webnovel

CHAPTER 1

Kanina ko pa pinagmamasdan ang gwapong lalaking nakahiga sa damuhan.hindi ko nga alam kung anong ginagawa nito dyan eh.may mga sugat din sya sa Mukha at katawan nya pero hindi na ako nag abalang hawakan ito.like hello?baka ako pa sisihin kung nakialam ako dito.

Tumayo na ako at Nilinisan ang damit kong narumihan ng Damo at lupa.Aalis na sana ako pero nagulat ako dahil gumalaw ung gwapong lalaki.napatingin ako sa kanya

.

"H-help me.."nakikiusap na Sabi nito.

anong gagawin ko?tutulungan ko ba or wag na?

napailing nalang ako at naglakad.hindi pa ako nakakalayo ng makonsensya ako.

bahala na tutulungan ko nalang,wala namang mawawala sa akin diba?

Naglakad ako papalapit dito.dahan dahan ko itong inalalayan.napabuntong hininga nalang ako sa kabigatan nya.

"ginagawa mo kase sa sarili!"naiinis kong bulong.hindi nya naman maririnig.inalalayan ko sya patungo sa bahay ni tiya.

Nasa tapat palang ako ng gate namin,nakasalubong ko ang isa kong pinsan na nag lalakihang mata.

"Hala ka! Lia,anong ginawa mo?!"halos pasigaw na Saad nito.inis ko namang tinanggal ang Isang tsinelas ko at binato sa kanya kaya ayon sapul

.

"Sige,isigaw mo pa para marinig nila!"pabulong na may halong sigaw ko dito.nakatingin ito ng masama sa'kin.masyado yatang malakas pag kakabato ko dito

.

"HALA KA LI—"binato ko ulit sya ng isa ko pang tsinelas dahil talaga namang inulit nito.uto uto

"Halika dito,tulungan mo ako.dapat walang Makakita sa kanya"Saad ko.napakamot ito sa ulo nya at naglakad patungo sa'kin

"Sino ba kase to?San mo napulot to?baka meron pa.halika samahan mo ako punta tayo don"anito.hindi ko alam kung nagbibiro ba sya o seryoso.

"San mo ba balak itago ito ha?"

"tsaka baka malaman ni tiya ito"

"Ano nalang gagawin mo?"

"Palalayasin ka tapos,wala kang mapupuntahan.magugutom ka wala kang matitirahan.edi nadeads ka?.kaya kung ako sayo ibigay mo nalang sakin si kuyang pogi"mahabang saad ng pinsan ko.naku konti nalang sasapakin ko na ito.advance masyado.inirapan ko nalang sya,bago naglakad.

"Hoy Sabi ko—"hindi nya pa natatapos ang sasabihin nya dahil sumabat na ako.

"Ano?uulitin mo na naman.tumahimik ka pwede ba?kung ayaw mo shuu alis"pag papaalis ko dito

"hmp sungit"narinig ko pa itong pabulong bulong.

"wala sina mama at papa sa bahay,doon mo muna sya papatuluyin"anito

"Talaga?may ambag karin pala"Saad ko na siyang kinairap nya

Patuloy lang kaming naglakakad habang inaalalayaan namin si kuyang gwapo.teka ano ba pangalan nito.

Pinagbuksan ni pinsan ang pinto,bago ulit tumulong na mag asikaso.Pabagsak akong humiga sa kama kasama yong gwapong lalaki.

"Linisan mo muna sya,kukuha lang ako ng gagamitin"mag rereklamo pa Sana ako pero tuluyan nya ng nasara ang pinto.

Napatitig ako sa katabi ko.dahan dahan Kong hinubad ang jacket nya.kailangan pa ba ito?.itutuloy ko na sana kaso may nakapa ako sa loob ng jacket nya.isang wallet,tinignan ko isa isa ang laman.

may mga ibat ibang klase ng card, pic at Id,ano Naman itong mga ito

kinuha ko ang picture.dalawang batang magkayap ang nasa larawan,mag kamukha sila.siguro yong lalaki dito,sya yong tinulungan namin ni insan.pinag patuloy ko ang pagkalikot sa wallet nya baka Makita ko pa kung anong pangalan nya.

Lumipas ang ilang minuto,wala parin akong nahahanap.tagal Naman ni insan.tinignan ko Yung Id pero hindi masyadong malabo.hindi ko Makita.basa yata kasi.binalibaliktad ko ito.may nakasulat ditong pangalan pero hindi kompleto.binasa ko ang nakasulat.

