webnovel

2nd Chapter

Charizz Point of View

Malakas kong sinipa ang pinto ng silid kung saan naroon ang pasaway na lalaking nagpatawag sa akin.

Pasigaw ko itong pinagsabihan. "How many times do I have to tell you to not summon me so casually?" Padabog akong umupo sa isa sa dalawang magkatapat na malambot na sofa. Itinaas ko ang aking mga paa na naka-krus sa isat isa sa lamesita.

Matalim kong tinignan si Khruzka sa kaniyang kinaroroonang mesa, nagta-trabaho, pumipirma ng mga papeles. Hindi niya pinapakealaman ang mainit na sinag ng araw na tumatama sa kaniya mula sa likuran. Sinag na lumusot mula sa malaking salamin nitong bintana na mayroong tatlong metro.

Kung mayroong magtatangka sa buhay ng gagong ito, siguradong hindi gaanong magiging mahirap gawin iyon dahil sa set-up ng kaniyang silid opisina.

"Khruzka! Tumayo ka diyan at isarado mo nga ang wirdong bintana, nasisinagan tayo ng araw!" Inis na bulyaw ko.

Napabuntong hininga naman siya na tumayo at hinila ang kurtina para matakpan ang aming silid na kinaroroonan.

"Galit ka na naman, Great-great-great-great-greatgrandmother."

"Ang haba, Grandmother na lang. Tsc!" Pagtutol ko sa kaniyang pagtawag na ginawa sa akin. "Ate na lang."

Mas gusto kong tawaging ate.

"Grandma." Pagpumilit naman niya.

Bwesit!

"Better." Pag-sangayon ko kahit na hindi ko parin gusto. Calling a delicate 18 year old lady a grandma is so annoying. "So, ano ngang kailangan mo? Alam mo bang muntik ko nang mapatay yung principal ng academy nang bigla na lang siyang pumasok sa classroom namin sa kasagsagan ng pagle-leksyon?"

"I haven't seen you in a while tapos atat ka agad lumayas. Wala ka na talagang pagmamahal sa mga apo mo. Parang kailan lang nung maliit pa kami lagi mo kaming dinudukot na magpipinsan." Reklamo nito na nalulungkot ang tono ng boses.

Ang layo ng sagot nang hayop!!

"Khruzka, the 'Crown Prince' should not be acting like that. Besides! You're older than me now!! For goodness sake, you're 29 years old and I'm only 18!!"

"You're over 500 years old, grandma."

Sa sobrang inis ko sa narinig ko sa kaniya, nasira ng mga paa ko ang lamesita. "Say that again?"

Nabalot ng takot at pangamba ang kaniyang mukha. Nagbitiw siya ng malalim na buntong hininga at tumayo muli sa kaniyang mesa at nagtungo sa katapat na sofa ng aking kinauupan.

Tell me what do you want already you spoiled brat.

Naging tahimik siya ng ilang segundo.

"Grandma, the North Empire is on the move." Seryoso nitong sabi sa akin.

"Ohhh...what are they planning to do?"

"They're planning to invade the Infernal Archipelago and Netherlandi Island." Sa aking narinig na rason mula sa kaniya sa pagkilos ng North Empire, hindi ko mapigilan na lumabas ang aking aura sa silid. "Grandma, you're aura... you're temper."

Those hubris idiots are planning to annihilate the displaced demons.

Ka-agad ko namang i-kinalma ang aking sarile.

"Those fools, are they really planning to exterminate the Demon Race here in Lireo Continent? They succeeded in occupying the Ogre Nation and persecuted them. Now they're targeting the Demons whose land was taken away from them by them." Inis na sabi ko. Napa-masahi ako sa aking mga kamao.

"Grandma. The Demon Concentration Camps and Barren Demon Villages, even the Demon Zoos that are located in the North Empire have terrible conditions. The Demons there are suffering from plagues, corruption, hunger and persecution. The North Empire is really trying to annihilate the entirety of the Demon Race."

The North Empire are racist towards everyone except their fellow citizens. South Empire accommodates demons in their nation but those demons are not from Lireo Continent, they are from the Laxima Continent.

"Didn't I already consult the King about what to do with the North Empire's action? What a incompetent father you have Khruzka! He should step down!"

