webnovel

Chapter 1

[His Point of view]

"Love, wake up, we will be late in our new school."

What is this freaking woman doing in my room, even in my house in this fcking early in morning? Damn this woman, pinangangatawan niya talaga ang pagiging fiancé ko kahit sa papel pa lang yun, ano nalang kaya pag totohanin ko na?

"Shut it, Melanie. You can just go alone." I said to her.

"C'mon, Drew, just get your ass up and let's go to school." sabi nya.

I faced her at inirapan sya. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang ginigising ako.

"Can't you go on your own? And why are you here by the way?" I asked.

"Whether you like it or not, I'm still your fiancé!" she proudly said.

"Quit talking about something that are just in papers." I told her at humiga ulit. "If you don't want me, your fiancé to be mad at you, leave my room, or if possible, in my life."

"Okay, fine! But go to school. It's our freaking first day so you must go to school, got it?" She said and walked away pero bago pa siya makalabas ng kwarto ko ay lumingon siya ulit sa gawi ko. "And I'm only leaving your room, not your life, sanayan lang to. I'll wait for you in the car, bilisan mo. Ciao~"

And she closed the door. I don't know why I acted so cold towards her, maybe it's been a while since nung huli kaming nagkita kaya ganito ang pakikitungo ko sakanya. But I do love her, no doubt since she was my childhood friend. I liked her when we were still kids so I know I still like her now. We're very close since our childhood pero nagkahiwalay kami when they suddenly migrated to Vancouver, Canada back when I was eight. Good thing bumalik sila after ten years and now, I'm already eighteen years old turning nineteen this coming July. She came back, saying that I have to fulfill my promise and marry her.

Agad kong ginawa ang daily routine ko kasi baka kung ano pa ang gawin ni Melanie. She's actually good, pero minsan nakakainis na siya, she is too clingy. I hate clingy women.

During my eighteenth birthday, I was surprised by my mom with a paper stating that I was already engaged. I cannot believe it since we separated. Little did I know na pinagkasunduan na pala ng parents namin ang tungkol dito nuon pa, nung mga bata pa kami. I liked the idea, but I want to know her more since twelve years kami nagkahiwalay, there might be changes in her attitude.

Nang matapos na akong maligo at magbihis, I quickly went downstairs.

"Nanay Belen, asan po si Melanie?" I asked our long-time yaya.

"Ah, andun na sa sasakyan, iho" she calmly said at pinagpatuloy ang paglilinis sa mga collections ni mom.

"Ah, sige po. Pupunta na po kami sa school. Byeee" I said as wave my hands.

"Sige, ingat kayo" nakangiting sigaw niya.

She's our trusted yaya. Matagal na siya samin kaya we value her as a part of our family members, well they actually are. Matanda na sya and my mom wants her to stop working as a maid dahil tinutulungan naman namin siya at ang family niya, but she insisted dahil daw sobra na ang naitutulong namin sa kanya... sa kanila and she wants to return the favor.

"Antagal mo, love." sabi ni Melanie pagkapasok ko sa sasakyan.

Cringe man pakinggan ang term niyang "love", but I already got used to it kasi she's been using that term since our first dinner pagkauwi nila dito.

"May ginawa pa kasi ako." I said at inayos ang seat belt ko.

"Mang Gabriel, tara na po" sabi ni Melanie.

"By the way, Mang Gabriel, puntahan po natin si Flynn sa bahay nila since on-the-way to school lang naman yun. Sabay kaming pupunta ng school" I said.

"Ah, sige po, sir" maikling response niya.

Nagdrive na siya. Pagliko namin sa may kanto ay agad na huminto si Mang Gabriel at lumabas. Agad siyang nag doorbell sa bahay nila Flynn at agad na tinawag ng yaya nila si Flynn. Nakangiting lumabas si Flynn sa bahay nila at sumabay sa paglakad kay Mang Gabriel papunta rito sa sasakyan. Agad naman silang sumakay.

"Antagal mo ah, pa-VIP masyado" komento ni Melanie.

"Whatevs, Melanie" sabi naman ni Flynn.

"Hmmp" sabi ni Melanie sabay irap kay Flynn. "What do you think of Vougshire Academy, love?"

"I think it's great kasi si Mr. Voughn ang may-ari nun. So it must be a great school" I said.

