Halos mag- iisang buwan na mula ng magsimula silang bumiyahe pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila natatanaw ang pinakamalapit na syudad kaya naman naiinip na lumingon si Rod sa kasamang babae.
"Nasaan na ba tayo?" tanong niya pero hindi man lang nag-atubiling tapunan siya nito ng tingin. Sa ilang linggong pagbyahe nila ay natutunan na niyang basahin ang mga posibleng nasa isip nito. At base sa karakter nito, wala itong planong sumagot kung kaya hindi na niya ito muli pang ginulo.
Halos mauntog si Rod sa biglaang pagtigil ng sinasakyan nila. Habang himas-himas ang brasong tumama sa kanto ay pasimple siyang sumilip sa labas. Napapaligiran pa rin sila ng mga puno habang ang dinaanan nila ay halatang hindi nagagamit dahil sa sobrang sukal nito.
Conditos," maikling sagot ni Kurohana na ngayon ay naghahanda na para bumaba.
Hindi naintindihan ni Rod ang sinabi nito kaya pinagmasdan niya lang ang bawat kilos nito. Hindi naman mapigilan ni Kurohana ang pagbuntung-hininga dahil sa kawalang ideya ng kasama subalit natigilan siya nang naalala niyang may amnesia ang kasama.
"A hidden town with a secret passage. No one knows about this road except for the townspeople," Kurohana explained as she jumped off the wagon.
Agad na sumunod si Rod palabas ng bigla siyang tutukan ng sibat. Sinundan niya ng tingin ang may hawak nito na sinalubong ng walang emosyong mukha ng isang lalaki na may mahaba at patulis na tenga. Nakasuot ito ng kulay berdeng kalasag na tinernuhan ng brown na pang-ibaba. Ang nasabing lalaki ay mayroong ginintuang buhok at mga mata habang sa likod naman nito ay may nakausling pakpak na katulad ng sa paru-paro.
"Fairies!" bulong ni Rod sa isip habang pinagmamasdan ang kaharap.
"Anong kailangan ninyo?"
Napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig. Mayroon pang tatlong lalaki na nakapalibot naman kay Kurohana na tulad niya ay tinutukan din ng mga hawak na sandata ng mga ito.
"Marahil ito ang dahilan kung kaya wala ding nakakaalam sa lugar. Bukod sa syudad ito ng fairies ay pinapatahimik din nila ang mga naliligaw dito," muling saisip ni Rod. Marahan siyang lumapit sa mga ito pero lalong idiniin ng lalaki ang hawak nitong sibat sa kanyang leeg.
"Gusto lang sana namin makiraan papuntang Portum," maamong sabi ni Rod habang nakikipagtitigan sa kaharap na mga bantay.
Agad na natahimik ang mga ito habang si Kurohana naman ay tahimik lang na nagmamasid sa mga nangyayari. Nagkatinginan ang mga bantay na animo nag-uusap sa isip habang pasilip-silip sa dalawang bagong dating.
Pasimple namang tinapunan ni Rod ng matalim na tingin ang kasama na halatang walang planong makialam sa kanila.
Medyo naira si Rod kay Kurohana. Ito ang nagsuhestyon na dito dumaan pero ngayong may problema ni hindi ito gumagawa ng paraan.
"May pasabisabi pa siyang pinakamabilis, pero hindi naman sinabing pinakadelikado," muling bulong ni Rod sa sarili.
Sa kasalukuyan, ang pinakamabilis na byahe mula PraeaClara papuntang Portion ay umaabot ng dalawa hanggang tatlong buwan.
Nagpatuloy sa pananahimik si Kurohana kung kaya't wala ng nagawa si Rod kung hindi muling makiusao sa mga ito na paraanin sila.
Parehong hindi nagpakita ng kahit anong emosyon ang dalawang bantay saka mariing sinabi, "hindi maaari! Hindi kami maaaring magpadaan ng kahit na sino dito sa aming syudad!"
Walang nagawa si Rod kung hindi tumingin kay Kurohana para humingi ng tulong. Napapailing na lang ang babae saka tinabig ang hawak na sandata ng mga ito.
"I know that this is a part of your rules for your town's safety, but can I have a word with Mahogany?"
Sanay-sabay na natahimik ang mga ito saka nagtinginan sa bawat isa na muling nag-usap sa pamamagitan ng telepathy.
"Anong gagawin natin?"
"Hindi pwede! Kailangang sundin ang batas!" marking tanggi ng lider nila.
"Pero kulang niya ang Chief!"
"Why don't you try to communicate with her first?" Kurohana suddenly said nonchalantly. "Just tell her that Kurohana Valdemort is waiting for her."
The men was startled by what she said. They gave her a strange look. While still hesitating on what they should do, a loud crash followed by a high pitched shriek posted their ears.
"Oh my goodness, Kurohana!"
Lahat ay nagulat sa biglang pagtama ng kung ano kay Kurohana. Biglang namutla ang mga bantay ng makita kung ano ang lumipat papunta sa kanya.
"Why didn't you even tell me that you're going to visit?"