"That's the problem there grandma, the League of Allied Countries' two members, the nation of Elves, Elvina and nation of Furnoids, Republic of Furnoidland didn't sign the 'Treaty of Northerdam City' which purpose is to relocate all the Demons to the uninhabited archipelago of Mondrague which is an autonomous territory of the Dragon Nation, Authoritative Country of Lizardia. The Dragon King himself signed the proposal of my father king Gilga in exchange for a Million Gold Coins. Elvina's reason for not signing is they want the Demons gone. Meanwhile the Furnoids have a deep grudge over the Demons hostility and brutality with them in the past."

"The current generation of the Elvina government really doesn't know anything about the demons and the impact it could cause this continent if demons will perish."

Napailing ako at nagbitiw ng buntong hininga dahil sa pagkadismaya.

"Anong mangyayari ngayon sa Mondrague?" Tanong ko. Napapikit si Khruzka ng ilang segundo bago sumagot sa aking tanong.

"Since it was already bought from the Dragons, it will become a territory of the Menil Empire."

"If the proposal went successful, what are you planning to do with the demons relocated there?"

"Father would like to create a commonwealth under the control of the Menil Empire. King Gilga will support the demons to flourish and when they are ready for independence, they will become independent and a recognized nation. Father also plans to help the demons unify their territory in Infernal Archipelago and Netherlandi Island as a Demon Federation."

"What an ambitious plan. Gilga went too far dreaming."

I do not like that stupid idea. Demons are not to be treated with care. They are all brute and evil beings.

"But isn't that what you told him to do?"

"No. Sinabi ko sa kaniyang kunin lahat ng mga demon sa North Empire at ilagay sa Menila!" Katwiran ko.

Ang Menila ay isang lugar sa Lovain Region sa Menil Empire

"But grandma, it will create conflict with our people."

Create? Menil Empire citizens can't even access the Lovain Region how will it create conflict? Young ones really are naive.

"Khruzka, Menil Empire was created for the purpose of preventing catastrophe! That's the very most purpose of Menilan Ideology, a nation open arms and create peace and united ideals and development. I won't forgive your great great grandfather for ruining my nation. He even managed to divide the united faith of the believers." Naiinis kong paliwanag. "Besides, if I wanted to safeguard those disgusting demons, I'm planning to make them humans..."

"I'm sorry. I'm still a novice royalty and weak in authority and decisions." Malungkot nitong sambit.

"No. You're fine." Tumayo ako sa kinauupan kong sofa. "Khruzka, be careful. The Menil Empire might cease to exist soon, or should I say, Lovain will no longer be a part of their territory."

Lumaki ang mata ni Khruzka sa gulat dahil sa kaniyang narinig.

Twenty years of militarization is enough.

Lovain Region is ready.

"Grandma...are planning a civil war? A revolution? With the country you created yourself?"

Yes my grandson.

"Not me, and whoever does it, I'll support them. The Menil Monarchy was corrupted 200 years ago, my bloodline has fallen and it is rightful that you'll be the last King coming from this royal family." Paliwanag ko sa kaniya.

I directed my anger on the two nations that opposed my plans.

Elvina and Furnoids, you need some fixing in your systems.

"I'm going out of the country for a while. Listen to my warning my cute grandson. The reason the North Empire is trying to rash the extermination of Demons is because they are pissing off the Menil Empire. They see this country as their rival and wanted to win the competition only they recognize. They are overconfident that their Physical Deity is a doting Deity spoiling her annoying children by spawning dungeons everywhere in the North Empire. This is the very reason that they manage to destroy their former neighbors including the former demon nation to expand the North Empire. Those dungeons are full of resources that provide the power for the North Empire."

"Grandma, are you planning to stop the invasion of the Infernal Archipelago and Netherlandi Island?"

"Yeah, why did you ask?"

"I like to tag along!"

Nainis ako sa narinig ko sa kaniya. Linapitan ko siya at binatukan.

"I will not permit you!" Mariin kong pagtanggi.

Pabagsak kong isinarado ang pinto at naglakad paalis sa palasyo.

Nakatingala akong naglakad at inisip ang hakbang na gagawin ko.

It's been almost six centuries. I've been preventing catastrophe for almost six centuries in this continent.

Hindi ko obligasyon ang kinabukasan ng kontinenteng ito. Hindi ko problema kung magkaroon ng mga digmaan at gulo. Subalit sa lagay na mayroon ako, wala akong pagpipilian. Sa kalagayan ko ngayon, kalagayang bagot na bagot sa kung anong gagawin. Sa kalagayan kong walang paraan na magagawa kung hindi ang patuloy na mabuhay. Patuloy akong paglilipasan ng panahon ngunit hindi ako mawawala. Isang buhay na walang katapusan, isang sumpa ng pagdurusa at pangungulila.