Vougshire Academy is well-known school not only because it is owned by a popular married couple, Mr. William Voughn and Mrs. Katherine Yokshire-Voughn but it is also a prestigious school that everyone wants to atleast take a single step behind those enormous metal gate. Environmental friendly din ang school dahil may mga naglalakihang puno sa loob which is very unusual to other school here in our place since this is a city where you can barely see any forest or even atleast a mini one.

"I heard there is a forest inside the school. Creepy but it's cool" excited niyang Saad.

"Kumuha ka ba ng dorm dun?" tanong ni Flynn

"Yeps, kasi nakakapagod ng umuwi. Sobrang layo at baka maligaw pa ako kapag umuwi ako" sabi ko.

"'Di naman tayo maliligaw dito kasi susunduin tayo ni Mang Gabriel, right manong?" sabi niya

"Tama si Miss Melanie, sir. Susunduin ko naman kayo lagi" masayang Saad ni Mang Gabriel.

"Nako manong, you should have your rest instead of sending me to school everyday. VA is way too far, kailangan pang dumaan ng gubat at ang mahal na ng gasolina ngayon, kailangan natin magtipid. Kaya ikaw Melanie, since you didn't rent a dorm inside the school, use your own car and your driver. 'Di yung sa driver ka namin nagpapahatid lagi." I told her and laugh at tumawa din si Mang Gabriel at si Flynn sa sinabi ko.

"Tama" saad ni Flynn.

"Hmmp! Pinagtatawanan niyo pa ako ah!" she said.

We just laugh at her at kinuha ko ang portfolio na may nakalagay na pangalan ko. Binuksan ko ito at ang laman ay ang admission card ko at ang iba't iba pang mga kakailanganin.

Mabilis ang takbo ng oras at napansin kong malapit na kaming dumating sa school.

"Wow!" manghang sabi ni Melanie as we wandered our eyes all over the place.

Ang structural design nya parang Victorian era castles. May antique vibes sya pero malinis tignan. May malaking fountain sa gitna and benches around it. And yung grasses and topiaries maganda tignan, halatang inaalagaan talaga. May mini park din at sa likod banda ng building, makikita ang entrance ng kanilang forest. It is a little dark compared sa labas pero I'm sure there is something great inside that forest.

"Ang ingay mo, Mel" natatawang saad ni Flynn.

"Shut up, Flynn." sabay irap.

This place is indeed beautiful. This is my second time here yet I am still wondering how they made this place. Bago maka pasok sa main gate ng school, may stop-over muna.

"Card, please." the guard asked.

Binigay ni Mang Gabriel ang card niya at kinuha yun ng guard. He inserted it to a card scanner and the light turned green. Binigay na niya ang card ni Mang Gabriel. And the gate automatically opened.

"Wow! It's more than what I expected" masiglang sabi ni Melanie.

Bumaba na kami sa sasakyan at agad ding umalis si Mang Gabriel since kailangan niya pang ihatid ang ate ko sa trabaho niya.

Parang baliw na tumatalon si Melanie as we walked towards the administration's office.

"Hey, calm do---" di natapos ni Flynn ang sasabihin niya when Melanie suddenly bumped into someone at dahil malakas ang impact, Melanie fell.

"Chescca, 'you okay?" the lady asked the lady next to her which I assumed that her name is Chescca.

"I'm fine, Ally" the lady named Chescca cheerfully replied at naglakad na paalis. But her cheerful voice doesn't match her cold stares towards Melanie.

"Watch where you're going, woman" the other lady said to Melanie at sumunod kay Chescca.

"Ouch, ang sakit nun. Ang lakas niya at natumba talaga ako" Melanie said.

"Ang likot mo kasi kaya malakas ang banggaan niyo, I told you to calm down" panenermon ni Flynn sakanya at tinulungan namin siyang makatayo.

"Eee, naexcite ako eh, malay ko bang tatanga yun" Inis niyang sabi.

"You're the one at fault, Melanie. Tumingin siya sa kaniyang dinaanan" I said to her.

"Oo na, ako na mali. Psh, nagagandahan lang kayo dun eh kaya pinagtanggol niyo siya" parang bata niyang sabi.

"Hindi namin siya pinagtanggol, we witnessed what happened kaya alam ko ang pangyayari" I said.

"But I won't lie, she's indeed beautiful, in fact, both of them." kumento ni Flynn

"Oo na, san na ba kasi yung administration's office, eh?" sabi niya.

