakalalim na ng gabi kaya naman ay muli nang nakatulog ang bata sa braso ni Mira.

"Bastian, sa alaala ng batang ito nakita ko ang isang malaking gusali na may pangalang Orion. Hindi ko alam kung saan ito matatagpuan pero sa loob nun , napakaraming batang katulad ng batang ito. Kung anu-ano ang itinuturok sa kanila at may iilan na ang namatay sa kanila." Panimula ni Mira habang hinahaplos ang buhok nito.

"Ibig sabihin hindi din normal ang batang iyan. "

"Oo, at siya rin ang nagpagaling ng sugat ko Bastian. " Sambit ni Mira.

Pagdating sa bahay ay agad nilang ibinigay kay Jacob ang bata para matingnan ang kalagayan nito. Makalipas ang ilang oras ay pinahiga na nila ito sa higaan para tuluyan na itong makapagpahinga ng maayos.

"Walang problema sa katawan ng bata. Normal ang lahat ng vital signs niya. Pero masyado siyang malnourished para sa edad niya. According sa mga results niya, nasa around three to four years old ang edad niya. Balak niyo bang ampunin ang batang yan?"

"Ampunin? Pwede ba natin siyang ampunin Bastian?" Nangingislap ang matang tanong ni Mira sa asawa.

"Let us see, kapag walang sabit, ipapaayos ko sa abogado ang mga dokumento. Sa ngayon, kailangan muna nating siguruhing walang mga magulang ang bata. " Paliwanag naman ni Sebastian. Sumang-ayon naman si Mira habang nakatingin sa bata.

Kinaumagahan ay hindi muna pumasok si Mira at Veronica sa paaralan. Halos tanghali na din kasi nagising ang dalawa dahil sa pagod at takot na inabot nila kahapon. Ramdam pa rin ni Mira ang pananakit ng katawan niya dahil sa bugbog na inabot niya kahapon habang nakikipaglaban sa lalaking iyon.

"Vee, ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Mira at ngumiti naman si Veronica.

"Ayos lang ako. Salamat at nakaligtas ka. Sabi sa akin ni Gunther may bata ka raw na nakuha?"

"Oo, nasa kwarto pa at natutulog. Siyanga pala, mabuti at natunton mo agad sila Kuya." Sambit ni Mira at muling napaluha si Veronica.

"Akala ko katapusan na natin kahapon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Dire-diretsong tumakbo lang ako hanggang sa marating ko ang kalsadang dinadaanan ng mga sasakyan. Nakailang para ako perp ayaw nilang huminto. Hànggang sa may huminto na sasakyan, sila Dylan pala kaya laking tuwa ko.

Ayon pa sa dalaga. Agad din lumisan si Dylan at Sebastian matapos niyang maituro sa dalawa kung saan ang pinanggalian niya. Doon ay nahanap nila si Mira. Nagyakap ang magkaibigan at lalong umigting ang pagkakaibigan nila dahil sa pangyayaring iyon.

"Yung bata, paano mo nakuha?"

"Hindi ko din alam. Nawalan ako ng malay, pagising ko nasa tabi ko na siya. " Sagot niya habang ang kamay ay nasa binti niyang may peklat.

Paglipas ng isa pang araw ay nakompleto na nga ni Sebastian ang kaniyang inbestigasyon. Palihim na pinakilos ni Sebastian ang mga ispeya niya sa malaysia upang tuluyan nang sirain ang bagay na pinapahalagahan ni Antonion. Habang naiisip niya ang sitwasyon kahapon ni Mira ay hindi niya mapigilan nag hindi magalit. Trauma at sakit ng katawan ang inabot ni Mira at naroroon pa ang peklat na iyon na habang-buhay na uusig sa konsensya ni Sebastian. Dahil sa kaniyang kapabayaan ay nasaktam si Mira. Oo, hindi niya ito kasalanan subalit reslonsibilidad pa rin niya ang siguraduhing palagi itong ligtas.

"Bastian, anong ginagawa mo?" Bungad na tanong ni Mira nang makita niya itong tila ba napakalalim ng iniisip.

"Wala naman, come here." Aya nito sa asawa. Nang makalapit na si Mira ay agad din naman niya itong niyakap at humingi ng tawad. Umiling si Mira at yumakap na din kay Sebastian.