Sumpa na hindi ko inaasahan na mangyayari sa akin. Sumpa na dulot ng aking mga sakripisyo para sa mga mahal ko at dala ng responsibilad noon. Walang katuturan na habang buhay, walang patutunguhan na walang katapusang pananatili.

I cannot be killed, I cannot be sealed. I'm physically immortal and my spiritual aspect is protected by a barrier that I don't even want to activate but I cannot remove it. No one can break it, no one can end me. It is my only means to die but it still cannot be destroyed.

Only the Spiritual Deities can kill me but they are not here in the physical world. I crossed multiple realms to look for them but I just can't find them. They are nowhere to be found and only them know where they are.

*****

Nagtungo ako sa Infernal Archipelago. Inabot ako ng ilang minuto gamit ang teleportation magic. Nandito ako ngayon sa Infernal 1 Island. Naramdaman agad ng mga demons ang presensiya ko sa isla kaya mayroong lumapit sa akin.

Maraming demons ang lumapit sa akin at lumuhod sa lupang basa at maputik. Kapansin-pansin din ang mga patay na mga punong nakatayo kung saan ang ilan pa nga ay nangingitim.

"Huwag niyo po kaming paslangin, makapangyarihang Deity!" Pagmamaka-awa ng mga ito sa akin.

"Wala akong gagawing pananakit sa inyo." Pagbibigay ko ka-agad ng saloobin. "Pumarito ako para tulungan kayo. Sasalakayin kayo ng North Empire. Ang Imperyong umuusig sa inyo ay plano kayong tapusin lahat."

"Hindi. Bakit ganon sila kasama?"

"Ang mga tao...tatapusin tayo..."

"Ang sabi nila'y hahayaan nilang mabulok ang aming lahi sa mga islang narito. Bakit nila babaliin ang kanilang pangako? Bumagsak na ang aming bansa, nawala na ang aming mga lupain at pamilya."

Ang mga demon, lahi ng mga nilalang na nahahati sa apat na tribo. Ang tribo ng mga Red demons, Yellow demons, Blue demons at ang pinaka-kinasusuklaman ko sa lahat ang Rare demons.

Ang mga Red demons ay mga demon na mayroong kulang pulang balat at pula rin ang kanilang mga buhok. Sila lamang ang demon tribe na walang buntot ngunit mahaba at matulis ang kanilang ilong.

Ang mga Yellow demons naman ay kulay dilaw ang balat ngunit iba iba ang kulay ng kanilang buhok, maaring itim, maaring pula o kaya'y kulay brown. Kulay itim ang kanilang buntot kung saan sila ang demon tribe na mayroong pinakamahabang buntot na aabot sa dalawang metro.

Ang mga Blue demons naman ay mayroong kulang asul na balat. Kulay asul din ang mga buhok nila ngunit may ilan sa mga ito ay mayroong kulang berdeng buhok. Maiksi lamang ang mga buntot ng mga ito na aabot lamang sa haba na 6 pulgada.

Ang mga Rare demons naman ay ang pinaka-kasuklam-suklam sa lahat. Sila lamang ang mga demon na mayroong sungay. Aabot ng hanggang anim na sungay maaring magkaroon ang isang Rare demon. Ito ang patunay kung gaano ito kalakas. Subalit, ang mga Primordial Demons ay mayroong walong sungay sa kanilang mga ulo, at si Sataniel, ang kanilang pinaka-unang hari ay mayroong Sampung sungay.

Ang katawan at ulo ng mga Rare demon ay kulay puti habang ang kanilang mga braso papuntang kamay at binti papuntang paa ay kulay itim. Matutulis ang mga kuko at buntot ng mga ito na kung saan ay isang natural na kakayahan nila ang pahabain at gamiting pang atake ang mga buntot nila sa mga kalaban.

*****

Hindi ako naawa sa kanila. Wala akong nararamdamang simpatsa sa kanila. Sila ang dahilan kung bakit nawala ang aking mga magulang. Sila ang sumira sa pag-iisip ng aking kapatid na naging katulad nilang demon.

Just by looking at their fangs makes me feel uncomfortable and wanted to show them my rage.