"If you're looking for the administration's office, you're going the wrong way. Come with me, I'm going there, too. I'm Helium Laurel, student council president." the guy said at naglakad na siya kaya sinundan namin siya.

"Hi, I'm Melanie Reyes" masiglang pakilala ni Melanie sa lalaki.

"I'm Drew Montefalco" I said.

"I'm Flynn Rodriguez" pakilala ni Flynn sa sarili.

Tango lang ang response ni Helium samin. Pagkarating namin da loob ng administration's office, nagulat kaming may nagsisigawan.

"FRENCHESCCA! BAKIT MO KINULONG SA C.R. ANG KAKLASE MO?" sigaw ng babaeng professor dun sa nakatalikod sa amin na babae, siya yung babaeng nakabangga ni Melanie kanina.

"The heck you care?" kalmadong tanong nung Chescca sa professor. Umupo siya sa upuan at sinundan naman siya nung kanyang kasama kanina.

"God, Chescca. Pang-ilang punta niyo na dito, 'di pa rin kayo natututo. Kung 'di kayo mahalaga sa school na to, matagal na kayong expelled" Inis na sabi ng professor.

"It's the thirty-fifth, I guess." sarcastic na sabi nung kasama nung Chescca.

"Isa ka pa, Alliyah. 'Di mo pinagsasabihan yang kaibigan mo" biglang sigaw ng professor sa kasama nung Chescca kaya nagulat kaming tatlo, except kay Helium.

"Bago ka pa lang, ganyan kana umasta." Alliyah said while grinning.

Lumapit si Helium sa dalawa at may binulong dun kay Alliyah at may binulong din yung Alliyah kay Chescca.

"Are you done?" malamig na sabi nung Chescca at bago pa man makasagot ang professor, they left.

"Sorry 'bout those two, ma'am" magalang na sabi ni Helium.

"It's fine, Helium. Masasanay din ako sa kanilang dalawa." sabi nung professor.

"Bakit 'di niyo siya i-expell, ma'am?" sabi ni Melanie.

Agad kaming napalingon ni Flynn sa gawi ni Melanie nung sinabi nya yun dahil 'di siya dapat sumasali sa usapan nila, and we're still new in this school. Agad namin syang hinila papalapit sa kinatatayuan namin ni Flynn. This woman, di niya alam kung saan ang tamang lugar sa katarayan niya.

"Oh, darling. You don't know what you are talking about" natatawa ng sabi ni Helium.

"Those two are this school's excellent students. Kahit na mga pasaway ang mga yun at laging gumagawa ng gulo, we can't afford to lose them both. And kilala nila ang may-ari ng school nato" sabi nung professor.

"Well, andito na naman ako. I think I am more excellent than they are, i-expell niyo na sila. 'Di pwedeng laging lumalaki ang ulo ng dalawang yun, and thirty-fifth times na silang napunta dito? Gosh, dapat niyo na talaga silang i-expell" sabi ni Melanie.

"Hoy! Ang kapal naman ng mukha mo, Mel" saway ni Flynn sakanya.

"It's true. I'm more than excellent" proud na sabi Melanie.

"Well, we'll see about that. Anyways, what brings you here, you four?" tanong nung professor sa amin.

"New enrollees po kasi kami ang we're here to get our keys in our dorm at itong babaeng to, 'di diya kumuha ng dorm so ang kukunin niya lang ang ang uniform niya at ang schedule niya" sagot naman ni Flynn at inabot namin ang admission cards naming tatlo.

"Oh, and how about you, Helium?" baling na tanong niya kay Helium.

"I was looking for those two and I found out na nandito na naman sila so I came here. And I accompanied them also" sabi niya sabay turo sa amin.

"Buti at 'di ka inaaway ng dalawang yun?" sabi ni Melanie kaya I glared at her.

"They're not what you think they are" maikling sabi ni Helium.

"HAHAHAHAHAH, kahit ganun ang dalawang yun, they're popular because of their beauty and their smart brains" natatawa ng sabi ng professor. "Here is your key for your dorms and lockers. Andun na sa lockers niyo ang kakailanganin niyo, your uniforms, P.E. uniforms, schedule, laptops at iba pa."

Tinanggap namin ang iniabot niyang susi sa amin. Dorm mates kami ni Flynn kaya convenient para samin kasi we knew each other ever since kaya no need for adjustments. Pumunta kami sa lockers namin and opened it. Andun na nga ang lahat ng kailangan namin. New students pa naman kami kaya it's fine kung bukas na kami mag uniform.

