webnovel

Chapter 13

Linggo ngayon at panibagong araw na naman ang haharapin ko. Late na nang nagising ako. Naligo at nagbihis bago ako bumbaba ng sala. Namataan ko agad si Mama sa baba at may kausap na hindi pamilyar na dalawang babae saakin. 'Yong isa'y matanda na at namumuti na ang kanyang kulot na buhok. Ang kasamahan naman nito ay nasa kaidaran lang ni Enzo at mukhang matanda nga saakin ng ilang taon.

"Licia, gising ka na pala. Bilis! at may ipapakilala ako sa'yo." Si Mama at mabilis na hinila ako palapit sa dalawang babae. Nahihiyang ngumiti pa sila saakin.

"Ayan, may mag babantay na saiyo kung sakaling uuwi kami ng Papa mo sa Butuan."

"Po?"

"Ito, Ito, Manang lapit ka. Ito si Manang Judy at ito naman ang anak niya na si Rosaline. Matanda iyan sa'yo kaya Ate itatawag mo."

Gusto ko sanang magprotesta bakit ngayon niya pa napag-isipan ito. Pwede naman si Enzo na magbabantay saakin. Bumuntong hininga ako at wala ng magawa kung hindi itugon ang ngiti sakanila at nagpakilala na rin.

Dahil wala naman akong magawa sa araw na ito ay pumunta muna ako ng rooftop para tapusin iyong lining. Gusto ko sanang bisitahin siya ulit sa opisina niya pero kahapon lang pinagsabihan niya na akong tungkol doon. Ano bang problema sa pagbibisita ko? Baka naman may tinatago siya doon?

Hindi ko talaga alam anong meron at ayaw niyang andoon ako. Okay lang naman saakin kahit nakaupo lang ako at pagmasdan siya the whole time, hindi ako magsasawa nun, no!

"Bakit ayaw mo akong bumisita roon?"

"Hindi kita mababantayan kung pupunta ka bukas. I have lot of things to do, Licia, at matatagalan pa iyon."

"Hindi naman ako bata para bantayan mo ako, Enzo. Titingin lang ako sa bagong desinyo ni Tit-"

Umigting ang kanyang panga at iritadong binalingan ako nito.

"Iyon lang ba o meron ka pang ibang gustong makita?" May kahulugan na tanong niya saakin.

Kumunot naman ang noo ko at lito-lito sa sinabi niya. Kahapon din ito rin ang sinabi niya saakin kaya hindi ko alam sinong tinutukoy niya!

"Syempre, ikaw nga ang gusto kong makita! May iba pa ba?"

"Just do what I said."

"Wala akong gagawin sa baha-"

"Just do what I said." Mariin na sabi nito ulit saakin.

Iritado at padabog na binababa ko ang hawak na lapis. Pupunta kaya ako? Pero paano nga pagtotoo iyong sinabi niyang magiging busy siya ngayon? Pero saglit lang naman. Sisilip lang ako sa opisina niya tapos uuwi agad ako. Iyon nga, Iyon ang gagawin ko.

Binuksan ko rin saglit ang facebook ko at nakita roon ang napakaraming mensahe na hindi ko naman kilala. May nag 'hi' at 'hello' rin. At hindi na ako nagulat nang makita ang pangalan ni Alvino roon.

"I like your pictures here. Pero mas maganda ka sa personal."

I made a face at hindi makapaniwalang kahit rito ay humihirit siya. Napaka playboy niya talaga! Halata naman, eh. Well, sorry ka nalang Buendia, hindi kita papatulan sa mga pakana mo. Pero kahit ganoon, sa kaonting interaksyon namin, masarap naman siya kausap kahit minsan nakakairita.

May groupchat kaming tatlo ni Alessa at Slyvannia kaya binuksan ko iyon at nakita ang mensahe ng dalawa para saakin.

"Sama ka saamin ni Slyvannia. We're going to the club, tonight!"

"Oo nga, Licia. Lagi mo nalang kami tinatanggihan rito."

"At 7pm, pumunta ka, ha?"

At ano... club? Wala pa kami sa legal na idad para pumunta roon, ah! Hindi ko nga alam kung papayagan ako ni Mama tungkol sa inaalok ng dalawa. Wala talaga magawa ang mga 'to at puro nalang gala. Pero pag-iisipan ko ito. Bibisita nga kasi ako sa opisina ni Enzo kaya hindi ako sigurado kung makakapunta nga ako roon.

"Titignan ko pa."

Iyon lang ang mensahe ko sa dalawa bago binaba ang hawak na cellphone.