Sila ay mga brutal at masasamang mga nilalang noong panahong dino-domina pa sila ng mga malalakas na angkan ng mga demons. Ngayon, lahat sila mga langgam na lamang sa lupa dahil sa pagkawala ng mga Demon Royalties.

Hindi ko sila gusto. Ngunit hindi ko hahayaang mawala ang buong demon race.

Ang sumpa sa kanila ni Sataniel, ang kaniyang 'Magic Nova: Demon Race Seal'. Isang makapangyarihang spell na kapag naubos ang lahi ng mga demons na nandito sa 'Lireo Continent' ay matatanggal ang ancient seal na nakapataw sa mga Primordial Demons. Nagawa niyang ilipat ang seal ng mga taong responsable sa pagkukulong sa mga ito papunta sa mga lahi ng demons.

*****

Huminga ako ng malalim at tumingin sa direksyon ng dagat.

"Hindi ko hahayaang paslangin ang lahi niyo ng North Empire. Your extinction in this continent will bring catastrophe and destruction." Sambit ko sa kanila. Naintindihan nila ang aking sinabi ngunit hindi sila maaring magsalita ng linggwahe ng hilaga.

"Maraming salamat po." Natutuwa na sabi ng mga ito at lahat nagsipag-iyakan.

"North Empire. I need to teach you some lessons." Bumwelo ako at lumipad sa himpapawid. Nagtungo ako sa dagat.

Sinalubong ko ang mga barkong pandigma ng North Empire na malapit na sa Infernal Archipelago.

Mukhang naramdaman agad nila ang aking presensya dahil lahat ng barko ay tumigil sa pag-andar.

Ilang saglit pa ang lumipas ay bigla na lamang ako nilang pinaulanan ng kanilang mga cannon. May ilan ding mga dinamita ang lumipad sa aking direksyon.

Tinamaan ako ng mga ito.

Walang epekto.

"Fire Magic: Imperial Blast!" Nagpakawala ang ako ng malakas na pwersa ng higanteng apoy na siyang sumugod sa kinaroroonan ng mga barko.

Natunaw ang lahat ng ito sa isang tirahan lang, maging ang mga sakay nito ay nawala sa isang iglap.

Inasahan kong sa ginawa kong atake ay mayroong isang hindi gaanong mapipinsala. Mayroong isang nakaligtas sa ginawa kong pag-atake sa mga barko.

Sa paglaho ng usok, lumitaw ang kaniyang pigura. Lumipad siya patungo sa aking kinaroroonan.

"Heh...you know flight magic...impressive. I thought you were just a lucky ant that survived my attack." Pang-iinis ko rito.

Sa kaniyang paglapit ay nasilayan ko ang kaniyang kabuuang itsura. Isa siyang lalaking mayroong maliit na katawan. Kulay asul ang kaniyang buhok at mayroon din itong kulay asul na mata.

Galit na galit ang ekspresyon ng mukha nito.

"Who the fuck are you!?" Pasigaw na tanong nito sa akin.

"Why bother knowing? You're going to die anyway?"

Mas lalo siyang nagalit sa aking sinabi. Umapaw ang kaniyang aura at maya-maya ay gumamit ito ng magic.

"Assault Vehicle Magic, Magic Nova! Blietzkrig!" Pag-activate nito sa pinakamataas na antas ng spell na maaaring magamit ng isang Wizard sa kaniyang magic na ginagamit, Magic Nova.

"Kaya mo ngang gumamit ng Magic Nova. Not bad." Sambit ko.

Ilang saglit pa ang lumipas, nagkaroon libo-libong Hot-air Balloons at mga Blimps na lumipad sa ere. Nagkaroon din ng libo libong mga Golem na gawa sa bato na siyang nagsipaglangoy sa tubig papunta sa archipelago.

"Aim, for the archipelago!!" Sigaw nito.

Hindi ako ang kaniyang punterya kung hindi ang mga demons.

"Oh, you damn it!!" Nainis na sabi ko.

Nagsimulang maghulog ng mga bomba sa archipelago ang mga Hot-air Balloon at Blimp habang ang mga Golem naman ay bumilis ang paglangoy papunta sa archipelago.

"I know I can't beat you, but I can accomplish annihilating the demons in the archipelago!!" Sigaw nitong muli. Lumapit ako sa kaniya nang mabilis at sinakal ito.

No wonder I felt disbelief on the military ranks of this region. There's someone like this man in North Empire that can create an army of his own.