"Theo"sambit ko.

napatingin ako sa lalaking may ari nito,baka sya nga ang may pangalan dito.binalik ko na lahat sa wallet at isinantabi muna ito

.

"Oh insan natagalan ka yata"tanong ko.pumasok itong may dala dalang gamit.lumapit ako para tumulong sa kanya

"Inayos ko pa kase"anito.tumango ako bilang sagot

"Hanggang kailan mo sya balak itago?"tanong ni Bea,pinsan ko.napaisip ako.hanggang kailan nga ba?nagkibit balikat nalang ako

Lumipas ang dalawamput minuto natapos na naming linisan si theo.sabay kaming lumabas sa kwarto.

"Nga pala Lia,may pupuntahan ako mamaya.ikaw muna bahalang mag bantay Kay?—

"Theo"Ani ko

"Theo"pag tutuloy nito.napatango ako bilang pag sang ayon.

"ikaw na bahalang mag luto ng kakainin nyo,nag mamadali kase ako baka malate ako sa pupuntahan ko"bilin nya sa akin.

"Sige,ingat"Saad ko.

__________

Naalimpungatan ako dahil ramdam kong may nakatitig sa'kin.napatingin ako sa gilid ko.nakatitig sa'kin si theo,umiwas ako ng tingin at tumayo

" maayos na ba pakiramdam mo? "pagbasag ko sa katahimikan

bumuntong hininga ito at tumango

" yeah"paos nyang sambit

Tumayo ako at nag ayos ng sarili.ramdam ko na sinusundan nya ako ng tingin

"dito ka muna, magluluto lang ako ng kakainin natin" tumango si theo bago nagsalita

"can i join you?promise I'll just watch you" anito. bumangon ng dahan-dahan, dahil hindi sya masyadong makagalaw.inalalayan ko ito na syang kinabigla nya

Agad kong inalis ang kamay ko sa kanya at nahihiyang napaiwas ng tingin

"next time don't touch me without my permission" anito sa malamig na boses. napayuko ako sa kakahiyaan at unti unting tumango. narinig ko ang yabag nya palabas ng kwarto.

unti-unti syang nawala sa paningin ko.napaupo ako sa kama at napahawak sa dibdib ko.nakaramdam ako ng sakit sa sinambit nya kanina.

kinalma ko muna ang sarili at pinatigil ang nagbabadyang luha ko bago ako tumayo at sundan sya

pababa palang ako ng hagdan,naririnig ko na ang ingay na nanggagaling sa kusina.tumingin sya sa'kin dahil siguro naramdaman nyang may nakatingin sa kanya.Tumikhim sya bago nagsalita.

"ako na ang nagluto and... I'm sorry" pahina ng pahina ang kanyang boses kaya hindi ko masyadong narinig ang huli nyang sinabi.

"ha?" sambit ko

"i said... I'm sorry" anito

"ano? hindi ko masyadong narinig" pang aasar ko sa kanya. umirap sya sa'kin kaya napangiti ako ng palihim

" tsk nevermind "naiinis na sabi ni theo. humalaklak ako saka nagsalita

" ano nga? "pangungulit ko.sinamaan nya ako ng tingin

" fine i'm sorry, okay? "anito na syang ikinangiti ko

" yes boss!"ani ko.pagkatapos ng pag-uusap namin,pinagpatuloy nya na ang pagluluto

Makalipas ang ilang minuto, sa wakas natapos nya naring magluto. tinulungan ko sya sa paghahanda ng makakain.nakaupo ako sa harapan nya.

" what's your name? "tanong nya sa'kin.pinunasan ko ang gilid ng labi ko at nagsalita

" I'm Aliayahsa Kienm, you can call me Lia for short "pagpapakilala ko sa aking sarili. tumango ito

" ikaw? anong pangalan mo? "balik tanong ko, alam ko naman at ang pangalan nya pero gusto ko lang makasigurado

" ah.. I'm.. honestly lia I don't know "nagtaka ako dahil sarili nyang pangalan hindi nya alam

" anong ibig sabihin mong hindi mo alam? eh pangalan mo yon"

"i don't really know, hindi ko nga rin alam kung nasan ako o kung saan ako galing.ang huli kong natatandaan humihingi ako ng tulong at ikaw yon bago ako mawalan ng malay" anito

"ah.. , ibig sabihin.. may amnesia ka?"

ngumunguya kong sambit sakanya. nagkibit balikat ito at nagsimulang kumain.

Pagkatapos naming kumain, ako na ang naglipit tutal sya naman ng luto kanina