"Wow. I will totally love this school. So fancy, from the uniforms and the laptops. Galante! So far, so good" masiglang sabi ni Melanie.

"Anyways, ba't iba ang uniform mo sa amin?" tanong ni Melanie kay Helium kaya napatingin din kami sa kanya.

Ang design ng uniform namin ay white ang inner long sleeve at may coat na black tapos may logo patch sa left chest side and ang lower part ng patch ay ang metal name plate pin na bronze ang color, gray tie, gray slacks and black leather school shoes. Ang kay Melanie naman, white inner long sleeve na dapat i-tuck-in, black coat na may logo patch sa left chest side and ang lower part ng patch ay metal name plate pin na bronze ng color, gray tie, gray thigh-leveled skirt, gray above-the-knee socks and black leather school shoes. And yung kay Helium, same design but different in color. Instead of white inner sleeve, his is gray, and the rest, the coat, tie, slacks and shoes are all black, tapos ang, metal name plate pin niya ay silver. I like his uniform.

"Our uniform are indeed different from yours since iba ang classes natin. We are in a special class called Optimum Sectione, Latin word for excellent class. I'm Cathleah Perez, Leah for short. I'm the student's council vice-president." sabi ng isang babae at lumingon ito sa gawin ni Helium.

"Chescca was looking for you, they're in their usual place"

"A'right, gotta go" sabi ni Helium at agad na umalis.

"Wow, your uniform is even beautiful than ours!" masayang saad ni Melanie.

Ang kanya, same design din kay Melanie but the inner sleeve is gray at naka tuck-in sa black knee-leveled skirt. The coat, tie, socks and shoes is black, too. Ang metal name plate pin niya ay silver, same as Helium's.

"You'll even like the uniform of Ace. Pero madalang lang maguniform ang mga yun kaya mahihirapan kang makita ang uniform na yun." nakangiting sabi ni Leah.

"Ace?" takang tanong ni Flynn.

"Isang grupo ng mga estudyanteng magagaling, matalino, mayaman, sikat, maganda at gwapong nilalang sa paaralang ito. There are seven members in the group at ang pitong yun ay pasok sa Optimum Sectione. It is a special class. There are only eleven slots available in that section but the nine seats are already occupied. So currently, only two available chairs at hindi madaling makuha ang mga upuang yun." mahabang explain ni Leah.

"Since wala pang klase, let me tour you around, let's start in the cafeteria" sabi niya habang ginuide kami patungong cafeteria.

Just as we arrived in the cafeteria, we heard a loud laugh from the group sitting in the middle of the cafeteria. Ang saya nila tignan.

"That's the group I just told you. That's Ace." sabi niya at umupo kami sa table malapit sa grupong Ace.

"That guy in a serious face, that's Kyle Turner. Ang pinakamatanda sa kanila, he's twenty-one. He is in the second from the highest rank." sabay turo dun sa lalaki.

"The guy beside Kyle from the left, the childish one is Crimson Barrett. Childish but not the youngest. He is in the seventh rank. He's twenty years of age."

"Next to him is Nathalie Evans, she's childish, too. She's like in a relationship with Crimson but they're not. Sixth placer. She's also twenty years old."

"Beside Nathalie is her twin Nathaniel Evans, the playboy and a chick-magnet. Nathalie and Nathaniel are called "The Evans". He's in the fifth place. "

"Beside him is Alliyah Morgan, the second serious of the group but a little clingy whenever she's with Chescca. She's friend with Chescca and they are rivals, too. Silang tatlo nila Chescca ang makasama with the guy next to her, he is Xavier Lewis. Alliyah is in the third place and she's nineteen."

"Xavier Lewis, an average man, too. Nakikitawa but most of the time serious. He is in the fourth rank and twenty year old"

"Last but definitely won't be the least, the Princess in between the two Prince is Frenchescca Voughn."

"Wait" biglang sabi ni Melanie kaya napatingin kami sakanya. "Voughn?"

"Yep, she's one of the Voughn siblings, the youngest and a daughter of this school's owner. The coldest and most dangerous among them all. Nagsasalita yan pero madalang lang. She's the leader of Ace. And she's the youngest of the group, too. She's only Nineteen but her power is more than anyone else's. She's close with Xavier the most and everyone knew that Kyle liked her. She's in the highest place ever since she transferred here. Kahit isang hawak sa hibla ng buhok niya, 'di mo na gugustuhin ang mangyari. She is a troublemaker, actually, they are all are. The most iconic yet na ginawa niya ay yung nilagyan niya ng super glue ang iinuming kape ng dating administrator. And who knows baka bukas sisante na yung current admin. At kahit ganyan siya or sila, they're the best among the rest."