"Patigilin mo ang mga sasakyan at ang mga golem!" Utos ko sa kaniya ngunit hindi ito umimik. Hindi ito nagpumiglas sa pagsakal ko.

Tsk!

Mas hinigpitan ko pa ang paghawak ko sa kaniya dahilan para pumutok ito at humiwalay ang kaniyang ulo na nahulog sa dagat. Hinulog ko din ang kaniyang katawan sa dagat.

Napatapik ako sa aking noo gamit ang duguang kamay ko dahil nabalot na ng pagsabog, apoy at usok ang archipelago.

Isang napaka-lakas na Magic Nova.

Nasayang lamang sa katulad nitong Archmage na inuuto ng North Empire.

"Teleportation Magic, Magic Nova, Multi teleport!" Gumamit din ako ng aking Magic Nova sa mahika kong Teleportation. Ipinadala ko ang mga natitirang demons na buhay sa Lovain Region, sa Menil Empire.

Pagkatapos ay gumamit ako ng Gravity Magic at pinababa lahat ng mga sasakyan at ang mga golem, sa lakas ng pressure ay nawasak lahat ang mga ito.

Nag-teleport ako pabalik sa Menil Empire, tungo sa Lovain kung saan ko dinala ang mga demons na tineleport ko.

I felt regret again. I acted hubris and gave time for the enemy to make a move.

If only my power was divided, I already wiped out North Empire long ago. But I won't be able to acquire all those 3 cores for a while, especially that one core supporting the life of Veronica, the love of my life.

*****

I settled the issue with the demons I have transferred in the domain of loyalist citizens of Menil Empire, the domain of the former republic of bandits and several heinous outlaws, Lovain Region.

Masaya silang masilayan muli ako, nagkaroon pa ng dalawang araw na pagdiriwang sa lugar.

Hindi ako nalimutan, hinding-hindi ako malilimutan ng mga mamamayan doon sapagkat madalas akong bumisita sa Lovain Region.

Hindi sila maiimpluwensiyahan ng imperyo, lalong lalo na ang pamahalaan. Masasabing parte ng Menil Empire ang Lovain ngunit ang Lovain ay mayroong sarileng sinusunod na batas at pamahalaan. Kinikilala ng Lovain ang Menil bilang nagmamay-ari ng kanilang teritoryo subalit walang sinuman sa mula sa labas nito ang nakakapasok. Tanging ang hari at matataas na mga heneral ng hukbong sandatahan ng Menil Empire ang nakakapasok rito.

Strikto ang Lovain. Mayroon itong sarileng militar, ekonomiya at presidente.

Mayroong kabuuan na 14 milyon na populasyon ang Lovain.

Hindi pinapayagan ng Menil Empire na magtayo ng Recreational at Practical Academy ang Lovain, dahil inalis ito sa bisa ng batas na ipinatupad sa imperyo dalawang daang taon na ang nakalipas.

Hindi din pinapayagan ang Lovain na magtayo ng mga templo at mga monumento.

Ang kalahating nakukuha ng Lovain mula sa kanilang ekonomiya ay ibini-bigay sa imperyo.

Noon paman, hindi na sang-ayon ang Lovain na maging bahagi ng imperypo subalit mapapahamak sila sa kamay ng ibang mga karatig bansa.

dalawang daang taon na ang nakalipas, ipinatupad ang batas militar sa Lovain upang supilin ang mga malalakas na tao sa lugar na may kakayahang labanan ang imperyo at kumalas. Hindi nirespeto ng imperyo ang kalayaan na ipinangako ko sa Lovain noon.

Hindi nila kinilala ang utang na loob na ibinigay ng aking mga kaibigan para sa tagumpay sa mga labanan ng Menil Empire.

Namatay ang apat kong katiwalang mga archmages sa ginawa ng Menil Empire.

Sinamantala ng hari noon na si Lucas ang aking pagkawala at tuluyan nilang inakala na ako ay pumanaw na.

Nakabalik ako isang daan at apatnapung taon na ang nakaraan sa mundong ito matapos akong maitapon sa napaka-layong dimensyon.

Pitumpot taon na ang nakakaraan, sumailalim ako sa cold sleep.

Kinalaingan ko iyong gawin upang mas mapakalakas ko pa ang aking mana kahit na hinati ko ang aking kapangyarihan sa dalawang core. Ang isang core ay nanatili sa akin, ang isa naman ay nahati pa sa dalawang core.

