Chapter 25: Ang pagbabalik
SHAKIRA P.O.V
Wala na 'kong nagawa nung bigla na lamang akong tanggalan ng tali at hilahilain na para bang isang alagang aso ni Lucas.
Wala akong ideya kung saan kami pupunta at wala rin akong balak pang magtanong一Para saan pa gayong alam ko naman na kung anong bagsak ko run.
Humigit isang buwan na matapos akong ikulong na para bang delikadong tao ng lalaking itinuring kong kaibigan.
At sa isang buwan na 'yon ay halos sumakit ang buong katawan ko sa araw araw nilang pagpapahirap sa'kin; Naroon ang tutuluan nila ako ng tubig ng kandila sa buong katawan na ilang beses akong napasigaw dahil sa sobrang sakit.
Meron pang mga araw na nilalagyan nila ng alcohol ang bawat sugat na natatamo ko sa pangbubugbog nila.
At ang huli sa lahat ay ang malalang pambububugbog sa'kin nitong mga nakaraang araw. Gumagamit na kasi sila ng mga armas na siyang ilang beses na binawasan ang dugo ko sa katawan na 'to.
Pero walang mas sasakit pa don一 ang dami ko nang napagdaanan at niisa ron ay parang normal na sakit na lamamg.
Munit nakakapagtakang iba ibang tao ang nakakasalamuha ko bawat araw. Iba't ibang tao ang nagpapahirap sa'kin araw araw. Ang mas nakakapagtaka pa'y tuwing may pumapasok na mga lalaki sa kwarto'y agad ding lumalabas si Lucas na para bang ayaw niyang makita ang gagawin nila一 na para bang pinagkakatiwala na nya sa mga lalaki ang pagpapahirap na gagawin sa'kin.
Gayon pa ma'y gusto kong matawa ng malakas tipong rinig sa buong bahay na ito. Gustong humalakhak ng todo dahil bagaman ganun ang ginagawa niya sa'kin ay lagi naman niya akong pinapakain ng masusustansyang pagkain. Hindi ko nga ginagalaw munit siya mismo ang nagsusubo sa'kin nang papilit一 halos matanggal ang panga ko sa araw araw niyang pagpipilit sa'king buksan ang aking bunganga.
Gusto ko mang magmatigas ay wala na kong magawa gayong pagod na ang buo kong katawan at wala na rin akong lakas makipagtalo pa.
Ngayon naman ay naglalakad kami sa maluwag na hallway patungo sa isang malaking pinto. Sa totoo lang ay hindi ako mukhang pinahirapan dahil agad naghilom ang mga sugat ko.
Para lang akong isang babaeng puyat at naka-drvgs dahil sa nangayayat ako. Isama mo pang malaki na ang maletang dala-dala ng mga mata ko.
Napatingin ako kay Lucas na nasa harapan ko. Hindi siya kailanman lumingon o maski ang titigan ako simula pa kanina. Bumaba naman ang tingin ko sa magkahawak naming kamay; Kung hindi mo alam ang nangyayari ay siguradong iisipin mong normal lang kaming magcouple pero kung titignan mo ng mabuti'y makikita mo kung gaano kahigpit ang hawak ni Lucas sa kamay ko na parang mababali na.
Walang ganang tumingin ako muli sa daanan. Halos pare-parehas lamang ang nakikita ko sa bawat daan na tinatahak namin sa bahay na 'to.
Puros painting ng isang pamilyang hindi ko naman kilala.
Gaya ng inaasahan ko ay huminto kami sa dulong pinto. Saglit pang huminto si Lucas at buti nalang ay napahinto rin ako agad kung hindi'y mauuntog ako sa malaki nitong katawan.
Muli akong napabuntong hininga at napatingin na lang sa lupa.
"Lalabas tayo. So behave yourself" pagkatapos nyang sabihin iyon ay wala siyang galang na hinila na lamang ako na muntik ko pang ikahulog sa hagdan一mabuti na lamang at nabalance ko agad ang katawan ko.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait. Lalo na nung masilawan ng matirik na araw ang maputla ko nang balat.
Muli kong naramdaman ang preskong hangin na tumama sa buong katawan ko. Hindi ko maiwasang mangilabot at malungkot.
