webnovel

Hidden Hunter

Areonne Grace Sinx grew up peacefully with her parents. she live a free like a bird life in a province. but when her 7th birthday comes, her parents decided to move with her in the city of zirpa. tto find a new life and environment But who will expect that moving in that city will change her life for Internity and starting to plant a seed of anger on her heart. Story Language: Taglish

riahmo_dgzmn17 · Fantasia
Classificações insuficientes
3 Chs

Beginning of the Chaos (1)

[ Third Person's POV ]

"Ace you shouldn't have done that" Arina said calmly to her daughter grace.

Her daughter and the mayor's son are in the same class in their town, and coincidentally, the mayor's son, Red, is a bully and his target was her daughter. but unluckily red seems to have fought an wrong opponent because Grace is worst than the mayor's son. so they are in the guidance office now.

"Paanong hindi mama? biglang may pumalo sa pwet ko at kasabay non ang pag bagsak ng mukha niya dito! " turo nito sa pagitan ng kanyang hita.

Napasinghap ang mga nakarinig sa sinabi ni Ace. napahilamos naman ng mukha ang mayor. namula naman ng bahagya ang mukha ng kanyang ina at biglang nagwala ang tatay ni grace na si Jace. ngunit pinipigilan lamang ito ng dalawang guard ng kanilang school.

"H-Hindi--awts--ko naman sadya iyon!" nauutal na pag depensa ni red sa sarili. bahagya pa itong umaray dahil sa puno ng pasa ang mukha nito at may isang malaking bukol sa kanyang ulo. samantalang si grace ay pasa lang sa labi ang nakuha.

Napakamot ng ulo ang guidance councilor "Away bata lang naman ito. hindi naman tayo pagkakaabutan sa korte diba?" Alanganing sabi nito habang naka tingin sa mga magulang.

"Anong Hin--"  naputol ang sasabihin ni jace dahil sa kanyang asawa

"Hindi na ho, tulad nga po ng sinabi ko sa iyo po mam nung nakaraang buwan at lilipat na kami sa rizpa"

Napabuntong hininga naman ang mayor "Pasensya na Mr and Mrs Sinx sa gulong dala ng anak ko sa anak niyo"

Hinawakan nito ang sariling batok na parang nahihiya "Pero gusto ko sanang bumawi sa inyo. kung pwede ay ako na ang bahala sa pag transporte ng mga gamit niyo papunta sa rizpa at ako na ang magtuturo ng leksyon sa anak ko."

Akmang sasagot ng pabalang si jace ng sikuan siya ng kanyang asawa. hindi kasi magandang umalis ng may kaaway dahil ayaw nila ng gulo bago sila magpaalam sa lugar kung saan sila nagtagal ng ilang taon. kaibigan din naman nila ang mayor.

Bumuntong hininga si Jace "Tinatanggap namin ang alok mo, pero sana ay matuto na si red sa mga kalokohang ginawa niya, Lishino"

Ngumiti ang mayor dahil sa sinabi ni jace "Yan ang di ko sigurado jace, Hindi natin hawak ang isip ng mga anak natin. pero naniniwala akong mahahanap niya ang katapat niya balang araw"

Tumango lang si Jace at hinarap si Red. nagtayuan ang balahibo ng bata ng maramdaman niya ang paraan ng pagtitig nito sa kanya

pabiro pero mahigpit na hinawakan ni jace ang isang braso ni red

"Red. inaasahan ko na hindi na kayo magkikita pa ni Ace"

"Jace!" galit na banta ni Arina

"Joke lang hehe.. pero sana magbago ka na Pula para sa susunod na pagkikita niyo ng pinsan mong si ace  ay malaman natin kung sino mas malakas manapak " ginulo ni jace ang buhok ni red at hinarap ang misis

Nabuntong hininga si lishino sa narinig dahil sa huling mga araw ng kanyang kapatid sa lugar ay nagawa pa nitong mag salita ng purong kagaguhan. hindi niya ito masakyan dahil siya ang mayor at mahalaga ang imahe niya bilang modelo sa mga nasasakupan niya, tanging anak lang talaga niya ang sumisira sa reputasyon niya.

Inis na tinignan ni red si ace "Ingat ka at It's not nice to see you cousin" Paalam nito at agad nagtatakbo palabas.

Napairap lang si Ace.

Nag ngitian naman sa isa't isa ang mga  nasa loob ng opisina

**

"Ace!" Natingin pababa si Ace ng may tumawag sa kanyang pangalan. nakasuot siya ng bulaklaking bestida at nakaupo sa nga ng puno

"Naka bestida ka tas nagawa mo pang umakyat ng puno? Ibang klase ka ah" Sabi ni Charla habang nakatingala. hindi niya kayang umakyat ng puno kaya hanggang tingin nalang siya kay ace.

"Ganon talaga" ngisi ni ace kay charla sabay kilos pababa ng puno.