Kinailangan ko ding mag cold sleep upang magawa ng aking kaluluwa na makapag lakbay sa panahon bilang isang astral projection.

Bumalik ako sa panahon 120 taon ang nakalipas, sa kasagsagan ng 3rd Continental War na sinimulan ng ambisyosong Geramana, ang bansang naka-imbento sa mga Hot-Air Balloons at Blimps na siyang nagpabago sa daloy ng digmaan.

Nagimbento din sila ng isang Pill na kung tawagin ay 'Pervvitin Pill'. Nakakapagbigay ito ng kakaibang regeneration, strength, endurance at pain remover sa sinumang mag intake nito.

Isa ito sa naging dahilan kung bakit nahirapan ang mga bansa na harapin ang Geramana kahit na walang Grand Mage at Sage Wizards ang mga ito. Mayroon silang dalawang Archmages, ang kanilang dalawang pinuno. Sina Gadwolf Kitler at Ostreyan Hitball.

Isa sa pinakanakakatakot na imperyo na nabuo sa kasaysayan ng Lireo Continent ang Gerama Empire.

Nabuo ito matapos sakupin ng Geramana ang Lyndon. Pagkatapos maging ambisyo, sinalakay nila lahat ng bansang kanilang katabi. Nagawa din nilang agawan ng ilang bahagi ng mga teritoryo nito ang bansa ng Lizardia at Menil.

Kung hindi sana sinalakay ng Geramana ang North Empire at South Empire, hanggang ngayon ay mananatili ang kanilang imperyo.

Nagawa nilang sakupin ang Dwarfa, Ferdilyn, Thunderry at Spezia ng buo.

Sa pagbabalik ng aking astral projection sa panahon na iyon, natuklasan ko ang mga nakakatakot na mga teknolohiya na kanilang inihahanda para sa digmaan.

Marami ding mga makabagong kaalaman at mga planong proyekto para sa lipunan.

Hindi ito naisakatuparan dahil sa pagbagsak ni Kitler sa kamay ni Lovermir ng Menil Empire at kinailangan ni Hitball na depensehan ang napalibutan na Geramana. Napuwersa si Hitball na sunugin ang lahat ng mga blueprints ng mga teknolohiya na kanilang plinano ni Kitler.

Maging ang mga baril, imbensyon na ginawa ni Hitball kung saan gumagana ito gamit ng isang bala na hindi gawa sa magic. Pamilyar ang mga tao sa mga baril dahil isa itong kilalang offensive magic. Ang Gun Magic ang isa sa mga pinaka-pinagtututukan na magic sa mga military academy.

Sa sobrang napakalaking peligro na dala ng mga baril sa Lireo Continent, dalawampung Demigods ang nag-cast ng isang spell na siyang hindi makapagpapahintulot sa kahit sino na makaimbento at gumawa ng pisikal na baril.

Malas lamang nila, I happened to exist, a Spiritual Deity who refuses her 'Ascension Festival'.

'I don't want to be and act like a god, I'm just a human being. Born with power but I'm previously mortal. I will do what I can and what I want and what I need to do, maybe that way, Spiritual Deities will notice me and descent here in the mortal world to end this misery of mine.'

Ninakaw ko ang lahat ng ideya na mayroon ang dalawang dating pinuno ng Geramana gamit ang aking memory magic.

Hanggang sa 20 taon ang nakakalipas, gumising ako mula sa aking cold sleep, dala ang mga lihim na teknolohiya ng Geramana Empire.

Dalawampung taon. Dalawampung taon akong nag eksperimento, nanaliksik at nangalap ng mga materyales na kakailanganin nang palihim kaakibat ang mga mapagkakatiwalaang mamamayan ng Lovain.

Unti-unti kong ibinalik sa ayos ang Lovain, kahit na nawala ako mahabang panahon, kahit na ibang mga tao na ang aking nakaharap, nakilala nila ako at tinanggap.

Nahirapan din akong ipakilala ang aking sarile at patunayan sa aking mga kamag-anak na ako ang unang reyna ng Menil Empire.

*****

Itatago ko ang 300 na nakaligtas na mga demons sa kabuuang bilang nilang 14 milyon na nagsiksikan sa isang '5,000 square kilometers' na archipelago.