Halos hindi magkandaugauga na sambit nito habang patuloy sa pagsipat sa kabuuan ng babae. Habang minamasdan sila, hindi nakaligtas ang pagkayamot sa mukha ni Kurohana.
"Chief~" tawag ng isang bantay.
"You! You should know that she's my friend!" sita nito sa mga bantay habang nakapamaywang. Sabay-sabay namang nagsiyuko ang mga ito na animo'y mga bata. "You should let them in immediately~" then she turned towards Kurohana and Rod, "come in. Dito na kayo magpalipas."
Pagkasabi niyon ay muli niyang itinuloy ang pangangaral sa dalawa.
Kurohana ignored the person they called chief as she entered the gate. Rod, who was still baffled, go after her.
"Kilala mo talaga ang pinuno nila?" hindi makapaniwalang tanong ni Rod sa kanya pero ni hindi nanaman ito nag-abalang magsalita. Saglit itong tumingin kay Rod saka marahang tumango.
Nung gabing iyon ay agad na nagpahanda si Mahogany ng isang piging biglang pagsalubong sa kaibigang matagal na niyang hindi nakikita.
Habang nagsasasalu-salo ay napag-alaman ni Rod na magkababata ang dalawa at pareho ang iskwelahang pinasukan. Subalit matapos ang kanilang pag-aaral ay naghiwalay na sila ng landas at tuluyan ng nawalan ng komunikasyon.
"Nakakainis ka, ang tagal mo bago naisipang dumaan dito," nagdadamdam na pahayag ni Mahogany habang kumakain. Hindi ito pinansin ni Kurohana na tahimik na kumakain. "Kung hindi ka pa pupunta sa Portum, hindi mo pa maaalala ang lugar namin!"
Habang patuloy sa paglabas ng sama ng loob si Mahogany ay muli namang inilibot ni Rod ng paningin sa inihandang pagkain.
Halaman. Lahat ng mga inihanda ay panay halaman, ni isang karne ay wala man lang akong mahanap.
"Ito na ba ang tinatawag nilang piging?" hinaing ni Rod sa isip.
Walang nagawa si Rod kung hindi ang bumuntung-hininga. Bilang isang angkan na nangangalaga at namamahala sa kagubatan ay hindi sila pumapatay ng mga hayop bilang pagkain. Isang malaking kasalanan at kasiraan sa kanila ang pagpatay at pagkain sa mga hayop na namumuhay sa gubat.
"Are you alright?"
Malamlam ang mga matang napatingin si Rod kay Kurohana kung kaya naman had na nabahala ang huli.
"May masakit ba sa iyo?" tanong nito sabay salat sa kanyang noo.
Hindi sumagot ang lalaki backus tumango lang ito sa tanong ni Kurohana. Muling ibinaling ni Rod ang tingin sa hawak na pagkain saka tila napipilitang itong isinubo.
"Don't you like plants?"
Agad na natigilan si Rod saka dahan-dahang lumingon kay Kurohana. Hindi niya maintindihan paano nalaman ni Kurohana na hindi niya hilig ang gulay at prutas.
Bago pa man makahanap ng sagot si Rod ay humahangos na nagtungon ang mga bantay kay Mahogany.
"Mga lobo! May mga lobo!"
Pagkarinig na pagkarinig niyon ay biglang nagkagulo ang mga tao na nagkanya-kanyang takbo.
"Kayong dalawa, bilis, magtago kayo," biglang sabi ng dumaan kasabay ng paghablot sa mga braso nila Rod at Kurohana papunta sa kung saan. "Magtago kayo kung gusto niyo pang mabuhay!"
Matapos sabihin iyon ay agad na niyang itinulak ang dalawa sa maliit na butas sa ilalim ng puno na agad niyang tinakpan ng mga tuyong dahon at putik.
Habang nakakubli ang dalawa ay nagkakagulo naman ang mga lalaking fairies sa paglaban sa mga lobong may isang sungay.
"Madali, itago ninyo ang mga kababaihan, bata, at matatanda!" sigaw ni Mahogany habang tuloy sa pag-ilag sa bawat atake ng mga lobo.
"Chief, nakatago na sila." malakas na sigaw ng isang mandirigma.
"Vinea Funem!"
Matapos mag-chant ni Mahogany, biglang gumalaw ang mga halaman at pumulupot sa mga lobo. Karamihan sa mga lobo ay nahuli at maiangat sa ere pero marami pa rin ang mga nakaiwas.
"Folium Cultro!"
Itinuro ni Mahogany ang kanyang kamay sa mga lobo na akmang aatake sa kanya. Halos lahat ng dahon na nasa lupa ay agad na lumipad at tumusok na parang patalim.
Marami na ang nakabagsak na lobo pero marami pa rin ang mga nakikipaglaban sa kanilang grupo.
Saglit na napalingon si Mahogany sa madilim na bahagi ng base nila ng biglang manlaki ang kanyang mga mata sa nakita.
"No!" hindi mapigilang pagsigaw niya nang makita ang pag-atake ng lobo sa isang paslit.