webnovel

3

The mission difficulty ranges from 'E' as the easiest and 'SSS' as the most difficult where the rewards also depend.

E-rank: 10 small copper or less

D-rank: 1 to 10 medium copper

C-rank: 1 to 10 large copper copper

B-rank: 1 to 10 small silver

A-rank: 1 to 10 medium silver

S-rank: 1 to 10 large silver

SS-rank: 1 to 10 small gold

SSS-rank: 1 medium gold and up

Matapos pag-aralan ni Rod ang hawak na mission, agad na siyang naghanda para dito. Maka-ilang ulit muna siyang umikot sa pamilihan para makahanap ng murang sandata na siyang gagamitin niya sa paghuli sa mga bandido. Kahit papaano, naging malaking tulong ang iniabot sa kanyang ilang pirasong ginto ng Ginang para makapaghanda.

Nakahanap siya ng isang medyo de kalidad na espada sa halagang 1 maliit na pilak. Kulay itim ang talim nito na tinernuhan ng gintong hawakan. Hindi ito kalakihan at hindi rin maliit, saktong-sakto lang ito sa kanyang taas na 6 na pulgada. Agad niya itong kinuha at sinubukan iwasiwas ng ilang beses. Tuluyan siyang napangiti dahil katamtaman lang din ang bigat nito, madaling kontrolin. Hindi na siya nagdalawang isip at binili na niya ito bago dumiretso sa Southern Gate.

Hindi pa man siya nakakapasok sa gubat ay agad na siyang hinarang ng grupo ng mga lalaki na may mga hawak na armas. Nakasuot sila ng luma at maruming damit na nagmukha ng basahan sa sobrang dami ng tagpi. Meron din silang suot na cloak na animo itinatago ang kanilang mga mukha. Base sa kanilang itsura, halatang sila na ang tinutukoy na nanggugulo sa mga mangangalakal, ang sinadya ni Rod.

"Bigay mo sa amin lahat ng gamit mo!" utos ng isang nasa unahan na siyang pinaka-pinuno nila.

Hindi ito pinansin ni Rod. Ni hindi man lang siya nag-abalang gumalaw sa kinatatayuan habang tinitigan niya lang ang mga ito ng walang

"Natuod na siguro dahil sa takot," sabi ng isa na katabi ng unang nagsalita. Ngumisi lang ang pinuno saka pinukol ng matalim na tingin si Rod.

"Ibigay mo na sa amin ang bitbit mo para hindi ka masaktan!" utos ulit nito.

Sa ikalawang pagkakataon, hindi pa rin natinag si Rod sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya din malaman kung bakit ni hindi man lang siya nakakaramdam ng kaba o takot sa mga nangyayari na para bang sanay na sanay na siyang masangkot sa mga delikadong sitwasyon.

"Talagang ayaw mo?"

Sa gigil ng mga ito ay biglang inundayan ng saksak si Rod ng nasa kanan niya. Nagulat pa pa siya ng tila may sariling buhay ang katawan niya na kusang kumilos upang maiwasan ang pagsugod ng umatake. Ilang segundo lang ay nakuha na agad ni Rod ang hawak nitong sandata habang ang lalaki ay wala ng malay na bumagsak sa lupa.

"A-anong n-nangyari?" gulat na tanong ng lider nila. Maging si Rod ay hindi rin maintindihan kung ano ang kanyang ginawa. Ang tanging alam niya lang ay biglang hawak na ng isang kamay niya ang espada na ngayon ay nakatutok na sa leeg kanilang pinuno.

"S-sugod! Sugudin ninyo siya!" biglang sigaw nito na agad na sinunod ng mga ito.

Sabay sabay na nagsipag-sugudan ang mga lalaking nakapalibot sa kanya sa utos ng pinuno ng mga ito. Gayunman, ni hindi man lang nito iyon ininda. Kahit pa sabihing marami sila ay para bang nakikipaglaro lang si Rod sa kanila na halos hindi man lang hinihingal habang umiiwas sa bawat suntok at saksak ng mga ito. Nakuha pa niyang ngumisi ng nakakaloko habang nakatingin sa pinuno ng mga ito na ngayon ay gulat na gulat na sa nangyayari.

Habang umiiwas ay isa-isa na rin niyang pinapabagsak ang mga ito sa pamamagitan ng paghampas ng espada at pagsipa sa mga ito. Isa, dalawa hanggang ang kaninang higit sa sampu na mga bandido ay tumumba at tanging ang pinuno na lang ang natira.

Dahan-dahan niya itong nilapitan habang kasalukuyan pa ring nakapaskil ang nakakakilabot na ngisi sa kanyang mga labi, kasabay ng nakakatakot na kislap ng kanyang mga mata na tila ba nagsasabing sabik na sabik na siyang makakita ng mapula at malapot na dugo.

"H-huwag! Huwag kang la-lalapit!" nanginginig na pagmamakaawa ng nasabing lalaki.

Gamit ang hawak na duguang espada, agad niya itong inundayan ng saksak.

Wala sa sariling napakurap si Rod na para bang nagising siya mula sa maikling pagkakaidlip. Agad siyang luminga sa paligid para lang makita niya sa kanyang paanan ang lalaking duguan at hindi na gumagalaw.