Tunay na napaka-lakas ng Magic Nova na ginamit ng lalaki na iyon. Tiyak din akong buhay pa ang taong iyon. Ilang beses ko nang nasilayan ang magic na iyon ngunit sa tagal na panahon kong hindi iyon nakita ulit, nabigla ako at hindi nagawan ng hakbang para hindi siya hayaang makatakas.

Isa siyang 'Multi Magic Wielder'. Ang kaniyang pangatlong magic na ginamit upang makaligtas sa akin ay ang 'Doppelganger Magic'.

Isang magic kung saan makakagawa ng kaparehong buhay na katawan ng sa iyo. Magagawa mong makalipat sa katawan na ginawa mo kung ang original mong katawan ay mapaslang.

*****

Mananatili sa ilalim ng proteksyon ng Lovain ang mga demons. Hindi ito maaaring malaman ng Menil Empire.

Nagpadala na rin ako ng isang daang libong sundalo ng Lovain sa Netherlandi island na isla ng mga demons na sasalakayin din ng North Empire. Dalawang daan sa mga sundalo na ipinadala ko ay mga Holy Knight.

Isa itong mataas na ranggo ng isang sundalo. Ang mga Holy Knight ay mga Wizard na mayroong ranggong High Magus o higit pa.

Habang ang ibang mga sundalo naman ay mayroong ranggong Knights na ang Wizard ranks ay Elder Magus hanggang Great Magus.

Ipinagkatiwala ko na sa kanila ang Netherlandi Island.

Lahat sila ay armadi ng pisikal na baril. Isang baril na higit pang mas epektibo sa baril na nagawa ng Gerama Empire. Isang baril na kayang tumira ng 20 na bala bago muling mag-reload. Ang mga baril na ginamit ng mga Geramanans noon ay tatlong klase lamang. Isang Sniping Gun na kayang tumira mula sa malayo, isang bala tapos reload. Ang isa pang baril ay ang Pistol Gun. Kaya nitong bumaril ng hanggang walong beses bago ulit mag reload. At ang pang huli ay ang Shot Gun na mayroong dalawang sabay na balang ibabaril kung saan kailangan magreload ulit pagkatapos.

Kargado din ang aking mga sundalo ng mga granada at smokebomb. Mga uri ng bomba na mas epektibong gamiting keysa sa dinamita. Hindi mo na kailangang sindihan ang isang granada para sumabog ito.

Upgraded din ang mga transport boats na sinakyan ng mga sundalo. Gawa ang mga ito sa bakal hindi sa kahoy, hindi na din kailangan ng mga layag ng mga ito dahil mayroon itong makinang nagpapaandar rito.

Sa gagawin ng mga sundalo sa Netherlandi, babaguhin nito ang mundo ng militarisayon sa Eastern Region.

Minsan, naiisip ko na napaka-halaga ng utak na mayroon sila Hitball at Kitler, sinayang lamang nila sa kanilang ambisyong imperyalismo.

Babalik muna ako sa academy para lambingin si Veronica, my Veronica my love so sweet.

To Be Continued.

*****

(Note: Additional Info about these two important characters)

The Geramanans' Two Emperors Magic Abilities

Gadwolf Kitler

Wizard Rank - Demigod Wizard

Wizard Type - Multi Caster

Magic Abilities

• Godly Alchemy - Magic Nova; Supreme Chemical Creation

• Marionette Master - Magic Nova; Extreme Puppeteer

• Charisma Magic - Magic Nova; Mass Adoration

• Hail Tactician - Magic Nova; Glorious Warfare

• King Aerodynamic - Magic Nova; Spiritual Pilot

• Tamper Magic - Magic Nova; Absolutely Loyalty

• Bomb Magic

- Magic Nova; Brilliant Detonation

- Nuclear Physique

• Physical Enchantment - Magic Nova; Superhumanity

Ostreyan Hitball

Wizard Rank- Archmage Wizard

Wizard Type - Multi Caster

Magic Abilities

• Godly Engineering - Magic Nova;

-Absolute Engineering

-Perfect Blueprints

-Mechanical Engineering God

• Architecture King - Magic Nova; Super Architecture

• Technology King - Magic Nova; Hyper-Tech Modernization

• Chemical Weaponry - Magic Nova; Chemical Destruction

• Inventor - Magic Nova; None

• Estate Developer - Magic Nova; None

• Supreme Economist - Magic Nova; Genius Trader

• Motivation Magic - Magic Nova; Truth Aspiration

• Metal Magic - Magic Nova; Metal Production

• Governor Magic - Magic Nova; Perfect Dictator