webnovel

He's My Dream Boy (Completed)

Karen and Kian's story

Chixemo · Adolescente
Classificações insuficientes
100 Chs

Chapter 75: Avoid

Ang sabi ko sa sarili ko. Wag takasan ang kahit na anong problema dahil hahabulin ka din naman ito. Subalit ano itong ginagawa ko?. Tinatakasan nga ito.

"You're running?." sa pangpang. Pinili kong umupo sa may buhanginan at hinahayaan na tamaan ng mga alon na malalakas. Umupo si Aron sa gawing gilid ko't ginaya ako. He look far away. Tinatanaw ang bughaw na dagat. "Bryan saw something. Can you explain that?." if you're wondering why Aron is acting this way. It's because he's my cousin. Second degree, Both our grandparents are siblings. That's why. Pero weird din kasi para ngayon lang sya naging protective sakin. Siguro dahil may alam sya o baka nga naman, ang lalaki. Alam din ang bituka ng kapwa lalaki.

"Can I ask also why are you acting like you care?. May hindi ba ako alam?." di ko sya tinapunan ng tingin. Malamang di rin ito nagulat sa naging tanong ko. Di rin kasi kami gaanong close as a cousin. Alam mo yung tipong casual lang na kamustahan pag may gathering tapos pagkatapos nun, wala na. Bakit ngayon.

"I know you'll be asking that anytime soon. I'm just curious here. Kahit naman hindi tayo gaanong close bilang magpinsan. Concern pa rin ako sa'yo.."

"Bakit nga?. Concern for what?."

"Tsk." Singhal nito. Mukha ngang may alam. "Kian is a big fat jerk Karen." tumigil sya. Magtataka ba ako dun?. Hindi na yata. Nakita ko na kasi ang side nyang iyon nung pinakita nya sakin ng harap-harapan ang ugali nyang yun. "And he's not a good influence to you.."

"I know what I'm doing couz.. Don't worry.." paniniguro ko naman dito.

"So, you're planning something?. Tell me. I'll help. We'll help.."

"Ng tropa?. No.. wag na kayong makialam pa. Gulo namin to. Kaya atras nalang kayo."

"Pero gusto naming tumulong.." giit naman nya.

Inilingan ko sya. Nililipad ng mainit na hangin ang mahaba kong buhok habang ang mga paa ko naman ay minamasahe ng maliliit na mga bato na tinutulak ng alon. "Tulong na rin ninyo sakin ang wag makisawsaw pa Aron. I'll seek help if I needed it to. Sa ngayon. Tama na ang hayaan muna ako sa kung paano sya sabayan sa mga ginagawa nya."

"But you're tolerating him?. Papayag ka bang dalawa kayo ang pagsabayin nya?. Hindi yata tama Kaka.. isusumbong kita sa mga Ate mo." hinawakan ko sya sa braso. Nagsusumamo.

"Don't ever do that. Hindi mo magugustuhan ang gagawin nila Ate kapag sinabi mo ito sa kanila." tinignan nya ako ng mabuti. Nagdadalawang isip kung papayag ba o magmamatigas rin sya. Sana. Tumango.

"Fine. Pero, di ako mangangako na manonood lang dito ha?. Sinasabi ko na rin sa'yo dati to. Hindi mo rin magugustuhan ang gagawin ko kung hahayaan mo lang syang gawin ang nakagawian nya." tinanguan ko na lamang sya. AYOKO rin namang makipagtalo pa. Baka, totoohanin nga nyang isumbong ako kila Ate. Nalintikan na. But I trust him. Knowing him. Hindi sya ganun. Siguro. Sana.

"Tara na. Ikaw na pasahero ko sa likod." hinila nito ako patayo. Nakisabay na rin ako. "Lulunurin natin yang lover boy mong timer."

"Aron?." suway ko dito.

"Now you're defending him.." anya. Sabay ng paglakad namin patungo sa aming kasamahan.

"I'm not. Kasi. Wag ka namang harsh masyado."

"Hayst... ewan ko sa'yo.." iniwan na nya ako't mabilis na tinungo ang isang itim na jet ski. Nakasakay na rin ang iba. Partner sina Bryan at Ryan. Bryle at Dennis. Winly at Poro. Pinaandar na ni Aron ang sasakyan. Si Lance naman ay nagtungo sa pulang jet ski na katabi ni Aron. "Bamby, dito ka sa likod ko." he decided. Humaba naman ang nguso ng isa. Mukhang ayaw o napilitan sa naging desisyon nya. Naiwan kami nina Jaden, Kian at ako. Yung iba pa naming mga kasama. Nauna nang umikot.