"So that Chescca is really scary?" tanong ni Flynn.

"Behind those beautiful face of her is a demonic personality. She's like a demon pretending to be an angel."

"Then, I will beat her!" Melanie proudly exclaimed.

"You can not, you should not and you wouldn't want it to defeat her." iling na sabi ni Leah.

"I can, and I'll prove it to you" Saad ni Melanie

"HAHAHAHAHAHAHA, we'll see about that." natatawa ng sabi ni Leah but behind her laugh, I can sense that she's being sarcastic.

"Yang papalapit sa kanila, that's Helium Laurel. Chescca's cousin and in top eight" papatuloy ni Leah.

Biglang tumayo ang grupo nila at naglakad patungo sa side namin, since malapit lang samin ang pintuan sa cafeteria. May inabot si Xavier kay Alliyah na isang styro-packed. I bet it is a food. Akala ko aalis na sila but they stopped right in front of our table. Inabot ni Alliyah ang food kay Leah at nag smirk.

"I didn't know you were a tour guide now, miss vice-pres" natatawa ng saad ni Alliyah.

"HAHAHAHAHA, kailangan eh" natatawang response ni Leah unlike her laughs before, this time it sounded real.

"Baka nakakatakot ang introduction mo about sa amin ah" Crimson said.

"'Di ah, ayos nga eh" response ni Leah.

"Eat that" Chescca coldly said.

"Thanks, and by the way, Miss Voughn, this lady across me wants to steal your position as number one, she's Melanie Reyes, this is Flynn Rodriguez and Drew Montefalco" pakilala ni Leah.

Parang nabigla saglit si Alliyah sa sinabi ni Leah. I don't know which part but nabigla siya. Pero bumalik ulit siya sa dati.

"HAHAHAHAHAHAHA HAHAHAHAHAHAHA HAHAHAHA" tawanan nila, even Leah laugh pero 'di tumawa si Kyle at Chescca but she smirked.

"Can't wait" and she winked at Melanie at umalis na sila.

"Ba't mo sinabi?" sigaw na tanong ni Melanie.

"And I'm Cathleah Perez, their unofficial member but can fight, and in ninth place. Not the highest but very-well contented." natatawang sabi ni Leah at tumayo na kaya tumayo din kami.

"Here are your print-outs of your class schedules" sabi niya at binigay sa amin ang papel na may schedule namin.

"Since same lang ang class niyo today, sasabayan ko na kayo sa classroom niyo"

Naglakad kami papunta sa may hagdanan at nagsimulang umakyat. Nasa fourth floor ang room namin at nasa ground floor naman ang cafeteria. Nang dumating kami sa fourth floor biglang huminto si Leah kaya huminto na din kami.

"This will be your classroom. And that classroom across yours is Optimum Sectione, our classroom. This is my number, call me when you have queries or concerns. Whole day kaming free ngayon since we are a little advance from the rest kaya just call me. Ipagpatuloy natin ang pagt-tour sa school. This school is quite big so it will take time to fully tour around."

Tumango lang kaming tatlo at umalis na siya. Pagbukas niya sa room nila, maririnig agad ang ingay nila.

"Soundproof" maikling sabi ko.

Pumasok na kami sa classroom namin at umupo. Sa pinakalikod kami umupo at ako ang pinakamalapit sa pintuan. Melanie sat beside me and Flynn sat beside her. Glass ang side ng room namin, just like Optimum Sectione kaya visible talaga kung ano ang nasa loob.

I took a glance to Chescca who was sleeping in Kyle's shoulder habang ang iba tinutukso sila. At nakisali din si Leah sa kanila at kumukuha ng litrato na para bang photographer at tumawa. Glass board, air-conditioned, individual desks at sa bandang likuran ay lockers. I guess, ang arrangement nila ay nasa pinakalikod ang nasa highest rank at nasa unahan ang low rank. From the back, two-three-three-three ang arrangement nila, the two in the highest rank are at the back, that's Chescca's and Kyle's seat.