'kung nag-isip lang ako ng mabuti ay hindi na dapat ako narito.' aniko sa isip bago muli na namang bumuntong hininga.
Pumasok kami sa sasakyan niya. Halos mabingi ako sa katahimikan pero hindi ko na iyon pinansin pa.
Kung sana lang ay gaya pa kami ng dati ay siguradong hindi ito magiging ganito katahimik. Madaldal si ang dating Lucas sa akin noon, halos hindi siya titigil sa pagsasalita.
Pero kabaliktaran na ngayon..
Muling namuo ang luha sa mga mata ko kaya tumingin ako sa bintana upang pasikretong pahiran iyon.
'Accept it already shakira. Your Lucas is now gone.'
Hindi ko na namalayan kung gaano katagal ang byahe. Basta nakatulala lang ako sa kung saan hanggang sa bigla na lamang tumigil ang kotse.
Napatingin ako sa labas at halos manuyo ang lalamunan ko nang mapagtanto kung nasaan kami ngayon..
Natinag lang ako nung biglang bumukas ang pinto ng kotse at mabilis akong hinila palabas na dahilan kung bakit nauntog pa 'ko sa bubong ng kotse nya.
Tinignan ko sya na walang mababasang emosyon o ekspresyon sa mukha ko. Gayon din ang tingin niya sa'kin simula umpisa kaya hindi na nakakabigla nung makita ko iyon sa mukha nya.
"Let's go." aniya tsaka hinatak na naman ako.
Walang imik na nagpahila lang ako. Wala akong nararamdamang kahit na ano ngayon kasi alam kong nalinis ko naman na ang dapat linisin noon.
Naglakad kami ng naglakad hindi ko na pinansin ang ngangalay kong hita dahil alam kong wala rin naman nang pakealam sa'kin ang lalaking humihila sa'kin ngayon.
Umaga ngayon kaya alam kong walang gaanong bampira sa paligid 'tsaka isa pa wala rin namang magagawa ang mga 'yun sa'kin一sa amin.
Tumigil na naman sa paglakad si Lucas kaya agad akong napatingin sa harapan namin. Nagkasalubong ang kilay ko nung makita ang pamilyar na bahay na to.
Hindi na ito katulad ng dati kung saan maganda at magarbo一 halos hindi na ito makita o mapansin dahil sa mga halamang nagsikapitan sa pader nito.
Napangiwi ako dahil alam kong ako rin naman ang may gawa nun. Ayaw kong pahirapan pa ang sarili kong linisin ang mga pictures sa loob para lang tirhan ng kung sino.
Alam ko rin naman kung paano maawa lalo na't matanda na rin ang babaeng yon pero hindi ko inaasahang parang mabubura talaga 'to sa kagubatang to.
Napatingin ako kay Lucas nung may marealize ako..
'hindi kaya..' hindi ko na natuloy ang sasabihin ko sa aking utak nung hinila nya na naman ako papasok.
Pagpasok ko sa loob ay nagulat ako nung makitang malinis ito at walang bahay ng gagamba o kahit ano.
Napangiwi ako nung sa wakas ay bitawan nya na ang kamay ko. Agad ko iyong in-strech dahil sa tingin ko talaga ay nabali na ito sa sobrang higpit ng hawak nya.
"Huwag na huwag mong isiping tumakas, shakira." walang emosyon nitong ani.
Napairap nalang ako. "As if gusto ko ring tumakas." natatawang ani ko.
Alam ko namang hindi matatapos 'to sa muli kong pagtakas. Mauulit at mahuhuli niya pa rin ako kaya bakit pa 'ko tatakas hindi ba? Wala talagang sense.
Sa totoo nga lang ay kaya ko nang lumaban. Kaya ko na ngang tumakas at pat*yin ang lalaking 'to ora mismo dahil narito kami sa kagubatan ko, hindi ko lang magawa dahil gusto kong makita kung anong susunod nya pang gagawin.
Umupo ako sa malambot na sofa. Napaka-komportable talaga nun kaya nasasayangan talaga ko kung sakaling magiba ang bahay na 'to.
"Magkamag-anak ba kayo nung matandang yon?" hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.