"Let's go, Kaka." hiyaw na ng pinsan ko. Eksaktong nagkatinginan kami. Agad kong iniwas sa kanya ang mata saka humakbang. Ngunit, pinigilan ako ng kamay nyang humawak sa braso ko. Marami akong gustong sabihin. Marami akong hinaing at reklamo sa kanya na gustong iparinig subalit mas nanaig sakin ang manahimik at piliing lunukin na lamang ang mga yun.

Para saan pa ang paliwanag nya diba?. Narinig mo naman na Karen kung ano sya at kung sino sya. He's a jerk. At hindi yata magbabago iyon. Nakasanayan na nya eh.

Nagpaligsahan nga kami sa tubig. Kung sino ang mahuhulog ang partner nya sa tubig. Talo na. Ang natira. Kami. Sina Winly, at Jaden. Si Bamby. Sya ang unang nahulog kanina. Kaya dismayado naman ang mukha ngayon ni Jaden. "Ano bang premyo dito?." bulong ko kay Aron na nag-aayos ng live jacket na suot.

"Pride..haha.."

"Tsk.. kahit wag ka nang manalo.. marami ka naman nyan eh. hahaha.."

"Ano?. Ihulog kaya kita dito para kainin ka ng pating?."

Nagsalubong ang kilay ko sa sama ng biro nito. Pating talaga?. Ayoko ng ganun!

"Wala ka talagang baon na biro noh?. Magkapatid ba kayo ni Lance ha?."

"We're best of friends, cuz.."

Natawa ako sa arte nitong magsalita. I think ginaya ang kung paano magsalita si Lance.

"Game." deklara ni Poro kaya napakapit ako ng mahigpit sa damit nya.

"Damn Karen! Kumapit ka ng mabuti. Tatamaan ka sakin kapag natalo tayo rito.." malaking banta nya.

Nangyari nga ang hagupit ng paligsahan. Unang nahulog si Winly tas sunod ako. "Psh!. Get lost.." psh!. Para iyon lang. Nagalit na agad. Abnoy!.

"Your cousin is so fierry huh?." sumulpot si Kian sa likod ko. Hilig ba nyang gawin ito?. Ang sumulpot kahit saan?. Tsk. Abala ako sa pag-alis ng live jacket. Iniwan kasi ako nung mabait kong pinsan. "Ang talim tumingin sakin eh." dagdag pa nya. pero di ko sya sinagot. Inabala ko lang ang sarili sa ginagawa. Hanggang sa natapos ko ito at paalis na para bumalik ng Villa. Inaantok na ako. Gusto kong umidlip.

"Kaka. Are you avoiding me?." he asked. Nakasunod pala ito sakin.

"Nah.." sagot ko ng di sya tinatapunan ng kahit katiting na tingin.

"Then, why are you running away from me?."

"I'm just tired." I reason out. Akala ko, titigil na ito. Hindi pala. Sumunod pa hanggang sa silid na pinasukan ko. Buti nalang naharangan na sya nina Winly at Aron.

"Sorry, handsome. The Beauty needs to rest. Of course, with the beast.."

"Ahahahahahaha!." nagpigil man ng tawa si Aron. Napakawalan nya rin ito. Isa din kasing abnormal tong bakla eh.

"But?." Kian spoke. He has so many buts.

"No more buts. Or else, I'm gonna eat your butt.."

"Winly!. Gross!.." si Bamby ang sumigaw. Napatingin din tuloy ang mga tao sa sala. Pati si Jaden at Lance. Napatayo sa narinig.

"Kidding aside. But the truth is, please move aside. You have no space here.." Dinig kong saad nito sa kanya. "And, of course, for you, to her. Get lost." bulong nalang nya itong sinabi ngunit dinig ko pa.

Ako ang nasaktan sa narinig mula sa kaibigan. Why am I so soft towards him?. Yung kahit nasasaktan na ako, sya pa rin iniisip ko?. Martir ba tawag dito o sadyang ganito lang ako pagdating sa kanya?. I don't know.