"Malapit na 7th birthday mo. sayang hindi na kita makakasama non" Malungkot na sabi nito. umupo ito sa gilid ng puno.

Pinagpag naman ni ace bahagya ang kanyang damit at umupo sa damuhan "Bakit ka malulungkot? nanjan naman sina Jeni at Juliana"

Sinimangutan lang siya ni charla at ngumuso "Mamimiss kita" Biglang naluluha na sabi nito. biglang napatayo si Ace at napalapit kay charla.

"Hala--tahan na--wait chill ka lang di ako sanay mag pa tahan"

biglang natawa si charla sa sinabi ni ace "soon lilipat din sa ibang bansa mga kaibigan natin. ako nalang maiiwan dito. mukhang kailangan ko ng mag ipon para makalipat din ako. susundan kita sa rizpa"

Napaawang ng bahagya ang labi ni ace sa sinabi ni charla. ngayon lang niya naaalala na aalis din pala sa mga susunod na taon ang iba pa niyang kaibigan sa lugar na ito. 

Nginitian niya si charla at ginulo ang buhok nito at nginisian "Sige. hihitayin kita"

"Hoy!!! narito lang pala kayo!" Agad napalingon ang dalawa sa lugar kung saan nang galing ang boses.

napangiti lalo si Ace ng makita ang dalawa pa niyang kaibigan na si Jeni at Juliana na tumatakbo palapit sa kanya.

"Hindi...mo..sinabi na ngayon..hah.. na pala alis mo" hingal na sabi ni juliana

Nilapitan ni jeni si Ace at binatukan ito ng malakas "Bakit hindi mo sinabi?!"

"Aw.." dain ni ace at hinawakan ang kanyang batok dahil sumakit ito ng bahagya "Hindi naman kasi kayo nag tanong"

Napasimangot ang dalawa sa sinabi niya.

"uhm..buti nalang always ready ako. may pang picnic akong dala. mukhang ito na huli nating picnic" Sabi ni juliana at nilapag ang basket na puno ng pagkain

Napuno ng tawanan at kulitan ang buong oras na magkasama sila.

"Teka! may dala akong camera na kaya ding mag print ng letrato"  napa wow naman ang mga magkakaibigan at sinubukan ang camera.

Napangiti ng malawak si charla ng makita na pareho silang mag tiga-tigalawang litrato nilang magkakasama.

"Ace! narito lang pala kayo!" Sigaw ni arina. lumapit ito sa mga bata

"Ace. aalis na tayo" medyo hindi komportableng sabi nito sa anak. alam kasi niyang sobrang lungkot ng athmosphere  sa paligid dahil sa mga kaibigan nito

Biglang umiyak si Charla. malungkot na ngumiti naman si Jeni at pinapakalma naman ni juliana si Charla sabay punas ng bahagya sa luha nito.

"Pano ba ya? bye bye na." Sabi ni Ace at tumayo. tinitigan niya ang mga kaibigan at nginitian sila habang naluluha.

"Wag kayo ganyan. malay niyo magkita tayo sa future?" nagtanguan naman ang iba

"Oo nga naman" sabi ni jeni na nakangiti parin ng malungkot.

"Ingat ka ah?" sabi ni charla.

"Oo nga ingat ka" sabi ni juliana

Nagtayuan ang tatlo at niyakap si Ace.  "Hatid ka namin kahit hanggang sa sasakyan mong barko lang" sabi ni Jeni. tumingin si Ace sa kanyang ina. Umiling lang ito at hinawakan ang kamay ng kanyang anak.

"Mauuna na kami mga hija. naniniwala ako na magkikita ulit kayo ni ace kahit saglit lang sa hinaharap" Nakangiting sabi nito sa mga bata. nag tanguan naman ang mga ito

"Ingat din po kayo tita Arina! mame-meet ka din po dapat namin sa future kasama si tito jace!" Sigaw ni Juliana.

tumango naman ito at tinangay si Ace paalis sa lugar. nilingon sila ni Ace  nginitian

***

"Kanina ka pa tulala jan" kalmadong sabi ni Jace sa anak. naka sandal si Ace sa railings ng barko habang pinapanood ang mga tao na nagsisipag handa sa pag alis nito.

"Tingin ka may tindahan mga mga makukulit na bata don oh" nguso nito sa tindahan. napasunod naman ang tingin ni Ace don.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niya ang mga kaibigan niya na kumakaway. kumaway din siya sa mga ito.

"Bye Bye!"

"Ingat ka!"

"Mamimiss ka namin!"

Sigawan nila. "Ako rin!" sigaw niya pabalik, walang kasiguraduban kung narinig ba siya ng mga ito. pero patuloy siya sa pagkaway sa dalawa niyang braso.

Napangiti si Jace habang tinitignan ang mga bata at napatingin sa kalangitan at napaisip.

Ano kaya ang naghihintay sa amin sa lugar na 'yon?