Biglang may binulong si Leah kay Helium na katabi lang niya at tumayo si Helium at lumapit sa harapan. Nabigla ako nang tumingin silang lahat sa akin except Chescca na natulog. Nakangiting kumaway si Leah sa akin kaya agad akong napaiwas ng tingin. Because of awkwardness, tinignan ko na lang ang schedule ko. 'Di ko naman alam na mapapansin nila ako. I looked at the front, and nakita ko sa peripheral vision ko na black na ang wall ng room nila. Wow! Iba talaga ang paaralang ito. I'm amazed.

"Patingin ng schedule mo" sabi ni Melanie so I handed the paper where my schedules were printed. "Ah, same pala tayong tatlo"

"Good Morning, class. Zeus Garcia, your homeroom and biology teacher. Since late na naman akong dumating, you can have your free time. This subject is two hours and your next subject teacher is in her maternity leave at walang substitute, you can freely move around." sabi nung guro namin. "Especially, you three. I heard from Ms. Perez na 'di niyo pa natapos ang touring session niyo. You are dismissed"

Agad kaming lumabas sa room namin at pumunta sa cafeteria para magrecess sandali. Nag order na kami at nagsimulang kumain. I texted Leah....

To: Cathleah

Hey, it' s Drew Montefalco.

From: Cathleah

Huh?

To: Cathleah

The new student you just tour around an hour ago.

From: Cathleah

Of course, I know you. Classes time niyo pa, ba't ka nag-phone?

To: Cathleah

Early dismissal. Kaya free time namin.

From: Cathleah

Okay, be right there.

To: Cathleah

Okay

Nag patuloy lang akong kumin nang biglang natahimik ang buong cafeteria. Ace with the two student's council entered the cafeteria at umupo sa table in the middlepart of the cafeteria. I guess that's their usual place. Tumayo ang lahat ng lalaki at pumunta sa counter. Si Leah din, tumayo at pumunta dito sa table namin.

"Good thing, free niyo ngayon" sabi ni Leah at umupo sa table namin.

"Talaga bang tumatahimik ang mga tao kapag anjan ang Ace?" tanong ni Melanie

"Partly, yes" maikli niyang reply.

"Why are you looking in our room kanina?" nakangiting niyang tanong sa akin.

"I didn't" I defended my self.

"HAHAHAHAHAHA, okay. Sabi mo eh"

"Hey, Leah. Eto, pagkain mo. Yan lang andun na gusto mo" sabi ni Helium at nilapag ang pagkain ni Leah pero napahinto siya at tumingin sa amin.

"You're eating with them?" he asked Leah while raising his brows.

"Yeps, paki-sabi nalang sa kanila" Leah replied while nodding.

"'Di ka na sumabay breakfast, pati recess? Nagtatampo na si Chescca" sabi ni Helium.

"Ngayon lang naman eh, sasabay ako lunch, pramis." response si Leah.

"A'right. Ge, aalis na ako" sabi ni Helium at umalis.

"Thanks sa food" pahabol na sigaw ni Leah kay Helium.

Kumaway lang si Helium as his response. Kumain na si Leah. Agad na bumalik si Helium sa kasamahan niya. Bumalik na din ang mga kasamahan nilang lalaki at umupo. Si Kyle ang nagdala ng pagkain ni Chescca. Si Crimson naman kay Nathalie at si Xavier kay Alliyah pero binigyan naman ni Xavier si Chescca ng apple.

"Are you interested to Chescca?" nabigla ako sa tanong ni Leah sakin kaya tinignan ko siya.

"Of course not, engage na kami ni Drew." sabi ni Melanie.

"Owss? As you say so" sabi niya.

Minutes later nang ang matapos na kaming lahat ay tumayo na kami. Tumayo na din ang Ace, I guess tapos na sila. Nagsimula ng lumakad si Leah at sumunod na kaming lahat. Pumunta kami sa isang building at pumasok.

"Wow, this school is really amazing, may shopping mall!" marinding sigaw ni Melanie, she like shopping.

Most of the girls like shopping, and Melanie is not an exemption.

"Yeps, gusto kasi ni Tito William na mag-enjoy ang mga students dito, lalo na yung naka-dorm kasi 'di sila maaaring lumabas sa school." Leah explained.

"Sana kumuha ako ng dorm" nanghihinayang na saad ni Melanie.