Nakapagbihis ng bohemian Trouser with Gucci black belt at tinernohan ng black spaghetti ay bumababa agad ako. Hinayaan ko ring bumagsak ang maalon kong buhok. Agad nadatnan ko si Ate Rosaline at Manang Judy. Hindi ko alam anong itatawag ko, pero okay na siguro 'yong manang.

"Hello, Ma'am, Licia." Nakangiti nilang bati saakin habang mukhang abala na sa pagluluto.

"You're too pormal!" Bahagyang natawa pa ako. "Licia nalang po."

"Pasensya na, iha. Nasanay na kasi kami na ganoon ang tawag namin. May lakad po kayo, Ma'am...ay Licia?" Pagtatama niya nang magkamali ulit sa pagtawag saakin.

Ngumiti ako at tumango.

"Erase the 'po', Manang. Mukha naman akong matanda niyan."

Nahiyang ngumiti naman ito saakin.

"Si Mama po?"

"Ah..may meeting daw siyang dadaluin kasama ata iyong sinasabi niyang Jory. May ipapagawa ka, iha?"

"Ah! Wala po. Aalis po kasi ako. Pakisabi nalang kay Mama pumunta ako ng De Martino."

"Sige, sasabihin namin kay Ma'am Lucia." Si Ate Rosaline na ang sumagot. Morena, maganda at matangkad siya. Sa tingin ko pasok narin sa pagiging modela.

Ngumiti ako sakanila at nagpaalam na rin pagkatapos. Ginamit ko narin ang isang kotse sa garahe.

Thirteen palang ay tinuruan na ako ni Papa paano magmaneho ng kotse, kaya nakabisado ko na rin ang pagdadrive.

Siguro, pagagalitan niya ako bakit ko siya sinuway. Wala naman kasi akong gagawin sa bahay, kaya anong problema kung bibisita nga ako roon? Tsaka..isa pa, wala kaming pasok. Minsan na nga lang akong ako makapunta sa opisina niya, pagbabawalan pa ako.

Binati agad ako nang iilan nang makarating ako. Unang pasok palang ay makikita mo na ang iba't ibang klaseng furniture na gawa sa ibang mamahaling materyales. Ang iba'y na import pa sa ibang bansa.  Some of De Martino Furniture ancient ideas were hand curved.

"Goodmorning, Miss!" Si Lila na bumati saakin.

Kumaway ako at nakangiting lumapit sakanya.

"Goodmorning, Lila. Si Enzo?"

"In his office, Miss Licia. May appointment siya kay Ma'am Arianne, ngayon."

"Sino?" Ulit ko.

"Si Arianne Mendoza, Miss. She was known designer from UK."

Known? Pero bakit hindi ko kilala?

"Ano raw ang pinag-usapan?" Hindi ko napigilang magtanong kay Lila.

"She's here to offer new design again to 'De Martino. Iyon ang pagkakaalam ko. Hermes Furnishing, fabrics and wallpapers. This is an Hermes Collection, Miss Licia."

Hermes? Mahal iyon!

Tumango-tango ako at napansin ang sinabi ni Lila. Again? So..hindi lang ang una niyang pagbisita rito? Pang ilan niya na ito?

Ano naman ngayon saiyo, Licia? Ganoon ka na ba talaga ka baliw kay Enzo at pati ito gusto mo nang imbestigahan! This is just part of his work!

"Talaga?" Sarkismo pa ata ang naging tanong ko sakanya.

"Kung pwede tawagan ko nalang siya, Miss."

"Huwag na, Lila! Puntahan ko nalang." Ngumiti ako sakanya at nagpalam na pagkatapos.

Nakita ko pa si Cato bago ako nakapasok ng Elevator, at mukhang may inaayos yata. Hindi ko akalain marunong rin pala siya sa mga ganoon. Kumaway lang ako sakanya at ngumiti.

Napansin kong nakabukas ang Sliding door sa opisina ni Enzo. Isang dungaw lang kita na ang sa looban nito. Nakangiting hinakbang ko ang mga paa ko nang tumigil agad ako dahil sa hindi inaasahang makita. Gulat na gulat at dismayado bakit pumunta pa ako rito.

Hindi ko alam kung susugod ako sakanila o mananatili lang ako rito. Pero ano bang karapatan ko roon? Hindi ko nga siya boyfriend, hindi ba? Ano nga ba ako? Kapatid lang naman, hindi ba? Tinuring na parang kapatid. Kumuyom ang panga ay mabilis na tumalikod ako at ayaw nang patagalin ang titig ko roon.