"Shut up." malamig nitong ani bago pumasok sa isang pinto na batid kong kwarto nito.
Matunog akong ngumisi at humilata sa sofa.
Hindi ako nakakaramdam ng takot o ano pa man dahil ito rin naman ang gusto ko sa una pa lamang. Gusto kong mawala para sa kapayapaan.
Naalala ko pa noong idineklarang ako na ang mamumuno sa kagubatang 'to ay pinangako ko sa sarili kong kung buhay ang kapalit para sa kapayapaang 'to ay ipapaubaya ko ng walang sama ng loob.
Handa akong mamatay para lang bumalik ang kasiglaan at kapayapaan ng kagubatang minahal ko.
Pagod na rin naman kasi ako. Ayaw ko ng lumaban pa at mas gugustuhin nalang na payapang mawala sa mundong ibabaw.
Hindi ko na alam kung ilang segundo,minuto o oras akong nakahilata habang nakatulala sa sofa dahil namalayan ko nalang na gabi na nung tumingin ako sa bintana na naratakpan na ng mga dahon.
Hindi pa sana ako tatayo nung bigla kong maamoy ang pamilyar na amoy na yon. Mabilis akong tumingin sa pinto at hindi ko maipaliwanag ang naramdaman kong kaba.
'Nariyan siya..' mariin kong bulong sa sarili.
Alam na alam kong ang amoy nito. Amoy na dati ay nagustuhan ko.
Kabang kaba ako nung bigla kong marinig ang pagbukas ng pinto, roon ako napalingon. Salubong ang kilay na lumabas mula don sa Lucas na halatang naramdaman din ang presensya nya.
Napatayo na ko mula sa pagkakaupo nung marinig ko ang tatlong beses na pagkatok na yon!! Mabibigat ang katok na yon na tila ba may dala-dalang sama ng loob ang nasa likod ng pinto.
Naguguluhang napatingin ako kay Lucas na salubong pa rin ang kilay na nakatingin din pala sa'kin. Nung makitang nakatingin din ako sakaniya ay agad siyang umiwas ng tingin.
Isang mabigat na buntong hininga ang narinig ko mula sakaniya bago mabibigat ang paang lumapit sa pinto. Nagulat pa 'ko nung bigla niya iyong buksan kaya hindi na ako nakatago pa!
Napapalunok na napatingin ako sa taong kumatok at tama nga ang hinala ko一 Siya nga iyon.
Napalabi ako nung titigan ako nito ng matagal.. Sobrang tagal na hindi ko na nagawang alisin ang titig ko mula sakaniya.
Nakahinga lang ako ng maluwag nung alisin na nito ang tingin sa'kin at ibinalik ang tingin kay Lucas.
"You're new here?" ang baritonong boses nito ay nagbigay ng goosebumps sa katawan ko. Ang akala ko talaga ay hindi ko na iyon maririnig pa.
Tahimik namang tumango si Lucas na alam kong bagot na bagot na nakatingin sa lalaking ito.
"Hm, She's your wife?" hindi ko alam kung halisunasyon ko lang ba iyon pero para talagang may diin ang pagbanggit niya ng word na wife.
"Yeah, she's my wife. We'll stay here for quite awhile." sagot naman ni Lucas.
Tumango tango ang lalaking kausap nito. Hindi nakaligtas sa'kin ang pagsulyap nito kung nasan ako at ang ngising biglang sumilay sa mukha nito.
"Well, I've got curious when I saw the lights on, I thought no one would live here forever." anito na hindi pa rin nawawala ang ngisi.
"Hm, My mother is the owner of this Abandon House. Me and my wife are here just to visit since my mom love this house so much." mahaba namang paliwanag ni Lucas.
Tumango tango ang lalaki 'tsaka nagpaalam ng umalis at masasabi kong hindi lang isa o dalawang beses ko siyang nahuling nakatitig sa'kin.
bago pa man ito umalis ay nagulat pa 'ko nung bigla itong tumingin sa'kin na may kakaibang ngiti. "Take care of yourselves, our new neighbor." anito bago sinulyapan at tinanguan si Lucas at umalis na.