"Too late, 'di na nag a-accommodate ang school in regards to dormitory. Kailangan, before you stepped in this school, nakakuha kana ng dorm. I don'tknow why, but yan ang condition ni Mr. Voughn," at pinagpatuloy ang paglalakad patungong stairs.

"The second floor is an event hall. Dito ginaganap most of the events. And every month may event na magaganap sa school." sabi ni Leah at pinagpatuloy ang pag-akyat sa hagdanan. Kami, taga-sunod lang. "The third floor is a bar. Lungga ng Ace minsan. Mild lang ang drinks dito since students pa tayo but for some random reasons and events, they can offer hard drinks."

"Wow, pare. Mukhang mapapadalas ang pagpunta natin rito ah." sabi ni Flynn.

"HAHAHA, wag mo 'kong itulad sayo, dre" natatawang saad ko kay Flynn.

Napansin kong laging sumusunod ang grupong Ace sa amin. Sinusundan ba nila kami? Nag patuloy lang sa paglalakad si Leah at napunta kami sa fourth floor.

"Actually, bawal kayo dito but since this is a tour, kaya okay lang. This is a restricted area for ordinary students. " sabi ni Leah.

"Pero ba't sila andito?" tanong ni Melanie sabay nguso kung saan ang Ace.

"They're not ordinary. This is our place. Dito kami tumatambay, and everything. This place is exclusively for Ace members at walang sino man ang pwedeng pumunta dito." Leah replied.

Akala ko sinusundan nila kami pero pupunta pala sila rito. They went inside the room. Nagsimula nang mag lakad si Leah pababa. I guess, the tour is over.

"So, nalibot ko na kayo. May mga lugar lang dito na bawal puntahan gaya dun sa lugar ng Ace. Ang mga babae, bawal sa dorm ng lalaki, same goes to the boys, bawal sa dorm ng babae. May forest din dito at kung gusto niyong 'di kayo mapahamak, stay out of that place. At yun lamang. Aalis na ako at kayo, go to your classes." sabi ni Leah at umalis na din.

Siguro may gagawin pa siya since vice-president siya ng SC.

This school is indeed beautiful but ang way of classifying students are too much. They are giving more to the ace students compared to the ordinary students, like the three of us. But I can understand that, maybe it's their way of telling students to work harder para makaupo sa seats the Optimum Sectione.

After our tour, the three of us went back to our classroom kasi tumunog na ang chime, hudyat na tapos na ang break namin at panimula na ng next class namin.

Unlike any other schools, ang subjects namin are still basics but the curriculum is far way more advanced.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Nang tumunog ang chime, agad na nagsitayuan ang mga estudyante para pumunta sa cafeteria. Niligpit ko ang mga gamit ko kasi gusto ko munang pumunta sa dorm. I want to see para mabili ko mamaya ang iba pang kakailanganin ko. And I know masyadong maraming tao ang cafeteria ngayon kaya mamaya na ako pupunta dun para kumain.

"Pre, punta tayo sa dorm, tignan natin" sabi ni Flynn.

Tumango ako at tumayo na sa kinauupan ko.

"Mauna ka na sa cafeteria, Mels. Help yourself, pupunta lang kami sa dorm" I said.

"Sama ako" sabi nya sabay nguso ng labi nya.

"Bawal ang babae sa boys dorm, remember?" I reminded her in case she forgot what Leah told us a while ago.

"Ah, oo nga pala, I forgot, hehe" she said while doing the peace sign with her right hand.

"Tara na"

Sabay kaming naglakad palabas ng classsroom namin ata nakasalubong namin ang Ace na kakalabas lang din ng classroom nila. Tinanguan kami ni Leah and Helium habang ang iba ay walang pake at naunang naglakad sa amin.

Hinatid muna namin si Melanie sa cafeteria. Napansin kong hindi sa usual seat umupo ang Ace. Naglakad sila sa hagdan at pumasok sa isang silid na nasa upper part ng cafeteria. May nakalagay dun na "Studenti Eccellenti" sa ibabaw ng pintuan. So I giess that is where they eat during their meals and during breaktime, dito sa usual spot nila, which is sa middle table.

Agad kaming lumabas ng cafeteria at pumunta sa dorm namin. Our jaw dropped by the time we opened the door in our room. Sobrang laki, malinis, dark monochrome ang kulay ng wallpapers. May malaking bintana na may magandang view kasi nasa fourth floor kami ng dorm building kaya makikita namin ang halos buong school, and for sure, maganda dito tuwing gabi dahil sa lights.