webnovel

Her Inexorable Past

Skye Erin Claveron, an unfortunate woman who died exactly on her birthday. But what if she lived again? Will she succeed in altering her past?

Ellywrites_ · Fantasia
Classificações insuficientes
12 Chs

Chapter 5

Before anything else, I just want to remind all of you that:

This is a work of fiction. Unless contrarily indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual individuals, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Happy Reading!

——

"I'll help you, as much as I can..." I whispered to myself while combing Bianca's hair. He told me that he works under the National Police Association under the Domestic Crimes Unit.

"Ate, ano pong sabi niyo?" Tanong nito sabay harap sa akin. Sinusuklay din niya ang manikang hawak habang nakataas ang isang kilay.

I shook my head "Ang sabi ko, ang ganda mo." I tried to suppress the inquietude in my face.

"Thank you, Ate! But you're more beautiful!" She chuckled.

Aba, sanay na mang-uto. Tumayo na ako saka hinila ang school bag nilang dalawa ni Caden. Ako na ang naghahatid sa kanila dahil wala akong dapat pagkatiwalaan, sa paraang 'yon mas mapapanatag ang kalooban ko. Mabuti na lang talaga at malapit na ang bakasyon nila.

Nilagay ko na sa compartment ang mga bag nila habang pinaupo ko sila gitna.

"Fasten your seatbelt!" I instructed cheerfully.

Naaninag ko si Caden kung paano nito tulungan ang kapatid. Sana ganiyan sila hanggang sa huli, nagtutulungan.

"Baka ma-busy na ako sa mga susunod na araw ha, aalagaan naman kayo ni Manang kapag wala sila Mommy." Aniko na sabay naman nilang tinanguan.

"Saan ka po pupunta?" Caden asked then he lifted his brows.

Sinilip ko ito sa rearview mirror "M-may kailangan lang ako asikasuhin. Never talk to strangers, okay?" They both nodded again.

Hinatid ko na ang mga bata sa pribadong paaralan nito. Paulit-ulit ko silang pinaaalalahanan na huwag kakausap sa taong hindi kakilala. Susunduin ko rin sila sa mismong pagpatak ng alas kuwatro y media.

Ngayon, kasalukuyang nagmamaneho ako patungo sa opisina ni Cole. Hindi naman sa umaasa pero malaking bagay na talaga kung matutulungan niya ako.

"Good afternoon, ma'am." Bungad na sabi ng guwardiya, may ngiti sa labi nito habang may hawak-hawak na pandesal at kape.

I greeted him back "I'm here for Mr. Velasco—"

Suddenly, I heard a baritone voice behind me.

"Looking for me?" Naka-ngiting aso nanaman ito dahilan para agad akong kilabutan.

Masyado ng laos ang galawan niya.

"Welcome back, sir! Napaaga yata ang balik niyo?"

Nag-senyasan pa ang dalawa sa hindi ko maintindihang paraan.

"Kaya naman pala, sige sir! Pag-igihan niyo ang pangchi-chix—ah este pagtatrabaho."

I stood up straight without any emotions in my face, baka isipin nito na gustong-gusto ko siya makita. As if naman, nandito lang ako para magpatulong wala ng iba.

"Sa taas tayo," Usal ng binata. Sinundan ko ito hanggang third floor. I pressed my lips together in irritation. Why did I even wear my stiletto?

Nakahinga rin ako ng maluwag nang buksan na nito ang pinto ng opisina niya. It's odd, does everyone who works here have this huge and luxurious office?

"Maupo ka muna," Sambit nito sabay turo ng sofa sa may gilid. Medyo nahihirapan din ako kaya sumunod na lang.

Binuksan nito ang aircon saka may kinuhang pares ng tsinelas sa ilalim ng mesa.

I raised a brow when he came near me, nilapag nito sa harapan ko ang pares ng tsinelas. "Suotin mo, hindi ka naman kasi dadalo ng fashion show nag takong ka pa." There was a hint of playfulness in his voice.

I narrowed my eyes "Hindi naman ikaw yung nagsusuot." I crossed my arms over my chest.

"Just wear it." He murmured then sat down at his navy blue swivel chair.

Minutes have past but I still do nothing. Palihim ko lang siyang tinatapunan ng tingin dahil seryosong-seryoso ito sa harap ng computer.

"Finally!" Narinig ko ang huling pag-pindot nito sa keyboard, mukhang tuwang-tuwa.