Sinara ni Lucas ang pintuan matapos ihatid ng tingin ang lalaki. Napayuko ako at ilang beses napalunok dahil sa kaba.
Ang laki ng pinagbago ni roz. Mula sa ulo hanggang paa.
Ang dating maayos nitong buhok ay tila binagyo dahil sa sobrang gulo't haba na nito. Maski ang dating hindi natutubong balbas ay ngayon humaba na. Ang putla putla na nito isabay mo pa ang nangingitim nitong eyebag.
Nagmukha siyang miserable at hindi ko alam kung anong nangyari bigla't nagkaganon siya.
kanina nung tignan ko naman siya ay parang maaliwalas ang mukha niya. nagagawa niya pang ngumiti ng tipid.
Napabuntong hininga nalang ako't bumalik sa reyalidad nung magsalita si Lucas.
"Aalis lang ako. Huwag kang aalis一huwag mo'kong subukan shakira." diin pa nito.
Napa-irap nalang ako sa hangin. Hindi ko na siya tinignan pa, basta narinig ko nalang ang pabagsak na pagsara ng pinto.
Ilang segundo, minuto, oras akong nakatulala sa kawalan. Iniiwasan kong mag-isip ng kung ano ano dahil kilala ko ang sarili ko一 makakalabas ako kung gugustuhin ko.
"Gusto ko siyang makita." malungkot kong ani.
Napatakip ako sa bibig ko nung marealize ko kung anong sinabi ko! Napailing ako at pilit na inalis sa isip ang gusto kong gawin ngayon.
'Hindi pwede.. Hindi yun pwede.' aniko sa sarili.
Muli akong tumulala sa hangin munit ilang saglit pa'y napatayo ako't naigulo ang buhok!
Napapadyak ako sa inis kasabay ng paglalakad patungo sa pinto. Hahawakan ko na sana ang doorknob nung bigla na namang magbago ang isip ko.
Malakas kong ipinilig ang ulo ko't umatras sa pinto. Mariin kong tinignan ang doorknob na para bang gusto ko na iyong masunog para hindi ko na maisip ang gustong gawin ng puso ko.
Napairap ako sa hangin at muling naglakad patungo sa sofa pero nakakailang hakbang pa lamang ako nung tumigil ako sa paglalakad.
Hindi ko na mapigilan ang sinisigaw ng puso ko一Gusto na niya itong makita.
napakagat ako sa labi upang pigilin ang nagbabadyang luha.
Hindi ko maipagkakailang namiss kong tignan ang mukhang iyon. Ang kulay kape nitong mga mata, ang matangos nitong ilong at ang mapupulang labi.
Napabuntong hininga siya't nagpasiya nang sundin kung anong sinisigaw ng puso niya.
'Saglit lang. Kahit ilang segundo o oras lang..' ani ng puso ko.
Kasabay ng pagkabog ng dibdib ko ang paglalakad ko patungong pinto at noong tuluyan ko nang nabuksan iyon ay tumambad sa'kin ang madilim na kapaligitan at nakakapangilabot na hangin.
Huminga ako ng malalim at unti unti iyong ibinuga.
Nasa katawan pa rin ako ng tao kaya't wala akong night-vision na katulad sa mga bampira.
Madilim at nakakatakot ang dilim na iyon.
Pero dahil sa kagustuhan ng puso ko'y agad akong lumabas ng bahay. Ang takot sa puso ko ay biglang naglaho, siguro ganon nga talaga iyon kapag may gusto kang gawin一nawawala ang takot mo sa lahat ng bagay.
Gabi ngayon at kitang kita ko ang kabilugan ng buwan kahit pa halos itago na ng mga puno ang kagubatang ito. Nagpapasalamat ako sa buwang iyon dahil kahit papano'y mayroon pa ring liwanag na pumapasok sa kadilimang ito.
Naglakad lang ako nang hindi alam kung saan nga ba tutungo. Tila alam ko ang pupuntahan at the same time ay hindi naman.
Napalunok ako nung mapansin kung saan balak pumunta ng mga paa ko. At iyon ay walang iba kung hindi sa statue na iyon.