"A-nong, anong n-nangyari?" naguguluhang naitanong niya sa sarili habang tinitignan ang paligid na ngayon ay punung-puno ng mga katawan ng mga bandido na wala ng buhay at naliligo sa sariling dugo.

Nanginginig na nabitiwan niya ang hawak niyang espada kasabay ng panghihina ng kanyang mga tuhod. Ang kanyang mga mata ay punung-puno ng takot mula sa nangyari.

"B-bakit~"

Naguguluhan siya. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyari at kung siya ba talaga ang may kagagawan niyon.

Muli niyang inilibot ang paningin at muling ibinalik sa kanyang mga kamay na ngayon binabalot ng mainit at pulang dugo.

"H-hindi!"

Nagulat na lang siya at natahimik ng biglang may humila sa kanya. Agad siyang napasubsob sa kung anong malambot na bagay. Nang iangat niya ang tingin ay nakita niya ang babaeng nakaitim noon sa palengke. Hindi tulad noong una at ikalawang beses na pagkikita nila, may konti ng emosyon na saglit na kumislap sa malalamig nitong mga mata.

"Lika, magpahinga ka na muna," malambing nitong saad kasabay ng paghaplos sa kanyang pisngi, pilit na pinapakalma ang lalaki.

Matapos sabihin iyon ay bigla na lang bumigat ang talukap ng mga mata ni Rod kasabay ng tuluyang paglalim ng kanyang paghinga.

Nagising siya sa mabangong aroma ng nilulutong pagkain. Agad siyang napabangon ng makitang hindi pamilyar ang lugar na kinaroroonan. Mabilis siyang naghanda para sa pag-alis nang makarinig siya ng papalapit na mga yabag.

"You're alive!"

Agad siyang napalingon sa pinanggalingan ng walang buhay na boses na iyon. Nakasandal ang babae sa may hamba ng pinto habang hawak ang sandok.

Halos manlaki ang kanyang mga mata kasabay ng pagbukas ng bibig sa kabiglaan, hindi dahil sa nakilala niya ito kundi dahil sa suot nito. Isang hapit na hapit na kamisetang kulay puti kung saan bakat na bakat ang itim niyang panloob. Tinernuhan niya ito ng napakaikling short na tingin ko'y isa't kalahating dangkal lang ang haba. Bumaba ito sa mabilog niyang hita at mahaba niyang binti.

"Satisfied?" Napakurap siya sa bigla nitong pagsasalita. "Andito ang mukha ko sa itaas," dagdag nito. Kusang umangat ang tingin ni Rod sa kanyang mukha.

"Sorry," he said sincerely though the image of her luscious body still lingers in his mind.

"Do you already want to eat or do you still want to fantasize about me?" Para bang binuhusan siya ng nagyeyelong tubig sa sinabi nito. "Just tell me if you want to fap. I can leave you alone to do it and if you also want, I can even give you a photo of my nudity."

Hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon sa babaeng ito na walang kabuhay-buhay ngunit namumulaklak ng mga maruruming salita ang bibig tuwing ibubuka niya ito.

"It's not good if you keep saying those words in a straight face. You're still a girl." Tinitigan lang siya nito habang nakakiling ang ulo sa kanan na parang hindi siya nito naintindihan. Napabuntunghininga na lang siya sa ginawa nito. "Gutom na ako. Ikaw ba ang nagluto?" She just nod her head nonchalantly before she left.

Habang kumakain ay hindi pa rin maiwasan ni Rod ang mapatingin sa kaharap. Masarap itong magluto, dinagdagan pa na napakaganda at napaka amo ng mukha nito na para bang isa siyang perpektong babae. Pero sa tuwing maaalala niya ang pakikipaglaban nito sa plaza, nawawala sa isip niya nababae ang kaharap.

"Kumain ka na lang diyan at huwag mo akong masyadong pagkatitigan. Baka mamaya matunaw na ako," biglang sabi nito na mas lalong ikinagulat ng lalaki. Dahil sa hiyang naramdaman, mabilis niyang binawi ang tingin na muling ipinagpatuloy ang pagkain. "Gwapo ka." Walang anu-anong sabi ng babae. Nagkandasamid-samid ang lalaki pagkarinig niyon. Inabot niya ang iniinuman na nakalagay sa malapit sa kanya. "Pwede kang maging palahian."

Nang makabawi, agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Ano bang problema mo? Bakit kung anu-ano ang sinasabi mo?" sita niya na wala man lang epekto sa babae dahil ni hindi man lang nagkaroon ng ekspresyon ang kanyang mukha.

"May nasabi ba akong masama?" maang pa nitong tanong na lalong ikinalukot ng kanyang mukha.

Kasabay ng paglapag ng mga kubyertos ay siyang pagtayo niya mula sa hapag saka dumiretso sa may pintuan.

"Pakiramdam ko, kung magtatagal pa ako ay matutuyuan ako ng dugo sa kanya," bulong ni Rod sa sarili.

Nabuksan na niya ang pinto at naihakbang ang isang paa sa labas ng biglang sumigaw ang babae, "Huwag kang lalabas~" Pero huli na dahil tuluyan na siyang nahulog sa bangin sa labas ng pinto.