I found it intriguing that's why I stood beside him. Nang harapin ko ang computer hindi ko rin naman maintindihan ang mga nakasulat.

"Aren't you happy?" He exclaimed.

"W-What?"

He shook his head "I just found the man who's following you!" Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko saka tinuro ang mga numerong nasa screen.

Plate number

Natigil kami sa pag-uusap nang may biglang pumasok na lalaki. Mukhang magkasing edad lang sila ni Cole.

I found him attractive but Cole on the other hand is more handsome. Wait—did I just compared the two of them? Very wrong.

He smirked "New girl, huh?" Kumunot ang noo nito tila sinusuri ang mukha ko. His facial expression suddenly changed. "Wait, your Skye Erin? The model?" Pumasok na ito ng tuluyan saka nilabas ang cellphone sa bulsa.

"Pwedeng magpa-picture?" I nodded. Inayos pa nito ang sariling buhok bago tapunan ng tingin si Cole. "Pre, ikaw nga ang kumuha samin."

Nakakunot na ang noo ng binata. Marahas nitong kinuha ang cellphone.

He started to count "One...Two..."

Hindi pa natatapos ang bilang binalik na nito ang cellphone na hawak sa katabi ko. What's with him?

"Pre hindi pa tapos, yung nakaakbay naman." May ngiti sa labi nito tila tuwang-tuwa.

"Fine," he started to count again, ngunit kagaya kanina hindi rin nito tinapos ang bilang.

"Anyway, I'm Basti! Nice to meet you." He extended his arms a hint for me to shake it.

"Nice to meet you too!" I smiled.

Tinaas ni Basti ang kanang kamay saka kinamot ang taas ng ulo para bang nahihiya ito sa planong sabihin. "Can I get your number?"

"Out!" I was startled with the sudden exclamation of Cole, "Can't you see we're working?"

"Chill ka lang, pre." Mukhang hindi ito nagulat sa reaksiyon ni Cole, habang ako'y gulat pa rin. Ayoko talagang nakakarinig ng sigaw o hiyawan. "Goods lang tayo," Basti looked at me, "see you around!"

I bobbed my head. Nang lumabas ito tumabi na agad ako kay Cole na seryoso pa rin ang mukha. I'm still panicky with the sudden loudness of his voice but soon recovered.

"Ano na ang gagawin natin?" I asked.

"We need to meet Mr. Marcello, he can track this car." He stated.

Tumango lang ako tila wala sa sarili.

"Are you hungry?" That came out of nowhere.

Natagpuan na lang namin ang aming sarili na kumakain sa isang Italian restaurant.

I ordered macaroni & cheese while he selected lasagna and spaghetti.

"Can you smile?" I told him, he's still wearing that stoic face since we came.

"Kiss muna," He muttered like a child.

Imbis na tumalima idinampi ko ang mukha ko sa pisngi niya. It's no big deal, lagi rin naman akong nakikipag beso-beso sa mga co-models ko.

"H-hey!" He exclaimed.

Pa-inosente ko siyang hinarap "Bakit? Am I good at following orders?" I winked.

He troubled to maintain eye contact, nakayuko lang ito tila may malalim na iniisip. I laughed out loud when I saw him blushed. Syempre, hindi naman ako gano'n kasama para asarin pa siya lalo.

"I like that playful side of you." He grinned while I avoided eye contact. That's not even half of my naughty side, though.

Naglakad na kami palabas ng resto. May naramdaman nanaman akong nakamasid samin kaya hindi ako makampante. Napansin ko rin na naging mapagmasid si Cole.

"Just act cool, I'll catch him." He whispered, "when you reached that corner, turn left." He continued, nakaturo ito sa kanto na malapit saamin.

I slightly nodded my head, not looking at him. Kagaya ng napag-usapan sinunod ko ang sinabi nito. I heard a low-ptched noise from behind. pasimple ko itong nilingon.

It's him

Mabilis lang ang pangyayari, hawak-hawak na siya sa magkabilang braso ni Cole. Madiin ang pagkakahawak nito dahilan para mapaigik ang lalaking kaharap sa sakit.

"Who are you?" I shouted.

I gasped when he even managed to laugh. "Don't even bother asking." The man in front of us stared at me for a second. I shivered in fear, dahil may laman ang mga titig nito.

"You're one of us!" Tumawa ito ng nakakaloko na mas nagpadagdag sa kaba ko.