Natigilan ako kasabay ng pamumuo ng luha ko nung makita ang isang pamilyar na pigura. Kahit hindi ko kita ang mukha nito'y kilala ko naman ang malaki at malapad nitong katawan at ang magulo nitong buhok..
Kahit pa naratakpan ito ng statue ay kilalang kilala ko na agad kung sino ang nasa likuran non...
Naamoy ko ang pamilyar niyang amoy mula sa hangin..
Naikuyom ko ang aking kamay para pigilan ang sariling lumapit sakaniya. Easy shakira, hanggang dito kalang.. Hanggang dito ka nalang.
Ilang beses kong kinurap ang aking mga mata upang pigilan ang luha. Wala na naman ako sa sariling naglakad patungo sa harapan ng statue na iyon.
Kahit anong pilit at pigil ko ay wala na kong nagawa kun'di ang silipin siya mula sa likuran ng statue.
Atlas, nakita ko na ang mukha niya munit mayroong emosyong kakaiba dito. Ramdam ko ang pinaghalong galit,inis,pagtataka mula rito.
Humigpit ang hawak ko sa statue.
Hindi ko man nababasa ang utak niya'y alam kong sa bakas ng dalawang pares ng kamay ito nakatingin. Alam kong dito siya nagtataka kung paanong may statue sa gitna ng gubat habang nasa dalawang pares ng kamay nya naman nararamdaman ang galit at inis; galit dahil hindi niya alam kung paano siya nakapunta roon at inis dahil paanong nakaprinta ron ang bakas ng kamay niya.
Hinayaan ko ang sarili kong pagmasdan at hanggaan ang mukha niya. Tinignan ko ang mukha niya at sa ganito kalapit, nakikita ko na ang buo nyang mukha; mula sa magugulo nitong buhok, mas kumapal niyang kilay, sa mahaba at kulay kape niyang mga mata, sa matatangos niyangg ilong, sa tumubo niya nang balbas na tila hindi uso sakaniyang mag-shave man lang, at higit sa lahat ay ang mapupula niyang labi.
Lahat ng iyon ay nakita ko pero hindi pa rin enough para sa'kin ang titigan lang siya.. Parang may gusto pang gawin ang katawan ko ang kaso nga lang ay bawal.. Bawal na.
Ilang oras pa siyang nanatili ron bago inalis ang mga kamay sa statue at umayos na ng tayo. Naglakad siya papalapit sa'kin na halos ikinahigit ko ng hininga.
Alam kong hindi niya ako nakikita munit hindi ko maiwasang hindi huminga dahil malapit siya. Halos rinig na rinig ang malakas na tibok ng puso ko at pinapanalangin kong sana hindi niya marinig iyon.
Nanginginig at nilalamig na rin ang kamay ko dahil sa kaba at nawala lang iyon nung lagpasan niya ko..
Nakahinga ako ng maluwag at pinagmasdan ang likod niya.
Mapait akong ngumiti. "Take care of yourself, roz.. After this, I am not here anymore to look at you like this.. I am not here to look if you're doing well or not.. I am not here to love you anymore.. After this, It might be the end of the word for me. " malungkot kong bulong habang nakatitig sa malapad niyang likuran.
Pinagmasdan ko siyang mawala sa kagubatan hanggang sa bigla ko nalang naramdamang may humigit ng braso ko na halos ikangiwi ko!
Nung tignan ko kung kaninong kamay yon ay halos magkasalubong ang kilay ko一paano niya nalamang nandito ako?
hindi siya nagsalita kaya pilit kong binabawi ang braso ko sa higpit ng hawak niya.. kaso lang hindi ko pa nahihigit ang braso ko nung may nakita akong anino ng tao na papalapit.
At ang amoy na iyon ay kilalang kilala ko..
I growl when I found out that my instincts are right.
She's here.. She's still alive! D*ng!
Nakagawa ng tunog ang pagkuskos ng ngipin ko dahil sa sobrang galit. Gumagalaw ang panga ko habang masama ang tingin sa pigura ng babaeng kinagagalitan ko.
"Welcome back.. Annette. Or should I say shakira?" nakangisi nitong ani.
Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Nakatitig lang ako sakaniya一 at kung nakakamatay nga lang ang masamang tingin..
Alam kong ora mismo patay na ang matandang 'to.