Nagmamadaling pinaalis ko ang mga luha nang maramdaman ang paglapit ng kung sino. Humarap ako at napatalon sa gulat nang makitang nasa harapan ko na pala si Cato.

"Licia, okay ka-"

Nagiwas ako ng tingin at ayaw makita itong mga luha ko.

"O-okay lang ako!" Putol ko at nagmamadaling umalis. Bago niya pa ako mahawakan ay nakapasok na agad ako ng elevator.

Hindi ko na miapaliwang itong nararamdaman ko. Parang pinipiga ang puso ko dahil lang nakita ko siyang may kahalikan ng ibang babae.

Alam ko naman na mangyayari ang ganoon eksena sakanya pero hindi parin ako makapaniwalang nakita iyon ng sarili kong mga mata.

Ano naman ngayon kung may kahalikan siya, Licia? Tsaka..Hindi niya naman kasalan kung masasaktan ako rito. Hindi niya kasalanan kung nagustuhan ko nga siya noon pa man. Oo, Gusto ko siya, pero wala naman akong karapatan magalit.

Kung galit ako sa Roanne na iyon, mas nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon. At nawala lahat ng tapang ko. Nanghina at nangangatog ang buong katawan ko.

Ano..Ganoon lang ba? Ganoon lang ba kadali sakanya na makikipag halikan siya sa ibang babae pag gusto niya lang? Tanga ka pala, Licia! Kapatid nga ang turing sa'yo! Huwag ka ng umasa.

Iyong gabing hinalikan niya ako, para saan 'yon? Bakit niya ako hinalikan?

Ikaw Licia, bakit mo siya hinalikan? Kasi gusto mo siya, hindi ba? Eh, siya? Gusto ka ba? Ni wala nga siyang sinabi na gusto ka niya.

Right! Binigyan ko iyon ng malisya. Pero sakanya, mukhang wala lang! Ang tanga ko naman para isiping magugustuhan niya nga ako. Ni wala lang sakanya iyong halikan namin. At kahit paulit-ulit kong sinasabi sa sarili kong okay lang, na okay lang na hindi niya ako gusto. Pero ang sinungaling ko kung hindi ko sasabihing umaasa parin akong mamahalin niya rin ako. Gaya nang umasa rin akong gagaling din siya.

O 'diba? Ang positibo ko sa lahat. Kung magkasakit ako, baka positibo rin!

"Miss Licia, okay ka lang ba?"

Si Lila nang mapansin ang tuloy-tuloy kong lakad. Hindi na ako lumingon at nakayukong tinahak ang labasan. Bahagyang magmura sa sarili nang bumuhos muli ang luha ko. Hindi ko alam na ganito ka tindi na apektuhan ang puso ko. Ni hindi ko mapigilan ang sariling maluha!

Sumagip muli sa isipan ko ang babae na iyon. Matangos ang ilong, maputi at malaki ang hinaharap. Ang mahabang buhok ay nakatali. Hindi ko kailanman nakita pa ang babaeng iyon, ngayon lang. Sa eksenang naghahalikan talaga silang dalawa. Ilang babae na ba ang nahalikan niya doon? Syempre, marami na!

Sa palagay ko, ganoong mga babae ang gusto niya. Malaki ang hinaharap. At itong saakin? maliit lang, pero kaya ko naman gawan ng paraan. Kung gusto niya ng malaki, 'idi..magpapaturok ako!

I get it! Hindi niya gusto iyong mga halik ko kaya naghanap ng iba!

Damn him! May girlfriend na pala siya, eh! Sana nagsabi man lang!

Mabilis na kinuha ko ang cellphone at pinindot ang pangalan ni Alessa roon. Isang ring at sinagot agad ng bruha.

"Pupunta ako mamaya."

"Omygod! Talaga? Sabi mo 'yan, ah!"

"Oo nga!" Pagalit na sabi ko at hindi maiwasang sakanya maibaling ang iritasyon ko.

"Oh..chill lang!" Natatawa niya.

Umirap lang ako at binaba na ang tawag. Ang sakit kaninang naramdaman ay napalitan ng galit sakanya. Idi maghalikan siya doon! Gawin niya na ang gusto niya!

Napakasinungaling niya! Iyon ba ang rason bakit ayaw niya akong gustong bumisita roon? Kung ayaw niya na andoon ako atat na atat akong paalisin kahapon! Sana sinabi niya saakin para naman ako na mismo ang iiwas!

Lot of things to do, huh? Reall, Enzo? Iyon pala ang tinutukoy niya, maghalikan? Magsama sila!